CHAPTER 20: The Descent
BLAIR WADSON
Nang buksan ko ang mga mata ko, napagtanto kong nasa ilalim ako ng tubig. I could barely see the light above. Unti-unti nang nauubos ang hangin sa katawan ko. Maybe in just a few seconds… I would die here.
Water crept up the fabric of my clothes, engulfing my skin with intense coldness. Pero may boses na nagsalita sa isip ko,
"Get your brother and your mother out first, anak. Susunod ako sa inyo…"
It almost felt like a promise. Sobrang pamilyar ng boses niya. And I realized that those were the last words my father had said to me before he was dragged down, trapped inside our car, deep in the dark water.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. I was surrounded by darkness everywhere I looked. Yes, this was the same lake where my father had died. Pero paano ako nakarating dito? Sinubukan kong lumangoy pataas pero hindi ko magawa. It's as if my feet were tied in an invisible knot.
Dumako ang tingin ko sa ibaba. And there it was—our car—same as ever, maliban na lang sa mga visible na lumot na nakikita ko. Naramdaman ko ang pag-init sa gilid ng mga mata ko. But no single tear escaped.
I swam to shallower water, where the car was located, and I felt my feet touch the bottom of the lake. Hindi ko na namalayan ang kawalan ng oxygen sa katawan ko. Napunta ang atensyon ko sa kotseng ito. I felt my heartbeat getting faster with every second.
Pumunta ako sa binatana na natatabunan ng lumot kaya kinailangan ko pang punasan iyon gamit ang aking kamay. Natulos ako sa kinatatayuan ako. Natutop ko ang bibig ko nang makitang naroon si Papa. Wala siyang pinagbago. Just like the last six years. And then he smiled at me.
Muli kong naramdaman ang naramdaman ko noong nasa loob ako ng kotse, anim na taon na ang nakalilipas. I need to get him out of there, I said to myself.
Awtomatikong hinanap ng kamay ko ang lock ng kotse. Sinubukan ko iyong buksan pero para iyong bato. After a few minutes, I finally gave up. Nagtaas ako ng tingin at nakita kong umiling si Papa.
No… 'Pa, I'm sorry. I'm sorry! Gusto kong isigaw but no words escaped my lips. Tinitigan ko lang siya, unable to move.
Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. But I couldn't do that. Of course. He's gone… kasi iniwan ko siya roon. It's my fault. It's all my fault…
At naramdaman ko na lang na tinatangay ako papalayo sa kotse hanggang sa unti-unti na iyong nawala sa paningin ko, nilamon na ng kadiliman.
I tried to fight the force but I couldn't. And as I felt myself rise above the surface of the lake, napabalikwas ako ng bangon. I was gasping for air when I woke up. Napahawak ako sa leeg ko na para talaga akong nanatili roon sa ilalim ng tubig. I reminded myself that it was just a dream. Huminga ako nang malalim ng ilang beses, sinusubukang gawing normal ang paghinga ko.
I realized I was back inside the bus. Nararamdaman ko na ang marahang pag-ugong ng makina sa ilalim ko. When I turned my head to my right, nakahilig ang ulo ni Celaena sa balikat ko at ganoon din si Brooke sa balikat ni Celaena. Napangiti ako sa puwesto naming tatlo.
Biglang bumalik ang lahat ng nangyari kanina. Paano ako nakarating dito? The last thing I remembered was… Tama, nakita ko ang mga hodded figures ilang talampakan ang layo sa 'kin. And then after that, my vision was clouded by darkness. Sino ang nagdala sa akin dito? At si John at ang grupo ni Evangelyn. I quickly looked behind my back and saw John sitting there, nakapaslak ang kanyang headphones sa kanyang tainga at mukhang natutulog. Most of my classmates were already asleep. Nadaanan ko rin ng tingin si Evangelyn na busy sa pagnguya ng chewing gum. When she looked at my direction, I averted my eyes and went back to my seat.
