Kasalukuyan kaming nakaupo sa maliit na ispasyo dito sa sala, hindi naman ganun kalakihan ang bahay namin, sakto lang at maging ang sofa nasa tatlo or apat na bisita ang pwedeng makakaupo. Kung marami-rami siguro kami baka tatayo nalang ang iba kapag nagkataon, pero mabuti nga apat lang kami.
Medyo awkward kasi magkaharap kami ni Blessica habang katabi ko si Tan at ang katabi naman nang kaibigan ko ay ang kuya niya, si Tom Qlement. Pero nasa akin ang mga tingin niya, hindi ko alam kung napapansin ba iyon ni Blessica.
Hindi ko alam kung kanino ba ako titingin sa kanilang dalawa dahil pareho silang nakatingin saakin. Tumikhim ako pagkatapos nun ay namayani ulit ang katahimikan.
Si Tan hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang pananahimik niya, kung kanina maingay siya ngayon hindi na. Hindi ko rin alam ang takbo nang isip nito minsan, kaya naman siniko ko siya sa tagiliran na ikina tingin niya saakin.
Hindi naman siya nagulat pero nakakunot ang noo niya habang binalingan ako nang tingin. Tinaas ko ang isang kilay, que para tanungin kung anong problema niya, bakit siya tahimik, isang sensyas ko lang medyo na gets naman ni Tan, umiling ngalang siya hindi naman nagsalita.
"So ano 'to? Magtititigan nalang tayo? Walang mag-uusap?" si Blessica habang isa-isa kaming binalingan nang tingin. "Dali, boyfriend mo ba 'to?" nanlalaking mga mata ko siyang tinignan.Napaayos naman ako nang upo dahil doon.
Kung tutuusin hindi ko rin alam ang sasabihin dahil hindi naman ako ang unang nagbibigay nang topic kapag ganito. Usually kasi nagsasalita lang ako kapag kakausapin ako.
At katulad nga nang tanong na siyang nagpagimbal sa utak ko ngayon. Dali-dali akong umiling, sobrang defensive na pagkailing dahil hindi naman talaga totoo. Yung mukha ko parang bata na nakagawa nang kasalanan kahit hindi naman.
"Hindi!" para na akong maiiyak nang sabihin ko iyon.
"Maka hindi ka naman Ligaya sobra!" agad namang sabi ni Tan saakin tapos iyong mukha pa niya parang nasasaktan, napapahawak pa sa bandang dibdib. "Nakakasakit ka naman nang damdamin! Gwapo naman ako a! Kahit sana sinabi mo hindi pa! Mas okay yun..." sabay kamot sa ulo na parang nadismaya.
"Tumigil ka nga..." mahinahon kong saad.
"Nasaktan lang talaga ako sa pag hindi mo Ligaya e! Sana talaga sinabi mong hindi pa para naman hindi ako masaktan!" Aniya at tumawa pagkatapos.
Hindi ko talaga alam kung nagbibiro ba 'tong si Tan para mawala ang awkwardness sa pagitan naming apat o iniis lang ako. Napapailing nalang akong tumingin sa harap at hindi na pinansin ang sinabi niya.
Hindi naman maiwasang matawa ni Blessica kaya lahat nang mata naka tingin sa kanya. Napahinto lang siya nang masiguro niyang may nakatingin sa kanya.
"What?" may bahid pa nang tawa ang pagkakatanong niya niyon. "I'm just laughing because of you two! Bagay kasi kayong dalawa..." aniya, na saamin ang tingin at tumawa na naman siya.
"Bagay talaga kami?" biglang singit ni Tan. Siniko ko siya.
Tumango si Blessica at sabay silang tumatawa na akalaing baliw at nag-apiran pa. Napasampal nalang ako sa noo ko.
Tom Qlement tsked.
"Boring..." he murmured.
Kahit na tumatawa si Blessica narinig ko parin ang pagkakasabi nang kuya niya na si Tom Qlement. Isinantabi ko nalang iyon siguro dahil boring talaga kasi hindi naman siya nagsasalita, tahimik pa. Parang ayaw rin kasi niyang makipag-usap saamin.
