Takbo lang ako ng takbo, kanina pa ako tumatakbo.
Nung may nakita akong taxi na pumarada sa harapan ko may mabilis akong sumakay
"Manong, kahit saan po! Magbabayad po ako basta makaalis lang po ako dito" sabi habang nakatingin sa likod ko kung nakasunod pa sila sa akin.
"Manong-" napatigil ako sa dapat na sasabihin ko ng nakatingin siya sa akin.
"Manong kahit saan nga po. Paandarin niyo na, may pambayad naman po ako, may humahabol lang sa'ken" kinakabahan na sabi ko baka mahabol nila ako.
Ayokong makasal!
Muli akong tumingin sa aking likod at hindi ko pa naman nakikita ang isa sa kanila.
Muli akong humarap sa kanya at tinignan ang tinitignan niya at
"Hi" nahihiyang sabi ko.
May katabi pala ako hindi ko alam.
He's wearing suit, serious look at straight lang ang tingin sa harapan. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin
He's tall and White skin.
Napayuko ako at napakapit sa kanyang braso nang makita ko silang dumaan.
Nasa harapan sila at palinga-linga sa paligid. Doble ang tibok ng puso ko.
Nung tumingin dito ang lalake ay nagsumiksik ako sa dibdib nitong lalake at mahigpit na kumapit sa kanya. Plantsahin ko na lang ang nagusot niyang suit mamaya.
Nag angat ako ng tingin sa aking side at nakita ko ang isang body guard na nakatayo dito sa bintana.
"Huwag niyo akong ibibigay" mangiyak ngiyak na paki usap ko. I bit my lower lip dahil sa sobrang kaba.
Kapag nakuha nila ako dead end ko na.
"Manong pwedeng paki andar na magbabayad naman po ako"
Tumingin siya sa lalakeng katabi ko na parang nanghihingi ng permiso at nang tumango ito ay pina-andar niya ang sasakyan, doon naman ako nakahiga ng maluwag.
Inangat ko ang tingin ko at sobrang lapit na ng mukha namin. Mas gwapo siya sa malapitan. Ang nipis ng labi niya at kulay rose pink ito. Sakto lang din ang kapal ng kilay niya. Kung pagmamasdan siya nasa awra niya na tinitingala siya at makapangyarihan.
Na mesmerized ako sa ganda ng mukha niya.
Napaayos lang ako ng upo ng tumikhim ang nasa harapan "sorry", sabi ko sa kanya ngunit pinagpagan niya ang kanyang suit at hindi pa rin tumitingin sa'ken
Arte! Wala naman akong dalang germs.
Tahimik lang ang buong biyahe at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Kinalkal ko ang bag ko para matawagan ang aking kaibigan para magpasundo pero wala ito at ang aking wallet. Patay!
Ano ng gagawin ko?
"Can I borrow your phone?" Mahinang sabi niya
"Pwede ko ba hiramin ang cellphone mo?" Hindi pa rin ito sumagot
"Can I borrow your phone? May tatawagan lang ako" nilakasan na niya ang kanyang boses
"Bingi yata ito" bulong niya sa kanyang sarili
"No" maiksing sagot nito
Ayun, marunong naman palang magsalita
"Emergency lang"
"No" parang robot itong kausap niya. Isang tanong, isang sagot tapos hindi pa gumagalaw. Straight lang ang tingin.
Ginalaw galaw niya ang kamay niya sa harapan nito pero hindi man lang ito kumurap.
"Wow ang galing kuya, Robot po pala itong kasama naten" naaamaze na sabi niya.
Natatawa naman ang driver ngunit pinipigilan niya lang.
"Kuya, can I borrow your phone?" Nag puppy eyes pa siya
"No" sumagot ay ang kanyang katabi
"Sunget mo naman! Manghihiram lang babalik ko din naman! Hindi ko naman nanakawin!" Reklamo niya.
"Nakalimutan ko lang 'yung sa'ken sa bahay. Hmpp" pinag cross niya ang kamay sa kanyang braso.
