Chapter 3 - Chapter 1

"DALISAY LIGAYA!" malakas na sigaw ni mamang saakin kung kaya napabalikwas ako nang bangon sa higaan ko. Kusot ang mga mata dahil kakagising ko lang.

Umagang-umaga ang inay ko na agad ang naririnig ko.

"Bakit po mamang?" tanong ko sa inay.

Inaantok pa ako sa oras na'to. Gusto ko pa sanang bumalik sa tulog kaso baka pagalitan ako ni inay.

"Umaga na bakit hindi ka pa kumikilos? Nakailang tawag na rin ako sa'yo sa baba hindi mo ako naririnig." Sabi niya saakin.

Nakita ko si mamang na naglakad papunta sa aparador at binuksan niya ito. Kumuha siya nang damit na susuotin ko pampasok.

Inilapag niya ito sa bandang dulo nang kama ko.

"Maamadali ka at baka malate ka na naman. Sinabi ko naman sa'yo na gumising ka nang maaga. Hindi ka nakikinig" sermon ni inay saakin.

Ngumiti naman ako sa kanya. Bumama ako sa higaan at lumapit kay inay. Niyakap ko siya.

"Sorry na po mamang, napuyat po ako kagabi dahil sa mga assignments at home works na kailangan sagutan."

Tumingala ako sa kanya nang sabihin ko iyon. Napabuntong hininga naman si inay.

"Promise po hindi na mauulit" kumawala ako sa kanya at itinaas ang isang kamay bilang pangako.

Sumilay ang magandang ngiti sa labi niya. Hinaplos ang aking pisngi at marahan iyong pinisil-pisil.

"A-aray mamang iyong pisngi ko baka po lumaki" reklamo ko kay inay. Tinawanan lamang niya ako.

"Osiya. Bilisan mo na ang paliligo. Pagkatapos ay bumaba ka na at kumain. Si papang mo ay naghihintay sa'yo para ihatid ka." Paalala niya saakin. Tumango naman ako sa kanya.

"sige po mamang. Susunod nalang po ako. Bibilisan ko nalang po ang paliligo." pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa banyo.

Matapos makapagpalit nang damit na pampasok. Inayos ko na ang mga gamit ko na dadalhin sa baba. Kinuha ko ang suklay na nakasabit sa salamin. Lumang salamin iyon na may lagayan nang suklay. Isinuklay ko ang buhok ko habang palabas ako nang kwarto dala ang bag na nakasabit sa likod ko.

Nakababa na ako nang makita ko si inay na nagwawalis gamit ang tambo. Napahinto siya nang makita ako.

"Dalian muna Dalisay dahil ang itay mo ay kanina pa naghihintay saiyo."

"Opo mamang. Nakahanda na po ba ang baon kong tanghalian para mamaya?" tanong ko sa kanya.

Nagbabaon ako tuwing tanghalian nang pagkain para tipid. Hindi ko gusto na gagastos pa ako tuwing tanghali para lang bumili sa canteen. Mas maganda na ito nakakatulong ako kela mamang at papang. Nahihiya ako sa kanila dahil nagpapakahirap sila sa pagbabanat buto para may ibaon ako.

Kadalasan kasi sa mga kabataan na kasing edad ko ay nagrereklamo pa sa mga baon na ibinibigay sa kanila nang mga magulang nila. Di hamak naman na mas malaki ang baong ibinibigay sa kanila. Pero nagrereklamo parin, hindi nalang magpasalamat na kahit papano ay mayroon pa silang baon. Ang iba nga nagtatrabaho para lang may pampabaon.

Kaya ako hanggat maaari nagtitipid ako. Kung may pagkain naman sa bahay na pwedeng baunin bakit hindi dalhin. Di naman siguro kawalan kung magbabaon. Mas maganda iyon nakakatulong kana sa magulang mo, nakakatipid kapa.

-----

Nakababa na ako nang tricycle ni papang at sinuot ang dalang bag sa likod ko. Inayos ko rin ang uniporme ko na medyo na lukot dahil sa pagkakaupo.

"Dalisay, anak teka lang..." tawag pansin ni papang saakin. Tumingin naman ako sa gawi niya.

