Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 11 - CHAPTER 9: THE HOODED MEN

Chapter 11 - CHAPTER 9: THE HOODED MEN

CHAPTER 9: THE HOODED MEN

BLAIR WADSON, CLASS 12-C

Basically, nakalimutang sabihin sa amin ni Sir Denver na magkakaroon pala ng school mass para sa mga seniors bago ang Retreat namin—to have a safe trip, ayon sa adviser namin.

Kaya heto kami ngayon ni Celaena, naglalakad sa mahabang pasilyo ng high school building kasama ang ilan naming kaklase para pumunta sa chapel ng Ellis High. We descended the stairs until we reached the ground floor. Naroon na sila John at ang ilan naming mga kaklase, at nasa tabi naman si Evangelyn na nakapulupot ang kamay sa braso ni Maru, na hindi man lang siya binibigyan ng kahit isang tingin man lang. Almost half of our classmates are already there inside the chapel when we entered.

Brooke left a message on our group chat saying she won't be able to come to school today. Family problems daw. Nakapagtatakang hindi ko rin nakitang pumasok si Kaleon. He's not the kind of student who would miss this kind of event.

When we entered the chapel, there was a priest standing on the podium. Napansin ko ang anim na lalaki na nakatayo sa kanyang likuran. They were all wearing the same black robes. It seemed strange, though. Nakatungo sila, their eyes glued on the tiled floor. But I couldn't help but notice the sign carved on their robes—it was a silver eye and a ring was attached around it. The eye was connected to the ring only by its tips. And I remembered it. It was the same badge pinned on the hooded man's robes, the one Mrs Chua was talking to.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa mga ibon na pumapasok sa loob ng chapel.

Mas pinili ni Celaena na umupo kami sa likurang bahagi ng chapel para daw makatulog siya. This would be an hour mass as Sir Denver informed us. Humingi rin siya ng pasensya kanina bago kami bumaba rito.

Sinipat ni Celaena ang wristwatch niya. "It's 10:24, so about 11:30 siguro tayo palalabasin dito," komento niya.

I turned to her. "Celaena—"

Mabilis niyang nilapat ang dalawa niyang daliri sa bibig ko. "I will just sleep here, Blair. Don't worry, hindi ako magdadaldal dito."

Ipinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

Natatawang umiling ako. "Whatever, Edwards." It was her turn to chuckle.

Mayamaya pa ay nagsimula na ang misa. The priest told us a few verses in the bible he was holding and explained it to us as his introduction. Minutes passed by, that quickly turned into an hour until it was almost done. Nagsimula nang umulan sa labas.

"… and that is how the Lord wants us to spend our last days here on earth." Ngumiti siya sa aming lahat—he almost looked like he was sorry, but for what?

"Let us all stand and end this mass with a prayer," he said as we all stood up. "Currere, liberos meos…" nakapikit kaming lahat pero mabilis akong nagmulat nang tumigil siya sa pagsasalita. Ano'ng language ang ginagamit niya? I asked myself.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. The priest was being taken by the hooded men. Nagtama ang mga mata namin bago siya tuluyang ipinasok sa silid na nasa likod na parte ng chapel. Lumingon ako sa mga kaklase ko. Their eyes were still closed. I felt icy fingers ran down my spine. What just happened?

But before everyone could notice, si Mrs Chua, our principal, hastily went to the stage and continued the prayer. Pero this time, ingles na ang lengguwahe na ginamit niya..

Nanginginig na ibinaba ko ang dalawa kong kamay nang matapos ang misa at pinabalik na kami sa aming silid. Hindi ko mapigilang hindi isipin ang nakita ko. Gusto kong sabihin kay Celaena pero hindi ko magawa. Something felt wrong.

Naalala ko ang mga mata ng pari—nakapinta ang takot sa mukha niya. But he was scared of what, exactly? At bakit siya ipinasok sa silid nang pilit?

These questions remained inside my head as we went back to our room.

Nang makaupo na kami ni Celaena sa upuan namin, she said, "It seemed strange, Blair," aniya.

Napabaling ako sa kanya. "Strange, why?" I asked her, feigning ignorance.

"'Yong language na sinabi ng pari," malalim ang kunot sa noo niya. "Hmm, something curere? I'm not sure. But, maybe that's on the bible?"

I bit my lower lip. Should I tell her?

"Celaena, I want—"

Mabilis na naputol ang sasabihin ko pa sana nang magsalita si Sabrina. "Shit, 'yong panyo ko," and she hurriedly ran out of the room.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Celaena, naghihintay pa rin siya sa sasabihin ko. "Y-yeah, tama ka. Baka nga nakasulat iyon sa bible," I simply said.

Binuksan ko ang bag ko at napansin na hindi ko pala nakuha sa locker ang Literature book, which we will use for our next class.

"I'll be right back. Kukunin ko lang 'yong Literature book ko sa locker," paalam ko kay Celaena na busy sa kanyang phone.

Tango lang ang isinagot niya. Nang makalabas na ako ng silid, bumungad sa akin ang tahimik na pasilyo. Tumingin ako sa kaliwa at kanan pero mukhang wala nang tumambay pa sa hallway.

Naglakad ako papunta sa mahabang hilera ng mga locker, tanging ang tunog lang ng takong ng sapatos ko ang maririnig. Binuksan ko iyon at kinuha ang libro. I was about to turn to walk back inside when I bumped into something—no, someone.

Si Sabrina. Bumagsak siya sa sahig, nanlalaki ang mga mata. And her face was pale like she had just seen a ghost on her way here. Napansin kong basa ang kanyang uniporme.

"S-sorry…" nauutal na sabi niya at nagmamadaling tumayo.

