Chapter 4 - Chapter 2

KINABUKASAN iginala ko sa buong school si Blessica ayon sa gusto ng principal namin. Kung saan-saan kami nakakarating na dalawa. Hindi naman kami lumiban ng klase dahil inexcuse kami ng principal.

Napag alaman kong isa pala silang mayamang angkan dito sa Naga City. Kaya ganun nalang kalakas ang dating nito sa principal namin. Hindi makaayaw dahil sa impluwensya ng mga Salvador at Fournier.

Tunog foreigner ang apelyido nila at naikwento ni Blessica sa akin na taga ibang bansa daw ang tatay niya.

Ano ngang bansa iyon? Parang ngayon ko lang narinig iyon e! Maldrid ata? Ay parang hindi....parang mal....Malta! Tama. Malta.

Foreign nga!

Ang inay naman nito ay mga Salvador kung saan kamag anak nila ang mga tumatakbong kandidato dito sa Naga. Ang iba pa nga ay mga business tycoon at artista. Kaya pala ganun nalang siya kaganda at kayaman, may mga pinagmanahan.

Nahihiya nga ako nang sabihin niyang ako ang una niyang naging kaibigan. Hindi ako bagay sa mga standards niya bilang kaibigan.

Bukod sa hindi ako mayaman hindi rin ako kagandahan. Alam ko kung saan ako nabi-belang pero ewan ko ba kung bakit pilit niyang sinasabi na ako ang una niyang naging kaibigan.

"After class Dali ha?" sabi niya saakin ng ihatid ko siya sa classroom niya.

"Ha? " nagtataka ko naman siya tinignan. Bigla bigla nalang kasi siya nagsasalita na hindi ko napapansin.

"Sabi ko after class ulit sabay tayong umuwi. " dalawang kilay na ang taas baba habang nakatingin saakin.

Nakangiti pa ito.

"Ah ganun ba. Sige! Ako ba maghihintay o ikaw? " tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa silver watch na gamit niya.

"Hm...pag ako ang naunang lumabas hintayin kita sa labas ng classroom mo at pag ikaw naman ang nauna. Ikaw ang maghihintay saakin" napanguso pa siya habang sinasabi iyon.

"Okay, sige ba!" nag-aper kaming dalawa pagkatapos noon ay pumasok na siya sa kanyang classroom.

"Hi Ligaya! " kaklase niyang nakatanaw sa bintana. Kumakaway pa ito saakin.

Nahihiya man pero kumaway din ako.

"Naku si Alexander oh...dumada-moves nanaman kay Ligaya! " sigaw nang mga kaklase nilang nasa loob.

Pinamulahan naman siya dahil doon. Nakita ko si Blessica na ngiting-ngiti habang nakatingin sa labas kung nasaan ako.

"Ligaya crush ka ni Alexander! oyy! " si Blessica ang unang nangangantiyaw sa kanila dahilan kung bakit napabaling ang ibang studyante saakin. Hiyang hiya naman akong tumakbo papunta sa classroom namin.

Dumiretso ako sa upuan at umupo. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay ko. Hindi ako sanay na may mga nang-aasar saakin kapag nagpapakita ng motibo ang ibang studyante at tatadtarin ako ng kantyawan.

"Ligaya tapos kana ba sa assignment mo? Pwedeng tignan? Baka kasi mali ang sagot ko e" isa sa mga kaklase ko.

"Oo tapos na ako sa assignment ko pero baka mali rin ang mga sagot ko. Nakakahiya naman! " tipid ang ngiti ko at kalahating ginilid ang katawan para buksan ang bag ko. Kinuha ko ang green na notebook ko sabay bukas niyon. Pagkatapos ay ipinakita sa kanya.

Napansin kaming dalawa nang iba ko pang kaklase kaya pinalibutan kami ng mga ito.

"Ano yan? "

"Assignment sa Filipino. Kay Ligaya itong isa. Chinicheck ko lang kung tama ba ang sagot ko. "

"Ligaya pwede ako rin pa check? Titignan ko lang din ang sagot ko baka kasi mali e. "

"Ako rin Ligaya! "

"Ako rin oy! "

"Ligaya kami rin. Check lang namin! Promise di kami nangongopya! "

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kanila. Hindi naman ako ganun kagaling sa mga sinasagot ko. Pero bakit saakin nila gustong magpacheck? Nakakahiya tuloy pag nagkataon. Baka mali rin ako.

