Chereads / MALTA FORMOSA SERIES 2: TO FORGET / Chapter 12 - Chapter 10

Chapter 12 - Chapter 10

"Oh dahan-dahan lang sa paglalakad. Hindi naman tayo malilate sa unang subject natin." sabi ni Tan saakin habang naglalakad kami sa hall way nang university. "Sabi ko naman kasi sayo kagabi sasama ako kaso ayaw mo naman." aniya

Monday na ulit kaya balik klase na naman. Yung nangyaring pagkapatid ko kagabi ay dala-dala ko parin hanggang ngayon. Medyo paika-ika sa paglalakad dahil nga sa daliri nang paa ang sugat.

Sobrang alalay ang ginawa ni Tan saakin habang naglalakad kami. Iyon bang aakalain nang iba grabe yung natamo kong sugat kahit hindi naman.

"Hindi ko naman aakalaing mapapatid ako nang bato at masusugatan ako Tan." Mahinahon kong saad sa kanya.

"Kahit na! Kung nandoon lang ako hindi talaga mangyayari yan sa'yo e." pagpipilit pa nito. "Naiwas sana kita sa bato."

"Kahit nandoon kaman o wala, mapapatid at papapatid parin ako. Hindi naman natin hawak yung oras kung kailan tayo madidisgrasya diba? Katulad kagabi." Hindi naman ako nagpatalo. I saw him groan because of annoyance.

"E, kahit na! Dapat andun parin ako diba? Malay mo kung nadun ako baka naiwasan mo iyon." Hindi ko alam kung ano pa ba ang pwede kong maisabi dahil sa tuwing may ipambabala akong salita, ganun din si Tan.

"Tan." Gusto kong ipaunawa sa kanya ang nangyari kagabi. "Tulad nga nang sinabi ko ngayon-ngayon lang. Hindi natin hawak ang oras, hindi mo rin malalaman kung kailan ka mapapatid at kung kailan hindi. Ang kailangan lang gawin upang makaiwas sa ganun, mag-ingat nalang sa susunod." Sabi ko pa sa kanya. Ngumuso lang siya, na waring ipinipilit talaga na dapat nandun siya.

"Sa susunod kasi isama mo ako kung aalis ka Dalisay. Para naman hindi ka napapatid at mas mabuti talagang may kasama ka nang gabing iyon e." naiiba na naman ang topic pero hindi na doon sa napatid kundi doon sa sinasabi niyang wala akong kasama.

Hindi ko pala sinabi sa kanila na kasama ko nang gabing iyon si Tom Qlement. Ayoko rin kasing malaman ni Blessica iyon dahil baka pagsabihan na naman ako about sa kuya niya.

Gusto ko nalang sarilinin ang mga nangyari nung gabing iyon. Itatago ko nalang muna saakin ang mga sinabi na masasakit nang kuya niya tungkol saakin.

Napag-isip isip ko rin na bigyan nang pansin yung importanteng bagay kesa sa nararamdaman ko kay Tom Qlement. Kung magkikita man kami muli, ituturing ko nalang siyang kuya katulad nang nakagawian ni Blessica. Siguro hindi iyon mahirap dahil mas matanda naman siya nang tatlong taon saamin.

Kagabi kasi naitanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya? Is it because of his appearance? Or is it because of his attitude towards me? Or is it the attraction I have felt when we first met at the pool? Yung muntikan ko nang ikaluod dahil hinatak niya ako sa pool.

Ngunit isa lang ang siyang naging sagot sa mga tanong kong iyon. Kailangan ko munang iset aside yung nararamdaman ko para sa kanya. Set aside muna yung presence niya dahil bata pa iyong puso ko para makaramdam nang ganito.

"Nakikinig kaba Dalisay?" pukaw ni Tan dahil nilipad na pala ang isip ko.

"Ano ba yun?" nagkunwari akong nababagot sa kanya.

"Ang sabi ko date tayo."

Yung reaksyon ko sa sinabi niya parang hindi naniniwala. Wala naman saakin iyon dahil alam kong mapagbiro lang siya.

