Chapter 6 - Chapter 5

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagtext kay Ryu.

Ako: Nakauwi ka na?

Ryu: Yeah, dito na ako. Kakarating lang.

Ako: Okay.

Ryu: Get some rest, baby. Goodnight.

Nagulat ako sa nabasa ko. Nanghina ang tuhod ko sanhi ng pagkakaupo ko sa terrace chair at nawawala sa kasalukuyan.

Dumating ang alas sais at lumabas ako ng classroom. "Tara na, uwian na." yaya ni Jigs.

"I won't come with you, today, sorry." sagot ko.

"At saan ka pupunta ngayon, aking kaibigan?" nanunuksong tanong niya. Sinasabay ako palagi ni Jigs pag uwian na at hinahatid sa bahay. "I'm going out." Tipid kong sagot.

"With whom?" nakangisi niyang tanong na tila ba'y alam niya kung kanino.

"I'm going out with Ryu." pawalang malisya kong sagot.

"I knew it!" aniya sabay tapik sa braso ko. "Okay, I'll go ahead then. Ingat kayo. Ingat ka kay Kuya." natatawa niyang tukso at umalis na.

Inirapan ko si Jigs at nagpaalam na siya at umalis. Saktong paglabas ko na din ng gate ay nakita ko na si Ryu at nakapark sa labas. He waved to me and smiled sincerely. I waved back, awkwardly.

"Hi." tanging nasabi ko sa kanya.

"Hi, Ky. Congratulations again." he said while opening the car door for me.

Pumasok ako sa kotse niya. Sinara niya ang pinto ang naglibot siya papuntang driver's seat at umupo na din. Lumingon siya sa likurang bahagi ng sasakyan at kinuha ang isang bouquet of sunflowers at inabot sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa bulaklak at napatingin ako sa kanya. "I told you we're going to celebrate." he said and chuckled. Tinanggap ko ang bulaklak at nagpasalamat. "Thank you for these but you know you didn't have to."

Ngumiti lang siya at umalis na kami. Pumunta kami sa may Alabang which is a long drive pero buti naman at hindi traffic kaya hindi din masyadong matagal ang byahe. He took a right and pumasok siya sa parking ng Vivere Hotel. Lumuwa ang mga mata ko nang makita ko na sa hotel niya ako dinala. "Bakit mo ako dinala sa hotel, Ryu?!" Pagalit kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya at lumabas na ng kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at tinitigan ko lang siya ng masama. "Halika na." he said while extending his right hand para alalayan akong lumabas. Inirapan ko lang siya at nanatiling nakaupo.

"I am not taking you inside the hotel. There is a restaurant on the rooftop and that's where I am taking you." he explained while laughing.

Oh, ang assumera ko naman sa part na yun, sa isip ko. "Okay fine." Inabot ko ang kamay niya at iniwan ang bulaklak sa upuan. Lumabas ako ng kotse niya at tumungo na kami sa entrance.

"Hello, Sir, Maam, good evening. Do you have any reservation for tonight?" tanong ng lalaking concierge na nakangiti sa amin. "Yes, for two." sabi ni Ryu. "Alright, this way po." Iginiya kami ng concierge sa isang table sa labas na kitang kita ang view and ang city lights.

Ryu pulled out the chair for me to sit. Umupo ako at maya maya ay umupo na rin siya. Another waiter came to us and handed the menu. "Good evening po. Welcome to The Nest."

"What do you want, Ky?" Ryu asked. I stared at the menu and I think I want pasta. "One Chicken, Mushroom & Boursin Pasta, please." I said. Sinulat iyon ng waiter. "Make it two, please. And Ky, do you want any drinks or desserts?"

"Can we get Lemon Grass Iced Tea? Ryu, yours?" I asked him. "Yes, that's fine. Make it two, also. Do you have any cheesecake?" dagdag ni Ryu.

"I am sorry, Sir. Unvailable po ngayon ang cheesecake naming but we do have other desserts that you might want to try." suggest ng waiter. "Ky, which one would you like?" agad na tanong ni Ryu.

"Oh, let's just try their Frozen Brazo and the Mango Crème Brulee." sagot kong nakangiti sa waiter. Sinulat naman niya iyon at binalik ko na sa kanya ang menu. "Anything else, po?"

"Please add one Salted Caramel Brownie with Bacon Ice cream. That would be all, thank you." Dagdag ni Ryu. "Okay, sir. Thank you. Will get your orders ready and will get back to you." At umalis na ang waiter.

I stared at the city lights and let out a satisfied, happy sigh.

I caught Ryu staring intensely at me while smiling. "Why are you staring at me like that?" kuryuso kong tanong.

"Nothing. I like staring at beautiful things." Sagot niya at diniretso na rin ang tingin niya sa view. Nanahimik ako at nakatitig lang sa city lights. Di ko pa rin mawari sa isip ko at bakit ako dinala ni Ryu dito para magcelebrate kami.

We were never like this.

I guess I can say na we're both civil.

Malayo ang ugali ni Ryu kay Jigs. Outgoing si Jigs, palabiro, masayahin, habang si Ryu naman, seryoso, tahimik. Iisa lang talaga ang pareho sa kanilang dalawa, ang maging habulin ng babae. Halos ata lahat ng babae gagawin lahat para lang maging karelasyon ang magkapatid. I rolled my eyes with the thoughts in my mind.

I heard him chuckled. Napalingon ako at nadiskubreng nakatitig na pala siya sa akin. "What's wrong with you?"

"Ah, nothing." sagot ko nang nakangiting plastic. He shrugged it off at maya maya ay nariyan na ang aming pagkain at nagsimula na kaming kumain.