"Bakit po pang?"

"Tama na ba ang baon mo?" tanong nito saakin. Nakita ko ang pagkuha niya nang kanyang wallet sa bag na maliit. Nakasabit sa bewang niya.

"Naku papang! Tama na po itong baon ko kasyang-kasya na po ito ngayong araw." masayang sabi ko sa kanya.

Totoo naman iyong sinabi ko. Hindi ako magsisinungaling para lang madagdagan pa ang baon. Ayokong padagdag sa gastos nila.

"Baka kulangin iyan anak-"

"Papang wag na po." agap ko sa itay ko

"May baon naman po akong tanghalian tapos may pera na. Kung dadagdagan nyo pa susobra na po iyon para sa araw na to."

Nakita ko naman napangiti ang itay ko. Bumaba siya sa sinasakyang tricycle at umikot upang makalapit saakin. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa itay ko.

Nangmakalapit siya ay inangat niya ang isang kamay at inilagay sa taas nang ulo ko, nakapatong.

"Ang swerte namin sa'yo anak" sabi niya. Tipid naman akong ngumiti kay itay.

"Mas swerte po ako papang dahil kayo naging magulang ko e!" masayang sabi ko.

Labis na saya ang nakita ko sa kanyang mga mata.

"Naku mukhang gaganahan akong magtrabaho dahil diyan anak ha?" biro ni itay na ikinatawa ko naman. "Nagmana ka talaga sa mamang mo. Ganyan rin siya noong kabataan niya. Katulad na katulad kayo."

Nakikita ko ang kislap sa mata ni itay habang sinasabi iyon. Nakakakilig lang dahil mahal na mahal niya si inay.

"Osiya. Pumasok kana at baka masarhan ka nang gate dito" sabi niya saakin. "Susunduin nalang kita mamayang hapon anak. Kung kukulangin ang pera mo, wag kang mag-abalang tawagan ako anak." paalala ni itay saakin.

"Okay po papang. Pero wag po kayong mag-alala hanggang uwian may pera pa ako" hagikgik ko pagkatapos sabihin iyon.

"Osiya, pasok na." sinunod ko naman ang sinabi nang itay ko. Pumasok nga ako sa entrance nang gate. Lumingon pa ako sandali para tignan kong nakaalis na si itay. Pinaandar nito ang tricycle pagkatapos ay sumibat na para maghanap nang pasahero.

Kasalukuyan na akong nasa loob nang classroom. Wala pa rin ang teacher namin. Magtatatlong minuto kami dito saloob na naghihintay sa kanya.

Nasa pang-apat na baitang na ako ngayon nang high school. Gagraduate na rin sa wakas kaya konting tiis nalang. Hindi ko pa din napag-iisipan ang kukunin ko pagdating ko sa college. Minsan pabago-bago pa nang gustong kurso. Kaya ngayon hindi ko muna inaatupag. Sa susunod na pag tapos na ako nang high school.

"Ligaya" tawag pansin saakin nang kaklase kong si Ronalyn.

"Bakit?" magalang kong tanong nang bumaling ako sa kanya.

"Sa tingin mo may klase pa tayo kay Ms. Devinagracia? Malapit na ang trenta minuto wala parin kasi siya e."

"Oo nga. Iyon din ang nasa isip ko. Pero maghintay nalang tayo nang kaunti. Pag wala pa siya. Mag-aanounce na ako na walang klase sa subject nya" sabi ko. Representative ako nang section namin. Lagi saakin nagtatanong nang ganito at ganyan ang mga kaklase ko.

"Hala! Sige! Salamat Ligaya!" masayang sabi nito saakin pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya. Medyo maingay sa loob nang classroom kasi wala pang guro na dumadating.

Nagkakatuwaan ang iba. Nagtitipon naman sa dulo ang ibang kaklase kong babae. Mayroong nagpopolbo at naglalagay nang lipstick. May iba naman kagaya ko na nakaupo lang sa sariling upuan.

Hindi ako nakikihalubilo sa ibang kaklase kong babae. Bukod kasi sa nagkukumpulan sila sa dulo para makasagap nang chismis e. Nagpapaganda pa.