Tahimik siya sa tabi ni Blessica habang matamang inililipat ang tingin sa kapatid at kay Tan pagkatapos nun saakin na naman dadapo ang mga tingin niya. Napapaiwas nalang ako dahil hindi ko matagalan ang mga matang iyon.
Tinatangay ako nang nakakatunaw niyang titig. Miminsan ring kumikibot ang kanyang labi sa tuwing magtatama ang mata namin. Nasasayahan siguro kapag matagal ang tingin ko sa kanya.
Kapag ganun pinipigilan kong huwag mamula o kaya kiligin kasi nakakatangay talaga. Pero sa loob-loob ko natutuwa ako. Hindi ko lang ipinapahalata. Yung feeling na nasaisang gilid ako at palihim na napapangiti pero mabilis ko ring iniiba ang ekspresyon.
"You know what? Bagay talaga kayong dalawa Dali, ay wait! What's your name again?" si Tan ang tinanong niya.
"Tristan is my name bro!. Ano ba 'yan nakipagtawanan na nga tayo hindi mo pa pala ako kilala, ano bayan! Nakaka hurt!" sagot naman nito na parang nababagot.
Sa nakikita ko sa kanilang dalawa, si Tan at Blessica iyong kaibigan na kahit hindi mo pa sila kilala, aakalain mong matagal na silang magkaibigan, kahit ang totoo hindi naman.
"Oh, right Tristan nga pala ang pangalan mo! Sorry I forgot!" aniya sabay irap. Itong katabi ko naman dahil mapang-asar nakuha ring umirap. "But you know what? Bagay na bagay talaga kayong dalawa, diba kuya?" masaya pa niyang tinanong ang kuya niya.
Napalunok ako nang umayos ng upo si Tom Qlement at wari hindi mapakali sa kinauupuan dahil sa itinanong sa kanya ng kapatid.
Nakikita kong may gusto siyang sabihin pero mas piniling itikom ang bibig at tumukhim pagkatapos umiwas nang tingin sa amin.
"Ang KJ mo talaga kuya kahit kailan! I just wanted to know if your agree you know? Pero ang KJ mo, grabe!" napasimangot si Blessica. "Anyway, bagay talaga kayong dalawa Tan e! haha" aniya at silang dalawa na ngayon ang nag-uusap.
Ibinalik ko ang tingin kay Tom Qlement. Kahit nakaiwas hindi ko maiwasang hanggaan ang kanyang mukha. Bukod kasi sa nakasalubong ang kilay, maganda rin ang pagkaka hugis nang kanyang ilong, wari inukit ito sa ganda, perpekto at bagay sa kanya maging ang kanyang labi at pilik mata.
Bahagya akong napangiti sa isiping iyon.
Napakurap lang ako nang ipitik ni Tan ang daliri sa aking harapan para matauhan. Napatingin ako kay Tan at nakitang nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin, ang lapit-lapit din nang mukha niya na halos tumatama ang hininga sa pisngi ko.
"Matunaw naman yung tao..." bulong nito na kaming dalawa lamang ang nakakarinig.
Napalayo tuloy ako nang kaunti dahil doon. Gamit ang kamay inilayo ko din ang mukha niya saakin. Nakapa weird talaga ni Tan kahit kailan.
"Ang lapit nang mukha mo." Wala sa sariling saad. "Puntahan ko muna si Mamang sa kusina, dito muna kayo" ani ko nang ilipat kila Blessica ang tingin, nang makitang tumango siya at ipinagpatuloy ang pakikipag usap kay Tan.
Umalis ako doon upang makaiwas sa nakaka panudyong tingin ni Tan saakin. Hindi naman din kasi malabong hindi ako mapansin ni Tan na nakatingin sa kuya ni Blessica. Nakakahiya tuloy dahil nahuli niya ako.
Tinungo ko ang kusina upang puntahan si Mamang at tignan kung ano ang kanyang niluluto. Naabutan ko siya mukhang nag-iisip tapos umiling pa.
"Mang, kailangan nyo po ba nang tulong?" nilingon niya ako at umiling.
