LUNES NA NAMAN at panimulang araw para sa mga studyanteng katulad ko. Malapit na rin ang examination namin. Kaya todo talaga ako sa pag-aaral. Maging ang kaibigan ko ay ganun din. Nasa third examination na kami. Konting push pa at gagraduate na.
Matapos ang gala namin kahapon umuwi narin kami. Walang humpay nga ang kantyawan pagkababa namin dahil kay Daniel. Hindi niya talaga tinigilan ang dalawa.
Mabuti nalang at hindi na pinatulan pa ni Yiehmer at Alexander. Nung tumagal naman hindi na rin naging awkward sa pagitan naming tatlo. Kahit pa pinangalandakan ni Daniel na may gusto ang dalawa sa akin, okay lang din naman. Paghanga lang naman iyon e, walang malisya iyon.
"Ang sipag talaga ni Ligaya. Kaya maraming nagkakagusto dito e." pansin nang isang kaklase namin.
"Sinabi mo pa. Walang wala ang iba nating kaklase. Kita mo 'yun? Puro paganda ang alam, utak talangka naman! "
"Haha. Ang sakit mong magsalita Jing. Kapag talaga ikaw narinig nila. Magagalit iyon sa iyo! "
"Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ng mga mata ko girl! Beauty without brain. E si Ligaya? Beauty na my brain pa! Kaya lodi ko yan e! Diba Ligaya?! " napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Nginitian ko lang sila.
"Mag-aral nalang tayo. Wag nyo nalang silang pansinin. Baka tapos na silang mag review kaya nag-aayos. " ani ko. Pagkatapos ay ibinalik ang mga tingin sa binabasa.
"Yan ang idol ko! Brainy! Sige Ligaya. Magrereview din kami! " hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
Mas tutok ako sa pagrereview ko.
Recess ngayon kaya nasa canteen kami. Kasama ko si Blessica. Kakatapos lang ng huling subject namin para sa pang umagang klase.
As usual, may dala ulit akong baon ngayon. Juice nalang ang bibilhin ko para tipid. Ipinaghanda ako ni mamang ng sandwich tatlong piraso.
"What do you want Dali? I'll buy you food. " si Blessica.
"Naku wag na bless. May baon akong pagkain para sa recess e. Bumili ka nalang ng inumin natin. Tatlo ang dala kong sandwich. Si mamang ang gumawa. "
"Wow! Really? Ang sweet naman ni tita. Sige, wait I'll buy drinks for us! " tumayo siya at dali-daling pumila sa mga estudyante na nakapila din.
Inilabas ko sa dalang paper bag ang baong mga sandwich. Bawat isa kasi noon ay apat na patong na tinapay. Iyong nabibili sa bakery na cream bread.
"Here is the soft drink, no more juice na raw e. That's why I buy mountain dew nalang. Is that okay with you, Dali? "
"Oo okay lang. Salamat!" inilapit ko ang isang soft drinks na binili niya. Nasa boteng maliit.
"Dali, smile ka! " napatingin ako kay Blessica ng tawagin niya ako. May hawak siyang cellphone at nakatutok ang mga ito saakin.
Iniharang ko ang isang kamay sa harap mismo ng camera niyon.
"Hala ang KJ! "
"Hindi naman sa ganun. Nakakahiya lang kasi ang pangit ko. " hindi ko inalis ang kamay ko.
Patuloy naman ang pagpipicture niya saakin. Ilag naman ako sa camera ng ilag para lang hindi ako makunan ng picture.
Ayoko lang talaga hindi ako bagay picture-an. Hindi rin ako sanay na pinipicture-an.
"Ay blur na tuloy. You kasi e!" nakanguso siya habang ini-scroll ang cellphone.
"Maganda ka naman Dali. You shouldn't be ashame about your beauty because its rare. Haha boys will definitely like you! Ay gusto kana pala nila." she said while smiling.
"Rare?"
"Ahuh! Kakaiba ang ganda mo no. If you didn't notice that even nga me e! I found you very different from others.Alam mo na iyon. "
"Parang hindi naman. Pare-pareho lang tayo lahat magaganda. Walang ginawa ang Diyos na higit lahat pantay lang. "
"Ops! Okay talo na ako, you did mention the Almighty. I can't argue na with you. Hihi" nag peace sign nalang siya saakin.
