Chapter 8 - Chapter 6

"I'M SORRY DALI for the sake of my kuya. Mahilig talaga siyang magpaiyak. Alam mo bang his been bad to me too? Umiiyak din ako nun. Tapos mahilig rin mang-bully, walang araw na hindi ako umiiyak, sinusumbong ko nga siya kay Mom o kaya kay Dad para mapagalitan e. Kasi you know that's the only thing para huminto siya sa kakabully at kakapaiyak saakin."pagkukwento ni Blessica sa akin habang nasa kwarto niya kami.

Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko. Nakaupo ako sa kama niya at siya naman naghahanap ng damit sa walk in closet niyang sobrang laki. Wala akong ibang suot sa katawan maliban nalang sa puting roba na pinahiram niya saakin.

"Lagi siyang sinasabihan ng Dad namin na wag akong paiyakin. Pero his been matigas ulo and continue doing crazy things to me. Nakakainis nga rin minsan, ay hindi lang pala minsan." lumingon siya ngunit mukha lamang niya ang bahagyang nakaharap saakin. Ang kanyang katawan at kamay ay nanatili sa closet at naghahanap.

"Lagi pala kapag nakikita ako and now that his here, nang-iinis na naman siya at hindi lang ako ang ginanun niya maging ikaw din. Oh gosh! I hate him na talaga. Kaya super sorry sa ginawa niya Dali ha?" she pouted while looking at me, pero bumalik din ang tingin niya sa paghahanap ng pwede kong maisuot.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Ibinaba ko ang towel na ginamit sa pagpapatuyo ng buhok ko. Pagkatapos tumingin ulit sa kanya.

"Bakit ganun ang kuya mo no?" bigla ko nalang natanong.

Parang iyun lang ang gustong sabihin ng utak ko.

"Bakit nga ba niya ginagawa yun? Hindi ba niya na isip na may mga taong maaaring masaktan sa biro niya, katulad kanina?" medyo nanubig ang mata ko ng maalala ang nangyari.

"Akala ko talaga malulunod ako at akala ko mawawalan na ako ng buhay. Hindi kasi biro iyon e, nawalan na ako ng oxygen sa ilalim ng tubig at nanlalabo narin ang paningin ko nun. Ang masakit pa dun, sinabi pa ng kuya mo na magpasalamat ako dahil iniligtas niya ako." pumiyok ako sa huling sinabi ko.

Bumara rin ang iba ko pa sanang sasabihin ng manguna ang luha saakin mga mata. Umiiyak na pala ako habang inilalabas ang sama ng loob sa kaibigan ko.

"Oh my! Dali, I'm very sorry.  I don't know either, I don't really know. Trip niya lang siguro iyon? But for the sake of my kuya, Dali ako na ang humihingi ng sorry." nilapitan niya ako at niyakap.

Ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko para patahanin ako sa pag-iyak. Maging siya ay nalilito din pala kung bakit nga ba ganun ang kuya niya.

Napapabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Kung ang mismong kapatid nga ay hindi alam kung bakit ganun ang ginagawa nang kuya, ako pa kaya? O baka naman gusto lang nun nang atensyon? Para saan naman? Kulang ba siya sa atensyon? Gusto lang ba niyang magpapansin? O baka naman tama si Blessica, na trip lang niyang magpaiyak ng tao? Napapaisip ako kung nasasayahan ba ang lalaking yun na may umiiyak? Masaya ba siya? Hindi ko alam, ewan. Bakit ko nga ba pinoproblema iyon.

"Here Dali, I think it suits you better. I think sakto sayo ang damit na'to. I haven't used this one before so it's okay if you wear it." ibinigay niya saakin ang white t-shirt na my printed photo, hindi ko alam kung sino iyong nasa picture basta ko nalang kasi tinanggap.

"Here din oh! Short. It suits you din naman at sakto sayo dahil matangkad ka. Your beautiful long legs will be exposed. You shouldn't hide it, be proud of what you have." inilapag naman niya ang maong short na itim sa kama.

