Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 16 - CHAPTER 14: The Day of The Retreat

Chapter 16 - CHAPTER 14: The Day of The Retreat

CHAPTER 14: The Day of The Retreat

BLAIR WADSON

Kasalukuyan na akong nasa gilid ng entrance ng bus, may hawak na payong at may clipboard sa kabilang kamay. Inatasan ako ni Sir Denver na siguruhing nasa loob na ang lahat ng mga nakalistang pangalan sa clipboard at walang maiiwan. As he clearly stated to me for how many times, the bus will leave at exactly 8:30 AM. Bumaling ako sa driver na nakatayo ilang hakbang mula sa bus habang humihithit ng sigarilyo. Sa tingin ko ay nasa singkwento anyos na ang kanyang edad dahil sa halos puti na niyang buhok. Malaki ang kanyang tiyan at may pagka-kuba, sa kadahilanan siguro na palagi siyang bumibiyahe at nakaupo lang. He had this mustache on his upper lip. Nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya, nginitian niya ako at kumaway lang. Tumango lang ako sa gawi niya at ibinalik ang tingin sa clipboard na hawak ko.

Nasa isip ko pa rin ang tila mga bantang sinabi sa akin ni Mrs Chua sa silid namin kani-kanina lang. Naalala ko na hinabol ko pa siya sa pasilyo ngunit hindi ko na siya naabutan pa. I only heard the sound of the elevator sliding closed. I had so many questions I wanted to ask her.

I was out of my reverie when someone poked my cheek. "Girl, 'you okay?"

Nang magtaas ako ng tingin si Celaena iyon. Napansin kong bahagyang basa ang kulay cream na puffer jacket niyang suot, na halos kakulay ng ash gray niyang buhok. It was the opposite color of her brown skin. She looked beautiful.

Mabilis akong tumango at mahinang tumawa. "I'm okay, don't worry," I simply replied. "I thought kasama mo si Brooke?"

Before Celaena could answer, humahangos na dumating si Brooke mula sa kanyang likuran. She looked better today than she was last night. "Hey," bungad niya at bumaling kay Celaena. "I told you to wait for me."

"Bitch, ang bagal mo kaya," turan ni Celaena.

Brooke just rolled her eyes. "What are you doing here outside pala?" untag niya sa 'kin.

Nagkibit-balikat lang ako. "Sir Denver asked me to do this," iniharap ko sa kanila ang hawak kong clipboard at tumango lang sila.

"I can take over," Celaena offered.

"Akin na 'yan," dagdag ni Brooke at akmang kukunin ang clipboard sa kamay ko.

"I'm fine, guys, really. Pumasok na kayong dalawa. And save me a seat, okay?" sabi ko na lang. "Dali na."

"Are you sure?" giit pa ni Celaena. Tumango ako. "If you say so." At nagpatiuna na sa pagpasok.

"We'll save you a seat," ani Brooke at sumunod na.

Napabaling ako sa likuran ko ng biglang pumasok ang isang sasakyan at malakas na tumutugtog ang isang kanta. It seemed like it was a punk rock song. Pero hindi pamilyar sa akin ang kanta. Inside his Audi RS6 Avant, Ryan turned off the blasting music and went out of his car. Sunod na lumabas si Samuel, followed by John and Kaleon, who looked miserable. Halatang hindi plantsado ang polong suot ni Kaleon. Inayos niya ang antiparang suot niya at nang makitang nakatingin ako sa kanya, he quickly averted his eyes and walked past his friends and went inside the bus.

John brushed up his hair and looked at me for a moment then to the clipboard I was holding.

"Hey, Miss President," nakangising bungad ni Ryan nang makalapit sa 'kin.

Inismiran ko lang siya at sinabing, "Get inside, Gomez. I have no time for you."

"Okay then," aniya at umakyat na papasok sa bus. Agad na sumunod si Samuel sa kanya.

"Kumusta na, Blair?" John asked standing on the opposite side of the entrance of the bus. "I heard you were absent for two days."

Nakaramdam ako ng bahagyang galit sa kanya dahil sa pagpigil niya sa akin noong araw na mamatay si Sabrina. He shouldn't have done that. Wala siyang Karapatan. If not for what he did, I wouldn't be feeling miserable these past two days.

"I'm good," maiksing sagot ko.

"Are you really okay?" pag-ulit niya sa kanyang tanong.

Noon ako nagtaas ng tingin. Nakalaylay na sa kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok niya. Concern was evident on his face.

"I said I'm good, John," hindi ko napigilan ang mataray kong tugon sa kanya.

"You can always talk to me, Blair. You know, if you need someone," aniya at pinatong ang isang kamay sa balikat ko.

