Kaylee Madison's POV
Papunta na kami ni Hailey sa clinic,Nahihirapan akong maglakad sa sobrang hapdi nang mga gas gas ko sa tuhod dahil sa ginawa sakin ni Ada. Nang makarating na kami sa clinic nakita ako agad ng kaibigan kong nurse sa school naka close ko na sya dahil kapag tinatamad ako pumasok last year sinasabi ko masakit pakiramdam ko kaya naging magkaibigan na kami ni Nurse Lyca kasi parati ako nasa clinic.
"Kaylee napano ka?" Nurse Lyca said
"Nakaaway ko si Ada Nurse Lyca."
"Siya nanaman umaway sayo? Kelan kaba titigilan non?" Nagaalaang sabi.
"Hayaan mo na yon."
"Sige, gamutin muna kita."
Habang ginagamot niya ako biglang nag ring ang telepono ni Hailey.
"Hello Mowitz?"
"Nasa clinic kami ni Kaylee nagasgas sya." Sambit ni hailey at ibinaba na niya ang kanyang telepono.
Nang mga ilang minuto dumating si Mowitz sa clinic.
"Bakit nagasgas ka?" Tanong ni Mowitz.
"Nasubsob lang ako." Pagdadahilan ko.
"Subsob? O inaway ka nanaman?" Galit na sambit nya.
Alam ni mowitz ang lahat ng nangyayari sakin kahit minsan hindi kami magkasundo naasahan ko namam sya sa mga problema ko pati sa mga sikreto ko.
"Hayaan nyo na sya masaya sya dito."
"Kaylee Madison Ferrell hindi lahat ng oras at pagkakataon hinahayaan lang natin sya!" Galit na sabi niya, Naluluha nako habang pinagsasabihan niya ako. "Tignan mo diba nagmumukha kang mahina sa harapan nya, kala ko ba malakas ka, matapang ka? Nasan nayun?" Dugtong niya.
Napaghihinaan ako ng loob kapag si Ada na ang kaaway ko, kapag nakikita ko sya hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya noon sakin.
"Mowitz tama na yan tara na, Iwan mu na natin si kaylee dito para mag pahinga." Sambit Hailey para mapatigil si mowitz sa pagsumbat sakin dahil nakikita na ni Hailey na namumugto na ang mga tama ko.
"Mag pahinga na dyan kaylee, kumain kana ba?" Mowitz said.
Pinapagalitan moko kanina tapos tatanongin moko kung kumain nako. Sinasabi ko sa isip mo habang tinigignan ng masa si mowitz habang si Hailey at Nurse Lyca natatawa sa tanong ni Mowitz sakin.
"Oo, sige na alis na mag bonding na kayo ng jowa mo di kayo nag sasawa sa isa't isa no?" Bitter na sabi ko.
"Ang bitter mo bessy haha" Sambit ni hailey at umalis na silang dalawa ni mowitz.
Habang nag papahinga ako may biglang pumasok sa pintuan ng clinic nang tignan ko ay ang teacher ko kanina kung saan ako na late, Nang nakita niya ako bigla niya akong tinitigan at tinignan niya ang mga naka Band-Aid kong mga gasgas at may bandage ang paa ko
Tinanong niya si Nurse Lyca kung pwede ba sya mabigyan ng first aid. Nakita ko ang braso nya na may sugat, napano kaya siya? Nang natapos na siyang gamutin umalis na siya dahil may tumawag sa kanya, Ako naman tinawagan ko si Audrey na magkita kami sa may flower garden ng school.
Naglalakad ako papuntang flower garden, Nakarating na ako sa flower garden habang hinihintay ko si Audrey biglang dumating si Lia.
"Kaylee are you okay?" Liam ask.
"Hindi moko kailangan tanungin kung okay lang ako." Sarkastikong sabi ko.
"Hey! Kay...LIAM? gulat na sabi ni Audrey.
"Audrey" liam said.
"Kelan kapa umuwi? Dito ka din nag aaral?"
"Last week, Oo."
"Tara na Audrey, Tama na yan."sambit ko.
Hinila ko si Audrey para makalayo kami kay Liam nang muntik nakong matumba dahil nahihirapan ako ngayong maglakad dahil sa sprain ko.
"Kaylee are you okay? You need help?" Nagaalalang sambit ni Liam.
"Sinabing diko kailangan ng tulong mo!" Galit kong sabi.
"Kaya ko na to Liam." Audrey said.
Habang naglalakad kami ni Aud papuntang sa may bench ng flower garden tinanong niya ako.
"Anong nangyari dyan?"
"Si Ada nakaaway ko kanina."
"Yun ba yung pinag uusapan nila nang ibang students?"
"Oo"
"Bakit mo hinahayaan gawin sayo ni Ada yan?" Naawang sabi ni Ada habang umuupo kami sa may bench.
"E wala naman ako magawa kapag siya na kaharap ko."
"Bakit hindi mo sabihin sa daddy mo yang ginagawa nya sayo."
"Ayoko"
"Ayaw mo? Di ka diyos na kaya mo saluhin lahat ng sakit kaylee!" Nagagalit na sambit Aud sakin.
"Ayoko mag away si daddy at si tita, alam mo naman na ang mommy ni Adalaide e nag iisang kapatid na babae nila dad kaya Mahal na mahal nila yon."
"Sumusobra na si Ada lagi ka na lang nasasaktan kaylee."
"Hangga't kaya ko titiisin ko malay mo magbago siya."
"Hindi na magbabago yon, bakit ang hina mo pag dating sakanya."
"Hindi ko din alam."
"Kalimutan mo na kasi yung-"
"Tama na! Umuwi muna ako sa Condo mo ayoko makita nila daddy tong mga sugat ko."
Nang maglalakad na kami pabalik nakita Kong naka tayo at nakikinig si Prof yung teacher ko kanina. Nag titigan lang kami ni Sir nang hindi siya nag salita umalis na lang kami ni Audrey.
"Kilala mo yon? Anong department?"
"Oo, Professor ko."
"Ang gwapo mukhang bata pa."
"Tumigil ka nga, bawal magkaroon ng girlfriend ang teacher na student dito sa school."
"Alam ko ano kaba."
"Dapat lang haliparot ka panaman."pabiro kong sabi.
"Ang sama mo, pero pwedeng mag Boyfriend ng CEO diba?"
"Huh! CEO? Sino?" Naguguluhan kong tanong kay Audrey, Saan nya kaya nakuha ang Boyfriend na CEO.
"WALA, joke Lang, sigurado kabang hindi ka uuwi sa inyo?"
"Oo ayokong magtanong sila mommy at daddy tungkol dito lalo na si kuya napaka protective non sakin."
"Oo nga, pati sakin."
"Huh?"
"Wala dahan dahan lang sa paglalakad baka mahulog ka sa professor mong gwapo."
"Never!" Madiin kong sabi, dahil never ako magkakagusto sa professor ko.
"Wag mag salita ng tapos bessy."
Naglakad kami papuntang parking para i uwi ako ni Audrey sa condo nya hindi na ako pumasok sa iba kong klase, Nang nasa loob ako ng kontse tinawagan ko muna si mowitz para makapag paalam na hindi muna ako uuwi sa bahay at ipagdala niya ako ng damit sa condo ni Audrey dahil ilang araw akong mag iistay sa condo nya dahil sa sprain ko at mga gas gas ko sa tuhod.