Palipat lipat ang tingin ko sa hinahawakang t-shirt at sa maong short na nasa kama. Napapatingin din ako kay Blesssica. Kagat ang itaas na labi at nakatikop ito. Hindi na rin maipinta ang mukha ko.

Sa totoo lang kasi, ito ang unang beses na magsusuot ako ng ganitong damit sa ibang bahay. Kadalasan nakakasuot lang ako ng mga ganitong suotan kapag nasa amin lang. Nasa loob lang ako ng bahay namin, ganun. Nahihiya ako kapag ganito na may ibang tao ang makakakita saakin na nakasuot ng short, hindi ako sanay.

No choice din ako sa oras na ito dahil nga nakikihiram lang ako. Hindi ko naman makuhang magreklamo dahil nagmamagandang loob na nga iyong tao. Kaya susuotin ko nalang.

Naghihintay naman si Blessica ng sasabihin ko, kaya tumikhim ako bago nagsalita. "Teka at ita-try ko sa bathroom. " mahina kong saad pagkatapos bumaba sa kama at tinungo ang bathroom para makapag bihis.

Nang makapasok susuotin ko na sana ng maalalang wala pala akong bra at panty sa loob. Binuksan ko ang pinto ng banyo at sumungaw doon na ulo lamang ang naka silip.

Napatingin sa gawi ko siya sa akin."Blessica...um...ano kasi...wala akong-" hindi paman ako tapos sa pagsasalita pumitik na sa ere ang kanyang kamay ng maalala.

"Oh, sorry I forgot. Wait, Dali I have lots of unused bra and panty dito. Wait for a minute~~!" pagpalseto niya sa huling sinabi.

Lihim naman akong napangiti dahil sa ginawa niya. Minsan talaga hindi ko masundan ang mood niya. Pero nakakatuwang kasama si Blessica.

"Here oh! Kakasya naman siguro yan. Haha. I don't know the size e." she rolled her eyes when she handed the undergarments to me.

Napabungisngis din ako dahil sa sinabi niya. She's referring to the size of the bra which is hindi ko alam kung maliit ba o tama lang saakin.

Hindi naman kalakihan ang dibdib ko. Kung ikukompara sa dibdib niya, sinasabi ko ng maliit ng kaunti yung kanya. Kung tutuusin kasi ilang taon palang kami at maaari pa iyong lumaki kapag nasa tamang edad na kami.

Minsan napapansin ko sa sarili ko na nagiging matured na ang katawan ko. Nagkakaroon na nang kurba ang katawan ko. Minsan iniisip kong hindi siya tugma sa edad ko. Napagkakamalan ako ng iba na college na raw. Maging si Blessica rin ganun. May dalawang taon pa kaming hihintayin ni Blessica bago maging isang legal na dalaga.

"Thank you..." sabi ko pagkatapos ay isinarado ulit ang pinto ng bathroom at nagbihis. Nang masiguradong okay na lumabas din ako, sa paglabas ko nakaabang na siya, naka dikwatro pa ang paa habang naka upo sa kama.

Her amusement reaction makes me shy. Animo'y ngayon lang nakakita ng babaeng nakasuot ng short at t-shirt. Siya din naman nagsusuot nito. O sadyang nanibago lang siya dahil ako ang nagsuot.

"Wow Dali! Bagay talaga sayo. Sabi na e! That kind of beauty hindi dapat tinatago. Tignan mo nga, ang ganda mo lalo tignan. Pero maganda parin ako! Haha joke!"

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya at kunwari pang sinamaan siya ng tingin. Nakaka flatter naman kasi ang papuring galing sa kanya. E kung tutuusin mas maganda siya saakin. At mas bagay ito sa kanya.

Bilib din ako sa pagiging full confident niya. Hindi talaga papatalo, pero totoo naman ang sinabi niya maganda siya.

"Talagang bagay saakin?" alanganin kong tanong sa kanya. Napairap naman siya. Para bang pangit nang pagkakatanong ko niyon sa kanya. At hindi niya nagustuhan.

