"Ang second book ay tungkol parin kay Bingwen na kung saan ang FL ay namatay after a thousand years pero dahil na rin sa pagmamahal ni Bingwen sa asawa niya ay gumawa siya ng paraan para mabuhay yung FL but it's against the law of life and death kaya ang Mc ay naging Villain na sinakop niya ang buong mundo kasama na rin ang underworld at ang heaven realm at naging gahaman na siya sa kapangyarihan
Kaya naghirap ang mundo ang mga tao , demon at heaven realm ay gumawa ng plano upang matalo nila si Bingwen nasa huli ay may isang lalaking nagngangalang Mingyu ang makakatalo sa kanya isang Cultivator na may light elements kaya ilang taon rin ay natalo nila si bingwen ang katawan nito ay ikinulong sa abyss na kung saan habang buhay siya maghihirap dun the end " kwento niya
"Ahhh, ahhh ang MC naging Villain" gulat na isip ko
"Grabe unique yan ahh, gusto ko na yan" masayang sabi ko
"Diba sabi ko sayo magugustuhan mo ito , pero dahil sabi mo gusto mo ng unique kaya may konting binago lang ako " sabi naman niya
"Ehh , ano naman?" Sabi ko
"Secret na yun malalaman mo rin" sabi niya
"Tsk, pabitin" mahina ko sabi
"Hahaha , di ah bale yan nasabi ko na ang kwento mo simula ngayun ikaw na ang bahala sa sarili mo ,di mo na ako makakausap pero makakausap mo lang ako pagtapos ma ang kwento" sabi niya
"Pagnatapos ba ang kwento babalik na ako?" Tanong ko
"Nope, diyan kana talaga bale yang buhay na yan ay totoo pagnamatay ka dito sa mundong ito patay kana talaga" paliwanag niya
"What the so ganun ganun na lang yun bakit yung iba nakakabalik" sabi ko
"Sa iba iyun pero ito totoo kaya pahalagahan mo ang buhay mo dahil mula ngayun ikaw na si Minsheng kaya goodluck na and ikaw na sana bahala sa story ko xxxlucas" pagkasabi niya nun ay nawala na siya
"Teka,papaano niya nalaman ang account name ko sa Novel app? Saglit Oliver ang pangalan niya diba" isip ko habang nakatingin sa kawalan hanggang sa may sumagi sa isip ko
"Wait!!! Oliver ang pangalan ng author ng Unbeatable King ibig sabihin nakita niya yung comment ko, sigurado akong nilagay niya ako dito para gumanti" isip ko
"Grrr!!!,humanda ka sakin pagpunta ko diyan di na ako magpipigil wala na akong pake kahit di na ako makabalik ang mahalaga mabugbog lang kita!!!!!" Sigaw ko biglang nakarinig ako ng mga yapak at pagbukas ng pinto ay isang babae ang bumungad sakin
"Highness gising kana sa wakas" mangiyak ngiyak na sabi ng isang babae
"Ah oo gising na ako nuying" sabi ko
"Tatawagin ko lang sila master para balitaan sila" pagkasabi niya nun ay agad siyang umalis
"I think I need to live in this weak body , yes ang katawan na ito ay sakitin, ang pangalan niya ay Minsheng bunsong anak ni Wang lei at Mexing na kung saan may 4 siyang anak na si Chen , Feng, Limei at ako bunso " isip ko sabay upo sa kama
"Maganda naman ang buhay niya average lang naman ang tatay niya ay isang minister lang and ang dalawang anak niya na lalaki ay general at ang kapatid niyang babae ay magiging asawa ay ang isang anak ng minister rin" sabi ko ng pabulong at maya maya ay biglang nakarinig ako ng takbuhan pagkita ko nandun ang buo kong pamilya maliban sa kuya ko
"Anak ayus ka lang ba ha?" Mangiyak ngiyak na sabi ni mama habang sinusuri ang katawan ko