"Hinahangin ka na naman ba Tan? Umayos ka nga."

"Hala! Totoo yung sinabi ko date tayo." Parang wala lang sa kanya ang salitang iyon. At ngumiti siya nang makitang titig na titig ako sa kanya, ginulo ang buhok ko pagkatapos. "Joke lang! Baka mamaya habulin ako nang itak nang tatay mo." Tumawa pa siya sa sariling biro.

Umiling nalang ako sa mga pinagsasabi niya, hindi ko rin sineryoso ang kanyang sinabi dahil nga mapagbiro talaga si Tan. Nakasanayan ko nang ganito siya.

"Bilisan na ngalang natin para hindi tayo malate." iyon nalang ang nasabi ko at pinagpatuloy namin ang paglalakad.

---------

Until now namamaga parin ang paa ko pero nakakalakad pa naman nang maayos. Tiis lang habang nakatayo ngayon. Pilit nga akong pinapaupo ni Tan at sabi niya siya nalang daw ang bibili nang pagkain dito sa canteen pero mapilit ako.

Nakakahiya naman kasi, halos siya na ang nagdala nang bag ko tapos inaalalayan pa ako, kaya boluntaryo akong bumili nang pagkain namin.

"Balita ko dito daw pansamantalang magtatrabaho yung panganay na anak nang Salvador, ma'am." nasa pila kami dito sa canteen at kasalukuyang nakatayo, napapakinggan ko rin ang usapan nang dalawang fresh graduate na professor.

Hindi ko ngalang alam kung sino ang pinag-uusapan nila. Kaya tahimik lang akong nakatayo at nakikinig, hindi naman siguro masama ang makinig nang usapan nang may usapan diba? Ang lapit kasi nila saakin, kaya rinig na rinig ko.

Kanina pa nga silang nag-uusap at halos hindi maawat sa topic na iyon. Kinikilig pa sila sa tuwing nababanggit ang apilyedong Salvador e.

Kilala naman talaga ang mga Salvador dito sa Naga dahil kalat ang kanilang pamilya. May nasa politika, business industry at telebisyon. Hindi ko naman mahulaan kung sino ang pinag-uusapan nila.

Salvador din ang middle name ni Blessica at nang kuya niya e. Pero hindi ko alam kung sila ba iyon o yung iba nilang kamag-anak.

"Maraming Salvador dito sa Naga, ma'am. Sino ang tinutukoy mo sa mga 'yon? Si Mayor Agustino Salvador ba? O si Charita Salvador? O kaya naman si Juliana Salvador pero matandang dalaga yun e, walang anak. O baka naman si Hulyo Salvador Jr.?" panghuhula nung isang professor.

Sa kalagitnaan pa nang pila sila nag-uusap nang ganyan. Baka mamaya marinig sila nung pinag-uusapan nilang tao.

Umusad ang pila at sila na pero ganun parin kahit tinanong sila nung tindera, patuloy parin sila sa pakikipag-usap. Medyo nabagot nga ang tindera sa canteen dahil ang bagal nilang pumili. Inuna kasi ang pag-uusap.

"Ah! Yung anak ni Mrs. Charita Salvador? Yung nag-aral sa ibang bansa? Grabe no? Akalain mo yun marami naman silang company sa Maynila pero bakit dito iyon pansamantalang magtatrabaho? At dito pa mismo sa Unibersidad na kay liit!" parang hindi makapaniwala na saan nito.

"Iyon din pinagtatakhan ko Ma'am, pero hayaan muna! Chance na natin to!" sabi nung isang prof na halatang kinikilig pa. Umagree naman yung isang prof at nag-apiran pa silang dalawa na kala mo malaking isda ang nakuha nila.

"Ano ba naman yan! Kanina pa tayo nakapila dito oh! Kakakagutom na kaya!" napalunok ako nang marinig ang reklamo nang dalawang studyante sa likod ko. "Pakibilisan naman po! Pwede?"panigurado namang pinaparinggan nila ang nasa harapan ko.

"Mga ma'am! Baka po pwedeng gumilid kayo? May nakapila pa po kasi sa likod niyo, pasensya na po!" hindi narin ata natiis nang tindera dahil maging ito napansin din pala.