"Duh girl! Listen! Hindi na dapat itinatanong yan dahil halata naman na bagay sayo! Girl! Be confident naman sa sarili, like me!" aniya sa sarili.

She flipped her hair then look at her fingernails. Tumingin din siya sa gawi ko pagkatapos ngumiti.

Marahan naman ang pagtango ko na sumang-ayon sa sinabi niya. Ganun pala yun. Dapat magkaroon ng confident sa sarili. Tinignan ko naman ang sarili ko simula sa paa hanggang dibdib. Nagkibit nalang ako ng balikat. Wala naman akong maikukomento sa sarili ko. Ewan ko ba.

"Tara na sa baba at kumain na tayo. I'm hungry na talaga." laylay ang balikat na tumayo at napahawak sa kanyang tiyan si Blessica.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Ramdam ko narin ang gutom dahil tumunog ang tiyan ko ng sabihin niyang gutom siya. Maging ako nagutom narin.

-------------

"WHEN IS YOUR graduation pangit?" he asked Blessica while smirking.

Napasunod ang tingin ko sa kapatid niya ng umingos ito sa tabi ko. Hindi nagustuhan ang tinawag sa kanya ng kuya niya.

"Will you stop calling me pangit you frick?! I have a name okay?" naiinis na sabi ni Blessica sa kuya niya na ngayon saakin na nakatingin.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at itinuon sa platong may pagkain. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako kinabahan ng magawi ang kanyang mga mata saakin.

Hindi ko rin manguya ng maayos ang pagkaing nasa bibig ko dahil nararamdaman ko na saakin parin ang tingin niya. I saw him looking at me in my peripheral vision. I knew it.

Malakas din ang pandama ko. Nakakailang kapag may taong nakatingin sayo habang kumakain ka. Hindi ako sanay sa ganun. Para niya akong hinuhubaran sa mga titig niya. Ayokong tumingin ng diretso sa mga mata niya para kasing akong hinihila.

Ang lakas ng tama nito saakin. Titig palang niya hindi na ako makalunok ng maayos. Feeling ko libo-libong mga mata na agad ang nakatingin kahit ang totoo isa lang naman siya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya. Ito ang unang beses na maramdaman ko ito sa isang tao.

He tsked.

"Don't be shy baby..." bulong niya.

Nabilaukan ako ng kanin, mabuti nalang at maganang kumakain si Blessica kaya hindi niya ako napansin. Panigurado ring hindi niya narinig ang sinabing iyon nang kanyang kuya.

Mahinang natawa ang kuya ni Blessica. Kumudlit ang kakaibang pintig sa puso ko dahil sa ganda ng pagtawa nito.

Bakit ganun? Ang sexy niyang tumawa. Parang musikang patuloy kung pinapakinggan. Bigla ko rin namang iwinaksi sa isipan ko iyon. Nakakasira ng utak.

"When is your graduation pangit? Ayaw mong sabihin kasi ako ang aattend?" tanong niya ulit ng dumako ang tingin niya sa kapatid. Hindi kasi siya sinagot ng maayos ni Blessica kaya napatanong siya ulit. Ako naman tahimik lang na sumusubo ng pagkain.

"Anu ba kuya! Sabi ng 'wag mo akong tawaging pangit e!"

"Anu ba kuya!" panggagaya niya sa sinabi ng kapatid niya sabay tawa. "Pangit ka naman talaga! Who told you na maganda ka ha? Pss. Ugly!"

Blessica's eyebrows are now in a thin line. She didn't like what she heard from her kuya.

Masama ang tingin niya dito, ang kuya naman niya walang pakialam sa binibigay niyang tingin. Hindi man lang natinag, tinatawanan lang siya nito.

Para tuloy nasasayahan pa siyang nakikitang naiinis at naaasar ang kapatid niya. He really likes to pissed his sister. Ruining the mood of his sister.

"I hate you kuya!" sigaw ni Blessica.