"Bakit mo iniwan ang mga bisita natin Dalisay? Ang mga kaibigan mo?" iyon ang tanong niya instead na sagutin ang tanong ko. "Baka maboryo ang mga iyon." Aniya pagkatapos ay ibinalik sa pagluluto ang atensyon.
Napakamot ako nang ulo dahil sa tanong ni Mamang. Medyo tipid akong ngumiti wari nahihiya dahil sa ginawang pagliban dun sa tatlo. Nagawa ko pa ngang lingunin ang sala kung anong ginagawa nila pero nagulat ako nang matamaan si Tom Qlement na sakto ring napatingin sa hamba nang kusina kung nasaan ako.
Dali-dali akong umayos nang tayo at napahawak sa dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang kabilis ang pagtibok nang puso ko. Nagtama lang naman ang mga tingin namin ha? Anu yun? Napailing akong pumikit, pilit inaalis ang kakaibang nararamdaman.
"Anong nangyari sayo Dalisay? May sakit kaba?" dahan-dahan ang pagdilat ko nang tignan ako ni Mamang na nag-aalala. Hindi ko alam na nakalapit na pala siya sakin.
Mabilis naman akong umiling para iparating na wala akong sakit.
"Umm... wala 'to Mang...ano..." nabitin pa sa ere ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung anong pwedeng irason. "Ano...yung ipis! Oo, tama! Yung ipis malapit ko nang maapakan kaya nagulat ako...umm, kaya...ano." Pinagpapawisan ako grabe.
"Ipis?" taka namang lumingon si Mamang sa loob nangkusina "Sigurado ka Dalisay? Bakit hindi ko man lang nakita o napansin." Aniya na kumuha pa nang walis.
"Mang! Wala na! Ano...umm lumabas na po... nagkusa...umalis." Yung mukha ko parang animoy batang kulang sakain at hindi na alam ang pinagsasabi.
"Nagkusa? Anong pinagsasabi mo anak?" nalilito at ayaw akong paniwalaan.
Patay!
Namaywang na si Mamang sa harap ko. Napalunok ako at sa walis nakatingin. Huwag naman sana saakin ihampas yung walis, masakit yun.
"Ako ba'y pinagloloko mo Dalisay?"aniya habang nakataas ang isang kilay, umiling ako, inosente ang mukha "Umayos ka nga, baka ika'y kulang sa kain hayaan mo at malapit nang maluto...ay! Naku!" aniya na parang ngayon lang naalalang may niluluto siya. "Yung niluluto ko pala! Ikaw kasi e!" sakin pa ang sisi ngayon.
Nakahinga ako nang maayos nang makalayo si Mamang at nang maibalik sa dating lagayan ang walis. Napahawak pa ako sa dibdib habang napapayuko.
Muntikan na yun!
"Dalisay!" nagulat ako at napaayos nang tayo pagkatapos matamang tumiingin kay Mamang dahil tinawag niya ulit ako, yung nagtataka na namang tingin niya ang bumalatay pero bigla ring nawala.
May dinukot siyang pera sa kanyang bulsa. "Bilhan mo pala ako nang magic sarap dun kila Aleng Maria, kaya pala sabi ko parang may kulang sa niluluto kong ulam, iyon pala wala akong nilagay na magic sarap." Aniya pa habang inaabot saakin ang pera.
Napapakamot ulo ako at nilahad ang isang kamay upang abutin ang limang piso na pambili nang magic sarap.
"Kunin mo yung flashlight sa drawer dun sa sala. Medyo madilim sa labas, napundi yung isang ilaw nang poste kaya medyo dumilim ang daan, mag-ingat ka ha." Paalala ni Mamang pagkatapos tinalikuran ako at bumalik sa pagluluto.
Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita. Mahigpit kong hinawakan ang limang piso habang palabas nang kusina at sumaglit sa sala upang kunin ang flashlight sa drawer.
Aam kong nakasunod ang mga tingin nila habang naglalakad ako at hanapin ang hinahanap sa drawer, hindi naman makapagpigil si Tan na magtanong talaga.
