CHAPTER 13: One Rainy Day
BLAIR WADSON
That night, nakauwi kami ng madaling araw na. Celaena drove Brooke and I to our homes and bid goodbyes to each other. Fortunately enough, Celaena wasn't that drunk so it was safe for her to drive us home since Brooke was pretty much wasted and I don't have any idea how to drive a car.
Hindi ko naubos ang isang bote ng soju. Wala akong gana uminom ngayong gabi. At isa pa, I wanted to remember every detail of this night.
I never wanted for this night to end, honestly. Pero kagaya nga ng lahat ng bagay sa mundo, may hangganan. The night ended with a bang—literally a bang. When we walked away from the cliff to Celaena's car, Brooke fell hard on the ground. But she's totally wasted that she only laughed it off. At nagawa naman namin siyang buhatin ni Celaena papunta sa kotse. Also, Brooke vomited all over Celaena's car floor. So there's that.
Pinihit ko pabukas ang pinto ng kuwarto ko at humiga na sa aking kama. Ibinagsak ko ang bag ko sa sahig. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan iyon. When I turned on the WiFi, notifications from my messenger was ringing non-stop. Tuloy-tuloy na nagpa-pop out ang notifications from our class group chat—Class 12-C.
Tuluyan ko nang binuksan ang gc namin.
cheerleader capt (Evangelyn Forbes): fuck u ry. go be in the psych ward
bridg (Bridget Torres): how 2 unsee
bball capt (Maru Raul Alegria): tanginamo ryan
eyrin (Eyrene Madrigal): *vomiting emoji*
sam bobo (Samuel Jones): wtf ry
cela (Celaena Edwards): WTFFFFF
jem (John Emmanuel Caliente): report his ass
I saw Brooke was typing something but after a second or so, her name disappeared from the chat. And then she left from the group chat. Napakunot ang noo ko sa mga reply nila. I scrolled up to see what Ryan said. But instead, my eyes widened at the image. It was a picture of Sabrina's face with a slit on her throat. And then her eyes suddenly blinked. Naitapon ko ang phone ko sa gulat. Napaupo ako sa kama. Napayakap ako sa tuhod ko. Then I rested my chin on the space between my knees.
Napatitig lang ako sa phone kong nakabukas pa rin, ilang hakbang mula sa puwesto ko. I was afraid to pick it. Ano ang nangyayari sa akin? I silently prayed it was just my mind playing tricks on me. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Suddenly, I find breathing hard. Pero sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
Why did they take a picture of Sabrina? To make fun of it?
I closed my eyes firmly for a minute, trying to erase the image from my head. Nag-isip ako ng mga masasayang bagay. That was what Papa used to tell me whenever I get nightmares—think of happy thoughts.
Pero hindi ko mapigilan ang takot na bumabalot sa aking sistema.
When I finally opened my eyes, hindi ang kuwarto ko ang bumungad sa akin. Instead two eyes were staring back at me. Natulos ako sa kinauupuan ako at awtomatikong napaatras sa kama. Sinubukan kong lumayo mula sa babaeng nasa harap ko pero tila nanigas na rin ang mga kamay ko.
It was Sabrina. Suot niya pa rin ang uniporme namin. Droplets of thick blood was trickling from her opened neck. Ang mga mata niya ay nababalutan ng tila mga pulang ugat. Humpak ang kanyang pisngi at tuyong-tuyo ang labi niya. She opened her mouth slightly and her elongated tongue licked her dried lips. Kumurba ang labi niya sa isang kahindik-hindik na ngiti.
I felt hot tears streamed down my cheeks. Dahil sa takot? Hindi ako sigurado.
"Did you miss me, Blair?" halos pabulong na sabi niya. Nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang labi. "It's your fault I died. Kasalanan mo ang lahat ng 'to. I killed myself because you couldn't save me."
Nagsimula akong umiling. "I-I—" but no words escaped my lips. Tila ba may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita.
"Hush now," unti-unti siyang lumalapit sa akin. "It's all for the New World Order, Blair. All…" inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. "…for that… agenda…"
Sunod kong naramdaman ang parang yelo niyang mga kamay. Noon bumalik ang boses sa lalamunan ko. I finally screamed as loud as I could. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan. Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan. I was scared to think that maybe I was losing my sanity. Sabrina seemed real. Pero may isang parte ng utak ko na nagsasabing hindi siya totoo. But everything felt real.
Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto ng kuwarto ko. I felt hands touched me. Napakislot ako sa gulat. "Ako ito, anak," anang boses ni Mama. Dahan-dahan kong inalis ang mukha ko sa unan at nang masigurong si Mama nga iyon, mahigpit akong napayakap sa kanya. Naramdaman ko ang mga kamay niyang pumulupot sa akin. "You're safe now…" bulong niya.
I didn't realize I was crying. Nang magtaas ako ng tingin, nakita ko si Noah na nakatayo sa hamba ng pinto, mukhang kakagising lang niya. Matamang nakatingin lang siya sa 'kin bago naglakad papunta sa amin ni Mama at niyakap din ako.
*****
"Are you sure you still want to go to your Retreat, anak?" bungad ni Mama nang makapasok siya sa kuwarto ko. She sat beside me as I double-check the bags I will be bringing with me to our trip—isang maleta, isang malaking backpack at isang maliit na shoulder bag. "Mas maigi sigurong mag-stay ka na lang dito sa bahay if you don't feel well. We can binge-watch some of your favorite movies."
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Mama. I turned to face her and took her one hand. "'Ma, I feel okay na. At isa pa, I don't want to miss my last retreat as a highschool student," sabi ko at marahang pinisil ang kanyang kamay. "Don't worry, I can take care of myself. Sasama naman si Brooke at Celaena."
Saglit na pinag-isipan 'yon ni Mama bago siya tumayo. "Osiya, sige. Basta, call me bago kayo umalis, 'pag bumaba kayo for your stop over, if makulangan ka sa perang dala mo—"
Ako na ang nagtapos sa sasabihin niya. "I will call you every hour, 'Ma. 'Wag kang mag-alala."
She nodded her head before walking towards the door. Pero bago siya umalis, muli siyang lumingon sa gawi ko. "Remember to bring your medicine with you. 'Yong para sa sakit ng ulo…" napatigil siya nang mapatingin sa 'kin. "Oo na, basta 'wag mong kalimutan ang mga paalala ko, ha?"
Tumango ako sa kanya at saka siya tuluyang lumabas na ng kuwarto ko. Napalingon ako sa bintana. Malakas ang buhos ng ulan ngayong araw kaya dinala ko ang paborito kong jacket, the one Papa gave to me. Isinukbit ko ang mga bag ko sa balikat ko, hinila ang maleta at pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa full length mirror.
Sir Denver advised us to wear our regular uniform as paying homage to our school—Ellis High. I don't look good, I admitted to myself. My gray eyes were staring back at me. Hinayaan kong nakalugay ang maiksi kong buhok. May bahagyang dark circles na sa ilalim ng mga mata ko. I haven't been eating right these past two days kaya naman mas lalo akong nangayayat. But I put on my best smile and I went out of the door. Bumaba na ako ng hagdan at nakitang naghihintay roon si Noah.
"Hi, baby boy," sabi ko sa kanya.
Matamis niya akong nginitian. "Good morning, ate," may iniabot siya sa aking paper bag. "For you. Mama made it."
"Aww, thank you," I replied and gently patted him on his head. "Ba't ang aga mo nagising?"
"Ihahatid ka raw namin ni Mama papuntang school n'yo," aniya.
Napakunot ang noo ko at bumaling kay Mama na nakatayo na sa hamba ng kusina. "Let me at least drive you there para mapanatag ang loob ko," sabi niya.
Umiling ako sa kanya. "'Ma, you don't need to. Para namang mangingibang-bansa ako. I will prefer it if I go alone. Please?"
"Oo na. Basta mag-iingat sa pagtawid, ha?"
"'Ma naman, ginagawa akong bata," pahayag ko.
Malungkot na ngumiti si Mama at hinagkan ako sa noo. "You will always be my baby girl," sabi niya at saglit akong niyakap. "Remember everything I said, ha?"
