"My father always used to say that when you die, if you've got five real friends, then you've had a great life."
– Lee Iacocca –
~~~~~~~~~~~~~~~~
Micah Ella's Point of View
INALALAYAN ko si Abril tumayo dahil uuwi na kami, nalulungkot akong nakatingin sa kaniya, tahimik lng siya at malungkot ang mga mata.
"Tara na." yaya ko sa kaniya na nginitian niya lng ng bahagya saka tumango.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
@Abril's Dorm
"Ayos ka na ba talaga?" tanong ko pa sa kaniya pagkapasok nya ng dorm.
Lumingon siya at ngumiti, ngiti na may assurance.
"Okay na ko, pwede ka ng umuwi anong oras na, ingat." saad niya sabay kaway sakin, nag alinlangan pa akong kumaway saka niya sinara ang pinto, pero di pa ko umalis don at pinakinggan ko siya mula sa loob.
Mula so loob naririnig ko yung mga iyak niya, Salamat sa lahat Abril.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan
"Ellabi!" masiglang bati sakin ni Abril na ikinangiti ko, kahit nakangiti siya kita ko ang pagod sa mga mata niya, isa yon sa nagpapalakas ng loob ko, dahil kahit pagod na siya lumalaban padin siya, kahit na may problema siya hindi niya magawang makisabay sa lungkot kundi mas ngumingiti pa siya para samin.
"Tara na?" tanong niya habang nakangiti sakin, nginitian ko siya tsaka tinanguan.
Habang naglalakad kami di ko maiwasang hindi mag alala sa kaniya dahil halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya, isa kasi siya sa pinaka active student dito sa school kaya kilala din siya.
"Wag kang mag alala sakin ayos lng ako." saad niya habang deretsong nakatingin sa dinadaanan namin, kaya naman tumango na lng ako kahit di siya nakatingin sakin.
Sana maging ayos na ang lahat.
Nathan's Point of View
"SIGURADO ka bang si Abril ang nag post nun?" tanong ko sa kaniya, nandito kami sa rooftop pinaguusapan ang nangyare kahapon.
"H- hindi." sagot niya sabay yuko.
"P-pero, diba sabi mo inis siya sakin? Ikaw nagsabi non, tsaka isa pa pangalan niya yon, andon din mga pic niya." dugtong pa niya.
"Di mo ba kilala si Abril?" tanong ko sa kaniya na ikinatikom ng bibig niya.
"Di ko na sure, since nalaman ko na may inis siyang nararamdaman sakin, di ko na sure kung kilala ko pa sya." sagot niya habanh nakayuko.
"Steph, si Abril ang tipo ng tao na tinatago niya nararamdaman niya para walang gulo, kung di man niya mapigilan bigla bigla ka niyang paprangkahin, hindi siya mag kakalat ng personal na problema sa social media." paliwanag ko na mas lalong ikinayuko niya.
"Ano bang dapat kong gawin?" tanong niya pa sa nag aalalang tono.
"Nasaktan ko siya." dugtong niya pa.
"Hindi lng ikaw ang nakasakit sa kaniya, kundi tayong lahat." saad ko pa na ikinatingala niya.
"Anong nangyare sa kaniya kahapon?" tanong niya pa na ikinabuntong hininga ko.
"Umatake ang trauma niya kahapon pagka alis mo." sagot ko sa kaniya sabay tingin sa baba at don nakita ko sila Manang at Abril na sabay na naglalakad, nginingitian ni Abril si Manang pero, parang may kulang sa ngiti niya, parang pagod na siya.
"May trauma siya?" takang tanong ni Steph na ngayon ay nakatingin na din sa kanila Abril sa baba.
"Oo, natakot siya kahapon sa tingin ng mga studyante sa cafeteria, tsaka isa pa, siguro pagod na siya." sagot ko sa kaniya na ikinalingon niya.
Bumuntong hininga ako at saka iniunat ang mga braso ko.