Everything went back to normal. At mukhang naayos na rin ang gulong ng bus. Nang tumingin ako sa labas ng bintana, maninipis na ang mga punong nadaraanan namin at bahagya ko nang nakikini-kinita ang malawak na kapatagan. Napansin ko rin na manipis na ang daang tinatahak ng bus dahil nang dumungaw ako sa bintana ay gadangkal na lang ang layo ng gulong sa dulo ng daan. I realized this maybe a one way road. Bahagya akong nakaramdam ng takot. Pero mabilis ko ring pinalis iyon.
Napabalikwas ako ng lingon nang maramdaman kong may kumalabit sa braso ko. I turned my head and it was Celaena. Gising na rin si Brooke sa tabi niya.
"Hey, gising ka na pala," ani Celaena. She took something from her small bag and handed a medicine tablet to me. "Sir Denver told me to give this to you once you wake up. You know, para mas umayos ang pakiramdam mo."
Si Brooke naman ang nag-abot ng bottled water. "Dahan-dahan lang sa tubig baka masuka ka," sabi niya.
Tinanggap ko ang tableta at ang bottled water. After I took the tablet and drank from the bottled water, I looked at both of them. "What happened?" tanong ko sa kanila.
"We should be the one asking you that, girl. I thought you went out of the bus to do your duties and shits but I didn't know you'd be walking into the woods," tugon niya. "Then nabalitaan na lang namin ni Brooke na nawawala ka na. And so was Evangelyn and her group."
"Then John went after you kasi may nakakita raw sa 'yo na pumasok ka sa gubat," dagdag ni Brooke.
"And all hell broke loose, girl. Literal. Nag-panic si Sir Denver. He was about to call 911 and the police kasi nga nawala ka at ang grupo nila Evangelyn but Broke stopped him. Nag-prisinta kami ni Brooke na sumunod kay John. But Sir Denver did not allow it. We thought he wouldn't be able to find you," kuwento ni Celaena and then she snapped her fingers in front of my face. "And then dumating si John na akay-akay ka sa likod niya."
"Muntik na akong tumili," nakangiting komento ni Brooke at nang tingnan siya ni Celaena ay biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Tumili sa takot."
"John saved the night," ani Celaena. "Followed by the bitches."
"Tell us what you saw there, Blair. What made you lose your consciousness?" untag ni Brooke. "Nang ibalik ka ni John dito halos putlang-putla ka."
"We were so scared that you might not wake up," nakakunot ang noo na sabi ni Celaena. "But Sir Denver assured us na magigising ka. And that was a huge relief, girl."
"What happened back there, Blair?" seryoso ang tono na tanong ni Brooke.
Pinagmasdan ko silang dalawa at bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. They were both waiting for me to tell them what I saw back there in the woods.
They were many of them. But this time, they had the same eye badge marked on their dark robes. Hindi sila gumagalaw sa kanilang puwesto ilang yarda mula sa akin. Mataman lang silang nakatitig sa direksyon ko. May mga suot na rin silang maskara na kahawig ng mukha ng pusa.
Malinaw na malinaw pa rin ang imaheng iyon sa isipan ko. Hindi ko puwedeng sabihin na namamalikmata lang ako o parte lang iyon ng aking imahinasyon. They were real. Just like you thought when you saw Sabrina in your room, sabi ng isang boses sa isip ko. Iniling ko na lang ang ulo ko bilang sagot. There's no reason for me to tell them about it. Alam kong hindi naman nila ako paniniwalaan. Kasi mahirap naman talaga paniwalaan ang nakita ko roon. Sinong mga tao ang maglalakad sa gitna ng kagubatan na nakasuot ng ganoong klase ng damit? Hindi iyon kapani-paniwala.
"I guess," I started. "…nawalan ako ng malay sa matinding lamig."
Nakahinga nang maluwag si Celaena at hinawakan ang isa kong kamay. "Well, I'm fucking glad you're back and alive," aniya at marahang pinisil ang kamay ko.
