Chapter 7 - Chapter 5

MATAPOS ANG masayang usapan namin doon sa canteen kanina bumalik din kami sa classroom.

Wala namang ganung ginawa dahil Kakatapos lang ng exam for 3rd grading. Halos nagcheck lang kami ng test paper tapos nag-announce ng high score to lowest score. Nasa pangtatlo ako sa mataas. Pinagtutulak pa ako ng mga kaklase ko dahil daw nakakuha ako ng mataas na score sa mga exam.

Wala naman iyon sa akin. Ang importante kasi may natutunan. So ayon nga. Pagkatapos ng klase hinintay kong makalabas si blessica sa kanilang room. Nauna na naman kaming pinalabas. Kaya nakapaghintay ako.

Inayos ko ang pagkasabit ng bag sa likod ko ng makitang nagsitayuan ang mga estudyante sa loob. It means tapos na ang klase nila. 

Nagsisiunahan pa ang iba sa paglabas ng classroom. Animo parang nakawala sa hawla.

"Hi Ligaya. Ang ganda mo!" ani ng mga dumadaang senior.

Nginingitian ko lang sila, ang iba hindi ko kilala kasi tsaka nakakahiya.

"Uuwi kana Ligaya?  Sabay kana saamin!" isa sa mga senior ang nagtanong pero hindi ko alam kung anong section.

Umiling ako "May kasabay na akong umuwi e." alibi ko.

Pero totoo iyon.

"Sino?  Si Alexander o si Yiehmer?" some boys na bigla nalang nakisali sa usapan.

Kasalanan talaga 'to ni Daniel kaya ganun yung iniisip ng ibang mga studyante. Pinagkakalat ba namang may gusto ang dalawa saakin.

Sunod-sunod naman ang iling ko.

"Hindi sila! Kaibigan ko ang kasama kong umuwi." 

"Naku wag kang sumama sa dalawang yun!  Dumadamoves yun sayo-"

"Guys stop pestering my bestfriend. If I were you uuwi nalang ako kesa naman kinukulit nyo siya! Shooo!" kumapit si Blessica sa braso ko at inilayo ako sa mga kaklase niya.

"Si Blessica naman KJ! Si Marco nga dumadamoves sayo e! Yeeeeh!"  tudyo nang mga kaklase niya.

Mabilis din siyang nakilala dahil nga transferee.

Nakisama rin ako sa pang-aasar. Sinusundot ko ang tagiliran niya. Pinipigilan naman niya ito gamit ng kamay at umiiwas.

"Ikaw ha?  May hindi ka sinasabi saakin. My Marco ka pala!"

Napairap siya "Oh.. Shut up Dali. He's not my Marco,  okay?  At kayo!" turo niya sa mga kaklase. Mukha na siyang nabadtrip.

"Stop that tudyo-tudyo me to him. I don't like him. Okay?" she cross her arms. "Let's go Dali!" nauna siyang maglakad kaya sumunod naman ako.

Ang bilis nga ng lakad niya. Patakbo ko pa siyang hinabol para lang makasabay.

"Ang bilis mo maglakad. Hinihingal tuloy ako." napahawak pa ako sa dibdib ko habang habol ang hininga.

"Sorry!  I'm badtrip lang kasi because of them! You know,  why would they tudyo me to Marco.  As if naman gusto ko iyon! Duh!"

Hindi maipinta ang mukha niya ng sabihin iyon. Maattitude talaga 'to pero natutuwa ako sa pagiging maarte niya magsalita. And at the same time,  totoo siya sa sinasabi niya.

"Defensive ka?" ani ko. Pinipigilang wag matawa sa mukha niya. Nakasalubong na ang dalawang kilay.

"Duh!  I'm not kaya! Forget about him, you know already naman diba?  That I have someone I like diba?"

Marahan akong tumango "Of course alam ko 'yun pero malayo kasi 'yung crush mo. Tsaka gwapo at mabait si Marco."

Sinamaan niya ako ng tingin "Kaibigan ba talaga kita?  Support mo nalang ako sa crush ko, wag lang kay Marco. Duh!"

