Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 21 - CHAPTER 19: By The Light of The Silvery Moon

Chapter 21 - CHAPTER 19: By The Light of The Silvery Moon

CHAPTER 19: By The Light of The Silvery Moon

BLAIR WADSON

Tuluyan na akong pumasok sa kasukalan ng gubat. Mas naging matatayog pa ang puno na nakapalibot sa akin. Halos hindi na nakakapasok ang munting ilaw na nagmumula sa buwan sa itaas dahil sa mga makakapal na dahon ng mga puno. Slowly, my vision adjusted to the vast darkness that took over almost the entirety of the forest. Tanging ang panaka-nakang pag-apak ko sa mga tuyong dahon sa ilalim ng sapatos ko, at ang malakas na kabog ng aking dibdib ang naririnig ko. Maliban doon, balot ng katahimikan ang paligid. Not the kind of silence that was peaceful. This silence was more of like the eerily quietness that made the hairs on my skin stood up.

Bigla ay nagsisi ako dahil nag-iisa akong naglalakad sa kadiliman. Ni wala akong ideya kung may mga mababangis na hayop dito. At kung meron man, sigurado akong wala pang isang segundo ay mapapatay na nila ako. Nakakatakot isipin na baka pinagmamasdan na nila ako nang tahimik habang tumatahak ako ng daang hindi pamilyar sa akin. Saglit akong napaisip kung ligtas ba na buksan ko ang flashlight ng phone ko— Napatigil ako roon nang maalalang kinuha nga pala ni Sir Denver ang mga phone namin. Humugot ako nang malalim na hininga at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang lumingon ako sa likuran ko, hindi ko na maaninag ang bus at hindi ko na rin marinig ang boses ng mga kaklase ko. Malayo na siguro ang narating ko. There's no going back now, I told myself.

Naglakad-loob akong tawagin ang pangalan ng mga taong nagdala sa akin dito. "Evangelyn!" I shouted. But only the echo of my voice answered. "Stacey! Eyrene! Bridget!" pero wala pa ring sumasagot. Gaano ba kalayo ang narating nila?

I looked around me. Pulos mga puno pa rin at mga makakapal na halaman. Noon ako nakaramdam ng takot. Bigla ay gusto ko nang tumakbo pabalik. But then I realized, hindi ko na matandaan ang daan pabalik sa bus. Napahampas ako sa noo ko at marahas na bumuga ng hangin.

"Where the hell are you?" paanas na sabi ko sa sarili ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinisigaw isa-isa ang kanilang mga pangalan. Napansin kong habang palayo ako nang palayo, mas lalong bumababa ang temperatura hanggang sa tila tumatagos na ang lamig sa tela ng jacket na suot ko. Wala na ring saysay ang paghila ko niyon sa katawan ko. It was only a fleeting thought—for a second, I was scared that I'd die here in this cold place. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang isiping iyon. Hindi ako dapat nag-iisip nang mga ganoong bagay ngayong nasa kalagitnaan ako ng madilim na gubat. I have no one here. Sarili ko lang ang mayroon ako. But why do I feel so scared?

Iniling ko ang ulo ko, pinapalis ang isiping iyon. Muli kong isinigaw ang mga pangalan nila sa kawalan pero wala pa rin akong makita ni pigura nila. Baka naligaw na ako. Hindi ako sigurado. I shouldn't have entered this forest alone. Mabilis akong umikot sa puwesto ko, pinapasadahan ng tingin ang paligid. Biglang sumikip ang dibdib ko at bahagya akong nahirapang huminga.

Ang sabi nila, ang pinakanakakatakot na tunog daw ay ang nakabibinging tunog ng katahimikan. Iyon ang bumabalot sa tainga ko ngayon.

"Evangelyn!" I shouted as loud as I could.

This time, mas nilakasan ko pa iyon. Alam kong hindi na ako puwede pang magtagal sa loob nitong kagubatan. Masyadong delikado. Dapat sana ay naisip ko na ito kanina bago ko pinasok 'to. With every passing minute that felt like hour, I decided to just stay in one place for a minute or so before walking again. Pero wala pa rin akong makitang kahit bakas ng mga paa nila Evangelyn. Maybe I was just imagining them a while ago. Maybe they didn't really entered the forest. I mean, why would they? Maybe my mind was just playing tricks again kagaya ng kay Sabrina. I thought she was real but she wasn't. I silently prayed that that was not the case. I don't want to think that I entered this forest for nothing. Alam kong pumasok sila rito sa kagubatan. Sigurado ako roon.

"Stacey! Bridget!" I called out again but still no answer.

Naramdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong oras na at kung gaano na kahaba ang nilakaran ko. Mas maigi sigurong bumalik na lang ako at sabihin kay Sir Denver na hindi ko makita sila Evangelyn. Yes, that would be better. It's too dangerous for one person to be out here in the middle of the woods at night. I have no idea what may be lurking in between these thick trees around me. And I've watched enough horror flicks to know that I'd probably be the first one to get killed if I were inside a typical horror movie.

