Nagising ako sa aking alarm. Nag-unat ako ng katawan bago bumangon. Inayos ko ang kumot at unan ko bago nagtungo sa banyo para makaligo. I took my time sa pagshower at kumakanta pa ako. When I finished, lumabas ako ng banyo ng nakaroba at nakapalupot ang tuwalya sa buhok ko. I applied lotion sa legs and kamay ko.
Nang matapos ako ay nagblower muna ako ng buhok para matuyo agad. Saka ako nagbihis nang napatuyo ko na ang aking mahabang buhok. SInuot ko ang white dress na nakahanger sa bandang closet at humarap sa salamin. The dress is a good choice, I like it. Then I applied some light blush on and tint sa lips.
I styled my hair, a Khaleesi inspired twist, since mahaba ang buhok ko. Bumagay naman ang style na iyon sa aking buhok. Inayos ko iyon ng mabuti at tumayo na sa aking upuan sa harap ng vanity table ko. Dinambot ko ang aking duffle bag pati na rin ang mini chain bag ko.
Inilapag ko iyon sa sala at nagulat ako nang makita ko si Ryu na nasa kusina at nakikipagusap kay Criselda. It's not yet 9AM pero nandito na siya. "Goodmorning Maam Ky.
May dala po si Sir Ryu ng breakfast. Lika, Maam, kumain muna kayo bago kayo bumyahe." si Criselda.
I saw the smile on Ryu's lips when he saw me. He was helping Criselda prepare the breakfast he brought. "Come, kumain muna tayo bago tayo bumyahe. It'll be a long drive and magugutom ka kapag di ka kumain."
Nakangiti rin si Criselda at hinila ang upuan para ako ay makaupo. Umupo naman ako roon at inabutan ako ng plato ni Ryu. Umupo rin si Ryu sa harap ko. Inaya ni Ryu si
Criselda na kumain pero tumanggi ito.
"Nako, Sir. Tapos na po ako, kayo na lang ho ni Maam." Inabot ni Ryu sa akin ang dala niyang breakfast na waffles at hash browns na may kasamang kape. Tinanggap ko naman iyon at nagsimula na kaming kumain.
Nang matapos kami ay tumayo ako para ilagay ang pinagkainan sa kitchen sink. Nang nilingon ko si Ryu, salubong ang kilay ito. I stared at him with an expression na parang nagtataka.
Tumayo rin siya at nilagay sa kitchen sink ang pinagkainan at tumabi sa akin. Hinawakan niya ang likod ko dahilan ng pagkagulat ko. "You're showing too much skin, baby." he whispered in my ear. Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya at iginiya niya ako papuntang living room.
Nagkunwari akong walang narinig at inaya na siyang lumabas bitbit ang duffle bag at mini chain bag ko, since it's almost 9 at malayo pa ang byahe. "Let's go." Napailing si Ryu na tila wala na siyang magagawa dahil hinila ko na siya palabas.
Kinuha niya sa pagkakahawak ko ang duffle bag. Nagpaalam na kami kay Criselda at nagtungo sa kanyang sasakyan. He opened the front door seat for me. Then nilagay sa likurang upuan ang duffle bag ko katabi ng backpack niya. Pumasok na rin siya sa kotse. Nagseat belt ako at inayos ang pagkakaupo at tinawagan si Mommy.
"Ma, paalis na po kami ni Ryu. Kayo ho?" tanong ko kay mommy. "Susunod kami sa inyo, iha. Will call you later." at binaba na ni mommy ang tawag. Nagliligpit din sila siguro. "Let's go?" si Ryu.
I smiled at him, "Yup." Pinaandar niya ang kotse at umalis na kami. 5 minutes after ay nakakaramdam ako ng awkwardness. Ryu was quiet ang nagcoconcentrate sa pagda-drive.
"You mind if I turn on some music?" tanong ko kay Ryu para ma-lessen ang awkwardness sa loob ng kotseng ito. Tumango lang siya. So, I turned on the bluetooth connection para maiconnect ang cellphone ko at makapagpamusic kami.
The bluetooth was connected and we played some music. I heard Ryu's phone na nagriring. Hininaan ko ang volume when he answered. "Yes, Jigs. We're on our way, kakaalis lang namin sa bahay nila Ky. Alright. See you there." Then the call ended.
