Kung kaba lang ang pag-uusapan? Panalo na ako sa mga oras na ito dahil para akong hinahabol ng mga aso habang kaharap ang lalaking ilang buwan ko nang hindi nakikita.
Kuya ni Blessica...
I didn't asked his sister about his name kaya ang lagi kong sinasabi ay kuya ni Blessica. Laging ganun kasi ang naririnig ko kapag kasama ko ang kapatid niya.
Kaya ngayon natatameme ako sa harap niya. Hindi naman kami ganun ka close noon pa man dahil wala kaming maayos na pag-uusap noon.
Napapakagat ako sa labi dahil sa kaba, yung kamay ko naman kanina pa nakakapit sa floral dress kong suot, sigurado akong nakukusot ko narin ang laylayan dahil sa sobrang paghawak. Medyo naiintimidate din ako sa titig niya. He eyed me from head to foot kaya hindi ako mapakali.
He's the typical young man with deadly look in his eyes that probably every woman wants. I remember he's three years older than me so baka nasa fourth year college na siya at paniguradong maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. I envy them.
Humakbang siya palapit saakin, palipat-lipat naman ang tingin ko sa kung saan dahil hindi ko alam ang gagawin. Gustuhin ko mang gumalaw pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko, parang dumikit na sa mismong kinatatayuan.
Napatalon ako ng kaunti dahil sa gulat ng biglang may nagpatugtog ng isang kanta , kaya nilingon ko ito. Iyong kakaparadang trycicle bago lang...
Let's Marvin Gaye and get it on
You got the healing that I want
Just like they say it in the song
Until the dawn
Let's Marvin Gaye and get it on
Nang ibalik ko sa kaharap ang tingin parang nagslow motion lahat, ang paglalakad niya papunta sa direksyon ko, ang pagpikit ng mata niya pagkatapos minulat din, ang pagkunot ng noo habang nakatitig saakin, at ang mistulang agaw pansing liwanag na siyang sumusulpot-sulpot sa likod niya, sobrang tangkad niya na halos hanggang leeg lang ako.
Woah~
There's loving in your eyes
That pulls me closer
(That pulls me closer)
It's so subtle
(It's so subtle)
I'm in trouble
(I'm in trouble)
But I'd love to be in trouble with you
Huminto siya mismo sa harap ko ng sobrang lapit kaya nahigit ko ang hininga. Why do I always feel this kind of feeling towards him? Whenever he is basta nagkakatagpo kami ganito na agad ang nararamdaman ko. Gusto kong kurutin ang sarili ko sa oras na 'to dahil wala na sa tamang ayos ang utak ko.
"Breath Chérie..." his baritone voice filled my ears that made my fur on my arms stood up.
Pinakawalan ko naman ang kanina pang hininga na pinipigilan ko, sa isang sabi niya lang.
"Look at me Chérie..." para niya akong hinihipnotismo sa kanyang malamyos na tinig, at hindi ko man lang magawang magprotesta.
Dahan-dahan ang pag-angat ko ng tingin sa kanyang mukha, lalong lalo na sa kanyang mga mata na halos lunurin ako kakatitig sa oras na ito.
"Tu as un visage innocent auquel je n'ai pas pu résister ma Chérie."
Hindi ko maintindihan ang sinabi niyang iyon. Pinapalito niya ang isip ko sa oras na ito. What is this sudden action that he made? Para niya akong tinatangay, winawala, at pinapaisip. Anong gusto niyang iparating sa mga kilos niyang 'to?
I saw how he bites his lips while looking at me. No! He's looking directly unto my lips, kaya napakagat din ako sa labi ko para itago ito sa mga mata niya. Napansin niya siguro iyon kaya dumapo ang mga mata niya mismo saaking mata. Now I can see the irritation. Bakit na naman siya naiirita?
I gulped.
"Ligaya!" it was Tan's voice.
I am saved by him, salamat naman dahil kung hindi niya ako tinawag baka hindi ko alam kung anong gagawin ko sa harap ng lalaking 'to.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay Tristan na ngayon kumakaway saakin kahit nasa kabilang kanto pa. Naibalik ko sa lalaking katabi ko ang tingin pero hindi na pala sakin ang tingin niya kundi kay Tristan na masayang tumawid para pumunta sa akin.
His expression right now ay blanko at hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya.
Nakatingin lang ako sa kanya nang may umakbay saakin.
"Ganda natin ah?!" alam ko masaya si Tan sa oras na 'to kahit hindi ko nakikita dahil naka focus ang paningin ko sa lalaking seryoso ang tingin sa kasama ko.