And then he went inside. I bit my lower lip and stared at the clipboard I was holding. Halos nasa loob na ang lahat ng mga kaklase ko. Si Evangelyn at ang mga minion niya na lang ang wala pa. At si Maru. Where is he? Nakita ko siya kanina sa labas ng Ellis High. Where did he go? Hindi ko siya nakitang pumasok sa bus. Maybe he's with his girlfriend. And why the hell should I care?

As if on cue, a car parked behind me, a few yards away from the bus. It was a pink convertible. Nakita kong si Evangelyn ang nagda-drive. Nasa passenger si Eyrene at nasa likod naman sina Bridget at Stacey. Then another car came in behind the pink convertible. Lumabas ang dalawang lalaki na may kinuhang mga malalaking bag mula sa back seat ng sasakyan. I realized they were luggages and huge bags. Unang pumasok ang dalawang lalaki bitbit ang mga bag.

Evangelyn went out of her car, followed by her minions and walked toward the bus. She stopped right in front of me.

"I thought you'd already gone cray-cray, Miss President," aniya at narinig kong mahinang nagtawanan sina Eyrene. "I mean, you know, um-absent ka for two days. That took a lot of courage considering you missed a lot of school works."

"Or maybe, you just want to steal the spotlight from your friend, Sabrina," nakangiting sabi ni Eyrene.

"Also—" napatigil sa pagsasalita si Evangelyn nang biglang mapabaling ang tingin niya sa likuran ko.

"Get inside, Evangelyn," boses iyon ni Maru.

Evangelyn looked at him for a moment before rolling her eyes at me and went inside the bus. Sumunod sa kanya sina Eyrene, Bridget at Stacey. Saglit lang na tumingin sa 'kin si Maru bago pumasok na rin sa loob.

Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki nang pumasok si Maru.

"Sit here, you ass!" narinig kong sigaw ni Ryan.

"Alegria is here, losers! Bow down to the king!" dagdag pa ni Samuel.

Umiiling-iling na itinuon ko na lang ang pansin sa kalangitan. Bahagya nang humina ang ulan at tumigil na rin ang pagkulog. I saw the bus driver threw his cigarette and called someone. Mayamaya pa ay patakbong lumapit sa bus si Sir Denver, wearing his usual outfit—black blazer, light blue polo and cream pants.

"Thank you so much, Ms Wadson," ani Sir Denver at kinuha na sa 'kin ang clipboard. Sinipat niya ang kanyang wristwatch. "It's already 8:20. You may go inside na," sabi niya at bumaling sa bus driver na hindi ko namalayang nakalapit na pala. "Manong Isko, tara na ho."

Sinarado ko ang payong bago ako naglakad papasok sa bus. Bumungad sa 'kin ang ingay ng tawanan ng mga kaklase ko. Bahagya akong nag-tiptoe para hanapin kung saan umupo sina Celaena at Brooke. May tatlong leather seats sa kanan at may dalawang kaparehong leather seat naman sa kaliwa. Medyo masikip ang bus isle habang nilalakad ko iyon. Nang sa wakas ay nahanap ko na sina Celaena, umupo ako sa tabi ni Brooke.

"Finally, you're here," ani Celaena at ibinigay sa 'kin ang bukas na chip.

Naputol ni Sir Denver ang sana ay sasabihin pa ni Celaena. "Good morning, Class 12-C. I just wanted to say a few reminders before we hit the road. As I have told to all of your parents, the location of the retreat will be a surprise and they all agreed to it as long as you will all be safe. Mananatili tayo roon sa lokasyon na 'yon ng isang linggo," ani Sir Denver na nakatayo sa bus isle. "So, ngayon pa lang, I'm asking you to behave yourselves once we get there. And one more thing, magkakaroon tayo ng tatlong stopovers bago natin marating ang lokasyon ng inyong Retreat. Stay in your seats and enjoy the ride, students."

And with that, the bus driver strated the engine. Naramdaman ko ang marahang pag-ugong ng makina. Nagsigawan ang mga lalaki sa bandang likuran ng bus.

The next thing I knew, we were out of Ellis High. As I stared outside the window, unti-unti nang lumiliit ang mga building ng school namin.

Then the chattering began once again.

*****

Hapon na nang marating namin ang unang stopover. It was a huge mall. Hindi ako pamilyar sa mall na 'to since we're already out of Ellis Isle. But it was just like the other malls back on Ellis. Tall buildings loomed over us. Isang malaking entrance at nakasulat sa archway niyon ang mga salitang "Welcome to Cornelia Mall." At isang mannequin ng babae ang nakatayo sa gilid ng entrada.

Nagpaalam ako kay Celaena at Brooke na maghahanap ako ng bakery sa loob ng mall. Pumayag naman sila at sinabing magkita na lang kami sa bus. Nagpasabay rin ako sa kanila ng milk tea dahil alam kong iyon agad ang kanilang hahanapin.