"San ka pupunta Dalisay?" aniya, napatingin ako sa kanila at tinuro ang pintuan.
"May bibilhin lang ako, inutusan kasi ako ni Mamang" naglalakad na ako nang magsalita ulit si Tan, gustong sumama kaya huminto ako. "Hindi na! Malapit lang naman at may flashlight naman ako." Lumabas na ako at hindi na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin ni Tan.
Kukulitin lang naman ako nun at hindi naman pupwedeng iwan niya ang magkapatid doon, mas mabuti nga iyong nandoon siya atleast may makausap si Blessica, kasi kung maiiwan iyong magkapatid hindi ko alam kung anong scenario ang aabutan namin pagbalik, baka wala silang imikan.
Hindi naman din kalayuan ang tindahan sa bahay namin, mga limang bahay ang lalagpasan bago makarating, na tsamba rin kasing napundi yung ilaw nang poste kaya madilim ngayon, sana maayos na 'to bukas para hindi ganun ka dilim. Kung may liwanag man iyon ay galing sa mga bahay pero hindi iyon sapat para madamay sa liwanag ang kalye.
Medyo minamadali ko rin ang lakad, iniisip ko kasi yung niluluto ni Mamang e. Pupwede naman niyang huwag nang lagyan nang magic sarap yung ulam, pero naisip ko rin maslalong sasarap kapag meron kaya sige na ngalang.
Napapayakap pa ako sa sarili ko dahil malamig ang simoy nang hangin habang naglalakad ako. Malapit na ako sa tindahan at namataan kong sarado na sila kaya napahinto.
"Ang aga naman nilang magsara." Dismayado kong sabi. "Medyo malayo pa naman 'yung isang tindahan dito. Hindi ko rin alam kung bukas yun o hindi na. Mag-isa pa naman ako-"
"You're not alone." Napasigaw ako sa gulat, hawak ang dibdib na lumingon sa likod ko.
Walang emosyon ang kanyang mukha nang balingan ko ito. Medyo nakayuko at pantay saakin. Kaya siguro ganun nalang ang gulat ko kanina dahil pumantay pala siya para makabulong sa tenga ko.
Itinutok ko ang hawak na flashlight sa kanyang mukha kaya napatakip siya nang kamay at iniwas ang tingin, umayos din siya nang tayo.
"Put it down will you?" suplado niyang pag-utos na agad ko namang sinunuod dahil nahiya ako sa ginawa. "Fck. Silly girl." Aniya nang hindi na nakatutok sa kanya ang flashlight.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig siyang nagmura. Ayaw na ayaw ko sa lahat iyong makakarinig ako nang masasakit sa tenga na salita, lalo na kapag hindi maganda sa pandinig.
"Alam kong gwapo ako kaya sige titigan mo lang ako." Walang kagana-gana niyang sinabi iyon pero iba ang dating saakin. Sarkastiko pa nang pagkakasabi niya.
Nagsasabi naman siya nang totoo, pero ang yabang niya. Gusto kong umirap pero hindi ko gawain iyon kaya napabuntong hininga nalang ako at inalis ang paninitig sa kanya pagkatapos ay naglakad ulit.
Hindi ako pwedeng bumalik, magtatry nalang ako sa isa pang tindahan, sana ay bukas pa at nang makabili ako at makabalik na.
Nakasunod si Tom Qlement pero may distansya, nakailang dahil nasa likod ko siya at pakiramdam ko bawat galaw ko sinusundan niya. Naisip ko rin nab aka ayaw niyang sumabay nang lakad saakin dahil ayaw niya akong kasabay at gusto niyang nasa likod lang siya. Nakaramdam ako nang sakit panadalian.
Wala kaming kibuan nang makarating kami sa bukas na tindahan, hanggang sa maglakad ulit kami. Ang awkward nang feeling ko dahil naglalakad lang kami pero wala namang nagsasalita saamin.
Yung lakad pa e, lakad na parang nasa dalampasigan, ninanamnam ang bawat sandali. Iyon ang feeling ko, pero hindi ko dapat iyon maramdaman. Naalala ko na naman ang sinabi ni Blessica. Napapikit ako at balak bilisan ang paglalakad nang mapatid ako nang bato.