Sobrang transparent ni Tan na kahit alam niyang may kasama ako, nasasabi niya iyon.
"Oh? Sino siya Ligaya? Kuya mo?" hindi ko alam kung nagbibiro ba siya nang tanungin niya ako nun.
Umasim ang mukha ng lalaking kaharap ko at nagtatagis ang bagang dahil sa sinabi ni Tan. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, para hindi na humaba pa ang usapan sinabi ko kay Tan hindi ko kuya ang lalaking kaharap ko.
"Ah! Kaya pala! Mabuti nalang at wala kang kuya, Ligaya. Kung nagkataon baka nasuntok na ako dahil inaakbayan kita, diba?" natatawa siya sa sinabi niya.
Hindi ko magawang makitawa sa sinabi ni Tan dahil nakatingin lang saamin ang kuya ni Blessica. Seryoso at parang gusto niyang manuntok sa paraan ng pagkakatikom ng kamao niya. Hindi rin siya nakangiti saamin, wari parang gusto nyang pumatay sa oras na 'to. Kaya kinakabahan ako hindi para saakin kundi para kay Tan. Alam kong na offend siya sa sinabing iyon ni Tan sa kanya.
Hinawakan ko sa laylayan ng kanyang damit si Tan para saakin ang atensyon niya. Balak niya kasing kausapin ang kuya ni Blessica. Kapag hindi nagustuhan iyon ng lalaki baka masuntok na talaga siya. Madaldal pa naman itong si Tan, baka hindi siya matansiya at masuntok siya.
"Tara na..." pabulong kong sabi.
"Ay teka lang naman Ligaya! Sino ba siya?" nakuha niya pa akong pigilan sa paglalakad kaya napabalik ako at medyo naisiksik sa kanyang bisig na ikinabigla ko.
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kuya ni Blessica. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang tumingin sa kanya, wala naman akong ginawang masama pero feeling ko meron.
Wala talagang karea-reaksyon ang mukha niya at diretso lang ang tingin. Sinundan ko ang mata niya kung saan nakatingin at ganun nalang kung alisin ko ang kamay ni Tan sa balikat ko.
"Bro! Kaano-ano mo si Ligaya ko-Aray!" siniko ko si Tan sa tagiliran kaya ganun nalang ang pagpigik niya. "Joke lang! Chill!" itinaas ang dalawang kamay sabay ngiti saakin.
Ngayon hindi na ako natutuwa kahit ilabas pa niya ang dimples niya sobrang lalim. Pinapalala niya ang awkwardness sa pagitan naming dalawa ng kuya ni Blessica.
"Were not brothers..." malamig nitong saad kay Tan.
Wala namang pake si Tan kahit ganun nalang ka lamig ang pakikitungo nito sa kanya.
"O sige hindi na kung hindi. Hindi kasi kita kilala kaya bro tawag ko. Ano ba pangalan mo?" nagawa pang mag-angas-angasan ni Tan.
Hinila ko naman ang braso ni Tan para magtigil sa kakatanong.
Napabitaw lang ako ng sundan nito ng tingin ang kamay kong nakahawak sa braso ni Tan kanina.
"Sino ba 'to Ligaya at ang seryoso naman. Nagtatanong lang e!" kamot ulong tanong nito saakin.
"A-ah..." ano ba ang sasabihin ko? Hindi ko naman alam ang pangalan niya. "Ano, kuya siya ng kaibigan kong si B-blessica." Muntik pa akong mapiyok.
He tsked.
Tan just nodded pero halatang hindi siya nakontento dahil mapaghinala ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin. Tumikhim siya, muli inakbayan niya ako at mas lalong inilapit sa kanya. Nakuha pa akong kindatan, na ikina ngiwi ko.
Ano na namang trip nito sa buhay?
"Ah...O-kay!" walang pakialam niyang sagot habang nakatingin saakin at nakangiti.
"Tristan pare!" pakilala niya dito kahit hindi naman siya tinanong. "Pare nalang itatawag ko sayo ayaw mo kasing tinatawag na bro e!" inilahad pa ang kamay para magshakhands, napapabuntong ngininga nalang ako sa pagiging makulit niya.
Wala siyang nakuhang tugon mula sa kuya ni Blessica kaya ibinaba niya ang kamay at nagkibit balikat nalang pagkatapos tumingin na naman saakin. Sumenyas siya gamit ang kamay na nagpapahiwatig na umalis na kami.