Marami pa kaming pinag-usapan. Halos wala ngang oras na hindi kami nag-usap. Tuloy dami na namin napag usapan. Ikinuwento pa niyang my crush daw siya. Pero hindi taga rito iyong gusto niya. Nasa malayo daw. Baliw nga si Blessica dahil, ikinompeyr pa ang mga lalaking taga rito sa Naga. Sobrang gwapo daw kaso babaero. Ewan ko ba kung anong nakita niya doon. Gwapo pero babaero? Parang may mali.
"Look Dali o! There are lots of people reacting to my story. You should see this! "
Inilapit niya saakin ang cellphone niya. At ipinakita doon ang mga nag react. Nanlalaki ang mata ko ng makita ko ang sarili ko doon. Nahagip ako sa camera. Ang kamay ko ay nakaharang pero kitang kita parin ang mukha ko. Iyon bang parang nagphoto-shoot ako. Maganda ang kuha ni Blessica hindi naman blur. Siguro iyon ang pinili niya.
"Baliw kaba? Bakit ako ang nilagay mo jan? Dapat ikaw. "
"Well, I just wanted to flex my bestfriend to them. Haha! " pagkasabi niya nu'n nasa cellphone na ang tingin niya.
Inilingan ko nalang siya at hinayaan nalang. Wag lang talaga ibenta ang mukha ko. Nakakahiya!
------------
"MAMANG! NANDITO na po kami!" pagkadating ko sa bahay. Nakita ko naman ang paglabas ni mamang sa kusina.
Lumapit ako sa kanya. "Mano po mang. " ani ko pagkatapos ay nagmano sa kanya. Tumango siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko pagkatapos nu'n ibinaba rin.
"Magbihis kana sa taas. Ang papang mo? "
"Nasa labas pa po. Kinausap si Mang Kanor. Tungkol po ata sa pasada nila kanina."
"Ah ganun ba. O siya magbihis kana doon. "
"Opo"
Umakyat naman ako sa taas. Sa kwarto ko para makapag bihis. Inilapag ko ang dalang bag sa kama. Pagkatapos ay dumiretso sa aparador. Binuksan at naghanap ng maaaring suotin. Pagkatapos ay pumasok sa cr para makapag bihis na.
Nag half bath narin ako para isahang ayos nalang at ready na mamaya para makatulog. Matapos akong makapag bihis.
Inilabas ko muna ang mga gamit ko sa loob nang bag. Umupo ako sa kama at tinignan isa-isa kung may assignment ba kami o wala.
"Dalisay bumaba kana! Kakain na tayo! " sigaw ni mamang sa baba.
"Opo mang! sandali lang po at inaayos ko pa ang mga gamit ko sa bag! " balik kong sigaw.
Wala naman pala kaming assignment ngayon. Kaya panatag ang loob kong lumabas sa kwarto. Tinungo ko ang kusina, nadatnan ko roon sila mamang at papang. Naghuhugas si papang nang kamay samantala si mamang ay naglalagay ng mga pinggan sa lamesa.
Umupo na ako at hinintay silang makaupo narin. Pakbet ang nilutong ulam ni mamang tsaka pritong tilapia. Natakam ako sa sarap ng ulam na nakahain. Talaga namang laging pinagpala. Laging masarap ang ulam at nakakaganang kumain. Hindi nga lang ako tumataba.
"Kain na! " si papang ang nagsabi.
"Teka! Anong kain na? Magdadasal muna tayo. " pigil ni mamang kay papang ng susubo na sana ito ng kanin.
Natawa ako sa kanilang dalawa. Napakamot pa sa ulo si papang. Gutom na talaga ito dahil galing pa siya sa pamamasada ng trycicle kanina. Si mamang naman bumalik sa pagkakaupo. Tumingin siya saakin. Tinapik ang balikat ko.
"Ikaw ang magdasal ngayon Dalisay. "Ani mamang.
"Okay po." sunod ko naman. Ipinagsalikop ko ang dalawang kamay at Pumikit. "Aming Amang nasa langit. Salamat po sa gabing ito. Ligtas po kaming magpamilya. Salamat sa pag-iingat araw-araw. Maging sa pagkaing nasa hapag namin, maraming salamat. Sapagkat binibigyan mo kami ng aming makakain. Hindi mo kami pinapabayaan. Bagkus iyo mo kaming iniingatan. Busugin mo kami sa pagkaing iyong ibinigay. Kung hindi po dahil sa inyo wala po kaming makakain ngayon. Kaya naman po maraming, maraming salamat po. Amen! "
Masaya ako ng dumilat. Nakangiti sa mamang at papang ko. Sinuklian naman nila iyon ng ngiti. Saka kami kumain ng matiwasay.