Ganun ang kadalasang routine nila sa loob. Ako ay hindi mahilig sa ganun. Mas mabuti na ang simple lang ang mukha. Wag nang magkulorete pa. Pero nasa babae na kasi iyon kung mas kumportable sila sa simple or hindi.

Dahil hindi dumating ang teacher namin sa unang subject. Nag-announce na ako sa harapan. Umingay naman nung sinabi kong walang klase.

May nagsisigawan at apiran pa. Sinuway ko naman sila na wag masyadong maingay at baka kami ay puntahan nang teacher nang kabilang section at pagalitan kami. Mabuti naman at sinunod nila ang sinabi ko.

Matapos ang dalawang subject namin na dapat ay tatlong subject siya. Pinalabas kami sa classroom dahil break time muna. Inayos ko sa taas nang lamesa ang dala kong baon. Inayos pa ito kanina nang inay ko para saakin. Umupo na ako sa bakanteng upuan na sa dulo nang canteen.

"Dalisay Ligaya!" nagulat ako sa pasigaw na tawag sa pangalan ko. Inilibot ko ang paningin sa dami nang studyante sa loob nang canteen.

"Here oh!" sigaw ulit niyon saakin. Taka naman akong napatingin sa babaeng nakatayo ngayon malayo saakin. Kumakaway ito. Pinagtitinginan naman siya nang ilang studyante.

Niligpit ko ang baong nakalapag sa table. Pagkatapos ay lumapit sa babaeng tumawag saakin.

"Hi!"

She waves her hand. I just smile and wave back. Ayoko naman maging snober kahit hindi ko siya kilala.

"I'm Blessica Salvador Fournier by the way. Nice to meet you" inilahad niya ang kamay saakin.

Malugod ko naman iyon tinanggap.

"Dalisay Ligaya Tayco" pakilala ko naman sa kanya.

"I know." nakangiti niyang saad.

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano mo pala ako nakilala?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.

"I just need to know you" simple lang niyang sagot saakin at nagkibit balikat.

"What do you mean by that?"

"The principal says I should look for Dalisay Ligaya. Ikaw daw ang mag-guide saakin sa school nato. I'm a transferee by the way..." napakamot naman ako sa ulo.

I sighed.

"Ganun ba. Mabuti naman at nakilala mo ako."

"Yap! I asked some of the students here if they know you, gladly they knew. Sikat ka ata dito e." tumaas ang dalawa kong kilay sa narinig.

"Hala hindi!" pagtatanggi ko.

Paano naman ako naging sikat sa school namin? Sa section lang naman namin ako representative hindi sa buong school. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang itinuro nang principal. Magtatanong nalang siguro ako mamaya. Pupunta ako sa office para doon.

"Sus! Pahumble pa." natatawa nitong saad. Bahagya pa akong tinapik sa braso. "Anyway! Anong section mo?"

"Rizal. Ikaw?"

"Aguinaldo. But I don't know where's it. Umalis na kasi ako sa principal's office kanina e."

"Alam ko ang room nyo. Madadaanan muna ang section namin. Pang-apat na classroom pinakadulo." sabi ko.

"Hayaan mo pagkatapos natin kumain, ihahatid kita roon." pagpepresenta ko.

Kita ko naman ang kislap sa kanyang mata nang marinig niya iyon.

"Oh, Thank you very much Dali"

Nahihiya akong tumingin sa kanya. "You're welcome" mahinang pagkasabi.

Sabay kaming kumain at sabay rin kaming natapos. Nasa labas na kami nang canteen ngayon. Naglalakad sa hallway. May ibang nakakapuna sa kanya.

Imbis na mabilis kaming makarating sa taas dahil nasa second floor ang classroom namin pareho. Naantala kakatanong saakin kung sino daw iyong kasama ko.

Syempre ako naman ito na sinagot din ang tanong. Lagi kong sagot ay transferee siya. Iyon lang naman ang alam ko sa kanya. Hindi ako nagtanong kanina dahil nahihiya naman ako.

Tumaas na kami at pagkarating doon nilampasan ko lang ang room namin.