"I hate you kuya!" he said while following Blessica's action. He rolled his eyes like Blessica. Kung ano ang ginagawa ni Blessica ginagaya niya rin just to pissed his sister.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa ng palihim sa kanilang dalawa. Para silang mga bata na hindi maawat sa kakaasar sa isa't isa.

"Kuya naman e! Hindi na ako natutuwa sayo ah! Isusumbong na talaga kita kay Dad! "

"Go ahead little pangit! I'm not scared."

"Ugh! I really hate you talaga!"

"Hate me if you want but I'm just tellin' the truth sis. Truth hurts ba?"

"No! You tellin' lies kaya. Kapatid mo ko tapos tinatawag mo akong pangit? Edi, pangit karin kung ganun?" tanong ni Blessica while crossing her hand, raising her other eyebrow while looking at him.

Hindi naman agad nakasagot ang kuya niya. Napahiya siguro.

Palihim naman akong natawa. Wala kasing reaksyon ang mukha niya. Napansin ko ring nag-iiba ang mukha niya kapag ganun, parang lalo siyang gumagwapo- ay shocks!

Joke lang.

"What? Cat got your tongue ba kuya?" Blessica smirked looking straight into his eyes.

Ako naman kanina pa talaga natatawa sa bangayan nilang magkapatid. How I wish I have brothers and sisters too. Sobrang saya din siguro sa bahay at sobrang gulo.

Dahil wala kaming narinig na sagot mula sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang paningin sakin and it caught me off guard.

He caught me secretly laughing at them. His eyebrows furrowed and make a thin line while intently looking at my eyes.

I gulped.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking mukha upang hindi niya lubusang makita ang pamumula nito. Bakit ba ako namumula? Bakit nag-iinit ang mukha ko nang tignan nya ako? May sakit ba ako?

"Ubos na ang juice pangit tawagin mo si manang." utos nito sa kapatid.

Nagmaktol naman si Blessica at ayaw sundin ang kuya niya. Kaya nagdesisyon akong tumayo, ako nalang ang pupunta sa kitchen nila nakakahiya dahil kapatid pa niya ang inutusan pwede naman ako, kukunin ko na sana ang pitsel na babasahin ng magsalita siya.

"You..." tawag niya saakin na ikinagulat ko. Malapit ko ng mabitawan ang pitsel kung hindi lang talaga maayos ang pagkakahawak ko nun.

"Ako?" nag-aalangan ko namang sabi. Tumingin pa ako sa nakababata niyang kapatid pagkatapos tumingin ulit sa kanya.

He arrogantly nodded while crossing his both hand and placed it in his broad chest.

"I didn't ask you to get the juice, sit down." mauturidad niyang sabi.

Dahil takot kong makabasag sa sobrang kaba. Sinunod ko ang sinabi niya.

"Kuya tinatakot mo si Dali." naiinis na sita ni Blessica sa kuya niya. Tumingin siya saakin at inabot ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "I'm sorry." dalo niya.

I open my mouth but there are no words that came out of it. Napipi na ata ako.

"Blessica...." his cold baritone voice

"What kuya?!"

"I asked you go and tell manang na ubos na ang juice. O kaya naman ikaw na ang kumuha." naiinip na rin niyang sabi sa kapatid.

Ayaw man pero sumunod si Blessica. Wala siyang magawa dahil mas matanda sa kanya ito. Kuya niya ito.

"Okay, kukuha na pero kuya ha? Binabalaan kita, kapag itong kaibigan ko pinaiyak mo ulit pagbalik ko. Humanda ka talaga sakin" pagbabanta niya rito na hindi naman natakot ni katiting.

Animo'y walang narinig mula sa kapatid.

Nang iwan kaming dalawa sa sala. Hindi ko alam kung saan titingin. I felt the awkwardness between us. We're not close so hindi ko alam kung paano siya iaapproched, specially mas matanda siya saakin.

Tatawagin ko rin ba siyang kuya? Kagaya ng pagtawag ni Blessica sa kanya?

Kakamustahin ko ba siya? Pero hindi ko alam kung paano sisimulan. O kaya naman ipapaalala ko sa kanya ang ginawa niya kanina? He! Hindi ko ata kaya!