Nag-uusap sila mamang at papang habang kumakain. Napag-usapan nila ang tungkol sa pagpapasada ng trycicle ni papang. Minsan naman ay usapan sa ibang bagay na hindi ko alam kaya hindi na ako nakinig. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag kain.
Matapos ang hapunan ay nag volunteer akong maghugas. Para naman makapag pahinga na si mamang. Hindi pa sana niya ako paghuhugasin pero mapilit ako kaya hinayaan niya nalang ako.
"You know what? One of my friends asked me your name? "
"Bakit naman daw? "
"Do you remember? Ikaw ang minyday ko kanina. Kaya maraming nag asked about your name. "
"Sinabi mo naman? "
"Haha no! Of course not."
"Mabuti naman kung ganun. Wag mong sabihin ha? "
"Yeah, whateva! " my accent pa nitong sabi.
Tumawag si Blessica dahil sabi niya bored daw siya sa bahay nila. Lalo na ang mommy niya hindi pa nakakarating. My business trip daw. Naaawa nga ako dahil laging kasama niya sa mansion nila ay mga katiwala nila.
"You know what? Why don't you sleep here. Para naman may kasama ako. Nakaka boryo na talaga dito. Anlaki ng bahay iilan lang kaming nandito. Laging katulong ang kasama ko." pagrereklamo siya saakin.
"Paano naman sila mamang at papang dito kung dyan ako matutulog sa inyo? "
"Oo nga no. Kasi naman e! Nakakabagot na talaga dito. I want a companion here. I really hate my mom for not being with me, you know we're not that close to each other because I grow up with Missier but of course to know her more dapat nagkakaroon din siya ng oras for me. She's always busy, busy, busy! "
"Wag kang magalit sa mommy mo. Nagtatrabaho iyon para may pambaon sayo at pang gastos ka. Be thankful Blessica...and try to understand her, kahit may pagkukulang siya she's still your mother. "
"Tsk! Kahit nga hindi na siya magtrabaho may pera na siya. Ang sabihin niya workaholic lang talaga siya. That's why my dad is tired pursuing her. " mahina ang pagkakasabi niya sa huling sinabi niya.
Napapabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko siya doon. Magtatanong nalang ako kela mamang kung pwede bang samahan ko minsan si Blessica para hindi siya ma bored at malungkot doon.
---------------
PUMAYAG ANG MAGULANG ko na doon ako matulog paminsan-minsan sa mansion nila blessica para naman daw hindi malungkot iyong kaibigan ko.
Akala ko pa nga ay pagbabawalan nila ako. Nangsabihin ko ang dahilan ng tungkol kay Blessica ay naawa sila at nag-alala dahil naiiwan daw ito sa mansion na siya lang at ang mga katulong.
Kilala din nila ang mga salvador. Mababait naman daw ito kaya walang problema. Hindi nga daw nila lubos maisip na si Blessica lang ang naninirahan at paminsan-minsan lang kung umuwi ang mommy nito.
Si mamang ang nag-ayos ng damit kong dadalhin sa mansion nila Blessica. Hindi naman ganun karami. Mga apat siguro na pantulog dahil tuwing gabi lang naman ako doon at paminsan lang.
Hindi naman ako mamamalagi roon. Kung gustuhin ko nga lang na dumito siya ay gagawin ko, ang problema. Baka ayaw niya at ayaw ng mommy niya. Ipinag-alam niya rin sa mommy niya iyon. Tinawagan niya para mainform ito, na doon ako matulog. Laking pasasalamat naman ng mommy niya at may kasama daw ang anak niya.
Tuwang-tuwa naman si Blessica dahil hindi na raw siya doon maboboryo. Dahil may kasama na siya. Mas excited pa nga iyon saakin e.
"At sa wakas hindi na ako nag-iisa sa malaking mansion na ito! " sigaw niya habang nasa loob kami ng kwarto na inukupa ko.
"Hindi ka naman talaga nag-iisa. Nandiyan ang mga katulong at bodyguard niyo. "
Inismiran naman niya ako saka umupo sa kama. "Haha. Oo nga pala hindi ako nag-iisa. What I mean is nadagdagan kami. " pagtatama niya.
