"I'm wondering are you my best friend?, feels like a river rushing through my mind, I wanna ask you if this is all just in my head, my heart?"
-Kim Taehyung (Sweet Night)
~~~~~~~~~~
Ann's Point of View
PINANOOD kong umalis sila Aprielle at Yuri don sa may parking lot saka ako sumunod kila Hannah.
"Hannah wait." tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya.
"Pupunta ka ba kay Blez?" tanong ko sa kaniya kaya tumango naman niya.
"Sama ako, pwede?" tanong ko sa kaniya na alanganing lumingon kay ate Mary Jane, ate ni Blez.
"Okay lng, tara na?" saad ni Ate Mary Jane kaya naman nagtuloy na kami ng lakad.
"Anong nangyare?" tanong ni Hannah sakin.
"Anong, anong nangyare? " patay malisya ko sa tanong niya.
"Ann, alam mo kung anong sinasabi ko—"
"Walang nangyare." putol ko sa sasabihin niya at saka binilisan ang lakad para makasabay kay ate Mary Jane.
Maski ako di ko alam ang nangyare. Basta ang alam ko lng nagising akong, wala na.
Columbarium.
Pinatong ko na yung bulaklak na binili ko sa flower shop sa ibabaw ng thomb ni Blez.
'Hi, Blez, sorry if di ko nagawa yung promise ko. I'm so sorry.' saad ko sa isip ko.
" Hi Blez." rinig kong banggit ni Hannah kaya napalingon ako sa kaniya, malungkot siyang nakatingin kay Blez.
"Sorry, di ko natupad pangako ko sayo." saad niya habang nagpipigil ng hikbi.
Napaiwas tingin naman ako at saka kinagat ang pang ibabang labi, pareho lng kami ng nararamdaman.
Tumalikod na ako at maglalakad na sana palabas ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Masaya bang magpatay malisya? Na para bang walang nangyare? Na para bang walang nawala?, Na para bang wala kang kasalanan kay Blez?" saad niya na nakapag pabalik sakin sa nakaraan.
*Flashback
"Wag mo kong talikuran, Ann." saad sakin ni Blez habang hawak hawak ang braso ko, pinipigilan akong umalis.
"Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan ka?" tanong ko sa kaniya.
"Yan ang isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa inyo ehh, ramdam kong may mali sakin." saad niya pa kaya napa palatak ako ng dila.
"Karapatan nilang malaman, kaibigan ka namin, natural lng na mag alala kami." naiinis kong saad sa kaniya.
"Please, Ann nagmamakaawa ako, wag mong sasabihin sa kanila, sawa na akong makarinig ng mga comfort words, yung sasabihin na magiging okay lng ang lahat, kaya mo yan, sawa na ako Ann." saad niya pa kaya napa kamot ako sa baba ko.
"Sige go hinahayaan kita, patayin mo sarili mo, labas na ko dan." saad ko sa kaniya saka naglakad paalis.
"Ann wag ka naman ganiyan." saad niya pero di ko siya pinansin.
2 days after that nag text sakin ang number niya.
'Ann, this is Mary Jane older sister of Blezy, we're at the hospital, it is about Blez.'
Saad sa text kaya, naman labis ang kaba at pag aalala ko kaya nagmamadali akong pumuntang hospital.
"Ann?Saan ka punta?Sama ako." saad ni Stephanie na nakasalubong ko palabas ng school, di ko sya pinansin at nag deretsi nalng ng lakad.
"Bakit ka naiyak?" takang tanong saki ni Steph pag kaupo namin sa jeep. Dali dali kong kinapa yung muka ko at basa nga ng luha.
'Oh please hope Blezy is okay.' saad ko sa isip ko.
Hospital
"Blezy Quinio." saad ko sa counter.
"Uhmm, what is your relation to the patient?" tanong niya sakin.
"I'm her friend." sagot ko na ikinatanong niya.
"Ann!" rinig kong sigaw mula sa malayo, doon nakita ko ang kambal na ate ni Blez, si ate Mary Jane at Mary Joy naiyak.
"Asan si Blez?" tanong ko sa kaniya.
Pero humikbi lng sila.