"Ligaya saan ka pupunta? Andito ang room oh!" sigaw nang isa kong kaklase. Nilingon ko naman siya.

"Alam ko, teka lang at ihahatid ko lang siya" sabay turo kay Blessica na busy sa kakatipa sa cellphone na gamit niya.

"Transferee? Anong section?" tanong ulit nang kaklase ko.

"Oo. Aguinaldo ang section niya e. Sige hatid ko lang siya." sabi ko.

Tumango naman ito saakin, tatalikod na sana ako ulit nang bigla kong maalala "Teka Yeihmer!" tawag ko sa papasok na sanang kaklase ko sa room.

"Yes?"

"Pagdumating si Mrs. Joven at nag-attendance agad. Paexcuse mo muna ako pwede? Magdadahilan nalang ako pagbalik ko."

"Oo ba. Basta ikaw" sabi nito sabay kindat saakin. Napangiwi nalang ako sa ginawa niyang iyon.

"S-salamat"

Pagkatapos kong magpasalamat sa kanya ay tumalikod na ako. Kinalabit ko naman si Blessica.

"Tara at ihahatid na kita sa room mo"

"Okay." Tugon nito saakin.

Sinuklian ko naman nang ngiti iyon at nagsimula na kaming maglakad.

Nang makarating kami sa pinakadulong classroom. Which is nagsisimula na ang klase. Kumatok ako sa pinto tama lang para marinig. Naibaling naman nang guro ang kanyang attention saamin na nasalabas. Maging ang mga studyante sa loob ay napatingin saamin. Ang iba ay sumisilip pa sa bintana ng classroom.

"Yes, Ms. Tayco?" nagtatakang tanong ni Sir Bataklan. Teacher sa Mathematics. May kantandaan na.

"Sir, may transferee lang po akong inihatid section Aguinaldo po siya." pakasabi ko ay binalingan ko si Blessica nang tingin.

Nakatayo lang ito sa gilid ko, wala na ang cellphone na gamit niya kanina baka itinago niya sa bag niyang dala.

"Transferee? Sa ganitong buwan? Mabuti naman at tumatanggap pa ang school. Tapos na ang first grading." Kunot-noo ito habang nakatingin sa katabi ko.

"Oo nga po Sir e." pagsang-ayon ko

"Anyway, pasok kana" pertaining to Blessica who is with me. "Salamat sa paghatid sa kanya dito Ms. Tayco" magiliw nitong sabi saakin. Tumango ako sa guro.

"Welcome po Sir." magalang ko namang sabi.

Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Blessica. Napabuntong hininga naman ako, pilit na ngumiti. Inaalala ko kasi ang subject ngayon. Late na nga pala ako. Baka nagsisimula na sa lecture.

"Bakit?"

"Thank you pala. Can I meet you later? Sa labas nang gate after class." Pagkasabi nito pumayag na ako. Nagmamadali ako, kailangan ko nang makabalik sa classroom.

Dinig ko ang ibang studyanteng nasa loob na bumabati saakin. Nginitian ko naman sila. Nagmamadali akong maglakad pabalik sa classroom. Naabutan kong nagsusulat na ang mga kaklase ko. Habang ang guro namin ay nagdidekta. Kumatok ako sandali para mapansin ako.

"Sorry Mrs. Joven may hinatid-"

"I know. I know Ms. Tayco. Sige na pumunta kana sa upuan mo at humabol sa mga ididekta ko."

Mabuti naman at hindi ako napagalitan. Mabuti na rin na magsusulat lang kami ngayon at walang gagawin. Tinungo ko na ang upuan at umupo. Kinuha ko sa bag ang binder at ball pen.

"Here. " nagulat ako nang bigla nalang iabot saakin ang binder niya.

Si Yiehmer pala.

"Ah, Salamat dito. Salamat din sa pag-excuse saakin kanina"

"Wala yun. Sige na magsulat kana" sabi nito saakin.

"Paano ka? Wala kang susulatan kung hihiramin ko to. Hindi kapa naman tapos e"

"Hindi yan. Marami namang patapos na. Manghihiram din ako sa iba nating kaklase pagtapos na sila magsulat. Para iyon naman ang panggagayahan natin." sabi niya.