Akmang maglalakad na sana ako pabalik nang maramdaman ko ang malamig at malakas na paghampas ng hangin sa direksyon ko. Nangatog ang mga tuhod ko. Napabaling akong muli sa harap ko, sa pinanggalingan ng direksyon ng hangin. I thought it was also covered in complete darkness when four figures emerged from it. Four hooded figures. Nakasuot sila ng itim na roba at nakataklob ang hood niyon sa kanilang ulo. Tila ba bumaon ang mga paa ko sa lupa ay hindi ko magawang tumakbo. Something told me that I should be running right now. Pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Their dark robes were almost concealed by the darkness behind them. Alam kong dito sila sa gawi ko papunta.

At bumalik ang alaala ng mga imaheng nakita ko sa artikulo, ang mga lalaki sa misa at ang lalaking kausap ni Mrs Chua. They were also wearing the same outfits. But these figures who were chasing me doesn't have any eye badges. Pero hindi ko pa rin mapigilang isipin na baka isa sila sa mga iyon.

The sound of a bird flying past me brought me back to my senses. Pumihit ako sa opposite direction at mabilis na tumakbo. Pero napatid ako nang nakaumbok na ugat ng puno at nadapa sa matigas na lupa. Napaungol ako sa sakit pero mabilis akong bumangon at walang-lingon-likod na nagpatuloy sa pagtakbo. I couldn't scream. Hindi ko alam pero tila may biglang bumara sa lalamunan ko at nawalan ako ng boses. I ran as fast as I could. Hindi ko alam kung ang tinatahak ko bang daan ay ang pabalik sa bus o papunta sa mas gitnang bahagi ng gubat pero wala akong pakialam. I just knew I had to get as much distance from them as possible.

Bigla ay wala na akong naririnig sa likod ko kaya saglit akong napatigil at bumaling sa likuran ko. Wala na ang mga naka-robang pigura na kani-kanina lang ay humahabol sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala na sila. Pumihit ako patalikod at nauntog sa matigas na bagay. Nasapo ko ang ulo ko. Ang akala ko noong una ay nakabangga ako ng katawan ng puno. But when I looked up, familar eyes were staring back at me.

"J-John?" nauutal na sabi ko. I didn't realize that even my lips were quivering in fear.

Tumango siya at nagtatakang tiningnan ang mukha ko. "Uh, okay ka lang ba?" tanong niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat nang mawalan ako ng balanse.

"I-I'm fine," tugon ko at muling bumaling sa likod ko. Wala na ang mga pigurang humahabol sa 'kin. As if they weren't there at all.

"What are doing here anyway?" untag niya.

"I-I—" simula ko pero hindi ko maapuhap ang mga tamang salita. I couldn't exactly tell him that four hooded figures were following me a few moments ago and then they were suddenly gone. I doubted he would believe me kaya sinabi ko na lang ang rason kung bakit talaga ako pumunta rito. "I was looking for Evangelyn and her friends," hinihingal na pagpapatuloy ko.

Nang muli akong tumingin sa kanya, nakakunot na ang kanyang noo na nakatingin sa likuran ko.

"What the hell?" aniya.

Paglingon ko, naroon ulit ang apat na naka-robang pigura. Palapit ulit sila sa direksyon namin.

"Takbo!" bulyaw ko kay John.

Nang pumihit siya patalikod para tumakbo, nawalan siya ng balanse at malakas na bumagsak sa lupa, bringing me with him. Napasampa ako sa kanyang dibdib. He growned in pain. Napangiwi lang ako. He massaged his head and tried to stand up when he saw me on top of him. Ngayon ko lang na-realize ang posisyon namin. I quickly pushed my body off of him. But the moment I turned, the hooded figures were already a few steps behind me. Hindi ko napigilang sumigaw. Napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. I waited for a few minutes before I heard people laughing. When I turned my head again, tinanggal na nila ang kanilang balabal only to reveal their faces. Sila Evangelyn, Stacey, Eyrene at Bridget iyon. Pulang-pula ang kanilang mukha sa kakatawa.

"You... you should've seen your faces," hinihingal sa kakatawa na sabi ni Evangelyn.

Nakaangil na tuluyan na akong tumayo at nagmartsa papunta sa kanila.

"You think that's funny, huh?" nanggigigil na sabi ko sa kanya.

Nagtaas lang ng kilay si Evangelyn sa 'kin. "Oh, what are you gonna do?" she said, pouting her lips.

"What will our little Miss President do?" Eyrene added.

Muli silang nagtawanan. Naramdaman ko ang mabilis na paghila sa akin ni John palayo. "Stop it, Evangelyn. You had your fun, now go back to the bus."

Evangelyn just rolled her eyes and walked past us. "Hindi pa tayo tapos, Blair," I heard Evangelyn say.