"Ay sorry po!" sabi nung dalawa sa kanya at tumingin saakin maging sa iba ring nakapila, humingi sila nang pasensya."Tara na Ma'am! "

"Dalawang tubig nga po tsaka dalawang sandwich with egg..." order ko nang ako na ang next.

"Ano pa?"

Umiling ako dahil iyon lang naman ang bibilhin ko, wala na. May baon ako sa bag, pandagdag lang itong binili ko.

"Salamat po." nang makuha ko na ang binili ko at nagbayad.

Inilapag ko ang tubig at sandwich na para kay Tan. Bagot niya akong binalingan nang tingin. Tinaasan ko siya nang dalawang kilay upang iparating kung bakit ganun siya makatingin saakin.

"Ang tagal mo dun, gutom na ako." aniya.

Ito talaga mareklamong tao, mabuti sana kung siya 'yong pumila doon hindi naman e. Umupo naman ako sa kabilang upuan, kaharap siya.

"Pasensya na po." sarkastiko kong sabi na ikina salubong nang kilay niya. "Ikaw sana ang pumila para malaman mo kung bakit ako tumagal doon." sabi ko sabay kagat nang sandwich, gutom narin kasi ako.

"Bakit nga ang tagal mo dun?" siya din kumagat nang sandwich niya.

"Nag-uusap kasi yung dalawang prof sa unahan ko habang umoorder din. Ang bagal pa nilang pumili nang bibilhin, pati nga yung tindera nabagot narin." pagkukwento ko. "Kaya natagalan ako sa pila."

"Talaga?" ani niya

"Hmm."

"Ah! Hulaan ko!" bigla nalang niyang sabi. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya at patanong siyang tinitigan habang ngumunguya nang sandwich. "Hulaan ko ang pinag-uusapan nila." aniya, napaayos naman ako nang upo. "Tungkol yun sa anak nung Salvador 'no?"

Tumango ako dahil tama ang sinabi niya. Ganun ba talaga ka big deal sa kanila ang pagtrabaho nu'ng Salvador dito? Bakit pinag-uusapan talaga nila iyon? Anu naman ngayon kung dito iyon magtatrabaho? At nakakapag taka sino ba iyong anak ng Salvador na iyon?

"Sino daw ba iyon?" hindi ko mapigilang mangusisa.

Nagkibit balikat si Tan. Siguro hindi niya rin alam kung sino. "Aba! Malay ko kung sino yun. Basta narinig ko nalang sa mga studyante, akala nila siguro artistang darating kung pag-usapan nila." napapailing pa siya.

"Ganun na nga. Pero panay ang pag-uusap nang iba tungkol dun. Big deal ba yun kung dito magtatrabaho yung tao?" tanong ko.

"Sa kanila siguro, oo. Saakin hindi naman. Over reacting lang sila, lalo na ang mga babae dito." he tsked. "Maliban sayo! Hindi ka kasi katulad nila." tumawa siya na ikinailing ko.

Malamang hindi iyon big deal kay Tan dahil lalaki siya. Pero sa mga kababaihang studyante at professor dito big deal iyon, except saakin. Hindi ko pinagtutuunan nang pansin iyon dahil natural lang namang magtrabaho ang tao dito, tsaka buhay niya yun, walang big deal doon.

Wala na siyang sinabi pa at pinagpatuoy na lang ang pag-ubos nang sandwich niya.Nagkibit balikat nalang din ako. Naalala ko rin na may baon pala akong pagkain sa bag, kaya dali ko itong inilabas at pinaghatian namin ni Tan. Laking tuwa pa nga niya dahil may pagkain daw. Hindi naman halatang gutom siya no?

Kinabukasan hindi ako napakasok dahil masakit ang paa ko, lalo na iyong hinlalaki sa paa. Naalala kong boluntaryo pala akong nagpumilit na ako ang pipila sa canteen kaya ito ang kinahinatnan ko ngayon.

Minessage ko narin naman si Tan na liliban muna ako sa buong klase at sabi naman niya siya na daw ang bahalang mag-excuse saakin sa mga professor namin.