Minsan alam ko ring ginagawa lang nila iyon. Kunwari ay ichecheck ang assignment ko at pagkatapos ay kokopyahin.

Gusto ko nga minsan umangal dahil pinaghirapan ko iyon. Kaso naisip ko na baka iba na ang hatid no'n sa kanila. Kaya hinahayaan ko nalang na kopyahim nila ang sagot ko. At least kahit papaano na tutulungan ko sila. Ayon nga lang wala silang natutunan dahil kinokopya lang nila. Wala mismo silang pinagpaguran.

Matapos ang last subject namin. Inayos ko na ang mga gamit ko.

"Ligaya susunduin ka ulit ng itay mo? " napatingin ako kay Yiehmer.

Kahapon tinanong niya rin ako hanggang ngayon ganun parin. Ipinapasok ko ang mga gamit sa bag nang magsalita ako.

"Oo e. Pasensya na talaga Yiehmer kung hindi ako nakakasabay sa inyo ha? Si tatay kasi laging sumusunodo sa akin e" isinarado ko ang bag nang maipasok ko lahat ng mga gamit. Saka ako bumaling sa kanya.

Nginitian ko siya, ngumiti rin siya saakin. Nakasabit sa kanyang kabilang balikat ang dala niyang bag na itim. Bukas ang uniporme nito at lantad ang t-shirt na plain. Nakapamulsa ang kabilang kamay.

'Gwapo naman pala si Yiehmer.' ngayon ko lang napansin'. Napangiti ako sa naisip.

"Bakit? " tanong niya saakin habang nakangiti.

Tikom ang bibig na umiling-iling ako. Nakakahiya napansin niya palang nakatitig ako sa kanya. At nakangiti na parang ewan.

"A-a...Wala! Wala! Sige mauna na ako. Bye! " ikinaway ko ang kaliwang kamay bago dali-daling tumalikod at naglakad nang mabilis para maka labas.

Napahawak ako sa dibdib ko first time yun! Nakakahiya!

"Oy~! " nagulat ako sa pagkalabit ni Blessica sa akin.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Nakahawak parin ako sa dibdib ko. Ipinagtataka naman niya iyon.

"Whats up with you? Para kang tinuklaw ng ahas." natatawa ito ng pinuna ang reaction ko.

"Ha? "

"Hay naku Dali! Wala ka sa katinuan tara na nga! " hinila niya ang kamay ko.

Nagpatianod naman ako.

"Hulaan ko kung bakit ka namumula! " masigla niyang sabi habang naglalakad kami.

Tumatalon talon pa siya habang ang dalang bag ay hinahagis sa ere saka sasaluhin.

Napabaling naman ang tingin ko sa kanya. "Ano naman yun? " tamad kong tanong.

"May crush ka doon sa kaklase mo ano? Oyy! Ikaw ha! " kinikilig pa nitong sabi saakin.

"Hala! Wala ah! "

"Asus! Anong pangalan niya? " taas baba ang kilay nito habang nakatingin saakin. Iniwas ko naman ang tingin.

"Sino? Si Yiehmer?" tumango siya "Baliw hindi ko crush 'yun no! " pagtanggi ko.

Pinanliitan naman niya ako ng mata. Sabay ikot saakin.

"Edi siya ang may crush sayo! " ako naman ay napahinto. Sinundan ang ginagawa niyang pag-ikot saakin.

"Hmm. Hindi na ako magtatakang magkagusto iyon sayo. Bukod sa mabait ka. Maganda karin-"

"Hala! Hindi totoo yan! " tanggi ko.

"Wait! Patapusin mo muna kasi ako. So ayon nga bukod sa mabait at maganda ka...hmm.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Matangkad karin, mahaba ang buhok at kumikinang dahil sa sobrang itim nito. Tamang pangangatawan at mala kamatis ang kutis! Tsk! Tsk! Swerte ko talaga at naging kaibigan kita! " sabay akbay niya saakin.

"Salamat! " sabi ko sabay hawak sa gilid ng manggas ng paldang suot ko at kunwaring lumunod at yumuko. "Pero mas swerte ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko! " hagikgik ko pagkatapos.