"Panu bayan pare-"
Nabitin sa ere ang sasabihin niya ng talikuran kaming dalawa ng kuya ni Blessica.
"Problema nun?" pabulong na tanong nito saakin medyo napalayo ang mukha ko kay Tan, halos idikit kasi ang mukha saakin makapag bulong lang ng sasabihin.
Sa pheriperal vision ko nakita ko pa ang paglingon niya. Kumalabog ang puso ko sa lamig na hatid na titig niya. Natulak ko tuloy si Tan ng hindi sadya. Nagulat tuloy ito sa pagkabigla.
"S-sorry..."
"Hmm. Ayos lang! Tara na nga at baka kanina pa nagsisimula ang misa baka wala tayong maabutan."
"Hala!" ngayon lang sumagi sa isip ko ang misa. Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil nakalimutan ko kung bakit ako nagmamadali kanina.
--
Nakaabot naman kami ni Tan sa misa kaso nasa pagbibigay na nang tinapay kaya dumiretso narin kami sa pila. Pagkatapos nun hinanap namin ang upuan nila mamang at papang, nakuha ko pa ngang ipakilala si Tan dahil iba ang tingin ng magulang ko ng makita kaming magkasama. Baka isipin nila kay bata ko pa may nobyo na ako. Malabo namang mangyari yun.
Matapos ang misa sabay kaming lumabas kasama si Tan. Maayos naman ang kinahinatnan ng misa sayang ngalang at hindi ko napakinggan nang buo dahil nasa kaligitnaan na kami umabot medyo hindi ko tuloy nasabayan ang topic. Pero okay nalang din iyon kesa naman hindi ako nakahabol hanggang sa matapos.
"May pupuntahan pa ba kayo nang binatang 'to Ligaya?" si Mamang, basag sa katahimikan.
Napatingin naman ako kay Tan na matamang nakatingin saamin tapos hinihintay ang sasabihin ko. Ibinalik ko kay mamang ang tingin, si papang kasi naunang maglakad kasi kukunin ang tricycle.
Umiling ako. "Wala naman po kaming pupuntahan mang, nag-usap lang po kami kanina na sabay magsimba." Maayos ko namang sabi.
"Ganun ba. Edi umuwi na tayo..." aniya saka tumingin kay Tan. "Gusto mo bang pumunta sa bahay hijo? Meryenda muna tayo doon, kaibigan ka naman ng anak namin kaya welcome ka sa bahay." Medyo nabunutan ako ng tinik akala ko kung ano ang sasabihin ni Mamang kay Tan.
Tiningnan ko ulit si Tan, aba ang loko nakangiti labas dimple tapos sunod-sunod kung tumango. Hindi ko talaga maiwasang magkomento, makapal ang mukha, patawarin nawa ako kakatapos ko lang magsimba.
"Ngiting aso tayo ngayon ah?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng gate ng simabahan. Nakasunod sa likod ni Mamang na naglalakad sa direksyon ni Papang na nakasakay sa tricycle at naghihintay saamin.
"Syempre may libreng meryenda sa bahay nyo e!" sabay tawa "Ganito pala kapag nakapag samba ano? Paglabas ng simbahan may blessings agad, swerte ko talaga! Masarap palang maging isang kaibigan ng Dalisay Ligaya"
Nahinto naman ako sa paglalakad dahil sa pagiging maloko niya, nagtaka siguro kaya niligon ako.
"Ang hangin mo!" sabi ko na ikinatawa niya sabay tutok ng kamao sa dibdib niya at itinaas ang kamao sa ere sabay turo sa taas ang isang daliri. Naiiling ko siyang tinignan, ang hangin!
Nakarating kaming apat kasama si Tan sa bahay, naging masaya naman sa daan dahil kay Tan na sobrang ingay, halos hindi mahinto sa kakadaldal sinabayan pa nang Papang ko na halos hindi rin maawat. Kaming nasa loob ng tricycle kanina ay tawa nang tawa dahil sa biro at sagutan nila. Naging maayos ang pakikisama ni Tan kaya ngayon super close na sila nang magulan ko, parang siya na nga iyong anak at ako iyong kaibigan e.
Kung titignang mabuti makikitang aliw na aliw sila Papang at Mamang kay Tan, kahit noon pa man ay naaaliw sila na meron akong kaibigan at tinuturing rin nilang anak. Halos pagsilbihan nila ang mga kaibigan ko mafeel lang na welcome sila sa bahay namin.
