MASAYA naman ang lahat noon, anong nangyare?
"May balita na ba kayo kay Diosa?" tanong ni Ellabi sakin pagkapasok namin sa bahay niya.
Katulad ni Nathan di din namin makontak si Diosa, wala din kaming balita mula sa pamilya niya, di nila alam kung nasaan siya.
"Wala pa din kaming balita sa kaniya." sagot ko at nginitian siya at umupo na sa isang couch sa sala niya.
"Anong nangyare satin?" tanong niya pa kaya napahinto ako at dahan dahang tumingin sa kaniya, nakita ko pa kung pano tumulo ang mga luha niya, mga mata niyang puno ng hinanakit.
*FLASHBACK
"Anong nangyare sayo?" takang tanong ko kay Nathan habang inuusisa ang mga benda sa binti at braso niya.
"Bobo kasi nung kalsada at graba hindi umiwas." saad pa niya kaya napangiwi nman ako. Andito kami sa isang cafe.
"Ano bang nangyare?" tanong ko
"Ang akala ko ba maglalasing ka lng, tsk tsk nako alam ko na yan kasi motor pa." saad ko naman with matching iling.
"Kasi naman yung lambanog nakakalasing!" saad pa niya kaya mas lalo akong napasimangot.
"Manong!!" rinig kong sigaw ni Ellabi mula sa entrance. Pagkalapit na pagkalapit niya ay natawa agad siya ng makita niya si Nathan.
"Isa pa kayo din! Chat pa kayo ng chat kanina! Dami ko tuloy typo!" saad pa niya at masama kaming tinignan.
"Aba kasalanan pa namin ikaw tong naglasing lasing dan." saad ko pa.
"Oh ano nangyare sayo?" nagtatakang saad ni Ate Quiin pagkadating niya, katabi naman niya si Hannah na halatang nagpipigil ng tawa.
"Hannah ilabas mo na baka mautot ka pa mahirap na." naiiritang saad ni Nathan sabay irap.
"LT sa typo mo." natatawang saad ni Hannah na halos gumulong na sa sahig kaka tawa.
"Hindi yun counted lasing ako!" tanggi pa niya na ikinatawa ko naman.
"Walang lasing lasing pag dating sa typo." saad ko pa
"Ge Abril, salamat sa support." saad pa niya at sumipsip sa Frappé niya.
Kanina pa kami tawang tawa sa itsura ni Nathan at mas lalong natawa ng dumating yung mga lalake.
"Bro ano nag ala tueng ka?" saad ni pa ni Ken at tinapik ang parte ng braso ni Nathan na may benda.
"Ah pota naman Ken masakit! Pag ako gumaling nako ileletson kita." saad pa ni Nathan at inis na binato ng tissue si Ken.
Message¹
Tinignan ko yung phone ko dahil may nagmessage sakin si Jamaica.
"I'll be gone for a week"
Sabi sa text na ikinakunot noo ko, sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reached na lagi.
"Abril anong problema?" tanong ni Ellabi sakin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Si Jam." simpleng saad ko, di ko alam pero masama kutob ko.
"What about Jam?" tanong pa ni Ate Quiin.
" She said she'll be gone for week, naba bother ako." pag amin ko pa.
"Nako baka may nangyare lng hayaan na muna natin siya." saad pa ni Hannah sabay kain ng cake niya. Tumango na lng ako pero di ko mapigilang hindi pagisipan.
"Guys, nasa ospital daw sila Steph at Berta." saad pa ni Ellabi habang nakatitig padin sa phone niya.
"Ano naman ginagawa nila don?" takang tanong ni Ken.
"Puntahan na lng natin." suhestiyon pa ni Yuri na sinang-ayunan nalng namin.
.
.
.
.
Ospital.
"Ann!" tawag ko sa kaniya kaya napalingon agad siya at don, nakita ko ang sakit sa mata niya habang patuloy siyang lumuluha.
"Anong nangyare?" tanong pa ni Ate Quiin kay Steph na ngayon ay nakatulala lng pero patuloy na tumutulo ang luha.
"S-si Blez." nanghihinang saad ni Ann at napaupo na lng sa sahig. Napasapo ako sa bibig ko at pinigilan ang paghikbi.
"Berta di magandang biro to, Steph ano na!?" naiiyak na saad ni Ate Quiin.
"Hindi, mali yung naiisip namin diba? Sabihin niyo? Ayos naman si Blez diba? Andyan lng sya sa isa sa mga kwartong yan pero ayos lng sya diba?" saad ni Hannah kay Berta habang hawak to sa magkabilang pisngi at matamang nakatingin sa mga mata nito, pero umiling lng siya at yumuko sabay humagulgol. Yung mga lalake naman ay tahimik lng at malayo ang tingin.
.
.
.
Sa puntong to, ramdam ko, mawawala ang lahat, naramdaman ko, pero wala akong ginawa, pinanood ko lng lahat masira.
.
.
.
*END
Ngumiti ako kay Ellabi at lumapit sa kaniya para punasan yung luhang dumadaloy sa pisngi niya.
"Kaya natin to, magkakasama sama pa din tayo, wala man physically ang isa pero nasa puso at isipan natin siya, mababalik din ang lahat sa dati tiwala lng." saad ko sa kaniya na ikinatango lng niya nginitian ko siya at tsaka ko siya niyakap.