"Aray!" hindi ko alam kung anong mararamdaman dahil sa sakit. Napaupo ako at yakap ang paa dahil sa sakit at hapdi. Nabitawan ko ang flashlight kaya medyo madilim.
"Fck!" dahil nabitawan ko ang flashlight, siya ngayon ang nakahawak nun dahil dinampot niya at itinutok sa paa ko. "Let me see...hush" pag-aalo saakin dahil hindi ko talaga mapigilang mangilid ang luha dahil sa ngilo at sakit na nararamdaman. "Dumugo yung hinlalaki mo sa paa." Hindi ko alam kung pag-aalala ba iyong narinig ko mula sa kanya.
"Ang sakit Qlement..." saglit akong nagulat at alam ko maging siya nagulat din dahil sa tawag ko sa kanya.
"Fck!"
"Nakuha mo pang magmura." Sabi ko habang inihipan ang hinlalaki na daliri sa paa upang maibsan ang sakit.
Parang nagslow motion ang nangyari nang hipan niya rin ito. Dahil sa ilaw na nanggagaling sa flashlight kitang-kita ko ang mapula niyang labi at pisngi, maging ang ilong na matangos, at halos nga ang mukha niya.
Nakaka bighani ang kanyang kagwapuhan. Maging ang galaw nang kanyang labi habang hinihipan ang daliri sa paa ko. Bakit ganun nalang kung siya ang gumagawa nito? Walang maipipintas. Ang perfect naman nang mukha niya, kahit lumobo ang pisngi nadidipina parin ang kagwapuhan.
Wala na ba siyang ikakapangit man lang? Tumingala siya sandali at tipid na ngumiti. Nahigit ko ang hininga, wari hindi makapaniwalang magagawa niya rin pala iyon.
Ang ngumiti nang ganoon kahit tipid ay hindi ko inakala, dahil sa tuwing nagkikita kami, blanko o kaya naman mapang-asar na mukha ang ipinapakita niya.
Napakagat labi akong umiwas nang tingin. Parang nawala yung sakit nang paa ko ngayon lang? Anu yun? Himala ata, nginitian lang ako gumaling na? Imposible.
"Kaya mo bang maglakad?" para akong nakukuryente nang hawakan niya ako sa braso at sa bewang.
Hindi ko pinahalata na nabigla ako, lihim din na sinundan nang mga mata ko ang kamay niyang nasa bewang ko. Kay bilis nang tibok nang puso ko. Halos ayoko ring himinga nang maayos dahil sa sobrang lapit namin.
"K-kaya ko namang maglakad..." ani ko at wala pangang isang segundo bumitaw na agad siya na para bang napaso dahil nakahawak saakin.
Napasunod tuloy ang tingin ko sa kanya. Nagsisi din ako sa sariling sinabi dahil sinunuod niya agad ang sinabi ko. Kagat labi akong umiwas nang tingin sa kanya.
Imbis na pagtuunan pa nang pansin ang nararamdaman ko sinimulan ko nang magkalad kahit paika-ika. Sa bawat lakad ko ay napapapikit ako dahil masakit, parang tinutusok 'yung hinlalaking daliri sa paa ko sa tuwing napupwersa.
Mabagal tuloy ang lakad naming dalawa, nasa likod ko siya at nakasunod lang, sabi ko kasi sa kanya kaya ko, kaya ayan hindi talaga niya ako tinulungan. Ang bilis magdisisyon, sinabi ko lang naman iyon pero hindi ko aakalaing hindi siya nagpumilit na tulungan ako.
Nakaramdam tuloy ako nang inis para sa kanya dahil ang bilis niyang kausap, kahit alam kong maling kainisan ang isang tao, nagawa ko dahil talagang wala siyang pakiramdam. Hindi man lang marunong makiramdam sa damdamin ko.
Tinitiis ko na ngalang 'to kahit masakit, napapapunas ako nang pisngi dahil naluluha na pala ako. Sino ba naman kasi ang hindi mapapaluha kung mapatid ka sa bato at tumama ang paa mo dun, lalo na naka tsinelas lang ako.