"Haha. Mas swerte ako! "

"Hindi, ako ang mas swerte! " sabi ko naman.

"Ako! " angal niya.

"Hindi kaya! Ako ang maswerte! "

Sumimangot siya. Walang nagpapatalo sa aming dalawa. Kalaunan ay pinagtawanan din namin iyon.

---------

LUMIPAS ANG BUWAN na laging si Blessica ang kasama ko. Kapag uuwi tuwing hapon ay siya lagi ang kasabay ko. Susunduin ako nang itay. Siya naman ay sinusundo nang driver nila.

Minsan naman ay nagkakayayaan kami sa bahay niya o kaya naman sa bahay namin. Doon naghahapunan kapag walang pasok tuwing sabado at linggo.

Sabay kaming nagsisimba kapag linggo. Hindi ko pa nakikita o kahit nakakausap ang mommy niya. Laging naaabutan namin sa bahay nila puru katiwala.

Ganoon ang routine namin araw -araw. Walang kasawaan dahil masaya naman kami sa pagiging magkaibigan namin.

Tinatanong nga ako ng iba kong kaklase kung bakit dikit daw ng dikit saakin si blessica. Sinagot ko naman sila na gusto lang noon makipagkaibigan. Hanggang nasanay rin sila na makita kaming laging magkasabay umuwi.

Napalapit din ang mga kaklase ko sa kanya. Katulad ko ay papansinin niya ito at ngingitian. Pero hindi agad agad nakikipag close. Ewan ko ba dito.

Ang sabi niya noon kapag may nakilala syang bagong tao kakaibiganin niya agad. Pero mukhang hindi naman. Ako parin ang lagi niyang kasama. Ewan ko ba dito.

"Missier , I missed you!" (Father)

kasalukuyan siyang babad sa telepono ngayon.

Nasa mansion nila kami, mansion ng mga Salvador dahil araw nang sabado ay nasa kanila kami.

"Hmm. I'm fine here Missier...." seryoso ang mukha ni Blessica habang may kausap.

Minsan ko na siyang nakitang ganito sa tuwing may katawagan siya. Kapag wala naman ay masigla siya.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa malaking kama niya nasa loob kami nang kwarto niya. Hindi ko nga lubos maisip na ganito kalaki ang ukupadong kwarto para sa kanya. Walang wala ang kwarto ko na parang bathroom lang ang laki.

Talagang sobrang yaman nila.

"No. I'm done with my homework. I'm with my friend Missier. " tumingin sa kinaroroonan ko si Blessica at bahagyang ngumiti. "It's saturday Missier I have nothing to do so I invited her here. Mommy is always busy, I didn't even saw her in the morning because she's always too early to go for work." kagat ang mga daliri habang nakikinig sa kabilang linya.

Nilibang ko naman ang sarili ko sa pagguguhit kahit na hindi ako marunong. Matatawag kong abstract ang gawa ko kasi magulo. Haha

"You mean big brother will going to have a vacation here?! " napataas ang boses niya dahilan para lingunin ko siya. Napahinto ang pagkukulay ko dahil doon.

Taka ko siyang tinignan. 'Bakit naman kaya siya napasigaw?' saisip-isip ko.

"Missier you know him very well right? He's super strict when it comes to that matter!....yes! And I don't think this is good, he will probably become strict to me when he's here! I don't have my freedom when he's around." pagmamaktong niya. "Can't enjoy the rest of my year if you'll going to send him here in Naga! He's annoying you know?" kulang nalang ipagsigawan niya ang mga sinasabi niya.

Malakas siyang napabuntong hininga. "Yeah, yeah! How can I even protest with you? You send him already as if I have a choice?" panuniyang sabi sa katawagan. Mapakla din itong tumawa.

Inilingan ko naman siya. Tsk! She has this kind of attitude. Pagiging bratinilya. Minsan niya na akong pinakitaan ng ganyang attitude niya pero wala naman saakin iyon. Normal na may ganun ang isang tao. Minsan nga ay ma attitude din ako. Haha

"Okay, Missier! I can't promise! You know me very well also Missier. When I am banned or restricted I become more and more reprimanded. I will really kick him when he become so strict! " nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng sabihin niya iyon.