"Duh!" panggagaya ko. Nagtawanan nalang kami dahil doon.

---------------

KINABUKASAN MARTES balik ulit kami sa normal na klase. Balik sa pagtuturo. Hindi pa nakamove on ang iba kung kaklase. Nagmaktol pa kasi bakit daw magtuturo agad. Kesyo ganito,  kesyo ganyan.

Napapailing nalang ako sa mga rants nila. Iilan lang sa amin ang nakikinig ng maayos, ang iba daldalan sa loob ng klase habang nagdi-discuss ang guro.

Breaktime muna kaya nasa canteen ulit kami. Kung dati dalawa lang kaming lagi na magksama ni Blessica,  ngayon madami na kami. Isang grupo na. Kasama sila yiehmer. Nasanay narin ako sa tudyuan ng mga kaklase namin pag napapadaan sila sa table. Hindi lang din sila Ronalyn at Yiehmer ang kasama namin maging ang kaklase rin ni Blessica si Alexander at Roe.

Pagkatapos ng recess nagsibalikan din kami sa mga klase namin. Balik sa pakikinig na naman. Ini-aannounce nga rin ang araw ng practice for graduation. Syempre excited ang lahat.

Ang sabi sa amin ng advicer namin,  tatapusin muna ang 4th grading examination bago magsimula sa practice for graduation para hindi raw hassle sa studyante. At least doon wala ng alalahanin pa. Practice nalang for actual graduation.

"Saang University kayo papasok?" si Daniel.

Kasalukuyan kaming nasa plaza. Half day lang ngayon dahil nagpatawag ng meeting ang lahat ng guro. Siguro pag-uusapan iyong para sa graduation.

"Kaming tatlo ni Jing at Ronalyn baka lumuwas ng Maynila. Diba? " si Sheng.  Tumango ang dalawa sa sinabi niya.

"Wow!  Saan naman doon?  Mahal ang tuition sa Maynila a? UP ba?  UST?  FEU? pre mahal doon!" si Daniel.

"Hindi pa naman namin napag-uusapan. Baka nga lang diba?  BAKA!  Oa mo ha? " si Jing.

"Ikaw Yiehmer saan ka mag-aaral?"

"Balak akong pag-aralin ng kuya ko sa Ateneo. Sa Maynila." mangha kaming napatingin sa kanya.

"Wow!" iyan nanaman ang pagkamangha sa mukha ni Daniel. Tawang-tawa si Roe at Alexander sa kanya.

Ang mga girls naman napapailing nalang sa kanya.

"May Ateneo naman dito sa Naga bakit doon pa sa Maynila?" si Ronalyn.

Nagkibit ng balikat si Yiehmer. "Hindi ko nga alam e. Sinabi ko naman na meron dito sa atin. Kaso gusto ni kuya sa maynila ako. Doon kasi siya nagtatrabaho." aniya.

"Ahh... Kung sabagay less gastos din iyon. Tapos hindi na padala ng padala ang kuya mo,  diba? " ani Ronalyn.

Tumango naman si Yiehmer "Oo tama. Nahihiya na rin ako kay kuya dahil malaki ang ginagastos niyang pera kakapadala saakin. Balak ko nga kapag doon na ako. Magpapart time ako. Balak ko din mag-audition doon." nahihiya niyang sabi sa huli.

"Naks! Balak mong maging artista?  Naku! Kapag ito si Yiehmer sumikat,  wag lang niyang kalimutan ang mga kaibigan niya dito, kung hindi?  Magkalimutan na tayo!" ani Daniel na ikinatawa namin.

Baliw talaga ito. Daming alam sa buhay. "Tsk. Ikaw lang ang nakakalimutan Daniel kami hindi! Haha! " si sheng iyon. Sumimangot naman ang mukha ni daniel. Mas lalo pa namin siyang inasar.

"So pagkatapos pala nitong graduation. Magsisialisan na kayo?  Ang iba sa maynila na mag-aaral. Kami dito lang, wala kasing sapat na pera para makapag-aral sa malayo." si Roe.