Hindi ko rin naman sila masisisi dahil isang anak lang ang binigay sa kanila, sa magulang ko at ako iyon. Gustuhin ko ring magkaroon nang kapatid pero hindi na pwede, matanda na ang mga magulang ko para makabuo ulit at delikado narin para kay Mamang.
Masaya naman sila kahit papaano dahil nandito ako at ang mga kaibigan ko. Masaya din akong nakikita silang nagiging masaya.
"Oh Dalisay! Halika na dito sa kusina at mag meryenda!" si Papang. "Tignan mo itong kaibigan mo..." turo kay Tan na maganang kumakain nang turon. "Nakakatuwang panuorin magana kung kumain, kung hindi sana siya hanapin sa kanila balak ko siyang patulugin dito kahit isang gabi lang." sabi ni Papang na masayang nakatingin kay Tan.
Napangiwi nalang ako sa gustong mangyari ni Papang, natuwa lang siya nagbalak nang patulugin ang lalaking to sa bahay. Kung sabagay nakakatuwa namang panuorin si Tan kumain dahil may asukal nang dumidikit sa gilid nang labi niya, pero hindi man lang nito nakuhang pansinin mas tutok kasi siya sa pagkain e.
Lumapit ako sa kanila masayang nag-uusap si Papang at Mamang habang si Tan tuloy lang sa lamon. Oo, lamon talaga ang ginagawa niya, hindi ko alam kung bakit ganito siya kung kumain e hindi naman siya mauubusan dahil marami ang ginawang turon ni Mamang. Hindi rin ako ganun ka lakas kumain.
Mahina ko siya tinulak na ikinahulog nang turon nasa bibig niya.
"Ay sorry..."
naguilty naman ako dahil doon. Hindi ko naman sadya talaga, balak ko lang agawin ang atensyon niya kasi halos hindi niya napapansin ang mga kasama niya ditto sa kusina.
Masama niya akong tinitigan animoy inagawan nang laruan tapos itinapon lang. Ganun ang tingin niya saakin ngayon.
"Ayan tuloy nahulog! Sayang yun Ligaya!"
"Edi pulutin mo at kainin ulit- hoy! Ang dugyot mo!" pinagpapalo ko ang kamay niya nang balaking pulutin ang nahulog na turon at nasa sahig na malapit sa sapatos niyang suot.
"Sabi mo pulutin ko at kainin!"
Hindi naman maipinta ang mukha ko dahil sa sagot niya.
"Talagang susundin mo ang sinabi ko?" natawa ako pagkatapos.
"Grabe Tan! Nagbibiro lang naman ako nang sabihin ko iyon, ang seryoso mo naman."napapahawak na ako sa tiyan ko kakatawa.
"Biro lang pala yun? Hindi halata!" ngayon nakuha niya naman akong pilosopohin. Baliw talaga!
"Ewan ko sayo Tan!" pahapyaw ko siyang hinampas sa balikat at nagkunwaring nasaktan kahit hindi naman ganun kalakas nang palo ko. "OA? Kumain ka na ngalang diyan!" ani ko at naupo narin pagkatapos.
Katabi ko siya sa upuan samantalang sila Mamang at Papang ay nasa kabilang upuan naman.
Masaya kaming nag-uusap at nagkakatuwan. Maraming naisi-share si Tan sa magulang ko, halos wala nang katapusan ang kwentuhan na namuo sa kusina hindi rin alintana ang papalubog na araw at inabot na nga kami nang dilim.
Naputol lang iyon nang may bumusina sa labas nang bahay naming. Nagkatinginan pa kami nang magulang ko maging si Tan. Wala naman kasi kaming inaasahang bisita dahil gabi na. O baka napa daan lang sa bahay? Hindi ko alam e, kaya naman tumayo si Mamang at siya na mismo ang nagbukas.
"Oh! Blessica ikaw ba iyan?! Naku, ang tagal ding hindi ka nakakapunta dito ah?"
Nagtataka akong tumayo at lumabas nang kusina, nakasunod rin sila Tan saakin, nakita kong nagyakapan si Blessica at ang Mamang ko.
"I miss you po Tita! Oo nga po e! I've been busy lately and I can't go home agad-agad dahil sa Maynila ako nag-aaral." Aniya kay Mamang habang ginawaran din nito nang yakap. Wari sabik siya na makita ang mga magulang ko. Napansin siguro niya ang presensiya naming habang nakatingin sa kanya.