"Sana makiramdam naman siya-Ay jusko po!" tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Gulat na gulat akong napatingin sa kanya, napalunok at halos hindi alam ang gagawin. Ang lapit nang mukha niya saakin, amoy ko pa ang mentos na hininga niya, ilang dangkal lang ang layo nang mukha niya sa mukha ko.
Hindi rin nakaligtas sa pang-amoy ko ang pabangong ginamit niya. Halos manuot sa ilong ko 'yun, ang mahal nang bili niya siguro. Hindi na ako magtataka kung sa ibang bansa niya nabili ang pabangong ginagamit dahil halata naman sa kanya, mayaman kasi.
"Ibaba mo nalang ako Qlement..." ang hina nang boses ko nang sabihin ko iyon.
Ngayon naman gusto kong huwag nalang niya akong kargahin dahil nahihiya ako. Pero kanina kung makapag reklamo ako na hindi siya marunong makiramdam, grabe yung sinasabi ko. Para akong natuklaw nang ahas ngayon dahil hawak niya ako at karga-karga. Ang gulo rin nang isip ko.
Malamig niya akong tinitigan na ikinatikom nang labi ko at napa yumuko nalang, nagtago nang mukha sa dibdib niya.
Nabibigatan kaya siya saakin? O nagagaanan ba siya sakin? Kasi hindi naman ako payat o mataba, nasa katamtaman lang pero nahihiya ako dahil buhat-buhat niya ako ngayon.
"Hindi tayo makakauwi sa bahay nyo kung pabagal-bagal ka sa paglalakad." Malamig niyang saad. "You should be thankful that I carried you. Ayoko sa lahat iyong pabigat at umaayaw pa." he said.
Nasaktan ako sa sinabi niya at umuusbong na naman ang inis ko para sa kanya. Kaya pala niya ako binuhat dahil nababagalan siya saakin? Dahil gusto na niyang makauwi sa bahay at marahil ayaw niyang magtagal kaming dalawa na naglalakad.
Utang na loob ko pa sa kanya ang pagbuhat saakin, kung tutuusin hindi ko naman hiniling na buhatin niya ako. Wala naman siyang narinig mula saakin a?
Parang pinipihit ang puso ko, hindi man lang siya nagdahan-dahan sa pananalita.
"Ibaba mo nalang ako, please..." hindi ako nakatingin sa kanya.
He tsked. "You really like playing hard to get... bata."He made a chuckle after that statement, na para bang isang nakakatawang salita iyong sinabi ko at nagpatuloy lang siya.
"Ibaba mo ko sabi..." mahinahon pero mararamdaman ang kagustuhan sa boses ko na gusto kong bumaba sa pagkaka karga niya.
He stopped. I know na nakatingin siya saakin dahil ramdam ko iyon. Ramdam ko ang panganib sa mga mata niya, ang mga hawak niya sa hita at bewang ko ay mahigpit pero hindi naman masakit.
"There! Happy? Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pang umaayaw.." nang maibaba ako. "You don't want me to carry you? Then don't, hindi naman kita pipilitin, maglakad ka mag-isa kung gusto mo, dahil ako gusto ko nang umuwi." Taas baba ang dibdib ko sa sobrang pagpipigil na huwag maluha, naitikom ko rin ang kamao. Kailangan ko nang pagpipigil sa sarili.
Iniwan niya akong nakatayo at nakatingin sa kanyang naglalakad na, nakuha pang nitong mamulsa.
"Ang sama nang ugali mo..." madiin kong sabi, halos walang buhay ang mata kong nakatingin sa kanya.
Napahinto siya at lumingon, nag-iigtig ang mga bagang. "What did you say?" he said dangerously. Wari ayaw tanggapin ang sinabi kong iyon.