Hindi ko maiapak nang maayos yung paa ko. Akala ko pa naman kahapon okay na kasi kahit medyo maika-ika ako feeling ko pagaling na, iyon pala hindi.

Ang layo din kasi nang nilalakad namin sa tuwing lilipat nang room para sa next subject, sinagad siguro kaya ito, kumikirot at sa tuwing iaapak ko masakit.

Nanghihinayang ako sa isang araw na pagliban sa klase pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang sarili ko.

Hahabulin ko nalang ang mga lessons na namiss ko. Sabi naman ni Tan, pupuntahan niya ako mamaya pagkatapos nang klase, para tulungan ako sa mga lessons.

"Dalisay! Dumito ka nga sa sala! Gagamutin ko iyang paa mo!" sigaw ni Mamang sa labas nang kwarto ko.

Huminga ako nang malalim bago napagpasyahang bumaba sa kama. Nakahiga lang ako kanina pa, hindi naman ako makatulog, dilat lang ang mata, hinihintay ang tanghali at gabi.

"Dalisay!" tawag ulit ulit ni Mamang. Akala siguro hindi ko narinig ang tawag niya.

"Opo Mang! Palabas na po ako. Sandali lang po!" itinali ang mahabang buhok bago paika-ikang lumabas nang kwarto. Dahan-dahan ang lakad ko hanggang sa makarating sa sala namin.

Nakita kong inaayos ni Mamang ang betadine at bulak sa maliit na table. Bumaling siya saakin at hinintay akong makaupo.

"Hindi maganda ang lagay nang hinlalaki mo anak. Mas lalo atang namula, tignan mo o." nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ni Mamang habang chinecheck niya ang hinlalaki kong paa.

"Angat mo ang paa mo, ipatong mo sa mesa para makita ko nang maayos." aniya na sinunod ko agad kahit kumikirot dahil sa mabilis na pag-angat nito.

Tahimik lang akong nagmamasid habang binubuksan ni Mamang ang betadine at kumuha nang bulak tsaka nagbuhos doon nang kaunting patak. Pero bago iyon, binuhusan muna niya nang antiseptic yung hinlalaki ko para maalis yung bacteria doon, pagkatapos, betadine na iyong inilagay niya.

Todo pigil ang ginawa ko kahit mahapdi na sa paa ang gamot. Hindi ko lang pinapahalata kay Mamang, panay kasi ang baling saakin. Ingat na ingat pa sa paggamot sa paa ko.

"Pagkatapos nito bumalik ka sa kwarto mo't magpahinga. Huwag kang lakad nang lakad upang hindi madagdagan yang kirot sa paa mo. Hindi ka kasi nag-iingat e." sasabunin na naman ako ni Mamang. Pangiwi akong ngumiti at tumango.

Sana naman gumaling na 'to para bukas makapasok ako. Inaalala ko pa naman iyong midterm namin next week. Ang bilis kasi nang araw, kakatapos lang nang prelim namin, may midterm na namang nakasalubong.

Matapos gamutin yung sugat sa paa ko, bumalik din ako sa kwarto, upang sundin ang sinabi ni Mamang.

Ang kinalabasan hindi nga ako naglakad-lakad. Isa pa wala naman akong gagawin kaya nasa kwarto lang ako. Maliban pala sa nag-aadvance study ako, iyon lang naman.

Lalabas lang ako kapag tatawagin ni Mamang para magtanghalian. At nung kinagabihan na, pumunta si Tan sa bahay para sa mga lessons. Hindi ko aakalaing ganun siya kasipag, halos wala siyang namiss ni isang lessons lahat alam niya.

Tumagal din siya sa bahay dahil niyaya siya nang magulang ko na doon na kumain. Syempre tatanggi pa ba ito, e halos patirahin na siya ni Papang sa bahay.Baka nga matuwa pa si Tan.

------------

Midterms week ngayon kaya lahat nang studyante busy sa kanya-kanyang pagrereview. Mabuti nalang nakapag review na kami ni Tan, napapansin ko nga na umiimprove siya dahil hindi ko na naririnig ang rants niya about sa tinake niyang exams.