"Tara na pasok na tayo." yaya ko sa kaniya.
.
.
.
.
.
.
Ate Quiin's Point of View
"You are part of my story, memory and scenery, thank you."
-Kim taehyung
Basa ko sa isang sulat na binigay samin ng doctor, nakita daw to sa damit nung kaibigan namin, napahagulgol ako dahil sa nabasa.
Ito yung isa sa pinaka favorite line niya, lagi niya tong sinasabi samin. Lagi niya tong kina Calligraphy.
Pinapasok kami nung doctor sa purgatoryo, at pinakita yung muka nung nasa table.
Napapikit ako at saka humagulgol, rinig ko din ang iyakan ng iba samin.
Napamulat ako ng mata at naramdaman ko yung luha na tumulo mula sa mata ko.
"Ate Quiin okay ka lng?" tanong sakin ni Jamaica kaya napalingon ako sa kaniya.
"O-oo, ayos lng ako." Saad ko at saka tumingin sa harapan ko at pilit na inalala yung panaginip ko, nakatulog pala ako.
"Si Abril nasaan?" tanong ko sa kaniya.
"Ayun oh!" sagot niya habang nakanguso paturo kila Ella at Abril na papasok ng room.
.
.
.
.
.
.
Kahit na magkakasama kami sa iisang room hindi na kami ganoong nakakapagusap, karamihan sa kanila ay umiiwas.
"Magulo na tayo." kumento ni Mark habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.
"Sobra." dugtong ko pa
"Anong nangyare kahapon kay Aprielle? Balita ko dinala siya sa clinic ahh." tanong niya sakin.
"Ah, may nangyare lng." malungkot na sagot ko habang nakatingin kay Abril na nakangiti sa kin.
"Hi ate Quiin." masiglang bati niya sakin na nginitian ko lng.
"Wag mo kong tignan ng ganan Ate Quiin, ayos lng ako." assurance niya ikinatango ko na lng sabay tingin ko sa bagong pasok.
Si Steph at Nathan.
Nakita ko pa ang pag iwas ni Steph ng tingin kay Abril pagpasok neto.
"Ano Abril ayos ka na?" tanong naman ni Nathan pagka lapit samin.
"Oo naman, ayos na ayos." sagot niya habang nakangiti.
"Hindi siya okay." rinig kong bulong ni Mark kaya napalingon ako sa kaniya at nakita siyang seryosong pinagmamasdan si Abril, di sya okay pero nagagawa niya pading ngumiti, nakakalakas ng loob.
.
.
.
.
Uwian
Dumating ang uwian ang tanging nakausap ko lng ay sila Mark, Nathan, Jamaica, Ella at Aprielle.
Si Yuri absent
Si Ken absent
Si Steph, Ann, at Hannah umiiwas
Di ko alam kung pano na sila kakausapin.
@Nathan's house.
"Hi Kaye!" bati ni Abril sa bunsong kapatid ni Nathan.
"Hi ate Aprielle." bati nito pabalik at saka bumalik sa pagsasagot ng assignment.
"Good afternoon po ate Nathalie." kaniya kaniyang bati namin ng lumabas ng ate ni Nath mula sa kusina.
"Oh buti napabisita kayo ulit, tagal na nung huli niyong bisita ah." bati niya samin pabalik, nag tinginan kami sa isa't isa, nginitian ko siya at saka tumingin kay Abril.
"Naging busy lng po kami." sagot ko sa kaniya.
"Bakit hindi kayo kumpleto?" tanong pa niya habang isa isa kaming tinignan.
"Ate magluto ka na nga lng dun, apaka chismosa mo eh." sabat ni Nathan na kakadatin lng pagkatapos mag palit ng pangbahay.
"Nagtatanong lng, apaka sungit." reklamo ni Ate Nathalie.
.
.
.
.
Bumisita lng talaga kami dito para makikain, bonding na din since matagal kaming hindi nakapagsama sama.
Kaso ang awkward .
.
.