"Ako dito parin ako mag-aaral. Sa bayan, yung University of Nueva Caceres. Doon ako mag-aaral." masaya kong sabi.

"Ayon naman pala!  Hindi kami nag-iisa. Si Alexander doon rin mag-aaral diba pre? O, 'wag sabihin hindi, noong nakaraan lang sinabi mong doon ka mag-aaral!" siniko niya si alexander sabay kindat.

"Tsk. Tumigil ka nga." tulak niya sa kaibigan.

"Kawawa naman si Yiehmer mukhang masusulo ni Alexander si Ligaya ah? Pre kawawa ka! May nanalo na, tama nga ang desisyon ng kuya mo. Doon ka nalang sa Manila mag-aral pre!" tapik ni Daniel sa balikat ni Yiehmer.

Napuno nanaman kami ng kantyawan dahil sa pang-aasar ni Roe at Daniel ang labas tuloy ay love triangle. Though hindi ko naman iyon tinitake ng seryoso. Walang meaning saakin ang mga iyon. Nakikiayon nalang ako at nakikitawa kapag inaasar nila ako kay Yiehmer at Alexander.

Pagkatapos niyon umuwi narin kami. Katulad ng dati sa van nila Blessica kami sumakay. Inihatid muna namin sila bago tumulak pauwi.

Hindi rin muna ako makakapunta sa mansion ng mga salvador dahil lumuwas nang maynila si papang. Bumili ng mga bagong pyesa para sa tricycle niya. Walang kasama sa bahay si mamang kaya sasamahan ko muna. Okay naman iyon kay Blessica.

Sinabi niya rin sa aking bibisita raw doon ang mga pinsan niya at pamangking salvador. Dalawang araw daw doon ang mga iyon mamamalagi kaya okay lang kung wag ko munang samahan.

Mas mabuti narin iyon para mas maging malapit pa siya sa mga ito. Akala ko nga hindi niya makakasundo ang mga pinsan dahil hindi pa naman niya ito nakikita. Hindi ko rin kilala ang mga pinsan niya.

-----------------

WEDNESDAY HANGGANG friday ay ganun parin. Discussion lang sa mga subject. Gawa ng assignment at group activity. Minsan naman pagkatapos ng discussion nagpapaquiz.

As usual kapag break time isang grupo ulit kami. Ukupado ang dalawang lamesa at pinag-isa namin. Tawanan at kantyawan. Halos ganun ang nangyari sa tatlong araw.

Pagkatapos ng klase pupunta kaming plaza. Kung ano ang maisip nilang gawin iyon ang gagawin namin. Pupunta sa ganito,  pupunta sa ganyan. Mag-uusap ng ganito ganyan.

Pagkatapos uuwi kapag palubog na ang araw. Hinahatid namin sila sa kani-kanilang mga bahay, sumunod noon uuwi na kami.

Araw ng sabado kaya pupunta ulit ako sa mansion ng mga salvador. Naging kasanayan ko na ang pumunta roon dahil sa kaibigan ko. Sanay narin naman sila mamang at papang na wala ako sa bahay kapag sabado.

Nag-aayos ako ng kwarto at naligo narin. Pumili ako ng damit na susuotin. Nalito pa ako dahil hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Halos dress ang mga damit kong pang-alis at panlakad.

Napakamot pa ako ng ulo dahil nahirapan akong pumili ng susuotin. Basta kumuha nalang ako ng kung ano doon. At nagbihis na.

"O...Dalisay aalis kana?" si mamang iyon. Nagpunas pa ng kamay sa damit bago lumapit saakin.

Sumilip naman ako sa ginagawa niya. "Anong niluluto mo mamang? Kakain muna ako bago ako aalis."

"Gumawa ako ng lumpiang gulay. Tamang tama at magpiprito ako para madalhan mo rin si Blessica. Tara dito." sinundan ko si mamang sa loob ng kusina. Naamoy ko ang mabangong niluluto niya.