Tumango ako at nagpaalam na sa kanilang dalawa. When I finally closed the door behind me, I realized bahagya nang humina ang ulan pero may mangilan-ngilan pa ring kulog sa langit.
Binuksan ko ang aking payong at tinahak na ang daan palabas ng village namin. I talked to Celaena this morning when she offered me a ride to school. But I refused. Sinabi ko na lang na magkita kami sa school mamaya. Celaena kept insisting na sumabay ako sa kanila. But I really wanted to ride the bus to school today kaya wala siyang nagawa.
Naghintay ako ng ilang minuto para sa bus na dadaan sa harap ng Ellis High. Nang sa wakas ay may dumating na, sumakay ako roon at napansing kaunti lang ang tao. Dalawang babae sa likod, isang matandang lalaki ang nakaupo sa bandang unahan. I walked down the bus isle and took the empty seat behind the old man.
Matapos kong magbayad sa konduktor, pinaslak ko na ang earphones sa aking tainga, completely blocking the noise from outside. Nagsimulang tumugtog ang Hero by Family of the Year.
🎶Let me go… I don't wanna be your hero…🎵🎶
I watched outside of the window as the people began to open their shops in spite of the rain. I silently wondered what kind of day they will be having.
Lumipas ang ilang oras at tuluyan ko nang nakita ang looming structure ng Ellis High. Pumara na ako at bumaba. I was greeted by the gentle rain. I didn't bother opening my umbrella. Isang tawid lang naman.
As I stood there on the side of the pedestrian lane, waiting for the sign to say go, I saw a familiar figure standing on the opposite side. Mataman lang siyang nakatingin sa 'kin. It was Sabrina again, I realized. Napatda ako sa kinatatayuan ko at pinakatitigan siya para masigurong siya nga iyon. She was standing beside an old woman. At unti-unting sumilay ang pamilyar niyang ngiti sa kanyang mga labi.
I saw Sabrina as she pushed the old lady. Bumagsak ang matandang babae sa aspalto. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. I saw from my peripheral vision that the traffic light sign was still red. Bumalik ang tingin ko sa matandang nakahandusay sa aspalto. Ilang segundo na lang ay may dadaang sasakyan at masasagasaan siya.
I was about to run towards the old woman when someone grabbed my hand.
Nang lumingon ako, nakita kong si Maru iyon. "What the fuck, Wadson? Are you trying to get yourself killed?" bulyaw niya.
"'Yong matanda…" anas ko at ibinalik ang tingin sa matandang babae. Pero hindi na siya nakahandusay sa aspalto, sa halip ay nakatayo siya at tila naghihintay pa rin at wala si Sabrina sa kanyang tabi. "It never happened," I whispered to myself.
"What are you saying? Okay ka lang ba?" tanong ni Maru.
"Let go of my hand," sabi ko sa kanya.
"Tell me you're mentally fine first," aniya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.
"I'm fine. Now let go of my hand," halos pabulong na sabi ko.
Nakitang kong nag-go sign na kaya patakbo kong tinahak ang pedestrian lane patawid sa gate ng Ellis High. I heard Maru calling my name but I didn't bother looking back. What the hell is happening to me? Baka tama nga si Mama. I shouldn't have gone here in the first place.
Pinilit ko ang sarili kong kumalma nang tuluyan na akong makapasok sa gate ng Ellis High. The guards greeted me but I only walked past them. Ang utak ko ay nasa imahe pa rin ni Sabrina. Bakit niya ito ginagawa sa 'kin?
"All for that agenda…" her voice echoed in my head.
Pinalis ko ang isiping iyon at naglakad papuntang building. Napansin ko ang dalawang bus na naka-park sa school grounds. Nakapaskil ang isang papel sa harap ng mga bus—the printed words on the papers were Class 12-C and Class 12-D. May mangilan-ngilan na ring mga estudyante ang pumasok sa bus ng Class 12-D. Sa tingin ko ay sila ang unang aalis.
Pumasok na ako sa elevator at bumaba sa ikalimang-palapag. I walked down the hallway and went inside our room.
Ibinaba ko ang dalawa kong bag sa mesa ni Sir Denver at inilagay sa tabi ang maletang dala ko. Sabi kasi niya, dito raw kami magkikita. Tutulungan ko raw siyang ayusin ang mga dokumento para sa Retreat. Sinipat ko ang wristwatch ko—6:34 AM.