Tinatahak ko ngayon ang mahabang pasilyo sa kaliwang bahagi ng mall. Cothing stores lined up on my both sides. May mga stalls din ng mga indie brands sa bawat gilid. Some of them were even handing out beautifully printed flyers. Nakangiting tinatanggap ko lang ang mga ibinibigay nila.

Nang may makitang akong security guard na malapit sa 'kin, mabilis ko siyang pinuntahan. "Uh, excuse me po, sir. Puwede pong magtanong?" bungad ko sa kanya.

Nagulat na napalingon siya sa 'kin. "Walang problema, hija," aniya at nginitian ako.

"May bakeshop po ba sa mall na 'to?" tanong ko.

Tumango siya at tumuro sa itaas. "Take the escalator to the second floor tapos dumeretso ka sa kanan at doon mo makikita ang Artsy Tartsy," tugon niya.

Nagpasalamat ako sa kanya at dumeretso na sa escalator. I noticed that the food outlets were scattered throughout instead of being on one place. As I reached the second floor, bumungad sa akin ang amoy ng mga pagkain. I guess this is the food floor, if you know what I mean. Kagaya ng sabi ng Security Guard na napagtanungan ko, dumeretso ako sa kanan.

Mas crowded sa floor na ito kaysa sa ibaba. I squeezed my way through the crowd until I found the bakeshop named Artsy Tartsy. It wasn't your typical looking bakery. The walls surrounding the huge glass pane were painted dark green. At may karatulang nakapaskil sa pinakataas ng pinto—Bread Ahead. It seemed like this bakery came straight from the 90's. Ang vintage ng vibe niya.

Pumasok na ako at nakitang medyo mahaba ang pila. I inhaled the aroma of fresh baked cookies and bread. May ilan na ring mga tao na nakaupo sa mga upuan na gawa sa lumang kahoy. Napansin ko rin ang mga hanging shelf sa bawat pader ng shop. May pumapailanlang na mahinang musika mula sa mga speaker na nakasabit sa corner ng kisame. Naglalakad ang mga waiter para ihatid ang mga order ng customers na nakaupo sa mga mesa.

Lumipas ang ilang minuto and it was my turn to order. May malaking display case na nakahanay sa gilid ng cashier. The counter top was intricately designed to fit the vibe of the shop. Nadaanan din ng mata ko ang bowl ng mints na nakalagay sa bandang gilid. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang iba't ibang mga disenyo ng cake at iba't ibang klase ng tinapay na naka-display.

"Magandang hapon po," masiglang bati ng babaeng nasa likod ng counter.

"Hi! Is it okay kung mamimili muna ako sandali?" nakangiting tanong ko.

Tumango lang siya. Ang hirap makapili sa dami ng choices ng tinapay. Inilagay ko ang isa kong daliri malapit sa labi ko at saglit na nag-isip. Bilhan ko rin kaya sila Celaena? I was mulling over whether I should also take out some breads for Celaena and Brooke when someone spoke from behind me. Napakislot ako roon.

"Kawawa naman si ate, oh? Hinihintay kang makapili," anang boses.

Nang lingunin ko siya, si Maru pala iyon. Nginisihan niya lang ako. "I didn't know it's you, Miss President," aniya. "Fancy meeting you here."

Inismiran ko lang siya at ibinalik ang tingin ko sa mga tinapay na naka-display. Narinig kong malakas siyang umubo sa likod ko.

"Madaming-nakapila," narinig kong paubo na sabi niya.

At nang hindi pa rin ako lumilingon, muli siyang umubo. "Madami-talagang-nakapila," paubo ulit na sabi niya.

Pinigilan ko ang sarili kong mainis kay Maru. "Ah, Miss, tatlong piraso po ng ensaimada, and tatlo rin ng may munggo na palaman," sabi ko sa cashier at ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng display case. "And two orders of Tiramisu po."

Muling umubo si Maru. Akmang pipihit na ako paharap sa kanya para angilan siya nang biglang bumukas ang pinto ng bakeshop at pumasok si Evangelyn, surprisingly without her minions behind her. Pinigilan ko ang sarili ko at humarap na lang sa counter. Matapos kong magbayad, ibinigay na ng babae ang order ko sa tatlong paper bags at agad akong lumabas.

I heard Celaena say, "Can we talk?"

Pero hindi na ako huminto para makinig sa kanilang usapan.

Nang makabalik na ako sa bus, noon ko lang napansin na wala sa bulsa ko ang phone ko.

"Shit, naiwan ko sa counter," sabi ko sarili ko at napahampas sa aking noo.