"Para saan po ba itong niluluto nyo mang? Andami naman po nito." ani ko habang nakatayo medyo malayo sa kanya. Naglalagay kasi siya ng lumpia sa kawali. Natatakot ako baka tamaan ako ng mantika.

"Wala naman anak gusto ko lang magluto. Namimiss ko lang gumawa ng lumpiang gulay. Tsaka sila mang kanor at iyong asawa niya pupunta dito mamaya."

"Bakit daw po sila pupunta dito?"

"Mamamasyal lang naman anak. Alam mo namang galing maynila ang asawa nu'n. Minsan lang nakakauwi dito dahil doon nagtatrabaho. Nasabi ng papang mo na balak niyang pumasyal dito sa atin." ani mamang. Kumuha siya ng plato at naglagay ng kakaluto lang na lumpiang gulay saka nilagay ito sa lamesa. "Umupo kana at kumain. Tamang-tama pagkatapos mong kumain luto na itong dadalhin mo sa kaibigan mo."

Matapos kong kumain. Naglalagay na si mamang ng lumpia sa katamtamanng laki na baunan. Medyo marami nga e. Hindi ko alam kung mauubos ba iyon ni Blessica.

Sigurado din na matutuwa iyon. Dahil pinadalhan siya ng pagkain ni mamang.

Tunog ng sasakyan ang umagaw ng atensyon namin ni mamang. Binigay niya saakin ang dadalhin ko papunta sa mansion. Sabay din kaming naglakad palabas sa kusina at lumabas ng bahay. Nadatnan namin ang kotseng susundo saakin.

Nagpaalam narin ako kay mamang pagkatapos nu'n. Habang nakaupo sa backseat ng kotse. Hindi ako mapakali. Ewan ko ba kung bakit bigla nalang ako kinabahan. Napahawak pa ako sa dibdib ko at dinama ang mabilis na pagtibok na puso ko. Para namang akong hinahabol na ewan.

"Ma'am ang sabi po pala ni seniorita hintayin mo nalang siya sa loob." napakunot ang noo ko sa sinabi ng driver.

"Po?  Saan po ba si Blessica?" pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ng driver nila.

"May binili siya sa bayan kaya hintayin mo nalang siya sa loob." ani nito. Tumango nalang ako at pumasok sa loob ng mansion nila.

Napapayoko ako at bumabati sa mga kasambahay na makikita ko. Binabati rin nila ako ng magandang umaga. Maging iyong mayordoma nila ay binati ko rin.

Hinatid pa ako sa sofa at doon ko daw hintayin si Blessy dahil may pinuntahan pa. They asked me if i want food para habang naghihintay hindi daw ako mabagot. Malugod ko naman iyong tinanguan. Hindi ko kasi alam kung anong oras ako maghihintay. Baka matagalan siya doon.

Dumating din ang isang kasambahay nila may dalang pagkain. Inilapag niya ito sa glass table.

"Salamat po." ani ko ng nakangiti.

Nginitian naman niya ako. "Walang anuman Dalisay, kain kana. Baka magutom ka kakahintay kay Señorita." ani nito.

Tumango naman ako at kumuha ng isang pirasong cookies. Halos kilala na ako ng mga kasambahay nila sa mansion. Kung hindi si Blessica ang kausap ko,  mga kasambahay nila kaya naman close ko ang mga ito. Noong nakaraan nga na dito ako halos natutulog,  tumutulong din ako sa pagluluto o kaya pagliligpit ng kinainan. Nakakahiya kasi. Ayaw pa nga sana ni Blessica dahil may mga gagawa naman daw nun,  pero ang sabi ko nga sa kanya. Kaya ko rin. Tsaka sanay na ako doon dahil sa bahay tumutulong ako.

"Doon muna ako sa kusina ha? Hintayin mo nalang si Señorita. Wag kang mahiya at hahatiran kita ulit kapag ubos na." nahihiya naman akong tumango habang may laman ang bibig at ngumunguya.

"Salamat po. " habol kong saad habang kumakagat ng cookies.