Dumungaw ako sa bintana sa loob ng silid namin. The parking lot was almost empty except for the two buses parked on the side. Ilan pa lang ang mga estudyanteng naglalakad sa school grounds. Tanaw ko rito ang dalawang guard na nakatayo na sa likod ng gate at nagpapapasok ng mga paparating na sasakyan.
Bahagyang madilim sa labas dala ng walang-tigil na pag-ulan. I had always liked this kind of weather. Ito 'yong klase ng panahon na masarap humiga lang sa kama mo habang nagbabasa ng libro.
I suddenly remembered the conversation I heard last week. Mrs Chua seemed scared of something that was supposed to happen on this day. She was talking about our Retreat with that guy dressed in black cloak and cat-like mask. Then the priest who was forcibly taken into the back room, his strange words still echoing inside my head. And Sabrina, when she came back from getting her handkerchief back at the chapel. Her horrified face and then her death. Ang nakapinta sa mukha ni Mrs Chua habang pinagmamasdan niya ang katawan ni Sabrina na dinadala ng paramedic team. It was emotionless. Bakit naisip ko na parang inaasahan na niya ang pagkamatay ni Sabrina noong araw na 'yon?
Everything seemed to be connected to one thing—the New World Order. Ang artikulong nabasa ko noong nakaraan lang. The images were still clear in my mind. The rumors. Everything.
Napabuga ako ng hangin. Maybe I was just thinking about all of it way too much that I was making things up in my head. Kagaya ng pagkakakita ko kay Sabrina. She seemed real. Except she wasn't.
May narinig akong tumikhim sa likod ko.
"Good morning, Ms Wadson," si Mrs Chua iyon. "What are you doing here at school this early?"
Her face was serene and beautiful. Kahit na sa edad niya ay mukha pa rin siyang bata. She almost looked like Audrey Hepburn.
Siya rin ang sumagot sa kanyang tanong. "Oh, right. Your retreat," aniya at mahinang tumawa. "I guess, si Sir Denver ang hinihintay mo. He's still in my office. We're discussing some important matters," biglang naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. "That day, it was you, right?"
Napatda ako sa kinatatayuan ko nang maalala ko ang mga pinag-usapan nila nang araw na 'yon.
Ang tinutukoy niya ba ay 'yong mga bagay na narinig ko na pinagusapan nila ng lalaking 'yon? Dapat ba akong magsinungaling?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang bumuka ang bibig ko para sumagot. "S-sorry po, Mrs Chua… I-I didn't mean to…" I stammered. I didn't know what else to say. "Pero 'wag po kayong mag-alala. I didn't say anything to anyone."
But instead of scolding me, she smiled. "I figured. Promise me that you will not tell anyone kung ano man ang narinig mo, Ms Wadson. And I'm sorry about your classmate. Sabrina, right? Also, can you do me a favor?" lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nang tumango ako. "When the time comes, tell your classmates that I was sincerely sorry that I couldn't do anything about it. Tell them I tried," hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Naglakad siya palapit sa akin. "Ms Wadson, you should ready yourself for what is about to happen." She gently took my hand and squeezed it.
Naramdaman ko ang malamig na kamay na dumantay sa buong sistema ko. All I could do was stare at her. I wanted to ask her questions. Why was she saying this to me now? It almost sounds like a warning…
Before I could even speak, she turned to go. Gusto ko pa siyang tanungin pero nang tingnan ko muli ang pinto ay wala na siya roon. Nagbaba ako ng tingin at may kuminang na bagay sa kamay ko. It was the same pin made of steel—na pareho ang disenyo na nakatatak sa roba ng mga lalaki sa misa, sa lalaking kausap ni Mrs Chua at sa artikulong nabasa ko—the symbol of an eye.. Itinago ko iyon sa bulsa ng jacket ko.
Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Pabagsak na umupo ako sa upuan, patuloy pa ring iniisip ang mga sinabi ni Mrs Chua.
I should not tell my classmates…
But they ought to know. If what Mrs Chua said was true, we should all be prepared for what's about to come.