Paika-ika akong naglakad hanggang sa makalapit sa kanya. "Ang sabi ko, ang sama nang ugali mo. Sana hindi ka magustuhan nang taong gusto mo..." salitang hindi ko inaasahang lalabas mismo sa bibig ko, nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya pero bigla rin iyong napalitan nang galit at panganib. Hindi ako nagpatinag, bagkus nilagpasan pa siya upang ipagpatuloy ang paglalakad.
Hindi ko intensyon na sabihin iyon dahil kung tutuusin maraming pwedeng isumbat sa kanya, pero para bang may sariling isip ang labi ko at nasabi iyon sa kanya.
Alam kong maling magbitaw nang salita sa kapwa pero sinagad niya ang pasensya ko. Hindi naman ako ganito noon dahil pinapalibutan ako nang mga taong mabubuti ang puso, wala akong naririnig na kahit anong masasakit na salita, pero sa kanya. Halos ipamukha pa saakin.
Ewan ko ba kung bakit ganun niya nalang ako ituring, wala naman akong ginawang masama para makarinig nang ganuong salita. O baka naman hindi lang ako sanay sa mga ganu'ng ugali.
"Hay naku Dalisay ang tagal- jusko! Napanu ang paa mo anak?" nang makapasok ako sa kusina at paika-ikang lumapit ang inabot ang binili.
"What happen po Tita?" si Blessica.
Lumuhod sa paanan ko si Tan. Napaatras pa ako dahil sa biglang pagluhod niya at itinaas upang ipatong sa tunod niya ang paa ko.
"Anong nangyari sayo? Ang laki nang sugat mo oh..." ramdam ko ang pag-aalala niya. Napaupo ako nang daluhan ako ni Blessica nang upuan.
"Salamat..." ani ko. Tumango lang siya. Bakas din ang pag-aalala sa mukha niya. Halos nga sa kanilang tatlo.
"Hija, pasuyo naman sa drawer yung bulak at betadine. Salamat ha?" si Mamang.
"Umm... What is bulak po Tita? I only know betadine, sorry..." nakangiwing tumingin si Blessica kay Mamang.
Taka siyang binalingan nang tingin nang nanay ko.
"Ah!" ngayon lang din napagtanto ang sinabi kay Blessica. "Cotton hija, cotton..." aniya.
"Okay po!"
Nang makaalis si Blessica upang kumuha nang bulak at betadine. Sinamantala ni Mamang at Tan ang pagtatanong kung bakit ako nagkasugat. Sinabi ko naman sa kanilang napatid ako nang malaking bato, nakakuha rin paa ako nang gasgas sa tuhod bukod sa dumugong daliri sa paa.
"Mag-iingat ka naman sa susunod Dalisay, ako'y nag-aalala sayong bata ka. Ni ayaw ka naming malamukan noon, tapos ngayon makikita ka naming nasugatan?" aniya, pinangangaralan ako dahil sa katangahang ginawa ko.
"Kaya nga pinadalhan ka nang flashlight para gamitin mo upang makita ang dinadaanan, napatid kapa? Ayan tignan mo nagkasugat ka tuloy." Aniya.
Hindi ko maawat si Mamang sa kakasalita hanggang sa dumating si Papang. Hanggang silang dalawa ngayon ang nagsasalita. Natapos lang ang paggamot sa paa ko, hindi parin sila humihinto.
"Alam mo nung bata ito?" turo ni Papang saakin habang sila Blessica at Tan matamang nakikinig. Napapatakip ako sa mukha sa hiya. "Ingat na ingat akong huwag masugatan nang kahit ano itong anak namin. Alam nyo naman nag-iisa lang yan, kaya mahal namin yan." Pagyayabang pa nito.
"Totoo ang sinasabi nang Tito niyo!" singit naman ni Mamang. "Kaunting hikbi ni Dalisay noon, taranta na agad kaming mag-asawa, diba Pang?" nilingon si Papang.
"Kahit ngayong malaki na ang anak namin, ayokong nakikitang nasusugatan yan." Puno nang pagmamahal at pag-aalalang ang tinging ibinibigay ni Papang, ganun din si Mamang. "Ni masaktan..." dagdag pa nito.
Namumuo ang luha sa aking mata. Anu ba iyan, sa harap pa mismo nang mga kaibigan ko sila nagdrama.
