"MAMANG AALIS na po kami! " pagpaalam ko sa kanila.
Sinundo ako ng driver nila Blessica ngayon dahil sa bado. Ito naman ang araw nang pagpunta ko ulit doon. Halos isang linggo din akong hindi nakapunta roon dahil sa exam.
"Sige mag-iingat ka doon ha? Tawag ka saakin kapag nandu'n kana." sabi ni mamang. Pagkatapos hinalikan ako sa noo. Si papang ay namamasada na ngayon. Hindi ko siya naabutan pagka gising g ko dahil anong oras narin ako nagising.
"Sige po mamang. Makakaasa ka! Ingat po kayo dito. Bye po!" masaya kong sabi.
Pumasok na ako sa kotseng sumundo sa akin. Iba ito sa gamit ni Blessica na van. Kumaway muna ako kay mamang bago umalis.
Nadaanan pa namin ang paaralan maging ang plaza bago nakarating sa mansion nila. Huminto pa kami dahil nakasara ang malaking gate. Binuksan din ito ng bumusina ang driver.
Nakita ko ang nakatayong kaibigan sa harap hardin nila. Naka light blue shirt siya at white short.
Nang huminto ang driver nila. Pinagbuksan ako noon at tinulungan sa pagdala ng gamit. Inuwi ko ang gamit ko para doon labhan sa bahay. Tapos dinala nalang ulit dito.
"Salamat po" ani ko.
Tumango lang ang driver bago tumungo sa loob ng mansion dala ang gamit ko.
Pumunta naman ako sa hardin. Nakasuot ako ng pink na bistida above the knee at sandals.
"My mom's inside. " pagdating ko sabi niya. "I'll introduce you to her, mabuti nalang at mamaya pa ang alis niya."
"Mabuti kung ganun." ani ko.
Pero sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako.
"Let's go? " ani niya saka naunang maglakad saakin. Sumunod namn ako sa kanya.
Pumasok kami sa mansion at dumiretso sa pangalawang palapag ng kanilang mansion. Nadaanan pa namin ang kwarto niya at iyong inuukupahan kong kwarto. Bago lumiko sa kanan.
"Nasa library si mommy ngayon." kapag kuwan niyang sabi. Habang tinutungo namin ang daan papunta sa sinabi niyang library room.
Nang makarating kami roon ay kumatok siya. Narinig pa namin ang pagsigaw ng mommy niya sa loob. Binuksan ni Blessica ang pinto. Naghatid ito ng matinis ng tunog bago bumukas at iluwa nito ang nakaupong ina niya. May salamin ang mga mata niya. May hawak na ballpen sa kanang kamay at nakatutok sa mga papel na nasa taas ng table niya.
Umubo kunwari si Blessica para maagaw ang attention ng mommy niya. Tumingin naman ito saakin. Walang bakas ng saya ang mukha. Blangko lang at mabigat ang bawat titig.
Kinabahan naman ako dahil doon.
"Mom this is Dali, my friend that I told you before remember? " bigla nalang sabi ni Blessica.
"Maupo muna kayo. " anyaya nito saamin.
Hinawakan naman ni Blessica ang braso ko at niyakag na maupo. Inilibot ko ang paningin sa loob ng library nila. Katulad ito ng kwartong inakupa ko sa mansion nila. Maraming libro. May mapa pa ng pilipinas doon sa dingding. Parang portrate na ewan. Tapos may mga picture din nila.
"What's your full name hija? " nagulat ako sa bigla nalang na tanong nito saakin.
"Dalisay Ligaya Tayco po ma'am" pilit kong sagot kahit kinabahan.
"Your name sounds cool." puri niya sa pangalan ko. Tipid ko naman siyang nginitian.
Nahihiya kasi ako.
"Please don't call me ma'am. Tita Cha nalang." banayad na sabi nito.
Ngumiti ito saakin. Nagbago ang facial expression niya. Kung kanina ay blangko ngayon naman sobrang aliwalas. Sana ganyan nalang siya lagi. Mas bagay sa kanya ang ngumiti. Lalong nadipina ang ganda niya.
Nakikita ko ang mukha ni Blessica sa kanya kapag ngumiti siya.
"My daughter told me, sinamahan mo daw siya rito?"