"Hmm. I love you too Missier. Goodbye! Might send your regards to mommy if....she's here? Don't worry, it's our secret! Bye!" hagikgik niya sa katawagan. Tsaka pagkatapos ay ibinaba na ang gamit na telepono.

Nang makaupo siya sa kamay ay kumuha din siya nang blangko band paper at lapis. Tumihaya siya sa kama.

"Sino pala iyong kausap mo? " tanong ko habang pinagpapatuloy ang pagkulay. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang paggalaw niya. Bumaling saakin ng tingin pagkatapos ay bumalik sa pagguhit.

"Si daddy"

"Bakit daw? "

"Tumawag siya para kamustahin ako. "

"Hmm" tumango tango naman ako.

"Nakakainis nga e. " doon ako napatingin sa kanya. Nakanguso siya habang gumuguhit. At kunot ang noo.

"Bakit? "

"E kasi ang sabi ni daddy magbabakasyon daw ang kapatid ko rito...." huminto siya sandali sa pagguhit. "Panigurado bantay sarado na naman ako. Alam mo 'yun sa tuwing nandyan siya lagi nalang niya akong pinagbabawalan lumabas. " mahigpit ang hawak niya sa lapis.

"Baka maputol mo yun lapis. " mas inalala ko pa ang lapis kesa sa sinabi niyang dadating ang kapatid niya.

"Ay sorry!" nabitawan niya ito at umayos nang upo. "Bakit pa kasi dito naisipan magbakasyon nun e." pagmamaktol niya habang padyak ang paa sa kama.

"Bakit ba ganun ugali nang kapatid mo? Ilang taon ba ang tanda noon sayo? "

"He's 3 years older than me. Tanda na! " halakhak niya. May sayad talaga to. Pinagtatawanan ang kuya niya.

"Hala hindi naman. Ilang taon lang ang agwat niya pala saatin. " tumango siya. "Saan pala siya nag-aaral kung ganun? "

"He's studying in Malta right now pero this coming month, vacation na nila. "

"Ha? "

"Ay hindi mo pala alam! Iba kasi ang system ng education nila doon. Ibang month ang simula ng klase. Kaya napapaaga ang vacation nila. Kapag bakasyon natin dito, pasukan naman sa kanila."

"So ibig sabihin noon ay makaattend siya ng graduation mo? " masaya kong sabi.

Sinimangutan naman niya ako.

"Bakit? "

"Ayoko ngang aattend yun sa graduation ko e. Mas gusto ko pang maglakad sa stage nang mag-isa kesa kasama siya. " umirap siya.

"Baliw. Ang sama mo sa kuya mo ah! Wag ganun! " tampal ko sa braso niya.

"Babadtripin lang ako nun pag nagkataon! "

"Haha ganun talaga siguro kapag may kuya ka! Pasalamat ka nga at meron kang kuya. Ako nga e, nag-iisa lang dahil hindi na magkaanak sila mamang at papang. " nginitian ko siya.

"Maging masaya ka nalang Blessica. Minsan ka lang magkaroon ng kapatid, dapat nga ipinagpasalamat mo 'yon dahil kahit hinihigpitan ka o kaya naman binabadtrip ka. Malay mo way nya yun to express his concern. Hindi kasi showy mga lalaki pag dating sa ganyan."

Pinalakpakan naman niya ako matapos kong sabihin iyon. Tinampal ko naman ang kamay niya habang natatawa.

"Tumigil ka nga! "

"Tse! Akala mo talaga may kuya e!" nagmake face siya saakin. Hindi naman ako na offend, na tuwa pa nga ako dahil sa ginawa niya. Maloko talaga to! "Oo na. Pinag papasalamat ko nang may kuya akong baliw, mahigpit, nakakabadtrip at kung ano pang ugali niya! "

"Baliw! Ano pala pangalan ng kuya mo? " tinaasan niya ako nang kilay.

"Why? are you interested? " sinundot niya ako ng lapis na hawak sa tagiliran ko.

"Hala! Hindi a. Nagtatanong lang naman ako. Interested na agad? " iniiwas ko naman ang lapis na pinangsuaundot niya sa tagiliran ko.

"Really? " nang-aasar ang kanyang boses.

"Oo nga! "

"Secret! I won't tell you. Wala ka namang makukuha doon. Bukod sa mahigpit yun sa'kin at nakakabadtrip wala ng interesado pa sa kanya! " mataray niyang sabi.