"Dali!" tili nito nang dumapo ang tingin saakin. Mabilis pa sa alas kwatro kung makabitaw kay Mamang at dali-daling lumapit sabay kabig saakin at isang mahigpit na yakap ang ibinigay. Halos masakal ako sa sobrang higpit, nakuha pa niyang isayaw ang katawan kaya ganun din ako.
"My gosh! I miss you na! You know what? Kung hindi lang malayo ang Maynila always akong pupunta rito. I miss you and the others. Ang lonely nga nang unang pasok ko dahil hindi kita kasama..." aniya.
Napapangiwi akong tumingin sa magulang ko maging kay Tan na nagtataka bakit may babaeng nakayakap saakin ngayon at sinasayaw ako. Napansin ko din kay Tan ang pagpipigil, napapahawak kasi siya sa kanyang bibig gamit ang kamay bilang panakip. Pero hindi iyon nakaligtas saakin halata kasi sa kanyang mata, lumitiit kapag tumatawa, o kaya nawawalan siya nang mata, ayun!
"Stop being a childish Blessica..." dumagundong ang boses nang taong hindi ko inaasahan, naghahanap ang mata ko sa pinto hanggang sa magtama iyon sa kanya.
Napalunok ako nang makita siya doon nakatayo at nakapamulsa. Iba na ang suot niya, Itim na jacket at may hoodie ang likod at naka white kaki short na pinartneran nang sapatos na puti rin. Napakagat labi ako nang makita ang style nang pananamit niya, talagang bumagay sa kanya. Lalo lang nadidipena ang tikas at gandang lalaki niya.
"Naku! Hindi mo sinabi Blessica kasama mo pala ang Kuya mo." Saad ni Mamang nang makalapit sa pintuan, matamang tiningnan ang lalaking nakatayo, binalingan din nito ang Mamang ko at magalang na tumango.
"Ano nga ang pangalan mo hijo? Hindi na kwento ni Blessica saamin e. Ang alam ko lang may kuya siya." Magiliw na tanong ni Mamang sa kanya.
Tumingin muna siya sa gawi ko wari tinitingnan ang reaksyon ko sa oras na iyon pagkatapos binalingan ulit si Mamang na tutok sa mukha niya at parang gwapong gwapo ito sa kanya.
Totoo naman kasing gwapo siya.
"I'm Tom Qlement po Tita."
Kumibot ang kilay ko at kagat labing inalala ang pangalan niya, ngayong nalaman ko na ang pangalan niya hindi ko na siya sasabihang kuya ni Blessica dahil siya pala si Tom Qlement.
"Tom Qlement." I murmured.
"Hm. I hear you..." napabitaw ako kay Blessica at namumulang tumaligid. "Don't worry, I'll zip my mouth." Aniya at tumawa.
Napalunok ako dahil sa kaba. Nawala sa isip ko na kayakap ko pala kanina si Blessica at alam ko kahit bulong ko lang iyon na sinabi narinig niya kasi sobrang lapit namin.
Nanliliit at parang akong kinikilatis ni Blessica. Medyo malayo kami sa kanila at hindi rinig dahil kinakausap si Tom Qlement nang mga magulang ko si Tan nakatingin at matamang nakikinig.
Ako na corner ni Blessica sa kinakatayuan ko. Panay ang iwas ko nang tingin sa kanya dahil nahihiya ako. Ayoko rin ang mapang-asar niyang tingin, wari inaalam ang takbo nang isip ko.
Umiiling pa siya habang nakatingin saakin at parang na dismaya sa nalaman, panay lang ang sulyap ko sa kanya habang kinukurot ang magkabilaang braso dahil sa kaba at hiya.
"You know I treat you as a friend, right?" aniya na ikinalingon ko. Kunot ang noo. Anong gusto niyang iparating?
Wala siyang nakuhang sagot mula saakin, dahil wala akong ma-itanong at hindi ko alam ang itatanong.
"I don't want you to get hurt Dali." She paused and continues again. "I know my kuya since we were a child and he's a heart breaker, a stone-cold heartless person, mahilig magpaasa, he will actually deceive you by doing promises and after that itatapon ka niya na parang garbage, like that! I witness his exes and flings before.... So!" Aniya.
Nag-iwas ako nang tingin. "Bakit mo sinasabi sakin yan?" kung saan-saan nakakarating ang mata ko maiwas lang kay Blessica.
"I just want you to know him better, you know! For you to be more careful at hindi masaktan..." she said.
Napapiksi ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon.