*KINABUKASAN
Andito kaming lahat sa bar kung nasaan si Nathan, nag rent kami ng isang room para makapag usap usap.
"Bakit mo ginawa yun?" Mahinahong saad ni Mark kay Nathan.
"Bakit? Ano bang pake mo?" maangas na sagot niya kay Mark.
"Siraulo ka ba!? Muntikan ng mamatay sila Ella panong mawawalan ako ng pake? Pakipaliwanag nga Nathaniel, bakit?"
"Di niyo maiintindihan, wala kayong maiintindihan kase wala naman kayo sa sitwasyon ko! Di niyo alam nararanasan ko!" sigaw ni Nathan pabalik, napatakip ako sa bibig ko at pinigilang wag humikbi, ayoko ng ganto, hindi ko gusto to.
"P-panong di namin maiintindihan kung kahit minsan di mo magawang magpaliwanag?" Sabat ni Hannah sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.
Mahinang tumawa si Nathan at tumingin isa isa samin.
"Akala niyo masaya? Sa tuwing sinusubukan kong mag open up sa inyo? Anong nangyayare? Nathan pano yung seryoso? Di ba dyan lagi nauuwi?!" saad niya pa sabay tingin sakin.
"Ikaw Aprielle? Nung sinabi mo bang naiinis ka kay Steph ginawa ko bang biro yun?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya at nanglalambot na tumingin isa isa sa kanila at saka napadako kay Steph.
"Di ba sabi mo? Di mo makayang makita si Steph ng ilang oras dahil naiinis ka sa kaniya? Bakit? Kasi nasa kaniya na lahat? Ikaw Jamaica."
Lahat sila ay napatingin kay Jamaica samantalang ako ay napaupo na lng sa upuang katabi ko.
"Sinubukan mong lumayo dahil sa nangyari sayo, Akala mo di ko alam? Nanahimik lng ako." saad ni Nath habang matamang nakatingin kay Jam pero umiwas lng si Jam at ngumiti.
"Atleast ako di kayo naargabyado, walang napahamak kahit isa sa inyo, mas pinili kong lumayo kaysa mapahamak kayo." unti unti yung harang na tinayo ni Jam para di bumigay, nawala at tuluyan ng tumulo yung mga luha niya.
"A- alam niyo magsiuwian na lng muna tayo, magpalamig tayo ng ulo. Tsaka natin to pag usapan." saad ni Ate Quiin at saka umalis.
"Bakit? Tatakbo ka ulit? Para ano? Matakasan mo lahat—"
"Oo! Para matakasan ko ! Anong problema kung takasan ko? Anong problema? Ayaw kong masira pagkakaibigan nating lahat! Kaya heto sinusubukan konh pigilan!" pati si Ate Quiin ay bumigay na.
"Sa ilang beses mong pagpigil na mangyare yung gantong bagay, mas lalong lumala, mas lalong nasira." saad ni Nath sabay tayo at iniwan kaming lahat. Lumapit sakin si Steph at hinawakan ng balikat ko pero umiling lng ako at umalis na din.
"Abril." narinig kong saad ni Ellabi kaya napahinto ako at lumingon ako sa kaniya.
"Babalik ako." saad ko sa kaniya tsaka siya nginitian tumango naman siya at ngumiti.
Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan si Nath.
"Nathan!" tawag ko pa sa kaniya pero di niya ako pinansin kaya naman tumakbo na ko at hinablot ang braso niya pero agad din naman yung binawi at masamang tumingin sakin.
"Ano?! Kung sisisihin mo ko kung bakit ko sinabi yung mga yon di ko kasalanan yon, wala akong pinagsisiha—." Sinampal ko siya bago pa niya maituloy ang sasabihin niya, ayaw ko ng marinig.
Nakapanatili lng na nakalingon ang ulo niya sa kaliwa habang nakayuko ng yumugyog ang magkabilang balikat niya, dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at naiiyak na nakatitig sa kaniya.
"Salamat Abril." saad pa niya kaya mas lalo akong naiyak at pinaghahampas siya sa magkabilang balikat.
Para kaming tanga dito pareho na naiyak.
.
.
.
"Bumalik si mama." panimula niya ng maupo kami sa isang bench sa tabi ng court kaya naman napalingon ako sa kaniya.
"Bat di mo agad sinabi." tanong ko pa sa kaniya habang nakatingin sa mga studyanteng masayang nag uusap, napangiti na din ako.
"Sorry, naunahan ako ng takot, parang yung pader na ginawa ko natibag na lng nung sinabi niya gusto niya kuhanin yung bunsong kapatid ko. Nakakapunyeta." saad pa niya kaya naman tinapik tapik ko ang likod niya.
"Kausapin mo si Ellabi, nag aalala sayo yung tao." saad ko pa sa kaniya.
"Parang di ko kaya, nahihiya ako." saad pa niya.
"Kakausapin at kakausapin mo siya kahit anong mangyare." saad ko sa kaniya.
"Pero—"
"Manong." putol ni Ellabi sa sasabihin ni Nathan, binatukan naman niya to at tuluyan ng umiyak, napangiti naman ako ng bahagya at tumingin ulit dun sa grupo ng studyante na masayang nag uusap.
'Tagal na din simula nung makaramdam ako ng totoong saya, parang lahat ng kilos ko ang bigat sa pakiramdam.'