"Why they are chasing you?", Seryosong tanong nito sa kanya
"Sikret! Peram mo muna akong phone bago ko sabihin" may pagka chismoso din pala ito
"Sigina" niyugyog niya ito.
Kinuha nito ang panyo sa pocket pants at iyon ang ginamit para alisin ang kamay ko sa nakahawak niya na braso
"Arte muh! Wala naman akong virus o germs! Mas malinis pa ako kesa sayu!"
"Roger, stop the car" naalerto naman siya.
Mabilis na ipinark nito ang sasakyan sa tabi at nasa hi-way na sila at kung titignan ay nasa bridge sila.
"Get. Out." Madiin na sabi nito na parang nagtitimpi sa kanya.
"Nag jojoke lang ako" nag peace sign pa siya.
"Roger" lumabas naman ito at binuksan ang pintuan sa kanyang pwesto at hinawakan siya sa braso para palabasin at humawak naman siya sa lalake na katabi niya
"Kuya huwag po!!! Nooooo!" Hysterical na sabi niya. Narindi naman sa kanya ang dalawang lalake.
"Can you please lower the fuvk your voice" iritadong sabi nito sa kanya.
"Sir, huwag niyo po akong paalisin! Sigina po! Mag bebahave na po ako! Huwag niyo po ako dito ibaba kahit sa malapit na hotel na lang po"
Hindi siya nito pinansin at hinila naman siya nito ang tinatawag na Roger.
Biglang may tumunog na phone kaya napahawak ito sa kanya kaya mabilis siyang sumakay ulit at umupo sa kandungan ng lalake at isinukbit ang dalawang kamay nito sa leeg para hindi siya mapalabas ni Roger.
He stilled when he sit in his lap
"Sir, the investor is waiting you at Hotel Del Rosario. They arrived at the hotel by now"
"Tell them we're on our way"
"Yes sir" sagot nito bago isinara ang pinto at nag drive na.
Napangiti naman siya.
Mabilis lang kanilang naging biyahe at huminto sila sa isang five star hotel. Napahanga naman siya sa ganda ng labas ng Hotel.
Bigla siyang tinulak ng lalake para mauntog ang kanyang noo sa bintana ng kotse at lumabas naman ang dalawa na parang hindi siya kasama ng mga ito.
Ang sama ng ugali! Porke gwapo ! Hmpp!
Nagtagal siya sa kotse at ng hindi mapakali ay lumabas siya at umupo siya sa harapan ng hotel na sa harapan din niya ay ang nakaparadang kotse.
Nakangalumbaba siya habang iniisip kung saan siya pwedeng pumunta. Hindi na siya pwedeng umuwi sa kanila.
Hindi niya naman matawagan ang kanyang kaibigan para makahingi ng tulong at ang dalawang lalake ay ayaw naman siyang pahiramin ng cellphone.
Sinubukan niyang manghiram sa mga taong nakikita niya ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito kaya lalo siyang napasimangot.
It's already past 7 in the evening at apat na oras na siyang naghihintay sa labas ng Hotel.
Hindi pa siya nakakapag lunch at wala pa siyang ligo at amoy pawis na siya kakatakbo niya kanina, kung saan saan na rin siya sumuot para matakasan ang mga humahabol sa kanya.
Inaantok na siya at gusto na niyang maligo.
Nang mapansin niya na papalabas na ang mga ito ay mabilis siyang tumayo at sumakay sa kotse na kasabay nila. Mahirap na baka iwan siya ng mga ito.
Wala naman nagsasalita sa kanila at ang katabi niya ay tahimik na nakapikit, mukhang napagod sa ginawa sa loob.
Wala naman sigurong threesome na naganap. Napatakip siya sa kanyang bibig at humagikgik.
Huminto sila sa isang condominium at sumunod siya sa lalaki hanggang loob, nasa likuran siya nito at kaya naman ng huminto ito ay nabangga siya sa likod niya
"Are you following me?" He asked coldly.
"Bulag ka ba? Kanina mo pa ako kasama" tinarayan niya ito.
He sighed na parang nagtitimpi sa ugali niya.
"Ay pwedeng makituloy? Kahit ngayon lang?"