Hinawakan ko ang braso niya pero mabilis niya iyong iwinaksi iyon. "Sabrina, okay ka lang?"

Tumango siya. "O-oo… p-pupunta lang ako sa…" nanginginig na humugot siya ng hangin. "… c-clinic."

Before I could speak again, she hastily walked towards the other end of the hallway and turned to the corner. Napansin ko ang nakakuyom niyang mga kamay—it was almost white like the color of her face. Naiiling na bumalik na ako sa silid.

*****

Hindi ko maalis sa isip ko ang imahe ng badge na iyon. Isang mata.

What does it mean?

At ang sinabi ng pari kanina. I tried searching the word "curere" on Google. It was actually "currere", a latin word that translates to the word "run" in English. Iyon lang ang tanging salitang naalala ko sa mga sinabi ng pari kanina. If only I have a sharp mind, I could've easily remembered every word he said.

Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako ng hagdan at ang amoy ng adobo ang bumungad sa akin. Nadatnan ko si Noah na nakaupo na at kumakain na sa mesa habang si Mama naman ay nasa harap niya.

"Hmm," I said, savoring the luscious scent of freshly cooked adobo. Specialty 'to ni Mama. "Mukhang masarap ang nasa mesa, ha?"

Nakita kong napangiti si Mama. "Naku, ito ngang kapatid mo ay nakadalawang plato na. At mukhang hihirit pa nga, eh."

It was my turn to smile. "Noah Arthur, ang takaw-takaw," napapalatak na sabi ko.

Umupo ako sa tabi niya at tinusok ang kanyang tagiliran. Natawa siya at sinubukang gumanti pero mabilis kong nakuha ang kanyang kamay.

"I hate my name," bulong niya pero nakangiti pa rin. "At Ate, please, 'wag mo na akong tawagin sa buong pangalan ko."

"And why is that? Ang ganda kaya ng pangalan mo," pang-aasar ko.

Sumingit si Mama. "Alam mo ba kung saan ko nakuha ang pangalan mo?"

Umiling naman si Noah. Nagpatuloy si Mama sa pagsasalita. "Si Papa mo ang nagbigay sa 'yo ng pangalan na 'yon. It was from hir Father that he got Arthur and from his grandfather, Noah." Bumaling naman siya sa 'kin. "At ikaw naman, ako ang nag-isip ng pangalan mo."

I couldn't help but smile at that. "Where did you get mine, 'Ma?"

Bahagya siyang umiling at mahinang tumawa na parang may naalala siyang nakakatawa. "We were in Sydney, Australia that time na ipinagbubuntis kita. And I was reading this novel na ang pangalan ng main character ay Blair Jenn. I find that name beautiful kaya iyon ang ipinangalan namin sa iyo ng Papa mo."

"Well, fair enough," nagkibit-balikat ako.

May lungkot pa rin sa mga mata ni Mama sa tuwing nababanggit niya si Papa. Of course, all of us wouldn't be able to forget what happened. But Noah seemed to already did. Hindi ko siya masisisi. He wasn't old enough to remember what happened.

Parang kami na lang dalawa ni Mama ang nakakulong pa rin sa alaala na iyon. Hindi ko alam kung makakaahon ba ako roon.

Mama had been better. Nakakangiti na siya nang maluwang at kapani-paniwala sa tuwing mapag-uusapan namin si Papa pero alam kong may bahid pa rin iyon ng kalungkutan.

Pagkatapos kong kumain, dumeretso na ako sa taas at pumasok sa kuwarto ko. Nakalimutan kong isara ang phone ko. Sunod-sunod ang pag-tunog niyon. It was the sound when the Messenger app notified me someone has sent me a message.

Umupo ako sa kama at pinulot ang phone ko. Apparently, tinatadtad ng message ni Celaena ang gc namin. She also tried calling Brooke but still no answer as per checking our group chat. Ang last text ni Brooke ay 'yong na-receive ko kaninang umaga. But we never got any messages after that.

did u try calling her?

yah I did. a million times gorl

just leave her a message.

ganon ang ginawa ko.

i'm sure she's okay. dont u worry

Then I closed my phone and decided to work on my school works that was due tomorrow. Mahina akong napahampas sa noo ko. So much work to do, I said to myself.

Umupo ako sa harap ng laptop ko at binuksan iyon. Then I remembered the words New World Order. Iyon ang mga salitang nakalagay sa mga karatulang hinahawakan ng mga nagpoprotesta sa harap ng school namin last week.

I tried searching for any articles related to it. Nag-scroll ako nang nag-scroll for how many minutes but I still found nothing. Halos lahat ng nakikita ko ay about lang sa mga law ng gobyerno and a bunch of articles about the government itself.

I was about to give up and close the Google tab when my eyes found something interesting. It was a strange article when I opened it.

Ang title niyon ay "Two Sections from an unknown school was found dead." And there were blurred images of what looked like a body. Nang mag-scroll down pa ako, that was when I saw it. Nagtaasan ang mga balahibo sa balat ko. My heart started pounding hard in my chest. Sa nanginginig na mga kamay, tuluyan akong nag-scroll down sa article. This time, hindi blurred ang image na bumungad sa 'kin.

Litrato iyon ng mga katawan na nakasuot ng itim na cloak. Nakataklob ang kanilang ulo ng hood kaya hindi makita ang mukha nila sa litrato. Nakasabit ang mga katawan nila sa itaas ng isang malapad na puno. It almost seemed like a mass suicide.

I saw blood smeared on the cloaks they were wearing. Natutop ko ang bibig ko. I suddenly feel like I'm going to be sick. My stomach gave a lurch.

And the same eye badges were marked on the cloaks they're wearing—the symbol of an eye.

Behind the row of bodies, nakaukit sa katawan ng puno ang mga salitang; New World Order.