Nasa bahay nako ni Audrey hinatid niya lang ako sa condo nya dahil may pasok pa siya kaya babalik pa siya sa school.
"Iwan na kita diyan huh?" Audrey said.
"Oo sige, thank you."
Pumasok nako sa condo nya inikot ko muna ang condo nya dahil madami na nag bagosa interior, matagal na kasi ako hindi pumupunta dito parati kami sa bahay ni Hannah at ni Hailey may mga bar kase ang mga bahay nila kaya lagi kami doon dati.
Iniikot ko ang condo ni Audrey pumasok ako sa kwarto nya nang buksan ko ang pinto ng kwarto nya agad ko nakita yung picture ng lalaki sa may side table nya, nilapitan ko yung picture na yon ng makita ko..
"Kuya Ash?" Nagulat ako ng makita ko picture ni kuya sa condo ni Audrey, bakit kaya may picture si kuya dito? May gusto ba si Aud kay kuya? Mga tanong ko sa isip ko.
Habang hinihintay ko si Audrey umuwi para itanong lahat ng mga tanong sa isip ko nanood muna ako ng Netflix pinanood ko ang Kissing booth 2 , Nang matapos na ang pinapanood ko tinignan ko ang oras 5:00 na labas na nila ng 5:30 kaya naisipan kong magluto ng pasta para pag uwi niya may makakain na kami, Binuksan ko ang refrigerator ni Aud puro gulay ang laman at fish nag didiet kasi si Audrey kaya ito ang laman ng ref nya kaya naisipan kong lumabas para bumili ng pasta sa supermarket kahit medyo nahihirapan akong mag lakad.
Habang nasa supermarket ako nag text si Audrey sakin kung nasaan ako dahil hindi niya ako nadatnan sa condo nya. Nagtingin tingin narin ako ng mga crackers para may makain kami habang nanonood ng Tv masyado kasing health conscious si Audrey kaya madalang lang siya kumain ng junk foods, Nang inaabot ko sa mataas na bahagi ng snack section kung saan nakalagay yung paborito kong snacks, dahil nahihirapan akong kunin ito may biglang kumuha at inabot sakin.
"Ilan ba gusto mo?"nagulat ako ng makita ko na si prof. ang nag abot sakin.
"Sir? Dalawa." Sambit ko.
"Bakit ikaw Lang mag isa may sprain ka ah?"
"Wala lang gusto ko lang, bakit concern ka?"
"Yes because you're my student."
"Hindi sa oras na to, wala na kaya tayo sa school kaya pwede kitang tawaging pangit, nakakairita masungit."sambit ko ng bigla nyang binawi ang mga kinuha niyang snacks at ibinalik sa mataas na bahagi ng snack section.
"Pangit, nakakairita at masungit pala ah, kunin mo mag isa."sarkastikong sabi nya at sabay na umalis.
"HOY SIR! Napakaano mo kunin mo yon!."sigaw ko sabi sakanya at pinagtinginan ako ng mga tao, nakakahiya!.
"Hoy Kaylee bakit hindi moko hinintay dumating? Alam mo naman may sprain ka." Biglang sambit ni Audrey sa likod ko.
"Audrey kunin mo nga yon."
"Ito? Crackers? Di ako kumakain niyan."
"Basta kunin mo, kung hindi ka kakain edi ako ang kakain niyan."Sambit ko sakanya atchaka nakami umalis papuntang counter.
"Bakit sumisigaw ka kanina?" Audrey said.
"Narinig mo? Malakas ba?"
"Oo kaya!"
"Yung asungot kasi na professor ko nakita ko kanina nakakainis talaga siya!" Nang gigigil na sabi ko.
"Haha, Chill lang baka heart attack ka sa kilig sa kanya." Pang aasar ni Aud.
"SHUT UP, NEVER PERIOD." Madiin na sabi ko.
Nang nakarating na kami sa bahay niya ay nag luto na ako ng carbonara
Habang nag luluto kami tinanong ko si Audrey.
"Audrey may boyfriend kaba ngayon?"
"Huh? Boy.... boyfriend?"
"Oo boyfriend, manliligaw ganon?"
"Wala, edi sinabi ko na sa inyo kung meron, bakit mo naman natanong?"
"Sigurado ka?"
"Oo naman, sasabihin ko naman agad sa inyo kung meron."
Itatanong ko na sana kung ano ginagawa ng picture ng kuya ko sa kwarto nya ng biglang tumunog ang doorbell.
*Ding dong*
"Audrey tignan mo nga, baka si Mowitz yon."
Binuksan ni Audrey ang pinto nang pumasok na sila nakita ko si Mowitz pati si kuya Ashton.
"Ashton!?" Gulat na sabi ni Audrey.
"Kuya bakit ka nandito?"
"Bakit dito ka matutulog?" Kuya ask.
"Ah kasi...."
"Ah kasi? Napano yang tuhod mo at paa mo?"
"Kuya pwede ba, ako may tanong ako bakit ka sumama may Mowitz?"
"Di siya sumama saken, nakita ko lang sya sa may elevator." Mowitz said.
"What? Sa may elevator? Sino pinupuntahan mo dito?" Biglang sambit ko tinitigan lang ako ni kuya at ni Audrey at si Mowitz tinitignan niya lang din sila Aud at kuya.
"Okay kaylee your kuya-" naputol na sabi ni Audrey.
"Nag hahanap ako ng available na condo dito para sa inyong dalawa para mas malapit kayo sa school." Pagdadahilan ni kuya.
"Sigurado ka? Yon lang yung dahilan kung bakit ka nandito?" I said.
"Yes."
"Okay, dito na kayo kumain nag luto si Kaylee ng pasta." Sambit ni Audrey na bakas sa mukha niya ang pagkalungkot at naluluha na siya.
Habang kumakain kami nakita ko ang titigan nila ni kuya na wari mo'y humihingi ng sorry si kuya kay Audrey.
"Kuya?" Sambit ni Mowitz.
"Bakit?"
"Pwede ba dito muna tayo nag stay?"
"HUH!" Gulat sabi ni kuya at Audrey.
"Darating kasi si Hailey."
"Oo nga naman para hindi na magtanong si mommy kung bakit hindi ako uuwi." Sambit ko.
"No" sambit ni kuya.
"Okay lang naman kay Audrey e, diba Aud?" Sambit ko.
"Ah O..Oo"
"O diba ayos lang daw, dito na kayo matulog." Mowitz said.
Biglang tumunog ang doorbell kaya tumayo si Mowitz para buksan iyon dahil si Hailey na daw ang dumating.
"Hi friends" sambit ni Hailey, hannah,addison at Aaliyah
"Kala ko ba si Hailey lang?" Tanong ko.
"Hoy Kaylee ayaw mo ba kami makasama?" Sambit ni Hannah.
Sabay tayo ko naman at niyap ko sila
"Syempre gusto, kayo pa ba!"
"Bolera, andyan pala si kuya." Hannah
Said.
"Hi kuya" sambit ni Addison at sabay yakap niya kay kuya.
"Mmmmm" biglang sambit ni Audrey.
"Ayy.... Ano pala pagkain?" Biglang sabi ni Addison sabay alis sa pag yakap kay kuya.
"Pasta, umorder na rin kami ng pizza padating na yon." Sambit ko.
Katapos namin kumain pumunta kami sa sala para manood at uminom kami ng alak habang hinihintay namin ang pizza na inorder namin.