"I remember you asked me who my brother is, diba. Do you remember? I told you pangit siya? Actually, I'm not referring to his appearance because we're totally handsome and beautiful. I'm actually referring to his attitude and the way he treats his woman. Very heartless!"aniya.
Parang hindi niya alintana na nandito ang kapatid niya at sinasabi satin ang negative side ng kuya niya. She's a vocal person and direct to point kung magsalita, hindi niya hinahayaan na isugarcoat yung mga nalalaman niya but to confront you about something she knew.
"If you want I'll introduced you to my other guy friends in Manila, huwag lang ang kuya ko. Dahil sasaktan kalang niyan at kahit magka-crush sa kanya no, no, no!" itinaas ang daliri sa harapan ko at kinaway-kaway na sinasabing hindi pwede sumasabay pa ang ulo.
"Wala naman akong sinabi Blessica, bakit mo sakin-"
"Duh! I'm also a girl no! What do you think of me ha? I feel your aroma...nangangamoy..." nakuha pa niyang tumawa nang peke. "Banggitin mo pa ngalang ang pangalan niya, naramdaman ko na agad na tumatalon ang puso mo... Hep! Don't.you.dare.deny.it!" madiin niya sa huling sentence.
I intertwined my hand because she notices me awhile ago. I didn't know na mabilis akong mapaghalataan. Hindi ko naman din sinasadyang marinig niya at bulong ko kanina, nawala kasi sa isip kong magkayakap pala kami, kaya ito ako nabuko.
I don't even know if maniniwala ako kay Blessica dahil baka sinisiraan niya lang ang kuya niya kasi nga naiinis siya dito. Pero hindi ko rin maalis sa isip iyong sinabi niya dahil syempre magkapatid sila, alam nila ang takbo nang buhay nilang dalawa.
Nasa point ako nang pag-iisip kung magtitiwala ba ako o babaliwalain yung sinabi ni Blessica. I'm on the 50/50 stage of think and believe, I don't know e! Hindi naman ako manghuhula.
Hindi ko naman din kasi sinabi kay Blessica na gusto ko ang kuya niya. I never open up my feelings or shared my personal feelings sa kaibigan ko, talagang malakas lang ang senses niya pagdating sa ganitong bagay.
And I didn't know either my feelings towards her Kuya, nasa stage rin ako nang pagtatanong sa sarili. Yes, I may be felt something when Tom Qlement is in front of me? But then I still have questions in my mind, halos sasabog na sa dami, nagkakarambualn. Hindi maiiwasang maconfused diba?
Like baka natatakot lang ako kapag kaharap ang kuya niya kasi kakaiba ang aura at medyo rough kung tignan, or first time ko lang maka encounter nang ganung lalaki, hindi ko alam. Ang hirap iexplain e.
"Don't fall for my kuya Dali. I'm telling you this as a friend and as a sister. I know my kuya more than you, I know him..." makahulugan niyang saad na ikina-iwas ko nang tingin.
Napapakagat labi at nalilito na rin. Hindi ko naman talaga gagawin yun, but then she always pushed me on believing to her, I know that she's just concern, makikinig naman ako. Medyo na dismaya lang ako sa sinabi niya.
"But if ever makalimutan mo yung sinabi ko. Hindi kita masisisi kasi babae karin, marupok, like me!" kung kanina ang seryoso nang pinag-uuspan namin ngayon nakuha na niyang humagikgik at parang inaamin na marupok siya.
"Anu kaba! Magsalita ka naman diyan Dali. Don't make it serious okay? Let's just be happy, no heavy feelings ha?" aniya. "Alam ko namang mailap ka sa mga lalaki kaya hindi ako nagwoworry masyado. Alam kong hindi mo hahayaang mabuwag yang pagiging mailap mo..." Dagdag niya.
'Mailap...hmm'
Mailap nga ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging mailap. Hindi naman ako perpekto para sabihing kaya kong pangatawanan ang pagiging mailap sa lalaki.
In every chapter of our life nagbabago ang tao, they will change physically or maybe emotionally.
Kung ngayon mailap ka baka bukas hindi na, we don't know diba? At Isa ako sa mga taong yun, and I know hindi lang ako, but most of the people.
And I won't say or promise na hanggang doon nalang yung pagiging ako, kasi in a long run marami pa tayong maeexperience e. In a long run marami tayong maiiexplore, unexpectedly. In a long run maaaring magbago ang lahat.
Napapabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. There were thoughts I would like to share with Blessica but then part of me wanted to keep it a secret. Sa susunod nalang siguro?