"You should thank John later for what he did, Blair," sabi ni Brooke. "Mas mukha pa nga siyang nag-alala kaysa sa 'min ni Celaena."
Tumango si Celaena sa pahayag na 'yon ni Brooke.
Naalala ko ang argumento namin kanina sa gitna ng kagubatan. I said hurtful words to him. Maybe I shouldn't have. Hindi niya deserved iyon. He saved my life when I thought I would die. Tama si Brooke, dapat kong pasalamatan si John at humingi rin ng paumanhin sa kanya sa mga nasabi ko.
I left the part where Evangelyn and her minions pulled that prank on me. Hindi na nila kailangang malaman iyon. At isa pa, knowing Celaena, she'll probably punch Evangelyn in the face if she knows about it. Ayoko na ng gulo pa. No harm done so I guess I'd just have to forget about it. Ang mahalaga, nakabalik ako sa bus ng buhay.
Napabuntong-hininga ako. "Yeah, I'll thank him later kapag nakarating na tayo sa third stop over."
Lumipas ang ilang minuto at natulog ulit si Celaena na sinundan naman ni Brooke. Ilang oras pa ba bago kami makarating sa ikatlong stopover namin? I didn't know how many hours had passed since I lost consciousness. Pero gabi pa rin sa labas. Nasa itaas pa rin ang buwan pero nakapagtatakang nawala na ang mga bituin. Huminga ako nang malalim at napaisip kung ano na kaya ang ginagawa nila Mama at Noah sa bahay ngayon. Probably binge-watching our favorite movies. Noah loves doing it with us. I wished Papa was there with them. Maybe then I'd feel more safe and secured for both of them.
Hindi na bago ang napaginipan ko kanina. It was the same dream I've started having a week after Papa passed away. I was already familiar with it. At nakaramdam ako ng bahagyang saya dahil kahit sa panaginip lang, nakikita ko si Papa. And I'm happy and contented with that.
Hindi ko alam kung nakaidlip ba ako dahil nang muli akong magmulat ng mga mata, I felt the engine slowly stopped. Napahawak ako sa bintanang nasa gilid ko. Nang lingunin ko si Celaena at Brooke ay mahigpit silang nakahawak sa arm rest. When they looked back at me, nakapinta sa kanilang mga mukha ang takot.
And that's when I—we—heard it. The hissing sound of a flat tire. Naramdaman ko ang bahagyang pagtagilid ng bus, at naramdaman ko ang sarili kong tumagilid din. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng bintana.
May ilang nagising dahil sa tunog ng nayuping metal at ang iba naman ay nakatayo at pinipilit buksan ang bintana. Tumayo si Sir Denver sa unahan at sinabing, "Please stay calm and stay in your sea—" ngunit hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana niya dahil muling gumalaw ang bus at napakapit siya sa pole.
The next thing we knew, the bus swerved out of control.
Then I heard it—screams.
Hinintay ko ang pagbagsak ng mga luha mula sa mata ko but it never came. This time, tuluyan nang bumaligtad ang bus na sinasakyan namin. At tila ba lahat ng dugo ko sa katawan ay nawala. There was a crash and we bounced off our seats. The bus had flipped so many times. Puno ng sigaw ng mga kaklase ko ang loob ng bus. Hindi ako makarinig ng maayos.
And then there was another crash. Tuluyan nang tumaob ang bus at nagpagulong-gulong pababa ng bangin.
Wala akong naramdamang sakit nang tumama ang ulo ko sa bintana. I felt my body tumbled over and went out of the window. Naramdaman ko na lang ang marahas na pagbagsak ng katawan ko sa madamong lupa. Napaungol ako sa sakit.
I stared at the bus as a ball of flame covered the backside of it. Nakataob iyon pero hindi ako sigurado dahil unti-unti nang lumalabo ang paningin ko.
I closed my eyes, hinihiling na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Is this the end?
Voices swirled inside my head. And then the darkness slowly swallowed my vision whole.