Chereads / GIVEN TIME / Chapter 6 - Sixth Time

Chapter 6 - Sixth Time

"When things get hard, stop for awhile and look back and see how far you've come. Don't forget how rewarding it is. You are the most beautiful flower, more than anyone else in this world."

-Kim Taehyung

~~~~~~~~~~~~~~~

"NATHAN bantayan mo nga si Yuri." pakiusap ko kay Nathan habang nandito kami sa may  counter sa cafeteria.

"Bakit ano bang mernon?" tanong niya sakin habang nakuha ng pagkain.

"Tignan mo kasi." sabi ko sa kaniya sabay turo kay Yuri na tutungka tungkang kumakain.

"Baka puyat?" saad niya sabay balik sa pag kuha ng pagkain, kaya ganun na lng din ang ginawa ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Anong meron?" biglang singit ni Ken habang nakain kami, kaya naman nakatingin kaming lahat sa kaniya.

"Anong, anong meron?" takang tanong ni Ate Quiin.

"Wala lng, kamusta kayo?" tanong niya kaya naman napabusangot ako.

"Really? Tinatanong mo yan?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Bakit? Nagtatanong lng naman." saad niya pa at saka sumubo.

"Okay lng naman kami." sagot ni Ate Quiin habang patuloy nading kumakain.

"Panong okay? Patingin" biro ni Ken na ikinatigil ko, saka ako tumingin sa kanilang dalawa.

"Ken umayos ka kung ayaw mong tusukin ko ng tinidor yang dila mo ha." reklamo ni Ate Quiin.

"Nagagalit si memey." pabaklang saad ni Ken na ikinangiti ko ganun din naman ang iba, kahit papano hindi pa din naman pala nagbago si Ken.

"Wag kayong magulo at kumain na lng kayo." sungit pa ni Kuys Mark sa kanila pero di natinag si Ken.

"Seselos ka baby Mark? Alam mo naman ikaw ang pinaka babe ko sa lahat diba?" landi ni Ken dito with matching haplos sa braso na ikinangiwi ni Kuys Mark kaya mas natawa ako, ganun din ang iba.

"Tanong ko lng." panimula ko kaya nagtinginan silang lahat sakin.

"Pano mo nakita si Diosa dun sa bar?" dugtong ko na ikinasamid niya.

"Nakita namin siya." Singit ni Kuys Mark habang nakatingin kay Diosa na matamang nakikinig sa usapan.

"Papunta kami sa columbarium ni Blez nung makita namin siya, kaya sinundan namin siya at yun nga nakita namin kung san siya pumasok. Pinabantay ko siya kay Ken kaya absent si Ken nung nakaraang araw." paliwanag niya pa.

"Guys sorry talaga." saad ni Diosa habang nakayuko.

"Okay lng yan, kaibigan ka parin naman namin." saad ni Ellabi saka ngumiti.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A week after.

Everything went back to where it all started except for one, umiiwas parin sila Ann, Hannah at Steph.

"Ano ba!" sigaw ni Kuys Mark kila Nathan at Ken na naghaharutan.

Nandito kaming lahat sa rooftop.

"Yan kasi ang kukulit niyo." singit ni Ate Quiin na ngayon ay nagbabasa ng isang libro, alangan namang dalawa diba?

"Para kasing bano tong si Ken." reklamo ni Nathan kau Kuys Mark.

"Ikaw naman Bebe Nathan ayaw mo na na sakin?" Maharot na saad ni Ken na ikinangiwi ko pa saka ako umiling at bumalik sa pagse cellphone.

"Para naman kayong mga bangag nan eh." rinig ko pang saad ni Kuys Mark sa naiinis na tono.

"Guys—ano yung pinapalibutan nila sa baba?" tanong ni Jamaica na nakasilip sa baba at may tinitignan.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko pa at saka nakisilip na din sa baba may kumpol ng estudyante na parang may pinapanood.

"Guys!!!" sigaw ni Ellabi at Diosa na kakaakyat lng at hingal na hingal.

"Oh bakit hingal na hingal kayo?" takang tanong ni Ate Quiin sa kanilang dalawa.

"Si Steph." saad ni Diosa sa hingal na boses.

"Anong meron kay Steph?" singit ni Kuys Mark.

"Pinagtutulungan siya sa baba." saad ni Ellabi kaya naman nagakatinginan kami ni Jam at sabay na napatingin dun sa kumpol ng mga studyante.

Shit.

Agad kaming nag babaan at saka dumeretso dun sa kumpol ng studyante.

"Excuse, excuse." saad ko habang sumisingit.

"Ah Putek, tabi!" inis na sigaw ni Kuys Mark kaya naman natahimik yung mga bulungan at saka kami binigyan ng daan papunta sa gitna.

At don nakita namin si Steph na magulo yung buhok at puro kalmot sa braso at pisngi magulo din yung uniform niya.

"What the hell?" saad ni Diosa mula sa likuran.

Nahagip pa ng mata ko ang paglapit ni Ellabi sa gitna at pumagitna dun sa kaaway ni Steph.

"Oh look who's here?" maarteng saad nong babae saka lumingon sakin.