Halos nakaupo ako doon ng 30 minutes pero wala parin siya. Naka dalawang hatid na iyong kasambahay nila ng pagkain wala parin siya. Medyo nababagot narin ako kaya nagpag desisyonan kong pumunta sa pool side nila. Doon sa likod malapit sa harden. May swimming pool doon,  ililibang ko muna ang sarili. Wala akong dalang extrang damit kaya hindi ako pwedeng mabasa.

Nagpaalam naman ako at pumayag naman ang mayormoda. Alam naman nila na hindi ako malikot kaya pinayagan nila ako. Nang makarating ako doon. May dalawang lounger doon na right side ng swimming pool kung saan may table na maliit sa gitna at malaking payong na siyang pang sangga sa sikat ng araw.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng swimming pool. Wala lang ang ganda lang tignan. Nakakarelax. Sayang nga at wala akong dalang eztrang damit. Maganda sanang maligo. Balak nga ni blessica maligo kami noon nakaraan kaso ako lang ang umayaw nahihiya pa kasi ako. Pero ngayon medyo nalang. Nakakatawang isipin. Ngayong wala akong dalang damit doon ko pa balak maligo. Hay isip!

Pumunta ako sa lounger at naupo doon. Medyo mainit ang sikat ng araw kaya ipinatong ko narin ang paa ko sa lounger, ang labas tuloy para na akong nakahiga doon. Humahangin din at dinadala nila ang buhok kong hindi nakatali. Hinahawi ko kapag napunta sa mukha ko ang gahibla ng buhok ko.

Dinadalaw din ako ng antok dahil sa masarap ng simoy ng hangin. Dagdagan pa ng tunog ng tubig na umaagos sa swimming pool at huni ng mga ibon. Sa likod kasi nu'n ay mga punong kahoy na,  hindi ko rin alam kung gubat naba ang likod nun. Basta ang alam ko mga puno ang nakikita ko. May bakod pero higit na mataas ang mga puno kaya nakikita ko iyon.

Hatid ng preskong simoy ng hangin at huni ng mga ibon. Hindi ko sinasadyang makaidlip. Napamulat lang ako ng may bumagsak sa swimming pool. Hindi ko alam kong ano yun kaya dali-dali akong umalis sa lounger na dahilan ng pagkatumba ko. Mabuti nalang hindi agad ako nahulog sa swimming pool. Nagawa ko pang balansehin ang katawan ko,  pero alam ko na isang galaw ko lang mahuhulog na talaga ako.

Nararamdaman ko rin ang pagkirot ng tuhod ko dahil sa biglaang pagkatumba sa matigas na sahig kung saan nakaluhod ako at binabalanse ang katawan para lang pigilan na huwag mahulog.

Isang dangkal nalang at maaabot na ng ilong ko ang tubig na nanggagalig sa pool. Ang mukha ko ay makikita sa reflection ng tubig hanggang sa nag-iba iyon. Napalunok ako ng makita ang pares na mga mata na nakatingin saakin sa ilalim ng tubig. Maging ang ganda nito,  i mean hindi...hindi ganda kundi gwapo na mukha.

May serena ba sa swimming pool nila Blessica?  Kakaiba ang titig niya na nagbigay ng kaba sa puso ko at naghuhurumintado. Hindi ko rin mapigilang hindi mapatitig sa nilalang na'to. Para akong nahipnotismo. Para siyang isang bagay na hindi ka hahayaan tumingin sa iba,  dapat sa kanya lang.

Ganun ang nararamdaman ko sa oras na ito. Gusto ko ring bawiin ang mga tingin ko sa kanya ngunit taksil ang mga mata, ayaw kumurap o bawiin man lang ang pagtitig.

Sunod-sunod ang paglunok ko ng umahon siya at magkalapit ang mga mukha namin. Nikurap ng mata hindi ko nagawa. Ang mga mata ko ay naka glue sa kakapanitig sa mga mata niya.

'Ang ganda'. Sinisigaw iyon ng isip ko.