Tabi nang ukupado kong kwarto ang kwarto niya. Kaya kung gusto kong pumunta sa kanya hindi na ako mapapalayo pa. Isang hakbang at katok lang sa kwarto niya nandu'n afad ako. Ganun rin siya sa akin.
Sabay kaming nagrereview tuwing gabi. Dadalaw naman ako sa umaga sa bahay para kamustahin sila mamang at papang. Minsan naman ay sa bahay ako natutulog at tumatawag nalang kay Blessica para hindi maboryo. Halos ganoon ang routine namin. Mag two-two weeks na simula nung pumunta ako doon para matulog at samahan siya.
----------
EXAMINATION WEEK kaya naghahanda kaming lahat sa pagdating ng gurong magbibigay ng exam sa amin.
Kagabi nakapag review na ako. Kasama si Blessica. Nahirapan pa nga siya dahil hindi niya raw maintindihan ang nirereview sa subject na Filipino. Natawa ako sa kanya dahil iyon pa ang hindi niya maintindihan.
Kung sa bagay lumaki siya sa ibang bansa kaya hirap din siya mag adjust dito. Though nakakaintindi naman siya. Malalalim na salita sa Filipino iyon ang hindi niya maintindihan.
"Close all your notes. Put your bag in front. I hate cheaters when examination is going to start. If I caught you cheating your score will be zero. Understand?" iyong striktang guro ng kabilang section ang nag pa exam saakin ngayon dahil wala ngayon ang advicer namin.
Natatakot tuloy ang mga kaklase ko sa kanya. Minsan na rin kasi siyang nakapag turo sa amin noong gawing representative ng school ang advicer namin. Kaibigan nang advicer namin si Ms. Adelia, matandang dalaga.
"Please pass at the back the test paper and you may start. I'll give you 45 minutes to take the exam."
Tinanggap ko ang test paper na ipinasa saakin ng kaklase ko. Ipinasa ko naman ang iba sa likod pagkatapos ay sinulat ko na ang pangalan sa test paper.
Madali lang naman ang exam. Kung ano ang nireview at itinuro sa amin iyon din mismo ang lumabas sa tanong. Pero minsan nakakalimutan ko kaya hindi ko muna sinasagutan. Kapag naalala ko babalikan ko ang blangkong tanong at sasagutan.
Halos ganun ang nangyari sa buong araw ko. Hindi muna kami nakapag usap ni Blessica dahil sa examination. Limang araw ang itinagal ng exam. Hindi naman kasi pwedeng sunod-sunod dahil baka sumabog na ang utak ng mga estudyante kapag ganun.
"Grabe! Sumakit ata ang utak ko kakaisip ng sagot! "
"May utak ka girl? Kala ko wala! "
"Wow ha? Nagsalita ang puro paganda ang alam ha? "
"Madali lang ang exam. Nahirapan pa kayo? "
"Nagyabang ka nanaman! "
"Ganun talaga kapag nagsisipag sa pagrereview. Madali nalang sumagot! "
"E, bakit ako nagsipag naman nahirapan parin? "
"E, baka naman kasi talagang mahina process ng utak mo. At nakalimutan mo ang ibang sagot? "
"Baka ganun nga! "
"Sus, kayo talaga sabihin nyo nalang na di talaga kayo nagreview! Haha! "
Iilan lang iyan sa mga kaklase kong panay ang kwento tungkol sa exam. Tamang pakinig lang ang ginawa ko. Dahil Kakatapos lang ng exam.
Huling araw na nang exam ngayon. At salamat naman makakapag pahinga ang mga utak namin. Kahit ako ay napagod rin sa kakareview.
"Ligaya sama ka? "
Napaangat ang mukha ko sa nagsalita, si Ronalyn pala.
"Saan? " kunot noo akong nagtanong. Kakatapos lang ng exam. Kung saan nanaman sila gagala.
"Sa plaza sana e. Sama mo si Blessica gagala kami nila Sheng. Kasama rin si Daniel at Yiehmer e. Ano sama kayo? "
Mahilig talaga sa galaan ang mga ito. Hindi na nagsawa. Kinuha ko ang cellphone na di-keypad sa bulsa ng uniporme ko.
"Sandali at itetext ko lang si Blessica. "
"Okay take your time. Mamaya pa naman iyon pagkatapos ng huli nating exam. Para naman pampawala ng stress. Hihi"
Tumango naman at umalis na siya.