"Papunta na rin sila Jigs?" I asked. "They will come after lunch. Wala pa si Kuya Ernesto. Pinaayos pa daw ang kotse. Kaya susunod na lang sila." Sagot niya.
Binalik ko sa dating level ng tunog ang pagpapamusic at ipinawalang bahala ang pagkakalate nila Jigs. So kami lang nandon mamaya pagdating ng villa since nagliligpit pa rin sila Mommy. Great. Can this day get any more awkward. Napabuntong hininga ako at di ko namalayan na medyo malakas pala dahil narinig ko ang marahang pagtawa ni Ryu.
The music kept playing at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Nagising na lang ko nang ginising ako ni Ryu para sabihin na nakarating na kami. It's already 10:30, wow, ganon kahaba ang pagtulog ko. Nasa entrance na kami ng The Cove at pumasok na para makapark. Sinalubong kami ni Pedro, ang concierge ng The Cove. Kilala niya na kami dahil palagi ngang nandoon ang pamilya namin.
Nagkamayan sila ni Ryu at bumati rin siya sa akin. Tinawag niya ang isang lalaki para tulungan kami sa aming dala. Dinala ng lalaki ang bag at humakbang na papunta sa villa na nireserve nila Mommy. Sumunod kami sa likod niya. Si Ryu ang may hawak ng susi.
Nang makarating kami sa villa, nilapag ng lalaki ang bag namin sa mga balcony charirs na nandoon at umalis na. Binuksan ni Ryu ang entrance ng villa at pinapasok niya ako. Ipinasok niya rin ang dala naming bags.
The villa is spacious and it's a two-storey villa. There are a total of 5 rooms. 3 sa taas at dalawa dito sa baba. Nasa taas ang kwarto ko at ni Ryu, separate na kwarto si Ryu kila Jigs and Rav. Sa baba naman ang kwarto nila Mommy at nila Tita Yllis. Pagpasok sa villa ay isang napakalaking living room, kitchen and dining area. Sa likod ng villa ay ang
private pool namin na may view ng beach na sakop pa rin ng The Cove.
Pagpasok namin ng villa ay nagring ang cellphone ni Ryu, "Hello, Ma. Ky and I are here, sila Jigs susunod na lang daw. What? What do you mean? Can't you come kahit late na? Alright, I understand. I'll tell Jigs and Rav and I 'll explan to Ky too. Okay, fine. See you, ingat po kayo."
Parang di ko magugustuhan ang susunod na sasabihin ni Ryu sa akin. "Don't tell me?" worried kong tanong sa kanya. "They can't make it today, but they'll be here tomorrow morning. They got stuck on site with the client and the issue isn't resolved yet at hindi sila makaalis. They're trying to work things out but it is not possible na makasunod na
sila rito today. So, we are left with each other."
"W-What?! They planned this tapos sila ang wala ngayon dito. And I'm stuck here with you." Frustrated kong sabi. He just chuckled and went through his phone at inilagay ulit sa tenga niya. He is calling someone.
"Jigs, where are you? Still there? Alright, good. Mom and Dad won't make it today but they'll be here tomorrow. So, it's just us tonight. I guess you could do that, then. See you." Natapos ang usapan nila n Jigs at binaling niya ang atensyon niya sa akin. "It was Jigs, he seems happy na di makakapunta sila Mommy ngayon and wanted to buy drinks for us tonight, said he wants us to enjoy the night and get drunk." He said laughing.
Ah, at natuwa pa talaga si Jigs at nakahanap ng pagkakataon na makainom kami. Napakagaling nga naman talaga ng tadhana. "Whatever. Ano pa ba magagawa ko kundi ang tanggapin ang sitwasyon ngayon." Inirapan ko si Ryu at nagdesisyong lumabas.
"Where are you going?" tanong ni Ryu. "I'll walk at the beach to get the frustrations out of my body." Padabog kong sabi. "I'll come with you." Si Ryu at lumabas na rin siya at nailock ang pinto. Ngayon ko lang napansin ang suot niya, he's wearing a navy blue shorts and a white v-neck plain shirt. He looks hot.