"Ay grabe siya!"

Nagtawanan kami dahil doon. Marami pa kaming napag usapan habang nasa kwarto kami.

---------

Araw ng linggo kaya magsisimba kami. Sasakyan nila Blessica ang dala namin papunta sa simbahan. Nauna sila papang at mamang doon samantalang ako ay nandito sa loob ng van nila Blessica.

Nasanay na rin sila mamang na kasama ko si Blessica dahil mabait naman daw at hindi matapobre. Gustong gusto nga nila ito kapag napunta sa bahay. Hindi naman din ako nagseselos, mas natutuwa nga ako at hindi lang ako ang nagbibigay ng saya sa kanila. Alam kong gusto nilang magkaroon pa ulit ng anak ngunit hindi na talaga sila pinalad. Masuwerte na nga daw at nabigyan pa sila ng isa. At ako iyon.

Kapag ako nagkaroon ng anak sa susunod. Dadamihan ko para naman makabawi ako sa kanila. Kahit mabigyan ko sila ng apo. Matuwa lang sila , okay na iyon saakin. Mapasaya ko lang sila. Hindi pa naman ganu'n katanda sila mamang at palang e. Nasa 40 years old pataas na ang edad nila.

Kung pinalad lang siguro silang magkaroon pa nang anak? Baka marami na akong naging kapatid ngayon. Hihi. Hindi lang siguro ako ang makikilala ni blessica kundi maging ang magiging kapatid ko. Kaso wala akong kapatid ni isa. Si Blessica lang ang maituturing kong kapatid.

"Dali nakikinig kaba? Hey! " pukaw saakin ni blessica. Napakurap naman ako. Hindi ko pala sita napakinggan sa sinasabi niya.

"Ha? Ano kamo iyon? " tanong ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim. Parang hindi makapaniwalang hindi ako nagbigay ng atensyon sa sinabi niya.

"Your mind is out of this world na talaga! " napanguso saiya sa akin. Napa peace sign na lamang ako. "As what I have said, let's go to plaza after the mass. You know gala muna tayo bago umuwi. Nakakabored naman kasi kung uuwi na agad tayo. Diba? " pilantik niya pang igilid ang buhok na humarang sa mukha niya.

Tumango naman ako aa suhestyon niya. "Pwede naman. Pero bago tayo gagala. Magpaalam muna tayo kela mamang at papang. Para alam nila. You know! " I acted like her. Tinawanan naman niya iyon.

"Yeah! I know! " she giggled.

Ibinaba kami sa harap mismo ng simbahan. Nagsisimula na ang misa ng makarating kami. Naunang bumaba si Blessica kasunod naman niyon ay ako.

Nang makapasok kami sa loob ng simbahan. Pumunta muna kami sa statue ng anghel. Inilublob ang dalawang daliri sa agua bendita, pagkatapos ay nilagay sa ulo dalawang balikat at pinaktalikop ang dalawang kamay at Pumikit pagkatapos ay lumuhod. Sumunod naman si Blessica.

Matapos 'yun, hinanap namin ang pwesto nila mamang at papang. Dahil maraming tao ang nandoon nahirapang pa kaming sumiksik. Hindi naman nagtagal nakita din namin sila. Buti nalang din naka reserve na ang upuan namin kaya hindi na hassle maghanap ng mauupuan.

Maganda ang tema ng itinuro. Tungkol iyon sa pagpapahalaga sa buhay, ayon sa pare na nagsesermon. Mataman akong nakikinig ganun din ang mga kasama ko. Marami akong naririnig mula sa likod at gilid maging sa harapan. Ang iba mga kabataang kagaya namin.

Nagrereklamo ang iba ba't daw ang tagal matapos. Ganito, ganyan. Nakakaantok daw ang sermon at hindi maintindihan. Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang ipinunta nila sa loob. Sayang ang oras nila kung ganun. Lalo na sa mga kabataan ngayon. Iilan nalang talaga ang seseryoso sa pakikinig. Seryoso sa pagsisimba at seryoso sa katapatan sa Diyos.

Iwinaksi ko nalang ang nasaisip ko at itinuon ang pakikinig sa sermon. Nagsipagtayuan ang lahat ng sabihin ng Pare na 'magbatian kayong lahat.'

