Chapter 10 - Chapter 9

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang tatlong magkakaibigang sila Jino, Dylan at Jerome. Napatingin ang tatlo sa aking kinatatayuan. Automatikong sinimangutan ako ni Jerome.

"Hello Atisha Jewell Madrid"- Jino

"What the hell are you doing here?"- Jerome

"Ah, ah ano kasi, (sabay tiningnan ko ang dalawa, senyales na pinapalis ko sila at iwan muna kami ni Jerome, mukhang nakatunog naman sila."- Tisha

"Wait ka namin bro sa parking lot. Daanan ko lang yung book ng Physics sa Library."- Dylan

"Samahan ko na bro, baka madapa na naman. (Sabay tawa)"- Jino

"Wait. Sama din ako."- Jerome

"H'wag na bro. Text ka na lang namin pag nasa parking lot na kami."- Jino

Susunod pa sana si Jerome sa kanya. Kaso tinakbuhan siya ng dalawa niyang kaibigan. Pagkatapos nun ay muli ko siyang tinawag at napabaling siya sa akin.

"Je-Jerome."- Tisha

"Alam mo Madrid, ang kulit mo din talaga. Di ko alam kung anong meron sayo. Para kang sirang plaka. Paulit ulit ko nang sinabi na wala akong gusto sayo at kahit kailan di ako magkakagusto sayo."- Jerome

"Pe-pero Jerome, bakit di mo kayang subukan? Binasa mo ba ang sulat ko?"- Tisha

"Sa tingin mo may interest ako dun?! Sa tingin mo ba, pag-aaksayahan ko yun ng atensyon at oras? (Hinawakan niya ang buhok ko.) Alam mo Madrid, di ko alam kung baliw ka ba o tanga. Malabo, oo sobrang labong mahalin kita. Di ako nagkakagusto sa babaeng puro kolorete at oras oras ata ay nasa club. Kulang na lang magpokpok ka. Kung hindi lang kilalang mayaman kayo, baka inisip kong pokpok ka dun!"- Jerome

"Aaaraaay! Nasasaktan ako?(naiiyak na ako sa sakit at sama ng loob) Sa lahat ng koloreteng nasa mukha ko tinatakpan niyan ang lungkot at sakit na dulot mo. Yan pala ang dahilan kung bakit di mo ako mapansin o matapunan man lang ng tingin, kasi ano! Hindi ako Maria Clara kagaya ni Lean Jin ha?! Lagi akong nasa club dahil doon ako naglalabas ng sama ng loob sayo. Tsaka wala akong ibang kasama si Nicole at George lang. Tapos tatawagin mo akong pokpok. Tatanggapin ko lahat yun. Kasi mahal na mahal kita. Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako napapansin."-Tisha

"Tumigil ka na!!! Hindi mapapalitan ng ninuman sa akin si Lean! Tsaka h'wag mo siyang idamay. H'wag na h'wag mo na akong guguluhin Madrid. Pagsisihan mo pa ito kapag naulit pa ito. (Umalis ito at sinarado ng pagkakalakas ang pintuan.)

Naiwan akong iyak ng iyak. Ang pait ng tadhana sa akin. Hindi naman ako naging masamang babae kay Jerome. Baka ganun na lang siya sa akin. Di ko naman pwedeng sabihin ang tungkol kay Khinkhin. Dahil nangako ako kay Lean. Napabuntong hininga na lang ako.

Tinext ko naman nun si Nicole, George at si Lean.

To Nicole, George and Lean:

Failed :\

Sent.

Marahil iisipin niyo o nang kahit sino na susuko na ako. Mas lalo akong nanggigigil na makuha si Jerome.

-

Alas kwatro na ng hapon naghahanda na kami papunta sa Mansion ng mga Cerecedo dahil may pag-uusapan ang magkakaibigan.

Kung ano man yun. Clueless talaga ako kung ano man ang pag-uusapan nila.

Nauna nang bumalik sa Mansion si Jay kasama si Jhonley.

Nagdadrive kami ngayon papunta doon. Karga ko sa passenger seat si Edge. Binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming mag-asawa, dahil napansin kong seryoso masyado sa pagmamaneho si Jerome.

"Hon? Bakit biglaan yata ang pagkikita niyo? Gaano ba kaimportante ang pag-uusapan niyo? Pwede ko bang malaman?"- Tisha

"Tungkol kay Jhonley at Josette hon."- Jerome

Seryoso pa din nagmamaneho si Jerome.

"Bakit? May nangyari ba sa dalawang batang yun. Nag-away ba sila? Di naman bago yun. Lagi namang magkairingan ang dalawang yun."- Tisha

"Hindi, malalim pa sa ganun. Kailangan na naming magawa yun. Bukod sa gusto namin ay para din sa negosyo ng pamilya natin. Para sa business partnership ng Cerecedo at Salazar. Kapag nagawa namin yun, maaaring di na ako kulitin nila Mama at Papa about sa business airlines sa New Zealand."- Jerome

"Ayaw ko nang magtanong pa. Basta makakabuti sa inyo. Susuportahan kita bilang asawa mo."- Tisha

Hinalikan niya ako sa noo.

"This is the right time to do this."- Jerome.