Mabilis ko rin iyong iwinaksi sa aking isipan.

'Hindi!  Wag kang magpapadala sa gandang meron ang lalaking nasa harap mo ngayon Dalisay!'

Balak ko sanang umalis sa pagkakatumba, ngunit mali ang galaw ko na dahilan ng pagkahulog ko sa kanya. Hindi ko nagawang tumili dahil sa pagkahulog ko ang mukha ko ay diretso sa mukha niya dahilan para maglapat ang mga labi namin. Nanlalaki ang mga mata ko doon. Napapikit lang ng lumubog kaming dalawa sa swimming pool.

Nagawa pang kumunot ng noo ko. Gumalaw ang labi niya,  kahit nasa ilalim kami ng tubig ramdam ko pa rin iyon.

'Ang unang halik ko. Hindi!'

Napamulat ako, pilit kong nilabanan ang sakit ng mata ko sa pagmulat.

Balak ko siyang itulak at aahon dahil nawawalan na ako ng hangin at  hindi ko kayang huminga sa ilalim ng tubig, pero ang kanyang matipunong braso ay yumakap sa aking bewang dahilan para hindi ako makaalis.

Pilit akong kumakawala sa yakap niya dahil ilang oras lang alam kong mawawalan ako ng malay. Maging ang paningin ko nanlalabo na. Balak niya bang lunurin ako?  Hindi pwede! Hindi-

Isang hila ng batok ko gamit ng kanyang kamay. Naglapat muli ang aming mga labi. Napapikit ulit ako. Naramdaman ko ang pagkagat niya sa labi ko dahilan upang umawang ito.  Nakakuha ako ng hangin sa kanya. Hindi ko alam kung halik pa bang matatawag iyon o ano. Hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw niya.

"Hah! " habol ang hininga ng makaahon kami. Bumitaw ako sa kanya at kumapit sa gilid ng swimming pool. Napapaubo pa ako at naihilamos ang isang kamay sa mukha. Nakainom ako ng kaunting tubig kaya ganun nalang ang sunod-sunod na pag-ubo ko.

"Hm. Sweet... " ani niya na ikinatingin ko sa gawi niya. 

May nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha. Abot-abot ang kabang nararamdaman ng oras na iyon. Masama na rin ang tingin ibinibigay ko sa kanya.

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, baka kanina pa siya namatay at palutang-lutang na ngayon sa swimming pool.

Sana ganun nalang!

Gusto ko man siyang pagsalitaan ng masama dahil sa ginawa niya. Hindi ko magawa dahil hindi naman ako ganun kasama. Ito ang unang beses na naka encounter ako ng ganitong klaseng lalaki.

Nangilid ang luha ko dahil akala ko talaga malulunod na ako. Akala ko mamamatay ako dahil sa pagkalunod. Akala ko ito na ang huli. Akala ko talaga... Kakaibang galit at sama ng loob ang ikinikimkim ko sa oras na ito dahil sa kanya. Nanginginig pa ang katawan ko. Dahil sa lamig. Wala din akong extrang damit na pampalit. Lalo lang sumama ang loob ko at iyon ang dahilan ng tuluyan kong pag-iyak.

"H-hey! W-why are you crying? W-what did i- oh... Fuck!" hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin ng makitang umiiyak ako. Hindi niya alam kung paano ako aluhin.

Tuloy lang ang pag-iyak ko na hindi maririnig ng mga tao sa loob. Kaming dalawa lamang ang nakakarinig niyon. Masakit lang talaga sa pakiramdam na akala mo ito na ang huli na mabubuhay ka. Ito na ata ang kakatakutan ko sa buong buhay ko. Ang malunod sa swimming pool o kahit lumapit sa swimming pool na malapit sa lalaki. At maging sa lalaking kaharap ko ngayon. Dahil dito malapit na akong mamatay.

Nanlalabo na ang paningin ko kanina at halos mawalan na ng oxygen. Tapos nagawa pa niya akong ngitian ng ganun?  Natutuwa ba siyang makita akong ganun na halos ikamatay ko na?  Wala ba siyang puso?