Kung tatanungin naman ang sugat sa paa ko. Maayos na siya noong nakaraan pa, nakahabol din agad ako sa mga lessons, buti nalang at nandiyan si Tan para sa lessons na namiss ko. Laking tulong din niya saakin.

"Pagkatapos nang midterms week na to! Ililibre kita Ligaya!" masaya niyang saad habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen dahil break time. "Saan mo gustong mamasyal? Ipapasyal kita!"

Tiningnan ko siya sandali at ibinalik din sa daan ang tingin. "Anong meron at manlilibre ka?"

"Dahil paniguradong mataas ang score ko sa mga exams! Salamat ha?" puno nang tiwala niyang sabi, bakas din ang excitement sa mukha niya.

"Halata nga sayo. Nagsipag ka sa pagrereview kaya paniguradong mataas ang score mo. Walang anuman..." sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako at iyon na naman ang dalawang malalalim niyang dimples sa pisngi. "Ang cute mo kapag ngumiti ka." sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pinamulahan siya nang mukha, nagsasabi lang naman ako nang totoo, compliment kaya iyon.

"Ligaya huwag mong sabihin yan!" iniwas niya ang tingin kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya. "Hindi mo alam ang epekto nun sakin..." hindi ko marinig ang sinabi niya kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Saan mo ba ako ililibre?" ibinalik ko sa mismong topic ang usapan namin. Kaya napatingin siya, hindi na siya pinamulahan.

Napakamot siya nang batok. Siya ang nag-aya pero hindi niya pala alam kung saan ako ililibre. "Ikaw nga ang tinatanong ko e. Saan mo ba gusto? Kung gusto mo, outing tayo. Yayain natin sila Jessie at iba nilang barkada. Pati pala yung tatlong HRM, panigurado papayag ang mga iyon, mukhang gala naman kasi sila..." suwestyon niya.

Siya ang nagtanong, siya din ang sumagot. Dapat pala hindi na siya nagtanong diba?

Tungkol naman doon sa sinasabi niya. Sila Jessie ay mga kaklase din namin pero hindi namin iyon ka course, mga IT student at HRM student ang mga iyon. May isang subject lang silang tinake sa Agribusiness. Mga irregular student na bumagsak at nagtake ulit kaya nakilala namin.

Iyon ang maganda sa college dahil maraming makikilalang studyante. Nakakatuwa nga dahil mabilis pakisamahan at hindi naman nakakailang. Naaalala ko tuloy sila Yiehmer, Daniel at iba pa. Kamusta na kaya sila?

Simula noon hindi ko na sila nakakausap o kaya naman nakikita dito. Nakaka miss din pala sila. Pero sabi nga kung may aalis, may bagong dadating, siguro sila Jessie na iyon.

"Basta pagkatapos nang midterm ha? Kakausapin ko sila mamaya tungkol diyan kaya dapat okay na sayo." aniya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Umupo ako sa bakanting upuan dito sa canteen. Inilapag ang dalang bag pagkatapos ay kumuha nang pera sa wallet.

"Huwag na! Sagot ko na ang pagkain mo. Anong gusto mo?" tanong ni Tan saakin, nahinto ako sa pagkuha nang pera. Nag-isip bago sinabing sandwich at tubig.

Nagreklamo pa nga siya kasi bakit daw laging sandwich at tubig yung kinakain ko, wala na daw bang iba? Sinabi ko nalang na siya na ang bahala, syempre siya naman ang manlilibre.

Medyo mahaba ang pila sa canteen at nakikita kong panay ang baling nang tingin ni Tan sa pwesto ko. Nakikita kong nababagot na siya sa kakatayo. Kaya ang ginawa ko nginitian ko siya na ikinaaliwalas nang mukha niya. Ang problema may bigla nalang humarang sa harap ko kaya hindi ko na makita si Tan.