"Yeah ayus lang ako mama, patawad kung pinag-alala ko kayo" sabi ko
"Master Qiang kayo na bahala" sabi naman ni papa at dumungaw sakin ang isang doktor na puto amg suot mahaba ang buhok at may angking kagwapuhan siya na nakaksilaw sa mata
"Urgh, grabe siya nabubulag ang mata ko dahil sa kagwapuhan" isip ko
"En, ako na bahala " sabi niya at lumapit na siya sakin at sinuri niya ang pulso ko
"Hmm..." seryosong isip niya
"Ano na kamusta na siya?" Tanong naman ni ate Li mei
"Huwag na kayong mag-alala ayus na siya ang pulso niya ay tama na ang pintig ang kailangan na lang niyang gawin ay magpahinga " sabi ni Master Qiang na ikinaluwag naman ng muka nila
"Ha, mabuti na lang di mo ba alam na delikado ang ginawa mo " sabi naman ni Feng
"Ah ,oo tama ang ginawa ng dating minsheng ay iniligtas niya ang isang bata na nalulunod dahil na rin sa napakahina niyang katawan ay binawian siya ng buhay" isip ko
"Humihingi ako ng tawad sa ginawa at dina mauulit " sabi ko ng may seryoso sa mga mata
"Hay, oo na "sabi ni kuya feng at napakamot na lang siya sa ulo
Nagkwentuhan kaming lahat, napuno ng tawanan ang malungkot kong kwarto na kung saan simula ngayun ang lahat ng mga taong nasa kwartong ito ay pamilya ko na
Ng matapos ay umalis silang lahat para na rin makapagpahinga ako
"Kakaiba pero napaka swerte ni minsheng dahil mukang mahal na mahal siya ng pamilya niya pero wala pa ring tatalo sa bungangera kong nanay" isip ko hanggang sa nakatulog na ako
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka
"U..umaga na pala at nandito parin ako pero napaka gaan ng katawan ko " sabi ko sabay tayo para maginat ng buto
Habang naguunat ako ay may nakita akong isang box at ng binuksan ko ay isang kimono ito na napakaganda panglalaki at kulay asul ito
"Si..sino kaya magbibigay sakin nito ?" Sabi ko habang binabalikan ko ang mga ala-ala ni minsheng ng biglang may sumagi sa isip ko
"Ah, alam ko na ito yung hiniling ko na regalo sakin ni kuya chen dahil nadistino siya sa malayong lugar" mahinang sabi ko
Kaya inilapag ko ang damit at hinanap ko si Kuya chen para magpasalamat sa kanya habang naglalakad ako ay may napansin akong may naguusap sa pinaka main hall namin pero di ako lumapit
"Alam niyo kung bakit? Dahil sigurado akong kahit na magtago ako ay makikita parin nila ako dahil mga cultivator sila at ako hindi, pagnakita nila ako syempre mahihiya at ipapakilala ako ng kapatid at kung ano ano na magaganap pag ganun" mahinang sabi ko
"In other word that's a Death Flag " isip ko kaya umalis na ako dun at umikot para sa ganun ay bumalik na muna sa kwarto
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Kuya Feng
"Huh? Bakit naglalakad ka kaagad kagagaling mo lang at wala ka pang kasama papaano kung himatayin kana lang bigla ha?"nag-aalalang sabi ni kuya
"Grabe napaka advances naman niyang mag-isip " isip ko
"Huwag kang mag-alala kuya ayus lang ako at malakas na ako hinahanap ko lang si kuya chen para sa ganun magpasalamat ako sa regalong ibinigay niya sakin" sabi ko na ikinakunot ng kilay niya
"Hmmp, humiling ka na naman dun,
pwede naman kahit sakin lang eh " mahinang sabi ni kuya habang nakapout
"Huh?, bakit ganun isa ba siyang brocon" isip ko