"Ano ba?" marahas kong binawi ang kamay ko kay John. Masama ko siyang tiningnan bago naglakad palayo. I heard his footsteps behind me. Naramdaman ko ang pag-alpas ng mainit kong luha. I quickly wiped it using the back of my hand.

"Blair! What's the problem?" hinawakan niya ulit ang braso ko pero pumiksi ako. "Blair, talk to me!" muli niya akong pinilit humarap sa kanya. Sa pagkakataong ito, masakit na ang paraab ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"You want me to talk?" pabulyaw na sabi ko sa kanya. "S-Sabrina could have lived if only you let me go that day! I could have stopped her pero nangialam ka! Hindi ako sana nako-konsensya sa pagkamatay niya! She needed saving! And it's my fault she died!"

Hindi ko napansin na humahagulgol na pala ako. I buried my face in my palms and cried hard. Hinayaan kong lumabas lahat ng luha sa aking mata. Na para bang matagal ko nang kinikimkiman ang emosyong ito. And there's nothing I can do to stop it. My tears seemed like a river continuously streaming down my cheeks.

When I looked at him, his blue eyes were glistening under the pale moonlight above, and for the first time, it seemed like an ocean—ocean eyes. He had this pained expression on his face as he stared deep into my eyes. I thought for a moment that maybe he's feeling the same emotions I'd been dealing with as well. Umiling siya bago nagsalita. Malat ang boses niya. "I-I'm sorry, Blair," he said, barely a whisper. "I-I didn't know."

I scoffed. "You didn't know? 'Yon lang ang masasabi mo matapos mo 'kong hayaang patayin ni Sabrina ang sarili niya? That's all you can say?"

Chaotic emotions engulfed me like a blanket. Sumaliw iyon sa lahat ng nararamdaman ko na. Pero mas nangingibabaw ang galit sa pagkakataong ito.

He tried to reach for my hand but I took a step back. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita ulit at patakbo na akong naglakad palayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong daang tinatahak ko. But I ran. I just wanted to get away from them for a minute. Sa palagay ko kapag nagtagal pa ako ng isang segundo roon, mababaliw na ako. Na tuluyan na akong lalamunin ng nararamdaman ko. Bumalik ang lahat. Ang pagsisisi ko sa pagkamatay ni Sabrina. Bumalik ang lahat na parang bulkang sumabog sa sistema ko. It was an unfamiliar feeling at first but I thought that maybe it would ease the suffering a little bit if I familiarize myself with that feeling. Napaluhod ako sa lupa at muling humagulgol.

My cries echoed through the vast forest around me. "I-I'm sorry, Sabrina... I'm s-sorry..." I kept on whispering under my breath. Suddenly, I was back to that version of myself after that day she died. Gusto kong magpalamon sa lupa sa mga oras na 'to. Maybe it would end this chaotic emotions inside me.

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang mag-yelo ang temperatura ng paligid. It was so sudden that I felt it change. Nagtatakang nagpalinga-linga ako sa paligid ko. And there I saw them. They were many of them. But this time, they had the same eye badge marked on their dark robes. Hindi sila gumagalaw sa kanilang puwesto ilang yarda mula sa akin. Mataman lang silang nakatitig sa direksyon ko. May mga suot na rin silang maskara na kahawig ng mukha ng pusa. I felt a cold hand ran down my spine that made my skin prickle.

"E-Evangelyn?" I said, almost a whisper.

Pero hindi sila sumagot. Ang unang naisip ko ay baka sumunod sila Evangelyn sa akin para ituloy ang kanilang pananakot. They succeeded at first why not try it for the second time, right? Saglit akong nakaramdam ng kaginhawaan pero napagtanto kong walang marka ng mata ang robang suot nig grupo ni Evangelyn. They had no masks but this group had masks on. Mabilis na nabalot ng takot ang sistema ko.

"Run, Blair!" a voice whispered behind me.

"H-help!" I screamed but my voice only came out hoarse. Wala nang oras para tumakbo dahil nagsimula na silang maglakad palapit sa puwesto ko. Their dark robes flapping in the strong wind. Tanging ang malakas na kabog lang ng dibdib ko ang aking naririnig.

Sinubukan kong gumalaw pero tila biglang umikot ang paligid ko. Matindi na ang bumalot na lamig sa kagubatan. Nanginginig na ang buo kong katawan. Pero sinubukan kong tumayo para bumagsak lang ulit. Wala ng luhang lumabas sa mga mata ko. Nang mapabuga ako ng hininga, may puting usok na lumalabas mula sa bibig ko.

"It's all for the New World Order, Blair," Sabrina's voice echoed in my ears. "All... for that... agenda."

Tuluyan na akong bumagsak sa lupa. I felt the rough surface of the earth against my cheek. Saglit kong nilabanan ang pagpikit ng mga mata ko pero nang hindi ko na iyon magawang labanan, unti-unti nang nilamon ng kadiliman ang aking paningin.