"Stephanie's oh so good friends, Look at the bitch friend of yours." saad niya habang nakangisi at nakatingin sakin.

"Right Aprielle? She's a bitch —." naputol ang sasabihin niya ng sinampal siya ni Diosa.

"Isa pang sabi ng bitch kay Stephanie matatanggalan ka ng ngipin." banta ni Diosa s kaniya pero ang bruha ngumisi lng.

"I'm not talking to you bitch, shut the fuck up, I'm talking to you Aprielle." saad niya pa pero di ko siya pinansin at naglakad na lng palapit kay Steph na ngayon ay inaalalayan ni Ellabi tumayo kaya sinubukan ko ding tumulong pero itinulak lng ako ni Steph at saka tinignan ng masama.

"This is all your fault." madiin na pag kakasabi niya nginitian ko lng siya saka tumingin kay Ellabi at tinanguan siya.

"Ikaw na bahala sa kaniya." saad ko sa kaniha na ikinatango lng niya.

"Aprielle." saad ni Diosa sabay hawak sa likod ko, pinanood ko lng na makalad papalayo sila Ellabi at Steph.

"What a scene." biglang sabi nung babae kaya naman lumapit ako sq kaniya.

"Ikaw gumawa non noh?" tanong ko pa sa kaniya habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"Abril." pigil sakin ni Ate Quiin pero pinigilan ko siya.

"Isn't obvious? Oo ako yung may gawa kung bakit ganun itsura niya, So what? As if you care? Nag post ka pa nga against sa kaniya right?" sagot niya pa.

"Ikaw nga may gawa." saad ko at saka siya binigyan ng isang malutong na sampal.

"Back off." banta ko sa kaniya at saka nag walk out.

"Anong pinagsasabi mo dun kanina Abril? Bangag ka ba?" tanong ni Nathan sakin.

"Siya yung nagpost about kay Steph." simpleng tugon ko at dumeretso sa clinic.

"Muka nga." sang ayon ni Kuys Mark sakin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Bat ka nandito?" bungad sakin ni Steph.

"Hindi ba ako invited?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Ayaw kitang makita." seryosong saad niya, ngumiti lng ako at saka tumango.

"Paki balitaan na lng ako." Sabi ko kay Jamaica na ikinatango niya lng saka ako lumabas ng clinic.

Mula sa malayo nakita ko si Hannah na papuntang parking lot kaya napakunot noo ako at sinundan siya, at labis yung pagtataka ko kung bakit kausap niya si Mary Jane, ang ate ni Blez

.

.

.

.

.

"Hoy!"

"Ay potek ka." saad ko ng gulatin ako ni Yuri.

"Anong ginagawa mo dito? Asan ang iba?" tanong niya sakin.

"Tss puro tulog kasi inaatupag, nasa clinic sila binabantayan si Steph." saad ko

"Eh anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.

"Sinundan ko si Hannah." saad ko habang nakatingin kila Hannah at Mary Jane na paalis.

"Sinisisi siguro niya yung sarili niya sa pagkawala ni Blez.

"Lahat tayo, sinisisi sarili natin sa pagkawala ni Blez.

*Flashback

"Ann!" tawag ko sa kaniya kaya napalingon agad siya at don, nakita ko ang sakit sa mata niya habang patuloy siyang lumuluha.

"Anong nangyare?" tanong pa ni Ate Quiin kay Steph na ngayon ay nakatulala lng pero patuloy na tumutulo ang luha.

*

"S-si Blez." nanghihinang saad ni Ann at napaupo na lng sa sahig. Napasapo ako sa bibig ko at pinigilan ang paghikbi.

"Berta di magandang biro to, Steph ano na!?" naiiyak na saad ni Ate Quiin.

"Hindi, mali yung naiisip namin diba? Sabihin niyo? Ayos naman si Blez diba? Andyan lng sya sa isa sa mga kwartong yan pero ayos lng sya diba?" saad ni Hannah kay Berta habang hawak to sa magkabilang pisngi at matamang nakatingin sa mga mata nito, pero umiling lng siya at yumuko sabay humagulgol. Yung mga lalake naman ay tahimik lng at malayo ang tingin.

"Anong nangyare sa kaniya?" saad ko sa pagitan ng hikbi ko.

Di niya ako sinagot bagkos inabot niya lng sakin yung papel na hawak niya.

October 26, 20**

Dear Charlies,

I might be gone by now kung sakaling mabasa niyo to. Wag kayong umiyak, sige kayo papanget kayo.

Wag niyo kakalimutang mahal ko kayo, XD Bawal kayong magjowa ha! Ang magkajowa sa inyo mumultuhin ko XD.

Matagal na akong may sakit. Hindi ko lng sinabi sa inyo since ayokong mag alala kayo.

I'm a victim of Pancreatic Cancer.

Please do favor for me.

Stay,

palakasin niyo ang barkada natin, don't ever let go. Please.

Sincerely Yours

Blezylynne Quinio

.

.

.

Sa puntong to, ramdam ko, mawawala ang lahat, naramdaman ko, pero wala akong ginawa, pinanood ko lng lahat masira.

.

.