"Are you scared of me?" his cold baritone voice filled my ears.

Napalunok ako. Dagundong ng puso ko ang naririnig sa oras na to.

Nakukusot ko narin ang damit na suot ko.

"H-hindi, hindi naman po kuya..." para lang akong bumubulong sa hangin ng sabihin iyon. Parang hindi rin ako sanay na tawagin siyang 'kuya'. 

"Really? Then what's with that shaking voice of yours? Don't tell me nagsisinungaling ka?"

Kahit ayaw kung umangat ng tingin sa kanya, napaangat ako ng tingin para lang ipakita na hindi ako nagsisinungaling.

"Hindi ako nagsisinungaling." diretsahan kong sabi.

Sumilay naman ang nakakaloko niyang ngiti. Sumandal siya sa upuan at nagtusok ng pakwan gamit ang tinidor. Napasunod naman ang mata ko sa tinidor na itinapat niya sa kanyang labi.

"Don't call me kuya, we're not siblings. Isa Pa hindi tayo bagay na magkapatid."

I gulped.

Bumuka ang labi niya at kinagat yung pakwan, napalabi ako dahil doon. Sumagi na naman sa isipan ko ang pagkalunod kanina at kung paano niya ako ninakawan ng halik.

"Sarap..." komento niya na nagpabalik ng ulirat ko.

Kunoot noo ko siyang tinignan, wala sa mga mata ko ang tingin niya kundi sa labi ko, ganun din ako. Mamasa-masa dahil sa pakwan at naririnig ko pa ang tunog nang nadudurog na pakwan sa bunganga niya sabay dila sa labi. Tinikom ko naman ang labi upang hindi niya pagnasaan.

He! Pagnasaan? Saan mo naman nakuha ang salitang yan Ligaya? Umayos ka nga! Inis kong sabi sa sarili.

Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya dahil kung anu-ano ang naiisip ko. Magkakasala din ata ako kapag tumingin pa ako sa kanya.

"You keep on avoiding my gaze. Why?" for that moment he became serious. Pinunasan niya ang mapupula niyang labi gamit ang hinlalaking daliri, nang-aakit, dahan-dahan pa kung magpunas.

Totoo ang sinasabi niya na umiiwas ako na tumingin sa kanya dahil lumilipad ang isip ko sa maduduming bagay. Ayoko nang ganun, kakaibang pakiramdam iyon para saakin. Lalo na bata pa ako at hindi nararapat sa mga batang katulad ko ang mga ganitong kaisipan.

"You are not just a liar but also a mute. Nakakasayang ka ng oras... hindi ka bagay maging kaibigan ng kapatid ko." nasaktan ako sa sinabi niya. Nakuha pa niyang ngumisi na animoy tuwang tuwa na makasakit ng iba.

Sobrang higpit ng pagkakatikom ko sa kamay, feeling ko inapakan ako ng lalaking 'to. Ang sakit niya magsalita, ang sakit niyang mag bintang. Sino siya sa akala niya? Kaya ba kahit kapatid niya napapa kwento kung gaano siya kasama? Kahit babae pagsasalitaan niya ng masakit? Hindi niya alam na nakakasakit siya ng damdamin.

Tumayo ako at dali-daling umalis sa hapag kainan nila. Nabunggo ko pa si Blessica nang hindi sinasadya. Nagbabadya kasing tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ng lalaking 'yun.

"Dali?" tawag niya saakin "Kuya what did you do?!" huli kong narinig ng palabas na ako sa pinto ng bahay nila.

------------

There is a place to find peace and tranquillity. A place that only gives me healing when I feel hurt by someone. A place where I would like to live alone and don't bother by anyone.

This is my hiding place when I want to be alone. My little hut in the yard of our house, this is what I lean on whenever I feel sad. My dad built this, it is durable and beautifully constructed, so far it is not damaged.

'Matibay parin pala ang kubong ito.'

