Walang pasok sa trabaho ngayon ang asawa ko. Himbing na himbing pa ito sa pagkakatulog. Pinuntahan ko muna si Edge. Kinarga ko ito dahil kakagising lang nito.
"Goodmorning baby."- Tisha
Ngiti lang ang sinagot nito sakin.
Napailing na lang ako ng maalala ko ang sinabi ni Daddy. Napabulong sa aking sarili.
"Paano ba naman di namin magiging anak ito ni Jerome, halos maging kakambal ito ng mga Cerecedo. Kung titingnan mo nga at di mo kilala ang mga Cerecedo. Aakalain mo itong kapatid nila, lalo na ni Jhonley. Kaya naman naglalaro ang isip ko sa mga kinanta ni Daddy."- Tisha
Naisip kong gumawa ng pancake. Para sa aming almusal ngayon. Since walang pasok sa trabaho si Jerome.
Binaba ko muna sa lapag si Edge habang naglalaro.
Matapos ko itong gawin ay inihain ko ito sa aming dining table. Tinakpan ko muna ito dahil plano kung gisingin ang asawa ko.
"Honey, gising na. Mag-aalmusal na tayo."- Tisha
"Hmmmm. Goodmorning Hon. Kanina ka pa gising?."- Jerome
"Goodmorning din Hon. Hindi naman kanikanina lang. Nasa sala si Edge. Sumunod ka na sa akin at mag-aalmusal na tayo. Pupuntahan ko lang si Edge."- Tisha
"Sige Hon. Love you."- Jerome
"Love you too. Sige na baba ka na ha. "- Tisha
Pagbaba ko, narinig kong nagriring ang landline namin.
"Hello?"- Tisha
"Hello Ate Tisha goodmorning, si Jay to. Diba walang pasok si Kuya ngayon?"- Jay
"Goodmorning din Jay. Oo wala nga. Bakit may kailangan ka ba sa kanya?"- Tisha
"Wala naman, gusto lang sana namin hiramin si Edge"- Jay
"Oo naman. Walang problema."- Tisha
"Daanan namin siya. Nasa Mcdo lang kami ni Jhonley."- Jay
"Sige. Bihisan ko na siya. Bye. Ingat."- Tisha
"Sige Ate. Bye"- Jay
End call.
Kinarga ko si Edge para pakainin ng pancake. Sinusubuan ko ito ng bumaba si Jerome mula sa aming kwarto.
"Sinong kausap mo Hon?"- Jerome
"Si Jay. Bibisitahin daw niya si Edge"- Tisha
"Ah ganun ba. Dadaanan ba daw nila dito?"- Jerome
"Oo daw. Sige kumain ka na dyan at bibihisan ko lang si Edge."- Tisha
Iniwan ko muna si Jerome sa dining table. Habang kumakain siya ng almusal. Pinaliguan ko si Edge at binihisan.
Maya maya ay dumating sa bahay namin si Jay.
Umupo naman sa sala namin ang magkapatid na Jay at Jerome. Lumapit ako sa kanila dala ang pancake at juice ni Jay at nakiupo na rin sa kanila.
"Kuya? Kailan ba natin sasabihin kay Jhonley yung kay Jossette?"- Jay
"Hayaan mo siya na siya ang makaalam."- Jerome
"Sabagay yung kasal mo nga noon nabigla ka din. (Sabay hagalpak ng tawa), at nagpeace sign pa sa akin."- Jay
"Shut up Jay, atleast iba na ako ngayon. Mapapatunayan ko din yun balang araw kay Tisha."- Jerome
"Kayo talagang dalawa. Mabuti pa Jay dito na kayo mananghalian. Bakit di niyo sinama si Aaron?"- Tisha
"Oo nga. Nasaan na pala ang mokong na yun? "- Jerome
"Ayaw sumama, laging busy sa pagbabasa ng libro. Napupuyat doon, naiinis nga ako e. Lagi lang akong inaawat ni Jhonley. Maghapon na lang nagbabasa."- Jay
"Napapansin ko nga. Napakahilig nun sa libro. Naalala ko nung inihabilin ko si Edge sa kanya at nagkita kami. Bumili siya nun ng libro. Book worm kasi ata si Aaron. -"Tisha
"Buti sana kung pang Academic yung books, makakatulong pa yun sa mga every sem failed niyang grades. Hindi naman. Parang mga pocket book na hindi mo maintindihan."- Jay
"Hanggang ngayon pala puro failed pa rin siya. Paano siya makakatapos ng Senior High niyan. Mamaya maabutan na siya ni Jhonley niyan. May girlfriend ba yang si Monrow?"- Jerome
"Wala kuya, lagi lang nasa kwarto, basa ng basa. Kay Jhonley naman walang problema. Lagi ngang top sa klase si Jhonley diba. "- Jay
"H'wag mong stressen ang buhay mo sa dalawang yun. Mag enjoy ka Jay. Nagdadate pa ba kayo ng girlfriend mo? Baka naman puro ka na lang Aaron at Jhonley?"- Jerome
"Oo naman kuya. Plano ko nga umuwi kami ni Jin sa anniversary namin sa Resort natin sa Batangas."- Jay
"Tama yun. Mag enjoy kayo. Hayaan mo muna yung dalawang yun. "- Jerome
"Kaso iniisip ko baka pagbalik ko, parang basurahan na ang bahay sa gulo. Kawawa naman si Nanay Mildred diba"- Jay
"Pagbakasyunin mo muna si Nanay Mildred. Tapos dito muna yung dalawa. "- Tisha
"Talaga. Thank you Ate Tisha da'best ka talaga."- Jay
"Oo nga ng mapagsabihan ko ding yang si Aaron."- Jerome
"Ah kuya pupunta nga pala samin si Jino mamaya may pag-uusapan daw tayo. Kailangan mo din pumunta. Nagtext siya sa akin ngayon. "- Jay
"Sige, sasama ko si Tisha at Edge mamaya. "- Jerome
Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa, dahil kailangan ko nang magluto para sa aming lunch. Napili kong magluto ng sinigang na baboy at fried chicken.
~
Nakaraan
Dahil binigyan na ako ng permiso ni Lean na kunin si Jerome. Kailangan ko nang gawin ang mga bagay na ito. Kinausap ko si Nicole at George na dumaan sa room ng mga Tourism, upang tingnan kung nandun na si Jerome. Valentines ngayon. Kailangan ko nang ipagsigawan sa lahat kung gaano ko siya kagusto, ay hindi, kung gaano ko siya kamahal.
Hinanda ko na ang sarili ko sa hudyat ng pagtawag sakin ng dalawa kong kaibigan.
Nang biglang nagring ang cellphone ko. Confirmed si George tumatawag na siya.
"Hello Baks. Positive sis nandito na si Cerecedo. Kasama nila Martinez at Salazar."- George
"Thank you baks. Papunta na ako dyan."- Tisha
"Welcome baks. Galing namin baks no. Daig pa namin ang Dispatch ng Korea. Bye (Sabay hagalpak sa kabilang linya."- George
Pinatayan na ako agad ng tawag pagkatapos. Napansin ko naman na nagtext sa akin si Lean.
From Lean:
Good luck Ate Isha. Go for the win. :)
To Lean:
Thank you.
Pumunta na ako sa room ng Tourism.