"Opo"
"Thank you for always accompanying my daughter hija, I'm not always by her side and I go home once or twice a day because I am so busy at work. Mabuti nalang at nandyan ka para samahan siya."
"Walang ano man po iyon ma'am -Tita! " mabilis kong tinikom ang bibig. Malapit ng magkamali ng tawag sa kanya.
"I'll be busy these coming weeks and I'm not always here. I hope na paminsan-minsan ay samahan mo siya. That's the favor that I wanted to ask for you. I can see how happy she is when she's with you. Nagkaroon siya nang totoong kaibigan, hija."
Marami pa kaming napag-usapan ng mommy ni Blessica. Pagkatapos naman niyon ay bumaba kami para sa tanghalian. Masaya si Blessica, halata sa mukha nito dahil nakasama niya ang kanyang mommy.
Alam kong kulang sa aruga ang mga kagaya niya dahil naghahanap siya ng makakasama. Ang katulad niya na kulang sa pagmamahal mula sa ina o ama o pamilya. Hinahanap niya ito sa kaibigan. Sa kaibigan na alam niyang magpupuno sa kanya nang pagmamahal.
At ako bilang kaibigan niya. Pupunuin ko iyon ng pagmamahal. Nagbabalak akong ayain siya minsan sa bahay para naman sumaya siya. Magugustuhan din iyon nila mamang at papang.
Susubukan kong ipagpaalam siya sa kanyang mommy kung papayag. May mayordoma namang magbabantay sa bahay nila kapag wala ang amo.
"Pwede po bang minsan doon po saamin si Blessica? " ani ko pagkatapos naming kumain.
Pansamantalang nasa taas si Blessica. May kinuha sandali.
Nakita ko ang pag-aalalangan sa mukha ni Tita Cha. "Hindi ba delikado doon? I'm sorry hija. I just want to ensure the safety of my daughter...hindi niya lang alam kung gaano ako laging nag-aalala for her safety everytime I'm at work. I know she hates me for being a workaholic mother but this is the source of our income, all her wimps were come from the money I work for. Gusto ko maibigay sa kanya at sa kuya niya ang mga bagay na gusto nila kaya ako nagpupursiging magtrabaho."
Naiintindihan ko siya dahil nag-aalala siya. Kung ako nasa kalagayan ni tita at tinanong ako ng ganun tungkol sa anak niya. Magiging protective rin ako. I will ensure the safety of my daughter.
"Kung gusto nyo po. Magpadala po kayo ng bodyguard Tita para po mas makakasiguro kayo." matamang sabi ko.
-------------
HINATID NAMIN sa labas ng mansion ang mommy ni Blessica. Bitbit ang maliit na maleta humarap ito sa amin. Ngumiti siya sa akin pagkatapos humarap ito sa anak niya. Nilapitan at hinagkan.
Para akong nanunuod ng drama. 'Nagpapaalam ang ina sa anak. Hinagkan ito at hinalikan sa noo. Sabay punas ng luha sa gilid ng mga mata ng anak na umiiyak dahil aalis na naman ang ina para sa trabaho. Maiiwan na naman ang anak. '
Ganun ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Si Tita Cha at ang anak niyang si Blessica. Alam ko namang nagkakayod buto siya para sa anak niya. Ngunit bigyan naman niya sana ng oras ito. Wag gawing mas higit ang trabaho kesa pamilya.
Nang makaalis na ang kotseng sinakyan ng mommy ni Blessica. Inalo ko siya dahil walang tigil ang pag-iyak niya. Nakita ko rin kanina kung gaano kasakit sa mga mata ni tita na makitang umiiyak ang anak niya. 'Kung sana bigyan niya ng oras ang bawat araw na nagdaan para makapiling niya ito. '
"Tahan na Bless. Uuwi naman si Tita Cha kapag tapos na ang trabaho niya. " hinagod ko ang likod niya para pagaanin ang pakiramdam.
"I know...but that weeks.....become months... And if...she comes back... " patuloy parin ang iyak niya. Paputol-putol ang sinasabi. "....two days lang...ang....tinatagal!"
"Okay na iyon at least nakakauwi siya. Nakikita mo kahit ilang sandali lang. Tahan kana."
Nalulungkot ako para sa kanya. Ang yaman niya pero hirap siyang makasama ang ina maging ang kuya at ama niya.