Matapos akong magsulat sa binder ay ibinalik ko rin sa kanya ang notes niya. Malugod naman niya itong tinanggap. Nanghiram si Yiehmer nang notes sa kaklase kong tapos na sa pagsusulat.

Pareho na kaming nagsusulat at natitira atang hindi pa tapos. Hanggang sa nagpaalam si Mrs. Joven, patuloy parin kami sa pagsusulat na dalawa. May isa pang natitirang klase bago ang uwian.

Hindi naman nagtagal ay tapos na kaming dalawa. Ipinagpahinga ko ang kamay kong ginamit sa pagsulat nang matapos kami. I say thank you to Yiehmer. He just smiles back. I rested my back on the chair while waiting for my next class, which is panghuling klase. A minute later dumating din ang teacher namin sa panghuling klase.

Nakinig ako nang mabuti para kahit papaano ay may maintidihan ako. I'm not smart and I admitted it, but why did others praising me for having a high grade? Why is that? I don't know to them.

Hindi ko kasi makita saakin iyon. Siguro masipag lang ang tamang term for me? Mas may matalino pa saakin kung tutuosin. Hindi ko naman din ipagmamayabang iyon sa kanila. Hindi lahat matalino, sadyang may sipag lang sa katawan.

Sa apat na taon ko sa high school masasabi kong nakakapasok ako sa ranking sa section namin. Kung hindi pang-tatlo ay pang-apat, but still thankful. Hindi ko nga rin aakalain na makakasama ako sa mga ganyan. Minsan din naman akong hindi na papasama sa ranking.

Hindi naman big deal iyon. Ang mahalaga nasama man sa ranking o hindi, basta may natutunan walang problema iyon.

Hindi naman pumapasok ang mga studyante para habulin ang mataas na marka, hindi batayan iyon sa pag-aaral. Pumapasok sila upang may maintindihan at matutunan. Bonus nalang iyong may nakamit ka while you are studying.

"Okay class! You may now dismiss! Thank you for today, ingat kayo sa pag-uwi." our teacher from the last subject said. Nagpaalam naman kami sa kanya.

"Susunduin ka ba nang itay mo ngayon Ligaya? Kung hindi, pwede kang sumabay saamin" si Yiehmer.

Kanina ko pa napapansin ang pagiging malapit niya saakin. The last time I check. After class ay umuuwi na agad ako without them asking me.

I smile genuinely at him and said.

"Susunduin ako nang papang ko e. Baka next time makakasabay ako. Salamat ha!"

"Ganun ba. Sige aasahan ko 'yang next time na yan." sabi nito saakin.

"Ingat sa pag-uwi. Bye Ligaya!" matamis ang ngiti nitong ibinibigay saakin.

Nakakatuwang isipin na kahit papaano may mababait akong kaklase. Nakakasundo ko din. 'Yun ngalang ay hindi ganun ka close.

Nasa hallway na ako naglalakad mag-isa. Malayo-layo pa ang lalakarin ko dahil malaki and school na ito. Nasa pinakadulo lahat nang classroom para sa fourth-year student. Madadaan muna ang field maging ang gym nang school.

Pagkatapos nu'n ay gagawi pakaliwa kung saan naman madadaanan ang classrooms nang third-year. Kakaliwa ulit para madaan ang classrooms nang second-year. After that diretso na, doon ang classrooms nang first-year at malapit sa gate.

"Dali!" si Blessica

Iyon agad ang nasaisip ko. Nang tawagin ako sa pangalang 'yun. Dalisay o kaya Ligaya ang tawag nang iba saakin dito e. Siya lang ang nag-iiba, hindi ko alam kung bakit.

Katulad nang pagtawag niya sakin kanina sa canteen. She raised her hands up and wave. Masaya siya sa ginagawa. She has this kind of energy na maging ang ibang mga studyante kaya niyang hatakin maging masigla. She is pretty too. Wala akong panama sa ganda niya. A transferee student from nowhere.