"No. Get lost! Stop following me!" Sabi nito sa kanya at muli itong naglakad.
Dahil makulit siya ay sinundan niya ito at kinalabit pa.
"Sigi na ngayon lang naman and beside wala talaga akong matutuluyan ayaw mo naman akong pahiramin ng phone para sana magpasundo sa kaibigan ko" sumakay sila sa elevator
He deeply sighed again at may kinuha sa bulsa ng pantalon.
Nakatingin siya sa smart phone nito na nakalahad sa harapan niya. Excited niyang kinuha ito at pumunta sa call log. Mabilis na nawala ang kanyang ngiti ng marealized na hindi niya memorize ang number ng kanyang kaibigan
"Ay, hindi ko pala memorize ang number nila hehe" binalik niya ito.
"Pwedeng makitira na lang?" Pakiusap niya
"I don't know you"
"I'm Jiselle Mika Alcantara. 26 years old. Im currently living in Makati City. Im have part time job and half tambay." Nilahad niya ang kanang kamay para makipagkamayan ngunit napahiya siya dahil hindi man lang tinaggap iyon ng lalake.
"How about you?"
"I still don't know you" hindi nito pinansin ang kanyang tanong.
"Basta nagpakilala na ako pwede na iyon" hindi na siya pinansin ng lalake at sumunod na lang siya kung saan ito pumunta.
Sumunod siyang pumasok sa loob ng condo nito at wala man lang kagamit-gamit ang loob ng condo nito.
"Wow ang manly"
"Saan ako matutulog? At saka may damit ka ba na pambabae diyan? Hindi pa kasi ako naliligo at saka gutom na ako. Makikikain na rin ako ah"
"You'll sleep in sofa and I don't have female dresses here. My fridge is empty"
Tinignan niya at wala ngang laman ni kahit tubig o ano
"Wow daming laman" sarcastic na komento niya.
Inilibot ko ang buong paningin at sakto lang ang laki ng condo niya at may isang kwarto, mukha para lang sa kanya talaga.
"Pwede makahiram ng damit mo? Please? Salamat!" Inadvance ko na dahil alam ko naman na hindi ako papahiramin.
Nakaupo lang ako sa sofa habang naghihintay ng damit ngunit may nag doorbell, binuksan ko naman iyon at si Roger ang nakita ko.
"Here's your personal needs Madam"
"Sakin ito? Weh?" Binuksan ko ang laman at puro pambabae na damit ang nandito, may mga sabon, shampoo at toothbrush pa
"Salamat Manong Roger!" Sigaw ko dahil nakalayo na siya.
Mabait naman pala eh.
Mabilis akong naligo.
Hay nakakapagod ang araw na ito.
"Mister pwedeng makihiram ng pera? Babayaran ko rin" dinikit ko tenga ko sa pinto.
"Mister?" Kumatok ulit ako
"Bubuksan ko na ito huh? Di ka kasi sumasagot!" Sigaw ko.
Akmang bubuksan ko na kusa itong bumukas.
"Peram pera. Im hungry!" Hinihimas ko ang tiyan ko para ipakita sa kanya na gutom na talaga ako.
"I waited you outside the hotel for almost 4hrs at saka wala pa akong kain ng lunch"
"So what." Lumabas siya sa kanyang lungga at sinundan ko siya ng tingin
"You're too demanding. I didn't know you. I let you to come here in my condo and you keep on demanding and too noisy"
"Eh, kung pinakain mo na ako edi wala ka ng maririnig sa'ken. At saka babayaran naman kita"
"How can you pay me? Someone is chasing you and you don't have money"
"Edi kapag nagkita tayo babayaran kita! Hindi ko naman sinabi sa'yo na babayaran kita ngayon!"
He tsked at may kinalikot sa kanyang phone at maya maya pa ay may nag doorbell at mabilis ko naman iyong binuksan
"Sabi ko na pagkain!"
Mabilis ko itong binuksan
"Thank you kuya!"
Bumalik na ako sa sofa.
"Salamat mister. Babayaran kta kapag nagkita ulit tayo! Loveyou!" Sigaw ko kahit na nakapasok na siya sa kanyang kwarto.