Aprielle's Point of View
WALANG nagiimikan sa amin habang nakain, kaya naman inunahan ko na.
"Kamusta naman po kayo ate?" tanong ko sa ate ni Nathan.
Napahinto naman siya sa pagkain sakin at gulat na nakatingin sakin.
"Ako?" tanong niya with matching turo pa sa sarili, kaya tinanguan ko siya habang nakangiti.
"Okay lng namab ako, si Nathan ang hindi ko alam kung ayos lng." sagot niya sabay tingin kay Nathan.
"Tss, yuks ayos lng kaya ako ." sabat pa ni Nathan kaya naman napangiti ako, ayos na nga siya.
"Kayo? ayos lng ba kayong magkakatropa?" tanong niya pabalik samin na nakapagpatigil sa ibang kumain at nagtinginan naman sila sa isa't isa.
"Ayos lng nam—."
"Kung ano man yang problema niyo, matatapos din yan, wag niyong takbuhan, harapin niyo. Di pa naman end of the World kapag hinarap niyo yang problema niyong magbabarkada, hindi sa nakikialam ako pero, ramdam kong unti unti ng nawawala ang tropa niyo, sayang ang nga pinagsamahan nyo." Putol niya sa sasabihin ni Ate Quiin kaya naman napayuko ito.
"Kain na ulit kayo huy." agaw pansin ko sa kanila, kaya naman nagsikainan na nga sila ulit.
.
.
.
.
.
.
"Dapat nga mapag usapan natin to." Komento ni Kuys Mark habang naglalakad kami ng sabay sabay.
"Sa tingin ko nga din." sagot ko pa.
Sabay sabay kaming napatingin kay Ellabi ng tumunog ang phone niya.
"Si Ken" inform niya samin kaya naman sinagot na niya ito at ni loud speaker para dinig namin.
"Ella! nasaan ang barkada?!" pasigaw na bungad niya sa kabilang linya.
"Magkakasama kami." sagot ni Ate Quiin.
"Si Diosa." sabi niya kaya nag tinginan kami sa isa't isa.
"Anong balita sa kaniya?" tanong ni Kuys Mark kaya naman napakunot noo ako, may alam ba siya?.
"Punta kayo dito, di ko sure kung talagang siya yun, pero malinaw pa naman mata ko kahit na madaming tao dito alam kong malinaw padin mata ko." sagot niya.
"Saan yan?" tanong ni Ellabi.
" Text ko address hintayin ko kayo dito." sagot niya pa kaya pinatay na niya ang tawag at di nagtagal ay sinend na nga niya yung address.
"The Unknown Bar; *** Street, *** City."
Mas lalo akong napakunot noo ng makita ang address.
"Ano namang ginagawa niya sa ganiyang lugar?" takang tanong ko.
"Puntahan na lng natin." kumento ni Nathan na sinang ayunan lng namin.
@The Unknown Bar
"Ken!" sabay sabay na tawag namin sa kaniya.
"Tara sa loob." yaya niya kaua naman sumunod din agad kami sa kaniya papasok sa loob.
Sa pinto pa lng amoy na yung alak at sigarilyo, sakit sa ilong potek.
"Asan siya?" saad ko pagka pwesto namin sa may counter.
"Wait lng kayo." Saad niya at inilibot ang mata niya.
"Dun sa dulo pangalawang table mula sa kaliwa." saad niya kaya naman sinundan ko kung saan siya nakatingin at don nag init ang ulo ko sa nakita ko.
"Abril!" rinig kong tawag nila sakin pero di ko sila pinansin.
Bakit naman dito pa?
Hinablot yung kamay niya tsaka inilayo dun sa lalakeng may edad na naka akbay sa kaniya.
"A-Aprielle." rinig kong saad niya.
"Who are you?!" pa asngat na saad sakin nung lalake pero di ko siya pinansin at hinila na lng si Diosa palayo dun.