Hindi ko naman kasi naitanong kung saan galing siyang school e. She has curly brown hair na natural hanggang bewang ang haba. Maybe 5'6 ang taas kasi nasa 5'4 lang ako e. With white soft skin. Pretty described as a goddess.

Dahil mabagal ang lakad ko, siya na mismo ang lumapit saakin. Kumapit pa nga siya sa kabilang braso ko. Hindi ko naman inawat. "Thanks G I saw you. Sa gate na sana kita hihintay e." sabi niya. Diretso lang ang tingin ko sa daan nang tanungin ko siya.

"Bakit mo pala sinabi kanina na magkita tayo sa gate?"

"Wala lang. Gusto ko lang nang may kasama. Bawal ba?" may lungkot ang pagkakasabi niya niyon maging ang expression nang kanyang. Na guilty naman ako.

"Hala hindi! Hindi naman bawal." agap ko. Bumalik naman ang sigla nang mukha niya.

"Mabuti naman kung ganun. Wala pa kasi akong nagiging kaibigan dito e. Ikaw palang." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Paano mo nasabing kaibigan mo na agad ako? E, kakakilala mo palang saakin kanina?" marahang tanong ko sa kanya. Tinitigan muna niya ako sandali bago ibinuka ang bibig.

"Dali it doesn't mean na kakakilala ko palang sayo e bawal kanang kaibiganin. I have this kind of moto na 'Ang sino mang bagong makikilala ko ay kakaibiganin ko'. That's why kaibigan na kita." ramdam ang sinsiredad sa bawat sagot niya.

She's not just pretty but has a good heart too. Natuwa ang puso ko doon. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako nang kaibigan talaga. Maybe I'll try to interact with others too. Nakikisalamuha naman ako kahit papaano. But not super close, mild lang. Kaya ngayon itatry ko.

Naging magaan ang loob ko sa kanya. Marami kaming pinag-usapan habang naglalakad. Malapit na kami sa gate nang magtanong ulit siya.

"Bakit pala Dalisay Ligaya ang pangalan mo, Dali?" napangiti ako sa kanya.

Sasabihin ko ba ang dahilan. Nakakahiya man pero sige na nga.

"Dalisay Ligaya" banggit ko sa aking pangalan.

"Nang masilayan nila ang mukha ko baby palang, sobrang saya daw nila dahil pinalad silang magkaroon nang anak at babae pa. Gustong-gusto nila na babae ang anak nila at heto ako ngayon. Ipinangalan nila ang 'Dalisay' bilang simbolo nang totoong pagmamahalan nila. 'Ligaya' naman bilang simbolo nang sayang hatid ko sakanila. Iyon daw ang sabi ng inay ko" hindi ko mawari ang saya habang ikinukwento ko iyon ay blessica. Nakita ko ang pagpunas niya sa kanyang pisngi.

"O-okay kalang?" pag-aalala ko.

Tumawa muna siya. "Oo naman. Na touch lang ako sa kwento mo. Mahal na mahal ka nang parents mo. You should've thanked your parents for having them in your life." masigla man ang magkakasabi niya niyon bakas parin sakit.

Natahimik ako at hindi nakapag salita.

"I admire them now I'm jealous. Unlike you, my parents are separated." hindi na umabot ang ngiti sa kanyang mata. Nabawasan ang sigla niyon.

"Sorry to hear that" agaran kong sabi.

"No. Okay lang naman, sanay na ako ipagsabi na hiwalay na ang parents ko. Hindi na bago 'yun." mapakla syang tumawa.

Wala akong tugon sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Naguilty ako na ewan. Hindi ko naman naranasan na magkaroon nang broken family kasi.

"Pure Happiness" saad niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ha?"

Bumalik na iyong sigla sa mukha ni Blessica.

"Simple!" natawa siya.

"Meaning noon satisfactions of others when you're around. An unencumbered joy you brought to us in a simple way. Yun ang nararamdaman ko ngayon Dali. Kahit na nakaramdam ako ng lungkot kanina. Isang tingin ko lang sa'yo gumaan agad ang loob ko. Wala kamang ginawa para pasayahin kami. Umuusbong parin yung joy. Talaga ngang dalisay ligaya ang dala mo." 

♧♡