Aanhin ang yaman ng isang tao kung kapalit nito lungkot na nararamdaman dahil may kulang, hindi pera ang pupuno sa isang tao kundi pag-aaruga.
Hindi kami natuloy sa pag-ikot sa mansion nila. Sayang nga dahil wala siya sa mood. Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya. Nanunuod ng tv. Tulala siya habang balot ng kumot ang katawan. Nasa gilid naman ako ng kama. Minsan sa kanya o kaya naman sa tv nakatutok ang mata ko.
"Pumayag pala ang mommy mo..." basag ko sa katahimikan.
Though hindi naman tahimik dahil malakas ang volume ng tv. I mean sa aming dalawa. I gave her silence and peace. Didn't try to disturb her but I can't wait to tell her that her mother agreed to my request.
"Pumayag na? " tamad niyang tanong.
"Pumayag siyang minsan doon ka sa amin matulog. "
Bigla nalang siyang umupo at lumingon saakin. "Kinausap mo siya?" hindi makapaniwala ang mukha niya ng tanungin niya ako.
"Hm. Kinausap ko siya kanina pero my bodyguard kang kasama. Nag-alala ang mommy mo kung di mo napapansin. " saad ko. "Pansamantala lang naman dahil nasa work siya at isang linggo daw siyang mawawala."
"I'll pack my things then! " parang hindi niya narinig ang sinabi ko bago lang. Basta masaya siya sa nalaman.
Ewan ko lang kong kayanin niyang matulog sa maliit na kwarto namin. Sanay pa naman ito sa ganitong lugar. E, yung amin ay parang bahay kubo lang na bahay. Hindi ganu'n ka laki.
Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng dadalhin niyang gamit sa bahay. Mamaya ay doon siya matutulog. Kaya ganun nalang ang saya niya.
Hindi na kami nagpaabot pa ng gabi sa daan. Ala singko ng hapon tinahak na namin ang daan pauwi ng bahay. Dalawa ang bodyguard na kasama namin. Ang van ang ginamit. Itong kulay itim na kumikintab. Napapatingin pa nga ang mga taong nadadaan namin.
"Mamang? "
Bukas ang bahay kaya nakapasok agad kami. Hinanap ko sa kusina si mamang pero wala. Siguro ay nasa bakuran siya ngayon. Kaya pumunta ako sa likod ng bahay.
"Mang! " tawag ko sa kanya. Nagwawalis siya. Kaya pala hindi niya kami napansin.
Napahinto siya sa pagwawalis. Kunot noo ng tignan ako pagkatapos lumampas ang tingin sa likod ko.
Lumapit siya sa amin na hawak ang walis niya. "Hinatid mo si Dalisay dito hija? " mahinanong sabi ni mamang.
Tipid na ngumiti sa inay ko si Blessica. "No po. Dali asked my mom if I can sleepover at your house po." magalang nitong sagot.
Ramdam ko na napaayos ng tayo si mamang. "Pumayag mommy mo hija? "
"Opo tita. But I have my bodyguard's with me if that's okay? My mom wants to have it so..."
"Okay nga iyon hija. Tara kayo sa loob. Mag-gabi na."
Ipinagpatuloy nila ang pag-uusap sa loob. Iniwan ko silang dalawa doon habang ako ay pumunta sa kwarto para ayusin ang higaan ko. Sa sahig nalang ako matutulog may extra foam naman kami kaya iyon ang gagamitin ko. Nakakahiya kung si Blessica pa ang papahigain ko sa sahig. Alam ko pa namang hindi iyon sanay.
Bumama na rin naman ako pagkatapos mag-ayos sa kwarto. Nakarating lang din ni papang kaya nag mano ako sa kanya.
"Nandito pa ang kaibigan mo Dalisay? " ani itay ko.
Tumango ako sa kanya "Opo. Nasa kusina sila ni mamang. Dito po iyon matutulog kaya may kasamang bodyguard. Tara na po sa kusina." nauna akong maglakad kay papang.
Nadatnan ko silang masayang nag-uusap habang nakamasid si Blessica sa inay kong nagluluto.
Kumatok ako sa dingding para mapansin nila ako. Ngumiti ako ng lingunin nila ako. Ang saya sa mukha ni Blessica ay hindi mawari. Nakahanap siya nang pagmamahal at kalinga mula sa iba. Iyon ang kakulangan na hindi naibibigay ng pamilya niya.
Napapabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Naglakad ako papunta sa kanila.
"Anong ulam natin mang? " tanong ko ng makalapit ako.
"Nagluluto ako ng munggong may kalabasa! Para masustansya ang uulamin ninyo." si mamang.
Tumingin ako kay blessica. "Natry muna bang kumain nito?" nahihiya naman siyang ngumiti at umiling.
"I haven't try it, never in my life! But right now I wanted to try...what did you call it? Munggo? Parang masarap po kasi at ang bango."
"Masarap yan Bless. Panigurado magugustuhan mo. Ano bang kadalasan mong inuulam sa inyo? " ako ang nagtanong. Focus naman si mamang sa pagluluto pero alam kung nakikinig siya.
"Ang ulam ko lagi...hmm.." mukhang nag-iisip ba siya "Egg and hotdog sometimes bacoon with cheese... Halos mga meat lahat e! " ani niya.
Napabaling si mamang sa amin. "Naku hindi iyon nakakalusog ng katawan. Paminsan-minsan dapat kumakain ka ng gulay o kaya isda. Wag mong laging ulam ang mga ganun, lalo na mamantikain. Mabuti nalang at gulay ang ulam natin ngayon." bumalik ang tingin niya sa niluluto. "Malapit na itong maluto. Dalisay ayusin muna ang mga pinggan ,kutsara, tinidor at baso. Ikaw naman hija maupo kana. " ani niya.
"Osige po mamang. Bless maupo ka na."
"I can help! " boluntaryo niya.
"Hindi na. Maupo ka nalang. O kaya tawagin mo nalang iyong dalawa mong bodyguard. Sumabay na sila dito." ani ko. Habang kumukuha ng pinggan.
"You're right! " sabi niya saka dali-daling lumabas ng kusina.
---------------
NASA KWARTO NA kaming dalawa ngayon. Nagsusuklay ako ng buhok habang nakaupo sa hinihigaan kong foam sa sahig. Habang si Blessica ay tutok sa cellphone niya. Sunday bukas kaya magsisimba ulit kami.
"Hi Missier! How are you there? " napabaling ang tingin ko sa kanya habang nagsusuklay.
Nakaupo na siya sa kama niya ngayon. Medyo nakatalikod saakin.
"I'm fine my princess. Where are you?" malaki ang boses nang tatay niya. Parang nakakatakot.
Napansin siguro ng daddy niyang hindi ito ang kwarto niya.
"I sleep over with my bestfriend's house Missier, but don't worry because two of mom's bodyguard is with me. Nothing to worry! I'm totally fine, there's no harm, they're not gonna bite me or something! They're so..so kind!"
"That's good to hear that princess. Your mom is at work again? Tsk. She should have time for you. Work can wait but time with you cannot. If I only knew that she's always not there for you, I wouldn't let you go there."
Napakagat nalang ako ng labi sa naririnig kong usapan ng daddy niya. Parang laking pagsisisi ang ginawa nang daddy niyang pinauwi siya dito. Dahil akala ng daddy niya lagi niyang makakasama niya ang mommy niya. Iyon pala hindi.
"Messier, it's okay, I'm fine here. Actually, I'm happy right now! Anyway, where's bro? I haven't seen him is he busy too?"
"No. He's in his room right now. I'll go to his room so you can talk to him. That asshole has his own world. Tsk! "
"Haha. You know him very well. Don't try to surprised him, you'll might kicked out later. Haha"
Mas kasundo niya ang daddy kesa sa mommy niya. Halata sa saya ng mukha niya. Siguro dahil doon siya lumaki at siguro laging kasama ang ama.
Ngayon lang nawalay.
"What the fuck are you doing in my room?! " nagulat ako sa malutong nitong pagmumura. Parang sumakit ang tenga ko sa narinig ko. Grabe naman pala ang kuya niya.
Malaki ang boses ng kanyang ama habang tumatawa ito.
"Chill son! Your sister is looking for you."
"Fuck off old man! You're disturbing! Tell Blessica I'm not looking for her. Go fuck off! "
Napasalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Lahat nang sinasabi niya may mura, tapos wala siyang pake sa kapatid niya. Anong klaseng kuya siya?
"You know Kuya? Ito ka! Don't call dad like that, you're so bad talaga! If I know you're just concern because I'm away and you can't bully me. Ble! " natawa ako sa pagiging bata isip ng kaibigan ko.