Itinext ko nga si Blessica at pumayag naman siya. Iyon nga ang gusto niyon. Ang gumala. Dahil bored yun sa mansion nila dagdagan pa ng stress aa pagrereview. Talagang kailangan nun gumala. Maibsan man lang ang lungkot niya.
Matapos ang huling exam namin. Hinintay ko si Blessica sa labas ng room nila. Nauna kaming pinalabas. Sumunod naman saakin sila Yiehmer. Na-excite na nga silang pumunta ng plaza. May mga ganap daw ngayon doon.
Tinext ko rin si papang na magpapahatid nalang ako mamaya pag uwi ko. Para narin nakadagdag pasada pa siya. Pinagbilinan lang akong wag masyadong magpagabi at umuwi agad.
"Dali! " masaya akong sinalubong ni Blessica ng makalabas siya ng classroom nila.
"Miss nyo isa't isa ha? " si Daniel, sarkastikong nagsalita sa likod namin.
"Yes, we've been busy these past few days for the exams tapos ngayon lang ulit nagkita! " malungkot ang mukha niya.
"Ngayon nagkita na kayo! " parang ewan na sabi ni Daniel.
"Epal ka! " si Sheng iyon. Tinapik ang balikat ni Daniel. Napakamot naman ng sentido si daniel.
"Tara na guys! Maganda raw ang palabas ngayon sa plaza! " si Ronalyn.
"Sa van na kayo sumabay. Hatid nalang din namin kayo mamaya pag-uwi. " suhestyon ni Blessica. Kuminang naman ang mga mata ng mga kasama namin.
Mas lalo silang natuwa dahil bukod sa mapapadali at hindi na maglalakad. Makakatipid ulit kami. Di na mamamasahe pa dahil may sasakyan na.
"Naku! Pangalawang beses ko na itong makakasakay sa magarang sasakyan! " umepal na sabi ni Daniel.
"Para kang igno. " si Yiehmer
Taka naman siyang binalingan ni Daniel at tinanong "Ha? Ano yun? "
Lahat kami ay pilit pinipigilan ang matawa. Dahil hindi niya alam ang salitang iyon.
"Hindi mo alam? " si Sheng.
"Hindi! kaya nga nagtatanong diba? " pabalang niyang sagot.
"Sabihin mo munang 'ako ay igno'. " si Yiehmer.
"Ayoko nga!"
"Edi hindi namin sasabihin. Tara na nga! " kunwaring sabi ni Yiehmer.
Napakamot naman sa sentido si Daniel
"Oo sige na! Sasabihin ko na. " ani niya. "Ako ay igno. " masaya pa siya nang sabihin iyon.
Lahat kami natawa sa kanya. Iyong kaninang pinipigilan naming tawa ay lalong lumakas. Salubong na ang mga kilay nito ng tingnan kami.
"Anong nakakatawa? Sabi nyo ay sabihin ko, nang sinabi ko tatawa kayo? "
Natatawang tinapik siya sa balikat ni Sheng. "Kasi igno ka! Ignorante!"
"Grabe! Ignorante ako? Nakakasakit kayo ng damdamin a! Di na nga ako sasama! " nagwalk out siya sa gitna ng tawanan namin.
Napahinto naman kami dahil doon. Nagkatinginan at bigla nalang siyang hinabol. Hindi naman namin alam na magtatampo siya dahil doon. Pero kung sabagay ay masakit na salita naman talaga iyon. Sa iba wala lang pero sa kanya. Big deal iyon. Kaya naguilty tuloy kami.
Hinabol namin at pinilit si Daniel na sumama. Hindi namin siya tinigilan nang hindi siya umoo sa pagpilit namin.
Hindi naman nagtagal at pumayag din siya. Humingi kami nang sorry dahil sa pagtawag sa kanya ng ignorante. Buti nalang at tinatanggap naman niya ang sorry namin. After that. Sumakay na kami sa van nila Blessica.
Mabilis rin kaming nakarating sa plaza. Tama nga ang sabi ni Ronalyn. Maganda ang palabas sa plaza ngayon. Minsan na rin naman akong napunta dito kapag kasama sila mamang at papang. Ito lang ang unang punta ko na kasama ang mga kaklase at kaibigan.
Nag-ambagan kami para sa pagkain. Foodtrip narin kumbaga. Pumuwesto kami malapit sa munisipyo. May mga upuaan doon kung saan mga studyante halos ang tumatambay.