"Wag kayong ganiyan, asan siya?" tanong ko sa kanila yumuko lng sila at nag lakad papunta kung nasaan man si Blez.
Morgue
Basa ko sa kwarto na tinigilan namin.
"Asan siya?" tanong ko sa kanila, pero wala akong nakuhang matinong sagot.
'Hindi wala siya dyan sa loob.' kumbinsi ko sa isip ko.
"Blezy did her best, lumaban siya." naiyak na saad ni Ate Mary Joy kaya napabuntong hininga ako at nanginginig ang kamay na binuksan ang pinto papasok.
Nanlalambot yung katawan ko, feeling ko anytime tutumba ako.
"Tara na Ann?" saad ni Stephanie sabay hawak sa kamay ko, kaya naman tinanguan ko siya at saka pigil ang luhang nag lakad palapit sa isang malaking bintana na pinapakita yung nasa loob.
Nakahiga sa mortuary ang isang bangkay habang may nakabalot puting kumot sa ibabaw.
Tumango ako dun sa doctor sa loob bilang go signal na ipakita sakin.
"Oh my gosh." tanging saad ko at saka napa luhod.
*End of Flashback
"Narinig kita noon sabi mo kay Blez na hahayaan mo siyang patayin niya ang sarili niya." saad niya kaya napatingin ako sa mata niya.
"Wala kang alam sa nangyare. Narinig mo ba ng buo?" tanong ko sa kaniya. Pero wala akong narinig na sagot.
"Wag magsasalita o mag iisip ng kung ano lalo na't di mo pala narinig ng buo." dugtong ko pa at saka nag lakad na paalis.
"Pero, di mo natuoad yung pangako natin kay Blez." rinig kong bulong niya kaya napahinto ako.
"Lahat tayo hindi natupad yun, Promises were meant to be broken anyway." sagot ko sa kaniya at saka nag lakad na palabas nakita ko pa si Ate Mary Jane sa tabi ng pinto.
"I'm sorry." she mouthed.
"Okay lng." sagot ko sa kaniya saka ko siya nginitian at umalis na.
"Ann?" rinig kong tawag sakin ng pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa pinanggalingan nun, ang barkada.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Ken, umiwas lng ako ng tingin sa kaniya at saka kinagat ang pangibaba kong labi.
"Wala." tugon ko at saka umalis na dun, walang lingon lingon.
Habang naglalakad ako pauwi ay namukaan ko si Yuri sa di kalayuan papasok sa isang gusali, Ospital rather.
"Anong namang gagawin niya dito?" tanong ko sa sarili ko saka siya sinundan papasok. Pero syempre di ako pumasok dito lng ako sa labas hintayin ko siyang lumabas.
An hour after.
"Ann?" rinig kong tawag sakin ni Yuri kaya naman napatayo ako at saka pinagpagan ang pwetan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya pero umiwas lng siya ng tingin.
"T–teka ako nga dapat mag tanong sayo nan eh." saad niya pa saka napakamot sa ulo.
"Ano ngang ginawa mo dito?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Basta, sige uwi na ko inaantok na ko gusto ko ng matulog." saad niya na ikinangiwi ko.
"Ge uwi ka na, apaka antukin talaga kahit kailan." kumento ko na nginitian lng niya saka nag paalam ulit na umalis.
"He's strong." biglang saad nung tumabi sakin.
"Po?" tanong ko sa kaniya , isang doctor.
"Him, Yuri, his your friend right?" tanong niya sakin.
"Uhh, yes?" alanganing sagot ko saka siya sakin tumingin at saka ngumiti.
"I wonder how he manage to walk without collapsing, well as a victim narcolepsy his amazing." saad ng doctor na ikinagulat ko.
(Narcolepsy: a chronic sleep disorder characterized by overwhelming daytime drowsiness and sudden attacks of sleep.)
"His a what?" tanong ko pa ulit.
"Haven't he talked about his illness?" tanong niya pa na mas lalong ikina kunot noo ko.
"Sorry, I didn't know— uhh, I need to finish some work mind if I'll go?" saad niya pa kaya tinanguan ko siya.
Napalingon ako sa nilakaran ni Yuri.
It felt like De ja Vu.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(ENJOY)