"Peace! " masayang ani Blessica saakin at nakapeace sign siya.

"Peace. " sabi ko din. Humarap din ako kela mamang at papang para sabihin iyon. Niyakap nila ako pagkatapos.

Nakipag peace sign din ako sa harap kahit hindi ko kilala. Maging sa likod ko ay binati ko ng nakapeace sign.

Ang sarap sa feeling na kahit hindi mo kilala. Nakikipag batian sayo.

Natapos ang misa at lumabas din kami. Sabay na namin ang magulang ko. Masaya kami nang makalabas na. Binati pa kami ng mga kakilala nila mamang at papang. Ang iba kapit bahay namin o kaya ka toda ni papang sa pagmamaneho.

"Oy Ligaya! Nandito rin pala kayo?" si Ronalyn iyong kaklase ko. "Naku di namin kayo nakita sa loob. Sobrang daming tao kasi ngayon no? Hi Blessica! " nag wave siya kay Blessica.

"Hi! " masaya naman nitong binati.

"Oo nga sobrang dami kanina. Sinong kasama mo? " mataman kong tanong.

"Pamilya ko rin kaso nauna na silang umuwi. Nagpaiwan ko, gagala muna kami. Sila Yiehmer nga kasama namin ngayon e. Gusto nyo sumama?"

Nagkatinginan kami ni Blessica. Isang titigan lang alam na agad namin ang isasagot.

"Oo ba! " sabay pa namin.

"Ayon mabuti naman. Panigurado matutuwa si Yiehmer niyan! " pumalakpak pa siya na parang bata. Siniko naman ako ni Blessica. Iba ang tinging ibinibigay. Mapang-asar.

"Kasama rin si Alexander at Roe e, iyong kaklase mo Blessica. Kilala mo na sila diba? "

"Eventually yes! Kaibigan mo rin pala ang mga iyon?"

"Ah medyo lang. Ang iba naming kaklase barkada sila kaya kilala namin. So tara na? "

"O sige! "

Nagpaalam muna kami sa magulang ko bago kami sumama sa kanila. Gulat pa kami dahil lalakarin lang daw namin ang plaza. Malayo dito iyon kaya nag volunteer na sai Blessica na sa Van nila kami sumakay.

"Sige sa Van mo nalang Blessica! Kukulangin ang pera ko mamaya kung magta- tricycle kami papuntang plaza. Ito kasing si Daniel nag-aya wala naman palang sasakyan. Papagastusin pa kami. " si Roe iyon kakalse naman ni Blessica. Tinawanan namin ang nagrereklamo niya.

"So? Let's go? " ani Blessica.

Nasaloob na kami ng sasakyan. Bali katabi ko si Blessica at Ronalyn. Si Yiehmer, Daniel at Alexander naman ang nasa likod namin sunod sa amin. Sa panghuling upuan ay si Roe, Geina, Sheng.

"Ligaya. " tawag ni Daniel aaakin. Kaya nilingon ko siya mula sa likod. Nakilingon din si ronalyn at Blessica.

"Bakit? " magalang kong tanong.

"Hindi ka ba natutunaw sa inuupuan mo diyan? " seryoso niyang pagkakasabi.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ano ang ibig sabihin niya naman? Bakit ako matutunaw?

"Ha? Hindi naman." sagot ko naman sa kanya.

Ngumiti siya nang nakakaloko. Tumingin sa kanan at kaliwa niya kung saan parehong nag-iwas ng tingin si Yiehmer at Alexander.

"Ahh. Mabuti naman hindi ka natunaw diyan. Ang init ng mga mata nilang nakatutok sayo e. " siniko niya ang dalawang nasa malayo ang tingin.

"Shut up! " halos mag sabay pang sabi ng dalawa sa kanya.

"Sus! Shut up nyo rin kamo. Mga gago may hiya pala kayong dalawa? Ang sabihin nyo gusto nyo si Ligaya!"

Naki kantyaw ang ibang mga kasama namin sa loob. Namula silang pareho at nag-iwas. Kahit kailan talaga itong si Daniel ang halig niyang magbiro sa mga kasama. Na-oawkward tuloy kaming tatlo na nasa loob.

Balak pa ata niyang sirain ang mood ng dalawang ito. Tsk!

"Iba talaga ang ganda Ligaya!"bulong ni Blessica sabay tawa.