"You little bratty! Wait for me and you can't go somewhere! And where are you?! That's not your room! Let me see who's with you right now. Is it a boy! Humanda ka talaga saakin kapag nalaman Kong may boyfriend ka diyan!"
Kung ang daddy nila parang okay lang kanina. Itong kuya naman niya parang sasabog sa galit. Hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan. Hindi naman din ako nag-abal pa na tumingin dahil. Tamang pakinig nalang ako.
"I'm at my bestfriend's house. Duh! Here oh! " hindi ko nakita kong ano ang ipinakita niya. Dahil busy ako sa pagsusuklay.
Nagbibilang ako hanggang 100 habang nagsusuklay. Ito kasi ang dahilan kung bakit mabihis humaba ang buhok ko tapos straight na straight pa.
"Fuck!"
"Kuya! Your filthy mouth! Stop that! Hindi mo ikinaka gwapo ang pagmumura!"
"Fuck! Fuck! Fuck! "
"Kuya! I'll end na nga! I hate you! "
"Wait! Fuck-"
Wala na akong narinig pa mula sa cellphone niya. Napatingin ako sa kanya. Mabagsak siyang nahiga sa kama.
Kinaumagahan maaga kaming bumangon at nag-ayos para magsimba. Nagsuot ako ng floral dress na above the knee, red and white iyon. Si Blessica naman plain dress na peach color. Nakalugay ang mahaba kong buhok at nag headband. Siya naman ay nakatali ang buhok. Kulot ang dulo ng buhok niya. Ang linis tignan. Ang ganda niya lalo.
Katulad nu'ng nakaraang linggo. Dagsaan ang mga tao. Mabuti na nga lang at maaga kami kaya nakahanap kami ng mauupuan. Nakasalubong namin papasok ang iba naming kaklase. Lalo na sila ronalyn. Kaya sama-sama kami sa upuan. Sila mamang at papang hindi ko nakita baka nasa likod sila.
Nang matapos ang misa, nagkayayaang pumunta ulit ng plaza. Pumayag naman kami dahil minsan lang ito mangyari. Katulad ng nakagawian. Nagpaalam ulit kami sa magulang ko. Pumayag naman sila bilin lang saakin na wag na daw magpagabi pa.
"Guys picture tayo! " si Sheng.
Nakataas ang isang kamay nitong may hawak na cellphone habang ang isa naman ay naka peace sign.
Kaming dalawa ni Blessica sa gilid niya. Sa likod ko naman ang mga lalaking kaklase kasama si Daniel, Yiehmer at Roe. Si Ronalyn nasa kabilang side ni Sheng kasama si Jing.
Marami ang kuha niya, iba't ibang pose ang ginawa namin. Ang iba blur pa. Dahil tawa kami ng tawa.
"Ligaya ikaw kumuha iyong kasama kami!"
"Hala hindi ako marunong kumuha ng picture. Nanginginig ang kamay ko. Baka papangit yan. "Ani ko.
"Naku sa ganda mong iyan kahit blur lutang ka parin, kayong dalawa ni Blessica. Parang paepal nga lang kami sa picture kapag kayo kasama. Haha!" biro ni Ronalyn.
Wala akong nagawa kundi kuhanan nalang ng picture kaming lahat ako naman ang nagpeace sign at pumindot sa camera.
Palitan ang ginawa namin. Pagkatapos ko si Blessica naman. Pagkatapos ni Blessica. Si yiehmer hanggang umabot kay daniel. Sayang saya kami habang ginagawa iyon.
"Wala kang facebook Ligaya? Hindi ko kasi mahanap ang pangalan mo dito." si Sheng.
"Wala akong ganun. Di naman ako mahilig sa facebook."
"Sayang naman hindi mo makikita ang ipopost naming picture."
"Okay lang. Makikitingin nalang ako sa facebook ni Blessica." suhestyon ko.
"I can create you one if you like. " Blessica volunteered.
Umiling ako. "Ayoko Bless. Saka na yan. Makikitingin nalang muna ako."
Tumango naman siya. "Ako nalang ang mag-aupload ng pictures natin pwede? " ani Blessica.
"Oo ba. Paniguradong maraming maglalike niyan! Nakita ko profile ni Blessica daming followers grabe! Sikat! " si Daniel.
