Chereads / Millionaire Marriage / Chapter 23 - Chapter 24 Lambing Kuring

Chapter 23 - Chapter 24 Lambing Kuring

"Hubby wala kang day off?" malungkot na tanong ko

he shrugged and ask me why.

"gusto lang kitang makasama" ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko naman alam kung bakit, I need to accompany. Siguro nasobrahan lang ako sa trabaho dahil ang daming customers.

"What with that face?" hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa kanya

"Busy ka ba talaga?" pinalungkot ko ang mukha ko "what happened to you?" nakakunot noong tanong niya

sumisinghot singhot ako kunware may sipon ako. Nakakunot noo siya ngayon at ang mukha niya ay nagtataka at nagtatanong. Nagtatanong kung napapano ako at

"hubby?" naiiyak na sabi ko

"what? are you okay?" nag-aalang tanong niya

"Hubby pwede ba kitang mayakap?" matagal bago siya sumagot "sige kung ayaw mo huwag na lang" lalo ko pinalungkot ang mukha ko

"yeah, Come here" he tap the sit beside him. Hindi na kame ganu'n nagkikita. Sobrang madalang na lang. Parang once a week na nga lang kame nagkikita dito sa bahay.

lumapit ako sa kanya at umupo doon "What happened?" malumanay na tanong niya

"Hubby" balik tayo sa pag dadrama "yeah?" he didn't break our eye contact yumakap ako sa kanya "Miss na kita" I cried "Sobrang miss na miss na kita" sabi ko sa gitna ng aking paghihinagpis. "yeah?" mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya "yakapin mo ako para mawala ang lungkot ko" kinuha ko ang kamay niya para yakapin ako at di naman ako nabigo dahil nahigpit niya rin akong niyakap, hindi ko alam kung nag hahallucination lang ako pero naramdamam ko na hinalikan niya ang noo ko.

"Hindi na naten masyadong nakikita ang isa't isa this past few weeks, hindi mo ba ako namiss?" tumingala ako sa kanya

"uhh yeah?" ramdam ko na hindi niya alam ang kanyang isasagot

"Every night, whenever I got home, you're not here. Tell me, where do you go? do you have illegal business ?" kahit hindi ko siya tignan alam ko na nakakunot noo na naman siya.

hindi ko rin sinagot ang tanong niya "Yakapin mo pa ako" utos ko sa kanya

"woman, I'm busy I can't spend my day hugging you"

"woman na naman! Baby nga sabi itawag mo sa'ken" ungot ko. He chuckled. O diba, ang bilis magbago ng mood. Kanina lang ang seryoso ngayon tumatawa na

"you're unbelievable" komento nito "uhhh. What's your name again?" I stilled at humarap sa kanya

"ano? hindi mo alam ang pangalan ko? kinalimutan mo?

"I'm sorry, I- i forget" hindi siya makatingin sa'ken na parang may ginawa siyang malaking kasalanan

"ah kaya pala hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko huh!. Alam mo ang gago mo!" naiinis na tanong ko sa kanya "yumayakap-yakap ka sa'ken tapos itatanong mo ang pangalan ko?!" hasik ko sa kanya

"hey, I didn't mean that way" he tried to calm me down

kinuha ko ang unan at hinampas sa kanya "Leche ka huwag mo akong kakausapin!" iniwan ko siya at nag marcha sa inis ko.

kumukulo ang dugo ko! mahigit tatlong buwan na kame nagkakasama tapos itatanong niya ang pangalan ko?! wow na wow talaga ang hilaw na Lawyer na iyon!

lumabas akong pinto at may nakasalubong akong babae.

Naiinis ako!

ang unreasonable niya palagi.

pumunta ako sa firm nila at at hinanap ang kapatid niya

"The sun is shining bright. Today is a great day and what happened? what's with that face?" nakakunot noong tanong niya sa'ken. May ginagawa siya, nang-inistorbo ko. Kakalabas nga lang nung kliyente niya

kinuyom ko ang kamao ko , siya ang gusto kong pagbuntungan ng inis ko! dahil parehas lang naman sila ng mukha "Alam mo ang gago ng kakambal mo! nakakabwisit siya" grrr!" He playfully smiled at me

"So, that's why you are here?" seryosong tanong niya

"huwag ka ngang magseryoso!" naiinis na reklamo ko "Nakikita ko lang siya sa'yo! 'yan" Turo ko sa mukha niya " iyan yung mukhang masarap sapakin!"

iniba niya ang usapan " If I'm not wrong, he's holding the mayor daughter case" He informed me.