"Hay, sumunod ka sakin sigurado akong wala ng kausap yun ngayun " sabi ni kuya habang mabagal ang mga lakad niya
"Teka ,binabagalan niya para sa ganun di ako mapagod, gaano ba kahina ang katawan niya dati?" Isip ko
Pagdating namin ay wala ng kausap si kuya at ng makita kami ay biglang kumislap ang mga mata niya
"Waaahhh, bakit ka naglalakad ha napagod kaba, umupo ka" pagsabi niya nun ay pinaupo niya ako
"A...ayus kana ba ha???"mangiyak ngiyak na sabi ni kuya chen habang si kuya feng ay naiirita
"Ah eh ayus lang ako huwag kang mag-alala " sabi ko sabay ngiti naikinapula naman ng muka nilang dalawa
"Ba....bakit ganyan yung expression nila, kinakabahan ako at nananayo yung balahibo ko" isip ko
"Ahem,mabuti naman,siya nga pala bakit ka naparito?" Mahinang banggit ni kuya chen habang umuupo
"Ah, oo nga pala kuya chen maraming salamat sa damit na ibinigay mo" sabi ko habang nakangiti,nakita kong namumula ang muka nila si kuya chen nakahawak sa bibig niya at si kuya feng naman sa dibdib niya
"Huh??? Ma.....may gi...ginawa ba ako, what the hell is happening" sabi ko sa isip ko habang kinikilabutan na buo kong katawan
"Na..." sabi kuya chen habang naginginig
"Na???, kuya ayus ka lang ba" lalapit na sana ako ng biglang
"Napaka cute mo talaga" pagkasabi niya nun ay niyakap niya ako and he rub his face over my face
"Ikaw na yata ang pinaka magandang nilalang na nakita ko sa buong mundo" dagdag ni kuya chen
"WTF, isa rin siya Brocon" isip ko
"Tsk, tumigil kana ikaw na aso ka" sabi ni kuya feng habang nilalayo niya sakin si kuya chen
"Ano sabi mo aso???? Hindi kana gumagalang ikaw na daga ka " nakakatakot na sabi ni kuya chen
"Hmmp, aso ka naman talaga diba taga sunod at taga bantay" pagkasabi niya nun ay mas lalo lang nagalit si kuya chen
"Ayus lang kaysa sa daga na nakikisiksik kahit saan" pagkasabi niya nun ay nagalit ng tuluyan si kuya feng at nag suntukan sila sa harapan ko
"Napaka yabang mo na ,dahil mataas ang rango mo"sigaw ni kuya chen
'Eh, ikaw porket nanalo ka lang sa digmaan ganyan kana" sabi naman ni kuya feng
"Huh? Kailangan ko ng Popcorn "isip ko habang nanonood ng martial art movie
Maya-maya ay biglang may sumigaw sa kanila
"MAGSITIGIL NA KAYO!!! " Isang nakakatakot na boses ang yumanig sa buong main hall na ikinanginig ng kamay ko
"Huh?, ano toh bakit ako nanginginig? Takot ba toh?" Isip ko habang nakatingin sa kamay ko
"Tumigil na kayo nasa sagradong lugar kayo nag-aaway at sa harap ng bunso niyong kapatid " galit na sabi ni Papa
Kaya umayus sila ng upo na halatang natatakot ng sobra
"Hay, ayus ka lang ba?" Tanong sakin ni papa
"En, ayus lang ako, at huwag na rin kayong magalit kasi away magkapatid lang po iyan" sabi ko na palaging sinasabi dati ni minsheng pag nagaaway ang dalawa
"Hay, sabi ko na yan ang sasabihin mo" sabi ni papa habang nakasalampak ang muka sa kamay niya
"Pero , kayong dalawa magsulat kayo ng buddism ng 100 peraso " sigaw na sabi ni papa na ikinalugmok ng dalawa
"Waaahh, kakauwi ko lang bakit di mo na lang gawing 40 yung akin" iyak na sabi ni kuya chen habang nakakapit sa paa ni papa
"Pweh, huwag mo siyang pakinggan papa sigurado akong pupunta siya sa bahay aliwan " pahabol na sabi ni kuya feng