Since I left that house, I stopped coming and visiting Blessica. Keeping distance from her brother because he might insult me again if we keep on bumping in each other. I don't like that, I don't like how he sees me as a liar and mute, especially when he said that I am not capable to be his sister's friend, it hurts me most. Parang sinasabi niya na wala akong karapatang magkaroon ng kaibigan na tulad ni Blessica, pinapamukha niya saakin na ang layo ng agwat ko sa kapatid niya at sa kanila. I hate him, so I decided not to go there, as long as I can avoid him I will do it.

Nagkikita naman kami ng kaibigan ko, si Blessica. Nagkakausap naman kami at hindi na hinayaan pang ungkatin ang nangyari noong umalis ako sa bahay nila.

When his brother picks her up, I don't go with her. Pinapauna ko siyang lumabas sa gate at kapag nakita kong nakaalis na ang sasakyan nila. Iyon naman ang pagkakataon kong lumabas ng gate ng skwelahan para maghintay kay papang.Ganun lagi ang routine namin kapag uwian. Minsan naman napipilitan akong sumama sa ibang kaklase namin na kakilala din naman namin.

Patuloy iyon hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos namin bilang huling batch ng mga mag-aaral na makakapasok sa kolehiyo, ang susunod kasing batch ay magkakaroon ng karagdagang taon bilang mga Senior High School. Mapalad kami at hindi na umabot pa doon dahil paniguradong dagdag gastusin sa aming mga magulang kapag nagkataon.

Each name of the students has been called for giving the certificate, proof that we are now finally graduated from high school. Dahil star section ang unang tinawag, tumayo ako bilang pang lima sa huling mga studyante ng section namin.

Kinakabahan ako habang naglalakad sa gitna dahil maraming tao ang nakasunod sa galaw ko, marami ang mga matang nakatingin. Kung hindi lang ako maingat sa paglalakad baka napatid ako, mabuti nalang na manage ko ang paglalakad kahit nanginginig. Nang iabot saakin ang certificate, kinamayan ko ang principal namin na siyang nagbigay pagkatapos humarap ako sa mga taong nakingi, sa mga taong nag-uusap, sa mga taong nagtatawanan at sa kung sino pa.

May mga photographer ding kumukuha ng picture saakin habang nakatayo ako sa gitna, hawak ang certificate na nagsasabing na tapos ko na ang apat na taon ko bilang isang mag-aaral.

I looked at my parents proudly waving and shouting my name, nakakahakot sila ng atensyon ng hindi nila napapansin. Nakatuon ang buong atensyon nila saakin na ngayon ay nakatingin sa kanila ng may pagmamahal at paghanga.

I am not proud of myself, I am proud of them being my parents who raised me well and love me thoroughly. I am proud to say I finished high school because of their hard work and perseverance.

"Congrats anak!" pagbati nila ng makalapit ako.

Ngumiti ako sa kanila sabay yakap kay mamang at papang, ganun din ang ginawa nila saakin.

"Proud kami sayo alam mo ba yun? Nag-iisa ka naming anak Ligaya kaya napakasaya namin ng papang mo na nakapag tapos ka ng wala kaming dinadamdam. Napaka swerte namin anak." Buong puso na sinabi iyon ni mamang saakin habang yakap nila ako at hinagod ang buhok ko taas baba.

"Papang, mamang..." banggit ko sa pangalan nila "Ako ang maswerte dahil sainyo, hindi kayo nagkulang sa pagpapalaki saakin. Pangako ko po sa inyo na mag-aaral ako ng mabuti at makakatapos ng college." Sabi ko sa kanila na may tiwala sa sarili.

Hindi ko sila bibiguin, ibabalik ko ang lahat ng itinulong nila saakin simula ng iluwal ako hanggang sa pinalaki ako. Lahat ng kabutihang ipinakita nila saakin at pagpapahalaga, ibabalik koi yon ng buo kapag nakatapos ako sa college. Everything has a pay back, soon.

"Dali..."

Naputol ang masaya naming yakapan ng pamilya ko dahil may tumawag saakin, kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa pamilya ko at bilang respeto narin sa tuwamag saakin, nilingon koi to.