"Oo nga. Sayo nalang Bless. Ipapasa ko sayo yung mga kuha natin. " ani Sheng.
"Tag mo nalang kami. Sayang talaga walang account sa facebook si Ligaya. " ani Ronalyn.
Ngumiti nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Gumala kami kung saan-saan dito sa plaza. Minsan mag:aambagan para sa meryenda, minsan naman manunuod ng basketball sa gym.
Nang maghapon na ay inihatid namin sila isa-isa. Unang hinatid namin si Sheng at ronalyn dahil magkapit bahay lang sila. Sumunod si Jing. Pagkatapos sila Roe, Daniel at Yiehmer.
"Salamat ng marami! Sa susunod ulit!"ani nila.
Nagpaalam kami sa kanila at umuwi na rin. Sa amin parin ngayon matutulog si Blessica. May baon naman siyang damit para bukas dahil lunes.
Kinabuksan lunes maaga kaming pumasok. Hindi na ako nagpahatid kay papang dahil may sasakyan naman sila Blessica. Namasada na si papang. Nauna pang umalis sa amin. Mamaya sa hapon ang sundo niya saakin. Uuwi rin kasi si Blessica sa mansion nila mamaya.
"Let's invite them later sa recess! " masayang sabi ni Blessica habang tinutungo namin ang second floor papunta sa room namin.
"Oo ba. Mas maganda nga iyon. Marami ang ginawang sandwich ni mamang kaya paghatian natin. I-share natin sa kanila. "
"You right!" she said while clapping her hands. "See you later bye!"
Pagkatapos nang usapang iyon pumasok narin ako sa classroom namin. Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Wag sana magdiscuss agad. Sana magcheck kami ng mga exams namin ngayon.
Hindi nga ako nagkamali nang dumating ang mga teacher namin sa bawat subject. Nagcheck kami at sinabi ang score namin.
"Grabe mababa ang nakuha kong score sa science and math. Ang hirap ba naman kasi! "
"Same! Hindi ko alam kung ipapakita ko ba ito sa parents ko! Hay! "
"Babawi ako sa 4th grading natin. Lalo na gagraduate na tayo. Ayoko bumagsak! "
"Mabuti pa iyong iba ang saya nila kasi mataas nakuha nila score. "
Ilan lang iyan sa mga kaklase kong nag-uusap habang dinidistribute ang test paper namin. Hindi naman din mataas ang score na nakuha ko tamang sabit lang sa mga pumasa. Hindi rin naman kataas ang score. Ang saakin lang basta may natutunan okay na.
Kasalukuyan kaming nasa canteen ng matapos ang klase namin. Recess time kaya kasama namin sila. Si Ronalyn, Sheng, Jing, Blessica, Yiehmer, Daniel at Roe.
"Anong kakainin nyo? " tanong ng bawat isa.
"Actually Dali has baon. We can share nalang if you want. Ambagan tayo for drinks din. " suhestyon ni Blessica.
"Wow. Talaga Ligaya? " sabay nilang sabi.
"Hmm" tango ko.
"Hindi ba kukulangin saatin yan? Dagdagan nalang natin. Para mas marami." si Roe nagsabi.
"Pwede rin naman, ano na? Baba nyo na pang-ambag nyo! " si Daniel.
"Sige ba! " sabay pa nilang sabi na ikinatuwa namin.
Ito ang masayang araw para saakin. Hindi na sayang ang apat na taon ko. Kahit huli ko na silang nakasalamuha talaga. Feeling ko close na close ko sila. Mabuti nalang din at naging maganda ang ilang buwan ko bago makagraduate.
"Gagraduate tayo! " sabay namin sigaw. Habang itinataas ang mga softdrinks na hawak. Sabay tawanan.
"Guys picture ulit tayo for memories lang! Kahit ito man lang meron tayo bago grumaduate!" si Sheng.
"Sige. Sige! " ani naming lahat.
"Say cheese! "
"Cheese!" sabay namin lahat na sabi.
"This is a memorable day for me guys. Thank you for being my friend, especially you Dali. You are all being part of my unforgettable memories! Thank you!" masayang sabi ni Blessica.
Maging ako ay masaya rin dahil naging maganda ang taon kong ito na nakilala sila. Nagroup hug kami pagkatapos noon.