It Was Always You (The Navalta Series # 1)

🇵🇭k4trijn
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 50.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Ugh, Monday na naman." ani ko sa sarili.

Bumangon ako sa pagkakahiga bandang alas 6 ng umaga para makapaghanda sa panibagong araw sa trabaho. Dumiretso ako sa banyo ng aking kwarto para makapagshower.

Nang matapos ako ay dumiretso ako sa pagbibihis at bumaba sa kusina para makapagkape na.

I am not a morning person and I hate Mondays! I am living alone in my condo and I love it. I don't want to have someone with me kasi super irritable ako, I sleep and wake up whenever I want to during the weekends and I love my alone time. I put on some light blush on my cheeks and applied my eyeliner. I took a selfie para maisend ko kay Daddy at Mommy.

I checked the time and it was already 7:30, nagmadali akong lumabas ng bahay at dumiretso sa basement kung saan nakapark ang kotse ko. I have to be in the office by 8AM at magrereview pa ako ng mga reports na kailangan masubmit sa meeting ko with Ryu tomorrow.

Luckily, there was no traffic and I arrived at the office at 7:50. Agad akong dumiretso sa office ko at naupo upang mapaandar ang laptop at magcheck ng mga mails. Isang meeting invite scheduled at 10AM ang natanggap ko kay Sianna.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang agenda. Wedding?! Ano naman pakialam ko sa wedding na mangyayari sa buhay nitong amo kong si Ryu? Hmm, baka naman nagkamali lang si Sianna.

Nagdesisyon akong tawagan si Sianna sa extension ng kanyang telepono. "Hello, Good morning, Engr. Ky. How are you po?" si Sianna. "Hi Sianna, Good morning. I'm fine, thanks. I checked the meeting invite from you regarding Mr. Ryu's wedding? Maybe you just clicked the wrong email and accidentally sent to me. Anyways, will decline this. Just wanted to let you know para maipadala mo sa tamang tao." Sagot ko.

"Maam, per Sir Ryu, para daw po talaga yan sa iyo yung meeting invite." ani Sianna. "Ha? Bakit daw?" tanong kong muli sa kanya. "Wala na po siyang sinabing iba, nagbilin lang po siya na magset ako ng meeting sa inyo."

"Ohh, uhm, okay then. Thanks Sianna." at binaba ko na ang telepono. Punong puno ng pagtataka ang isip ko ngayon. Hello? Baka nakakalimutan mo Ryu, mortal na magkaaway tayo. Why the fuck am I going to be in a meeting with you tungkol sa magiging kasal mo?

Nevertheless, I accepted the meeting invite para hindi niya mapagalitan si Sianna kapag hindi ako nagreply.

I called Cece's extension, my friend, who also works in NCFMC in the Business Management Department. "Cece, walang hiya talaga ito si Ryu!" agad kong bungad sa kaibigan. "Oh, bakit na naman ba?" aniya. "Hay nako, Monday na Monday nagpapaset ng meeting sa akin. Eh, TTH lang naman dapat meetings naming." sagot kong may puno ng iritasyon.

Napatawa si Cece sa kabilang linya. "Ano naman masama, eh utos ng boss mo?"

"Ang agenda ng meeting is tungkol sa kasal. Nyemas! Ano kinalaman ko doon? Close kami para makipagkuwentuhan kami sa isa't isa tungkol magiging kasal niya? Lakas din ng tama ni mokong eh!" sagot ko.

"Oh, wag ka na magselos." Pabirong sabi ni Cece. "Ewan ko sa'yo, isa ka rin e. Sige na, bye!" at binaba ko na ang telepono.

Di ko rin gets itong kaibigan ko. Nang-aasar din. Ako magseselos?! Ulol!

Since it's still over one and half hour from the "meeting" with Ryu, I decided to review all the reports and checklists to be reviewed by Ryu at tomorrow's weekly meeting.

Subsob ako sa trabaho nang may kumatok sa office door ko, si Calvin, isa ring engineer at katrabaho ko sa isang project.

"Hi, morning!" bati niya. "Morning, Calvin." Tanging sagot ko at busy ako.

"Tara, Ky. Breakfast?" aya nya. "Sorry, Cal. Super busy lang ako now. May meeting pa ako with Mr. Ryu at 10. Next time na lang." sagot ko.

"Meeting with Sir Ryu? On a Monday. That's weird." he answered. "I know! Next time na lang." bahagyang patawa kong sagot. "Alright. Basta, don't say no next time ah." he said, laughing.

I just smiled and he left. I went back to work. A popup reminder in my mail appeared. 15 minutes before the shitty meeting with the archenemy. I stopped whatever I am doing and went straight to the washroom to retouch.

Minutes after, I am in Ryu's office.