Si Blessica, pero hindi siya nag-iisa dahil kasama nya ang kuya niya ngayon. Napansin ko sa kaibigan ko ang pagkailang dahil alam niya na umiiwas ako sa kuya niya tapos makikita ko ito ngayon na kasama niya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Graduation namin ngayon kaya dapat good vibes lang. Tama! Dapat good vibe! Hindi naman siguro niya ako iinsultuhin o pagsasalitaan ng masama sa harap ng magulang ko. Kahit sa magulang ko lang magkaroon siya ng respeto, masaya na ako dun.

"Congrats Dali, I am so grateful that we've finally made it together!..." she said pagkatapos nilapitan ako.

"Congrats din sayo Blessica, masaya ako para sayo. Good luck sa next journey natin!" masaya ko iyong sinabi sa kanya. "And thank you because I became your friend." Totoo sa puso kong sabi sa kanya.

Nagyakapan pa kaming dalawa, nagawa pa nitong alugin ako habang nakayakap kaya ganun nalang ang tawa ko maging ang mga magulang ko. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Pagkatapos nun humiwalay din siya saakin at pumunta sa harap ng mga magulang ko.

"Congrats hija! Mamaya punta kayo ng kuya mo sa bahay ha? May kaunting salu-salo kami para kay Ligaya, sana mapapunta kayo..." narinig ko pang sabi ni mamang.

"Talaga Tita?!"

"Oo naman! Invited kayo, pati narin yung iba pa. Kilala mo ba ang ibang kaibigan ng anak ko?"

"Yes, po! Actually nasa labas na sila."

"Kung ganun tara na't puntahan natin. Pang, tara na! Ligaya anak! Sumunod ka nalang sa labas hihintayin ka namin doon ha?!"

Nilingon ko lang sila ng kaunti at ibinalik din ang tingin sa harap.

I gulped.

Dahil sa pagharap ko medyo napaatras ako, ang lapit niya pala saakin hindi ko man lang naramdaman kanina. Nalanghap ko rin ang pabango niya, sobrang tapang parang siya.

Pero bumagay naman dahil ipinapahiwatig lang nito kung gaano siya kagandang lalaki. Napansin ko rin ang kanyang suot bagay sa kanya. Lalong nadidipina ang laki ng katawan kahit hindi pa natatakpan ng polong puti na bukas ang una at pangalawa niyang botones sa bandang dibdib.

Pormal ang suot niya, napaghahalataang anak mayaman at ibang lahi. Bukod kasi sa matangkad siya medyo mestizo din katulad ni Blessica na mestiza.

Ibinalik ko rin sa mukha niya ang tingin ko. Hindi maalis-alis ang paninitig niya saakin. Hindi ko rin alam kung bakit ganun siya makatingin, ang alam ko lang kinakabahan ako sa ginagawa niya. Napalobo ko pa ang pisngi dahil sa kaba.

Alam kong bata pa ako para maramdaman 'to sa kanya. My heart is pounding like I was running in a race. Whatever strange feeling I had for him I wish that I could have stopped before I went crazy over him. This is not good for me, not good. Hindi ko pa mapangalanan dahil hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ito.

Napasinghap lang ulit ako at hindi makagalaw ng mas lumapit pa siya. Taas baba ang dibdib ko at napaghahalataang kinakabahan. He felt I was nervous so he stopped approaching... He wanted to tell something but then he restrained himself from saying what he wanted to say.

We stared at each other for a minute until I cut that stare myself. I felt a little disappointed, I don't know why. Tumalikod nalang ako at huminga nang malalim bago napagdisisyonang maglakad....

"Congrats..."

Tumigil ang paa ko sa paghakbang ng sabihin niya iyon sa mabuong tinig. Umulit ng umulit ang boses niya sa pandinig ko. Napasunod nalang ang tingin ko sa likod niya ng lampas an akong nakapamulsa para bang wala siyang sinabi na ikinakaba ulit ng puso ko...