Nag-usap kami tungkol sa mga sagot sa exam. O kaya naman mga sagot na hindi tumama sa sagot ng isa. Mga ganung bagay ang topic. Minsan natatawa nalang kami dahil baligtad ang nalalagyan namin ng sagot. Minsan naman naiiba ang topic at napupunta sa buhay ni Blessica. Tahimik lang ako habang nagkukuwento naman siya. Alam ko na kasi iyo. Kaya hinaayaan ko siyang ikuwento sa kanila.
Sasang-ayon lang ako kapag tatanungin kong totoo daw ba amg ganito at ganyan.
Minsan naman ay patungkol sa mga kuraong kukunin namin kapag college na kami.
"Daniel anong kukunin mong kurso kapag tapos kana? " si Sheng.
"Criminology kukunin ko. Susunod sa yapak ni tatay! " proud niyang sabi.
"Baka niyan mamaya criminalogy hindi criminology? " biro ni Ronalyn.
Sinamaan siya ng tingin nito "E kung ikaw una kong hulihin? " pambabara niya.
"Joke! Bawal mag joke? Bawal? Pikunin mo talaga! " iiling pang sabi ni Ronalyn. Na ikinatawa namin.
"Ikaw Yiehmer anong kukunin mong kurso? " si Sheng ulit ang nagtanong. Siya ang mahilig magtanong saamin e.
Tumikhim muna si Yiehmer bago sumagot "Seaman o kaya criminology rin. Depende pabago bago pa ako ngayon. " walang kasiguraduhan niyang sagot.
"Sige pre! Support kami sa magulo mong pag-iisip! " sarkastikong sabi ni Daniel.
"Gago! " singhal niya rito.
"Ikaw Sheng anong kukunin mo naman? " si Ronalyn.
"Education major in galaan! "
Nagtawanan ulit kami sa biro niya.
"Naku! Tuturuan mo atang lumiban sa klase mga estudyante mo Sheng! Haha!" si Ronalyn.
"Bakit ikaw anong kurso ba kukunin mo?" tanong nito kay Ronalyn.
"HRM ang kukunin ko. Gusto kong magtayo ng sariling restaurant sa susunod e.!" ani Ronalyn.
Tumango kami sa sinabi niya.
"Makakalibre ba kami kapag doon kami kakain?" si Daniel.
"Kapag sayo walang libre, sa kanila lang pwede! " pertaining to us.
Tumawa nanaman kami sa sinabi niyang iyon.
"Ang sama!" ani Daniel.
Nakakatuwa silang kasama. Ito ang masayang araw namin pagkatapos ng exam. Feeling ko nakahinga ako ng maluwag.
"E, kayong dalawa anong kurso kukunin nyo? Blessica ?" si Daniel.
"I have three choices pa e. Either business administration, tourism or engineering." nag-iisip pa siya ng isasagot pero tinikom din nang wala nag maisip na sasabihin...
"Grabe pang major! Iba! Bagay sayo ang BA o kaya Engineering. Parang halos naman ata! " si Sheng.
"But it's just my choices. I might change my mind pa naman. Kaya di ko rin sigurado." ani niya sa amin. Tumingin silang lahat sa akin pagkatapos sumagot ni Blessica.
"Ikaw Ligaya anong kursong kukunin mo? " si Yiehmer iyon.
"BSA. " tipid kong sabi.
"Agriculture?! " halos sabay nila sabi.
Naiilang kong ngiti sa kanila."Oo sana."
"Sa ganda mong yan mag a-agri ka? " mukhang hindi sila makapaniwala. Ano naman ang problema doon? Malaki ang kita sa pag-agri.
"Wala naman iyon sa ganda e. Balak ko kasing magkaroon ng sariling plantasyon ng kape, maganda ang maitutulong nito saakin, mahilig din kasi ako sa pagtatanim. Kaya gusto ko pang lumawak yung matututunan ko at syempre magkaroon din ng coffee shop kung papalarin. " ani ko.
"You really are something! " bulalas ni Blessica.
"Oy Miss Agri ka pala! " si Daniel.
"Panu ba iyan? Meron na tayong pagtatambayang cafe nito. Miss Agri ba't ang ganda mo? Libre mo kaming kape ha? " si Sheng.
Biro niya.
Nagtawanan na naman kami.