" O, pake ko?!" tinaasan ko siya ng kilay

he smirked "you might be jealous. She's effin gorgeous and sexy with brain. Men chase her" Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito.

" O, anong pake ko?! ano sinasabi mo 'yan sa'ken ngayon para lalong mainis?! alam 'yang kapatid mo ang sarap pektusan parang di tao! tatlong buwan na kameng nagsasama" pinakita ko sa kanya ang bilang sa daliri ko "sa tatalong buwan na iyon tapos hindi niya alam ang pangalan ko?! sana okay lang talaga siya!" I nag " at iyang mukhang 'yan nakakainis makita ang sarap na lang durugin"

he laughed "O, anong nakakatawa ?!" asik ko sa kanya

"wait? he doesn't know your name?"

"oo!" at mas lalo pa siyang tumawa

"My twin is workaholic, he rarely memories people name since he's gray matter. He facile bypass things. People tend to misunderstanding him since his gray matter and he need savvy too "

wala akong maintindihan sa sinabi nya basta ang alam ko workaholic siya. Mukha naman silang matalinong dalawa

"oh, speaking. they are here" nakita ko na may kasama siyang matangkad at magandang babae pumasok. Iba na rin ang damit na suot niya

"Atty. Kenzo?" anang babae. Nakipag kamayan naman si Kenzo

"yeah, his brother"

nakatingin siya sa'ken at sinamaan ko siya ng tingin

"you two really look a like! by the way bukas na ang hearing ng kaso ko" The way I looked at her , nakaka insecure siya.

so, bukas na pala ang hearing at anong ginagawa nila dito?

"excuse me" I excuse myself and ayaw ko naman na maging rude. Ayaw ko siyang makita naiirita ako sa pagmumukha niya

WHEN SHE LEFT THE ROOM

"Is that your girlfriend Atty?" tanong ng babae kay Kenzo

"No" malamig na sagot ni Kienzo. Siya ang sumagot "My shchedule is hectic and I don't have time to do chitchat. If you don't mind we're going back in my office and we're going to talk about tomorrow" Kienzo irritated said but he's hiding it. He's not in the mood right now.

"Ok bro, Goodluck!"

"bye Atty. It was a pleasure to meet you" and they left

Kenzo heave a sigh.

KENZO had been busy and he won the case. That's one of the mayor daughter who hire him as her lawyer. Ang kaso nito ay ang pag rape sa kanya ng kanyang ex-boyfriend, actually pinilit siya nito, but as long as it's against the will of women it's considered rape. Kahit magka-asawa pa kayo kapag pinilit ka ng lalaki makipag talik ay considered ng rape iyon.

He knocked his twin brother Kenzo office.

"Bro, does my wife visited you theses past few days?"

ilang araw na niyang hindi ito nakikita at alam niyang galit ito sa kanya dahil sa nangyare. Fvck! Kasalanan ba niya na hindi ganun katalas ang memorya niya sa mga ganung bagay?

his day is not complete without seeing or hearing her voice. He wants to be with her. He miss her being loquacious.

"Damn!" he murmured

"hindi pa rin kayo okay?" usisa nito sa kanya

"she's mad" he said in problematic way. Kenzo offered him a cup of coffee

"wala ka na ba kliyente niyan?" Usisa pa ni Kenzo

"I've been focuse on Glicia case, work for it for almost a month" Glicia is the mayor daughter's case that he hold last time.

Umupo si Kenzo sa harapan ng kakambal

"do you have her number?" tukoy ni Kienzo, sa kakambal

"seriously bro? she must hurt. You don't know anything about her" Kenzo

he sip on his coffee "I'd known some information about but I- fvck!" he massage his temple " I forgot!" inis na sabi nito

"nakalimutan mo na naman dahil nabusy ka sa trabaho. Pustahan, hindi mo alam kung saan siya nagpupunta" sabi ni Kenzo "maybe you need to ask Chad and ask for his help"

"yeah right." He Remembered he asked for someone information.

He stormed the room without saying anything.