"Hayaan nyo Pang! Hinding-hindi ko po sasaktan ang unica hija nyo..." biro ni Tan na ikina iling ni Papang.
"Itong batang 'to talaga Mang mapagbiro ano?" tanong pa nito sa katabi niyang si Mamang at pagkatapos tumawa. Tumango lang si mamang habang nakangiti.
At nagsalita ulit si Papang "Bata pa ang anak ko, kaya babakuran muna namin siya nang Mamang niya." Tumingin siya saakin. Pagkatapos ay ibinalik sa dalawa lalo na kay Tan. "Malaman lang naming niliigawan mo ito nang walang pahintulot naming magulang niya ay siguradong lagot ka." Mahinahon pero nakakatakot. Nagbanta pa.
"Pang, nagbibiro lang po yung kaibigan ko."
"Ha ha ha. O-opo! Joke!" halata namang natakot si Tan dahil umatras siya at medyo nagtago sa likod ni Blessica.
"Ayokong maagang mamulat ang anak ko sa salitang panliligaw. Alam ni Dalisay iyon dahil lagi namin siyang pinaalalahanan, lalo pa't nasa kolehiyo na." napapabunting hininga ako dahil naging seryo si Papang.
Nagtinginan kaming dalawa ni Blessica. Nagkibit baklikat siya at ako umiling lang. Si Tan naman hindi na umalis sa likod ni Blessica dahil siguro natakot sa pagiging maseryoso ni Papang, e nagbibiro ngalang iyong tao.
"Hindi naman kami mahigpit na magulang dahil alam din naming may limitasyon rin kami. Pero bilang magulang syempre gusto lang din namin makitang masaya ang anak namin na nakapag tapos, may nakamit sa buhay at may maipagmalaki. Nag-iisa lang siya kaya iningatan namin siya. Ayokong makitang nasasaktan ang anak ko dahil nasa isang relasyon siya." Sabi ni Papang.
"Pang... kain na po tayo." Singit ko upang matigil na siya sa kakasalita.
Nagsiupuan naman ang iba dahil sa sinabi ko. Nahihiya akong sinulyapan si Papang.
Naguilty naman ako nang bumuntong hininga siya dahil nahalata niyang iniiwas ko ang usapan. Hindi ko rin maamin sa kanila na nasaktan na ako dahil yung taong gusto ko masama ang ugali.
Doon palang siguradong pangangaralan na nila ako at paniguradong pagsasabihan. Alam ko na kung saan hahantong iyon, alam ko naman kasing inilalayo lang nila ako sa maaaring makasakit saakin.
"Oh hijo! Kanina kapa ba diyan? Tara kakain na." si Mamang. Napalingon ako sa hamba nang pinto nang matamaang saakin siya nakatingin.
"Where have you been kuya?" tinanong agad ni Blessica nang makaupo ito sa tabi niya.
"None of your business" suplado at walang paki nitong sinabihan ang kapatid. "I'm tired. Umuwi na tayo pagkatapos nito..." mautoridad niyang saad pagkatapos ay tumingin saakin.
Mabilis akong umiwas nang tingin sa kanya at kumuha nalang nang pagkain.
"What's wrong with you..." inirapan nito si Tom Qlement dahil naiirita sa sinabi. "Bumalik kalang naging cold ka na naman? What happen to you ba kuya?" pangungulit parin nito.
He tsked. "I said it's none of you're business. Just shut up and eat." pagkatapos nun wala na akong narinig na usapan mula sa kanila.
Sa tuwing magkakatagpo ang aming mga mata ni Tom Qlement, sinusubukan kong umiwas. Kahit nawalan ako nang gana kumain pinilit ko parin sumubo dahil baka magtaka ang mga magulang ko maging sila Tan. Ayokong magpaapekto sa mga titig na ibinibigay niya.
Tama nga si Blessica dapat ko na siyang iwasan dahil masasaktan lang ako. Dapat lang na iwasan siya dahil baka siya ang magiging dahilan nang pagiging iyakin ko. Ayoko nang ganun, dapat masaya lang.