I shook my head and headed down at the beach. Nakasunod siya sa lkod ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. We reached the beach. Umupo ako sa mga beach chairs na nandoon. Si Ryu at umupo rin sa tabi ng beach chair kung saan ako nakapwesto. May grupo ng lalaki na malapit sa beach at parang nagtutulukan. May isang lalaking lumapit sa akin at naglahad ng kamay para magpakilala, "Hi, Miss, I'm Eli. Gusto ko lang sanag magpakilala and invite you, maybe you wanna come at Villa Harbor tonight. My
friends and I will be having a party." Villa Harbor? Katabi namin na villa yun ah. Ngumiti ako sa lalaki at makikipagkamay na rin sana nang tumayo si Ryu sa kinakapuan at kinuha ang kamay ng lalaki at siya ang nakipagkamay.
"Hi, pare, I'm Ryu, I'm with her and she is not interested to come at your party." Seryusong sabi ni Ryu kay Eli. "Oh, sorry, man! My bad. Nice meeting you, you both can still come at the party if you want though." sabi ni Eli at umalis na at nakisali ulit sa grupo ng mga lalaki sa unahan.
Nagulat ako sa sinabi ni Ryu kay Eli. "Ano ba problema mo, Ryu? He was just being friendly."
Ryu smirked and turned to me, "You are really innocent, Ky. That guy was hitting on you!"
At siya pa ang may ganang magalit. Tumayo na rin ako at hinarap siya, "So, what if he is? Anong masama roon, single naman ako." Paghahamon ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Oh, bakit? Totoo naman ah. And besides di naman ako pinagbabawalan nila Mommy at Daddy na magkaboyfriend so bakit niya gaganyanin ang tao. "Ako ang kasama mo ngayon at sa akn ka ipinagkatiwala ng mga magulang mo kaya it's just right that I must protect you from stupid assholes here."
Whaetever. Tinalikuran ko siya at umupo muli sa beach chair. Umalis na rin ang grupo ni Eli at kami na lang ang natira roon at ang dalawang magkaibigang babae na nasa beach chairs din, two chairs away from me at nakabikini. Hindi siya bumalik sa beach chair kundi nagtungo siya sa dagat ng nakapaa. Hinubad niya ang kanyang tshirt at napanganga ako.
Narinig kong parang kinikilg ang dalawang babae sa gilid ko at nilingon ko sila. They're both sexy at ang ganda ng hubog ng katawan. "Lapitan mo na siya." Ani ng babaeng mahaba ang buhok sa kabigan niyang maikli ang buhok. "Sige, wait." Sabi ng babaeng maikli ang buhok sabay tayo at nagtungo sa kung saan si Ryu.
Nagtuwid ako sa pagkakaupo nang makita kong lumapit nga siya kay Ryu at nakipagkamayan. They are both laughing na at maya maya ay bumalik ang babae sa kaibigan niya na nakatili na para bang kiniklig.
"OMG, I got his name and invited him to come at the party. He says he'll try. Sana naman talaga makapunta siya no. He happens to stay at Villa Haven which is katabi lang ng Villa natin." Kinikilig na kuwentong babae sa kaibigan niya at tumayo na sila para umalis.
Nagtaas ang kilay ko sa dalawa pero hindi nla ako napansin. Nakita kong lumangoy na si Ryu at tinititigan ko siya ng masama mula sa kinakaupuan ko. Pag sa akin may nag-invite, bawal, pag sa kanya, panay ang pa-cute! Hinalukipkip ko ang dalawang kamay ko at nakasimangot ang mukha ko.
Maya maya ay umahon sa dagat si Ryu at patakbong lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok niya bago suotin muli ang shirt niya. Tiningnan ko siya ng masama at ng nakasalubong ang kilay.
He grinned at me. "I know that short haired girl invited you at the party. Bakit pag ikaw pwede, tapos ako hindi?" pagalit kong tanong sa kanya. He chuckled before sitting on the beach charir. "Sino namang nagsabi sa iyo na pupunta ako. I got invited, yes, but I wil not go to some party."
"Oh, well, if ayaw mo ako na lang, ayain ko na lang si Jigs na samahan ako at mag-enjoy kami since he likes parties so much." Hamon ko sa kanya. Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. He let out a sigh and turned to face me. "Alright, we'll go but you'll have to be near me at the party. You're not allowed to wander around. We'll bring Jigs
and Rav too, if you'd like."
I grinned dahil ako ang nanalo. "Sure, no problem." I saw him smirked before laying down on the beach chair.