Nagising kaming lahat sa tunog ng alarm clock ni Audrey sa may sala, Sobrang sakit ng ulo ko na parang bibiyakin sa sakit, tinatamad akong pumasok pero kailangan dahil second day palang at yung kotse ko hindi pa naibabalik ni daddy at baka mag away kami ni Mowitz dahil nadamay sya sa parusa ni daddy sakin.
Nag siuwiaan na ang lahat para maligo at mag bihis dahil may pasok ngayon, Ang naiwan na lang sa condo ni Audrey, Ako si Mowitz, at si kuya hindi na umuwi si Mowitz dahil may dala na siyang damit kasama ng mga damit na pinadala ko dahil plano na niya dito matulog dahil inaya nya si Hailey na dito na matulog sa condo ni Audrey at pumayag si Hailey.
Naligo na ako, katapos kong maligo naka receive nanaman ako ng text galing nanaman sa nag tetext sakin na unknown number.
From: Unknown number
Good Morning Kaylee,
Are you feeling well?
Does your foot still hurt?
"Who are you ba?" sambit ko sarili ko dahil hindi ko parin kilala ko sino siya, kung bakit niya ako kilala at paano niya nakuha number ko.
Nag bihis nako dahil 7:30 na at maliligo pa si Mowitz at Audrey na una nako sa kanila naligo dahil nag luluto si kuya ng breakfast at ang sabi ko sakanila ako na muna ang maunang maligo, Lumabas na ako sa Guest room doon kasi dapat ako matutulog kaso dahil uminom kami at ayon nalasing kami sa sala kaming lahat natulog. Nag breakfast nako habang si Audrey ay naliligo tapos na kasi siyang kumain kinausap ko naman si kuya tungkol sakanilang dalawa ni Audrey.
"kuya?"
"oh?" sambit ni kuya habang kumakain.
"kalian naging kayo ni Audrey?"
"1 year na kami, bakit?"
"inggit ka nanaman Kaylee! naku naku" pang aasar ni Mowitz.
"wag ka ngang epal!" iritang sabit ko kay Mowitz.
"tigilan mo nga sya Kyle Mowitz Ferell, wala kasi siyang boyfriend kay curious siya" pang aasar ni kuya sakin.
"alam nyo bagay kayong mag sama, sarap nyong ibaon sa lupa!" inis kong sabi.
"Mowitz ikaw na" tawag ni Audrey kay mowitz, dahil maliligo na si mowitz.
"hoy! pangit maligo kana daw!" pang aasar ko kay mowitz.
" pangit ako? kung pangit ako pangit ka din! kambal kita tanga!" sambit nya sabay takbo sa CR dahil hahablutin ko sana si mowitz kaso naka takbo sya agad.
"tulungan ko lang mag bihis si Audrey" sambit ni kuya.
"kuya! may pasok kami no." sambit ko kay kuya dahil ang nasa isip ko ay baka umagang umaga mag papaputok sila at may pasok pa kami baka mapagod si Audrey haha.
"tanga! mali ang nasa isip mo may Zipper kasi yung uniform ni Aud sa likod kaya kailangan nya ng tulong."
"pumasok ka na nga doon!"
"inggit ka nanaman, namimiss mo siguro yon no?" pang aasar ni kuya.
"ay tanga! virgin pako no!" napakaano ni kuya akala niya ay naisuko ko na ang maria, hindi pa nabubuksan ang mahiwagang balon kaya virgin pako.
Matapos nilang mag ayos ay umalis na kami si Audrey nakasakay siya sa Kotse nya kami ni mowitz sumabay kay kuya dahil dadaanan ni kuya yung school namin papuntang company may itatanong din kasi ako kay kuya tungkol anonymous texter ko.
"kuya do you who own this number?" tanong ko kay kuya.
"why? bina black mail kaba?"
"no, he or she know my name and also what happening to me."
"baka stalker mo or baka isa sa mga nakaaway mo" sambit ni mowitz.
"hindi, may mga contacts ako sakanila." may mga contacts ako sa mga nakakaaway ko noon kay kung may bablackmail sakin or samin mag babarkada alam namin kung sino.
"wait let me check on my contacts." sambit ni kuya habang tinataype nya yung number nag stop sya dahil traffic medyo malalate kami ngayon medyo lang hindi katulad kahapon late talaga kami.
Nang itype ni kuya yung number lumabas yung may ari nung number nagulat ako na ang may ari sa number na yon ay si..
"LIAM!" sabay kami nagulat ni mowitz ng Makita namin na si Liam pala yung Anonymous texter ko.
"Si Liam lang pala yan" kalmadong sambit ni kuya, kaibigan kasi ni kuya si Liam kaya may contact sya dito kahit nag hiwalay na kami ni Liam hindi parin nag bago pag kakaibigan nila.
"kuya para sayo okay lang na si Liam yung nag tetext sakin kasi kaibigan mo sya sakin hindi!" galit na sabi ko.
"alam mo na hindi si liam ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay kung bakit kayo nasira, diba?" pagtatanggol ni kuya kay liam.
"pwede ba kuya wag mona hungkatin yung nakaraan, tapos na yon! wala na! end na! ikaw siguro nag bigay ng number ko sa hinayupak na yon!" galit na sabit ko kay kuya.
"hindi porket kaibigan ko si liam e ibibigay ko na number mo sa kanya ng walang paalam, hindi ako ganon na kapatid, mas mahalaga ka parin sakin kesa sakanya."
"naku kuya alam ko yang style nang pagsasalita mo e, kunwari mas mahalaga ka pero sa likod non may nangyari." biglang sambit ni mowitz.
"mowitz.. bakit ang talion mo?" sambit ni kuya.
"kuya hindi porket nag aaway kami parati ni Kaylee e ayos lang sakin na ibinigay mo kay liam yung number ni Kaylee, alam mo na kuya galit din ako don." galit na kalmadong sabi ni mowitz. Galit si Mowitz kay Liam dahil sa nangyari sakin dati, hindi parin napapatawad ni mowitz si liam kahit naman ako hindi ko aprin napapatawad si liam at yung nanira ng buhay ko.
"that's enough, by the way hindi mo pa nasasagot yung tanong ko kahapon sayo?" tanong ni kuya
"anong tanong?"
"ano ng yari sa tuhod at paa mo? saan mo nakuha yan at sino ang gumawa nyan?"
"ah.... nadapa ako ta...pos... natapilok non ako kasi naka heels ako." excuse ko.
"hindi ako naniniwala, tell me the truth I promise hindi ko sasabihin kay mommy and daddy kung anong nangyari dyan, pwede ba mag open kanaman sakin about sa nangyayari sayo puro na lang mga kaibigan mo ang nakakaalam, wala Nakong alam sa nangyayari sayo, kuya mo pa ba ako?" galit na sabi ni kuya
"wag ka ngang madrama, si Ada may gawa nito."
"Ada? Ada na pinsan natin?"
"oo."
"sya nanaman, kailan ba matatapos ang pagka inggit ni ada sayo?"
"hayaan mo na siya, nangyari na." sambit ko kay kuya habang nag papark sya dahil nakarating na kami sa school medyo late na kami dahil nakarating kami sa school ng 8:50 ang pasok namin ay 8:30.
"kuya sabihin mo kay mang roben sunduin ako mamaya huh!" bilin ni mowitz kay kuya.