"Fuck! Stop crying will you?! I'm sorry. I didn't-"

"H-hindi mo sinasadya?! Halos malunod ako at kamuntik ko ng ikamatay yon!" napipiyok kong sabi sa kanya.

"Fuck! S-sorry okay?! S-sorry-"

"WHAT'S HAPPENING HERE?!" sigaw ni Blessica ang siyang nakaagaw ng attention naming dalawa.

Nanlalaki ang mata ng kaibigan ko ng makita akong umiiyak.

Mabilis siyang lumapit saakin. "OmyGosh! Dali what happen to you?! Why are you crying?" dinaluhan niya ako at inilalayan na makaahon sa pool. "Yaya?! Hand me a towel please! Bilisan mo! Thank you!" sigaw niya. 

"Dali are you okay? Why are you- Kuya?!" napasunod ang tingin ko ng lingunin niya ang kuya niyang nandu'n parin naka lubog sa pool at hindi man lang natinag sa tawag ni blessy.

Kuya pala siya ng kaibigan ko. Iyong nagmumura sa video call at maging kanina nagmumura siya.

"What!" aniya habang nakatingin saakin.

Gumilid ako para maiharang si Blessica at para hindi ako makita ng kuya niya. Pero hindi parin siya natinag nakasunod ang tingin niya saakin. Nakikita ko siya ng palihim. Hindi ko rin mapigilang itago pa ang sarili sa likod ni blessica dahil feeling ko sa tumatagos ang titig niya sa likod ng kapatid at saakin lang siya nakatingin.

"What did you do to her? Why is she crying?  Did you bully her, do you?!" pag-aakusa ni blessica sa kuya niya. Naikinakunot naman ng noo nito  at tumingin sa kapatid pagkatapos tumingin ulit saakin.

Napapalunok ako.

"I didn't. Why are you accusing me?! Fuck! " he pointed himself. Pero ang tingin na sa akin parin. "And please stop crying, as if I did something wrong. Be thankful that I saved you...whoever you are...little girl." hindi iyon para sa kapatid niya kundi para saakin ang huling sinabi niya.

Naikuyom ko ang kamao dahil ang ipinaparating niya sa sinabi niya, dapat ko siyang pasalamatan dahil iniligtas niya ako sa pagkalunod.

In the first place, he's the reason why I am crying. Malapit na akong malunod. No! Nalunod ako! That's the right term! Ikamamatay ko yun!

Bakit hindi niya balingan ng tingin ang kapatid niya at bakit saakin siya nakatingin?  Hindi naman ako ang nagtanong at nag-aakusa.  Pero totoo 'yun. Matatawag na rin iyong bully dahil hindi naman iyon magandang biro e. Pinapalis ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

"E bakit siya iiyak ng ganito kung hindi aber?!"

"Fuck! I didn't bully her okay? I'm telling the truth!"

Tumingin si Blessica saakin bilang paghingi ng sagot kung totoo ba ang sinasabi nang kuya niya. Wala akong makalap na salita. Hindi ko rin alam kong sasagutin ko ba iyon.

Pagpalis ng luha lang ang nagawa ko. Napabuntong hininga si Blessica tsaka tumingin sa kuya niya.

"See?! You bullied her?! You frick kuya. I hate you!" nagagalit niyang sigaw.

"Let's go inside Dali. Oh, I hate this day! Saan na ba si yaya bakit hanggang ngayon wala pa ang towel na pinapakuha ko?! Gosh!" aniya. Nagpatianod naman ako nang hilahin niya ako papasok.

Hindi ko na nakuha pang tumingin sa gawi ng kuya niya dahil ayoko. Alam ko kasing nakatitig parin siya saakin. Sa aming dalawa ng kapatid niya.

Akala ko magiging maganda ang sabado ko, iyon pala. Hay! Kamuntik ko ng ikalunod at ikamatay. Feeling ko rin magkakaroon ako ng phobia sa tubig dahil doon. At maging sa kanya. Magkaka phobia ako.