"What the hell are you doing?!" rinig ko pang sigaw nung lalake pero di ko siya nilingon kundi itinaas ko yung pang gitna kong daliri, f*ck you, jerk.
"Sunod kayo sa labas." saad ko sa tropa pagkadaan ko sa kanila at dere deretsong hinila palabas si Diosa.
"Aprielle bitiwan mo ko." naiinis na saad niya pero di ako natinag at mas hinila pa siya palabas, nakasunod lng ang barkada hanggang makapunta kaming parking lot.
"Ano ba!" saad niya ng padabog kong bitawan yung kamay niya.
"Ano yun?!" inis na tanong ko kay Diosa na ngayon ay nakasimangot.
"Bakit ba? Ano bang pake niyo?" tanong niya sakin pabalik kaya naman napa awang ang labi ko.
"Ilang buwan kang nawala, hindi ka nagpaparamdam, ni hi ni ho wala." saad ko sa kaniya habang nagpipigil.
"Masyadong nakatuon yung pansin niyo sa pagka wala ni Blezy kaya yung iba nating kasama di niyo napapansin. " napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Bakit? Hindi ka ba nasaktan sa pagkawala niya?" tanong ko pabalik sa kaniya na ikinayuko niya lng.
"Bakit sa lahat dito pa?!" naiinis na tanong ko sa kaniya.
"Bakit?!" dugtong ko pa pero di siya sumagot.
"Diosa sa lahat, ikaw yung pinaniniwalaan kong di gagawa ng ganto, kasi kilala kita, —I'm disappointed." saad ko pa na ikinangisi lng niya.
"Edi wow?! Disappointed ka? Wala akong pake, matagal ko ng alam na disappointment lng ako sa pamilya ko at kahit sayo, akala ko pa naman na maiintindihan mo ko, hindi pala. O ano kung dito ako nagta trabaho sa ganto? Kung mapigilan mo ko? Kaya mo ba akong buhayin?" saad niya sakin na ikinatahimik ko.
"Isa lng masasabi ko, para sakin wala ka ng kwentang kaibigan." saad niya pa
"Diosa." suway sa kaniya ni Ellabi pero inilingan ko lng siya.
"Bakit? Hindi ba? Ikaw yung kaisa isang taong nakaka alam ng problema ko, ikaw yung akala ko kaisa isang taong alam kong makakakilala sakin, hindi pala." dugtong niya na ikinangiti ko.
"Tapos ka na?" tanong ko pa sa kaniya na ikinatahimik niya, mas lalo akong ngumiti at lumapit sa kaniya tinignan niya lng ako sa mata kaya mas lalo akong ngumiti.
"Sorry." simpleng saad ko na ikinagulat niya, mas lumapit ako sa kaniya at saka siya niyakap habang paulit ulit na sinasabi ang salitang sorry.
Hindi siya yumakap pabalik pero ramdam ko ang pagyugyog ng balikat niya. Nakatingin lng samin ang grupo kaya nginitian ko na lng din sila, and with that lumapit din sila para yumakap samin.
I miss this group hug.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan
Sabay sabay kaming pumasok ngayong umaga.
Medyo maayos naman ang takbo ngayong araw dahil nandito nadin si Diosa. Ang kaso nga lng,
Umiiwaas padin sila Ann, Steph at Hannah.
At speaking of Yuri andito nadin siya pero tulog na naman.
"Sana talaga umayos na ang lahat." rinig kong sabi ni Ellabi sa tabi ko.
"Magiging maayos din ang lahat." saad ko at saka nginitian siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
1 week after.
Isang linggo na ang nakaraan pero wala padin nagbabago.
"Sa tingin mo ayos lng si Yuri?" tanong sakin ni Jam na ngayon ay nakatingin kay Yuri na tutungka tungka.
"Di ko nga din alam dyan." sagot ko pa at saka pinagmasdan si Yuri na makatulog.
.
.