"Anong sabi mo hoy, kahit kailan ang mandirigma ay hindi pumupunta sa ganun lugar" sabi ni kuya chen habang namumula ang muka
"Alas, ano bang gagawin ko sa inyo " sabi ni papa
"Sige mas mabuting kalimutan niyo na lang ang sinabi ko at magpahingan na kayo" dagdag niya na ikina saya ng dalawa
"Mapagpatawad si papa" isip ko habang nakangiti
"Siya nga pala minsheng may dumating na sulat galing sa palasiyo " sabi ni papa habang umupo
"Huh?, sa palasyo" takang tanong ko
"Ano naman kinalaman ni minsheng sa palasyo?" Tanong ni kuya chen
"Alas, sinasabi sa sulat na kailangan ni minsheng dun mag-aral " malungkot na sabi ni papa
"Huh?? Anong doon, mahina ang katawan ni Minsheng kaya imposible na makaya niya dun mag-aral" nag-aalalang sabi ni kuya feng
"Tama, at bakit si minsheng dapat mag-aral kung pwede ako na lang handa kong bitawan ang puwesto ko" mariil na sabi ni kuya chen
"Hay, pero wala tayong magagawa inutos ito mismo ng hari na ang lahat ng anak na bunso na lalaki ng minister ay kailangan mag-aral sa palasyo upang magsilbi rin sa kanya" malungkot na sabi ni papa
"Ano!!!, hindi pwede yan sigurado akong gusto lang niya makuha ang mga anak ng minister para sa ganun gawin niyang bihag upang walang makapagtaksil sa kanya " galit na sabi ni kuya chen habang nakayukom ang kamao niya
"Tama siya yun nga ang inisip ni Bingwen para na rin sa kaligtasan niya upang masiguro niyang walang magtatraydor sa kanya, nagsisimula na kaagad ang kwento" isip ko habang nakatingin sa kawalan
"Alas, wala tayong magagawa kung hindi natin susundin ay maaring maparusahan tayo ng kamatayan" malungkot na sabi ni papa
"Ka...kamatayan " isip ko ng maalala ko ang sinabi ni oliver na kailangang kong ingatan ang buhay ko dito dahil pagnamatay ako dito ay sa langit na talaga ang tuloy ko
"Papa, mas mabuti kung susundin natin ang pinag-uutos ng hari " matapang na sabi ko na ikinagulat nilang lahat
" pumapayag ka?,di mo ba alam pag nag-aral ka sa palasyo ay tuturuan ka rin nilang humawak ng espada " alalang sabi ni kuya feng
"Tama siya sigurado akong mabigat ang mga pagsasanay na gagawin niyo dun at maaring hindi kayanin ng katawan mo" sabi naman ni kuya chen
"Pero kahit na ganun kailangan parin nating sumunod dahil mas mahalaga kayo sakin kaya ako naman ngayun ang proprotekta sa inyo, tsaka ayus na rin iyun para lumakas lakas ang katawan ko " sabi ko sabay ngiti sa kanila para mapakita ko na ayus lang ako
Pero nakita kong naiiyak na ang tatlo
"Huwaaaahhh, ang Minsheng namin ay lumalaki na " iyak na sabi ni kuya Feng
"Napaka saya ko sobra " sabi ni papa habang maluha sa mga mata niya
"Tsk, mag....magiingat ka siguraduhin mong di ka magpapaapi dun" mangiyak ngiyak na sabi ni kuya chen
"En, wag kayong mag-alala, hindi ko hahayang madungisan ang pangalan natin " sabi ko na ikinangiti naman nila
"Don't worry pamilya ko na kayo ngayon kaya ako na ang bahala sa inyo ,kahit na isang extra lang ako dito sa story ko ,sisiguraduhain kong maganda parin ang buhay natin" isip ko
____________________________
******************
[Author's Pov ]
•Minna~san maraming salamat sa lahat ng mga nagbabasa don't forget to like my story na mas lalong makakapag motivate sakin once again
Thank you very Much ♡♡