Yung ngiti ko biglang nabitin sa ere, taka akong sumulyap at muntik nang maubo sa pagkagulat nang makita kong sino ang nakatayo at blankong tumitig saakin, mabuti nalang pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi ko matagalan ang paninitig niya kaya napapaiwas ako. Tumukhim at umayos nang pag-upo. Kahit hindi ko siya tignan, alam kong sobra ang paninitig niya.

"Chocolate..." napanganga akong tumingala, lalo lang nagtaka sa ginawa niya.

Hawak niya ang isang pirasong tobleron, medyo malaki tapos may ribbon pang nakatali doon habang inilalahad niya sa harap ko.

Bakit ganun nalang ulit ang pagtibok nang puso ko? Sabi ko nu'n ayoko nang maramdaman 'to. Pilit ko nang iwinawaksi ang ganito nararamdaman sa kanya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

At anong ginagawa niya dito? Sino ang ipinunta niya? At bakit niya ako binibigyan nang chocolate? Anong meron?

"Don't think too much little girl. I'm not here because of you.....I have a business to attend....just take it." aniya at bigla nalang niya binitawan mabuti nalang at nahulog sa lamesa, hindi sa sahig. "galing yan sa.....galing sa kapatid ko..." aniya pagkatapos ay umiwas nang tingin saakin. Pinamulahan ako nang mukha. Hindi ko alam kung bakit. Pero sandali lang iyon.

Napalunok ako, nakaramdam ako nang sakit sa dibdib dahil sa ginawa niya. Pwede naman niyang ilapag nang maayos. Mas lalo lang ako nadidisappoint sa katulad niya.

"Salamat.....pasabi kay Blessica..." gusto ko mang sabihin nang maayos nahahalata parin sakin na matabang ko siyang pinasalamatan.

"Oh!" pareho kaming napabaling nang tingin sa likod niya kung saan nakatayo si Tan habang hawak ang pinamiling pagkain. "Ikaw yung kapatid ni Blessica diba pre! Kamusta? Napadaan ka yata!" si Tan.

Napailing nalang ako dahil sa pagiging casual niya kay Tom Qlement na akala mo close sila. Ni hindi nga siya pinapansin nito. Hindi man lang niya nahalata yun?

"Oy! Tobleron! Kanino to galing? May dala rin ako ngayon Ligaya! Teka mas malaki pa diyan! Balak kong ibigay sayo kanina kaso nakalimutan ko, mabuti at naalala ko ngayon." aniya habang binibuksan at kanyang bag. "O ayan! Nagdala ako nang tatlo para sayo, kay papang, at mamang!"

Gusto kong matawa nang banggitin niya ang papang at mamang na nanlalaki ang mata tapos ngiting-ngiti.

Yung vibes sa pagitan namin kanina ni Tom Qlement biglang naglaho dahil nandito si Tan. Nagpapasalamat ako dahil dumating agad siya, kasi kung hindi ewan ko kung ano ang mangyayari kung kaming dalawa lang ni Tom Qlement.

"Bakit nakiki mamang at papang ka sa magulang ko? Anak kaba nila! Hindi naman ah!" natawa na ako.

Inakbayan ako ni Tan pagkatapos ginulo ang buhok ko na parang bata. "Bawal ko bang tawaging Mamang at Papang ang magulang mo Ligaya? Parang ako pa nga ang anak nila e! Mahal ako nang mga yun grabe!" bilib sa sarili niyang saad.

Iwinaksi ko ang braso niyang nakaakbay saakin at mahina siyang tinulak. "Puro ka biro." napapangiti ako, pero bigla ring nabura nang tumama ang mga mata ko sa harapan.

Napalunok ako nang makitang nakatayo si Tom Qlement at madilim ang mukha, hindi natutuwa, parang badtrip. Hindi ko alam kung bakit ganun siya makatingin saamin, lalo na saakin. Wala naman kasi akong ginawang masama sa kanya e.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun siya saakin. O baka ganun lang talaga siya? Ipinapakita niya talagang ayaw niya saakin, gusto ko mang tanungin kung bakit, hindi ko naman magawa.

Walang pasabi siyang tumalikod at umalis. Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa lumiko siya at hindi ko na makita. Napabuntong hininga na lamang ako.