Chereads / Millionaire Marriage / Chapter 4 - Chapter 4 Atty. Glavienca Rodriquez

Chapter 4 - Chapter 4 Atty. Glavienca Rodriquez

"atty, pwede ba akong sumama?" Nakangalumbaba ko na tanong sa kanya.

Ayaw niya pa rin akong palabasin ng condo dahil hindi pa rin daw safe sa'ken, eh, hindi naman ako taong bahay.

"No" mabilis na sagot niya. Napasimangot naman ako

"Damot" reklamo ko

Sinuot niya ang tie niya at palabas na ng condo ng kulitin ko na naman siya

"Atty. Sama mo na ako! Please??" Nag puppy eyes pa ako kahit hindi ko bagay.

"Tsk" at umalis na.

Ngi

Kahit wala siyang sinabi ay sumunod pa rin ako sa kanya.

"Atty. Sasama ako noh" paalam ko sa kanya. As usual wala akong sagot na nakuha.

Psh!

Sumunod ako sa kanya papasok sa elevator.

"Diba 'yung mga Atty. Maraming alam at madaldal sila. Bakit ikaw ang tahimik mo? Paano pinaglalaban mga clients mo kung ganyan ka katahimik?" Hindi niya ako pinansin at malalaking hakbang siyang lumabas.

Suplado naman.

"Atty!" Tawag ko sa kanya. Hinabol ko siya.

Pumasok siya sa isang kotse kaya mabilis din akong pumasok. Baka iwan niya pa ako.

"Atty. May sarili kang company? Building? Firm? Saan ka nag work?"

Wala pa rin sagot.

Okay, english na lang.

"Atty. Where is your work located? Do you have your own firm?" Nakangiti pa akong nagtanong.

Wala pa rin akong nakuhang sagot.

Hay naku, sa lahat ng mga kilala kong Atty. Siya pinaka tahimik.

Hindi na ako nagsalita dahil wala naman yata siyang balak kausapin ako.

Sumunod lang ako sa kanya nang makababa na kame ng sasakyan at at nandito kame sa isang Judge hall.

Woah.

Nakasunod lang ako sa kanya at hindi niya man lang ako inasikaso.

My hearing pala siya ngayon kaya pala mukhang nagmamadali.

Umupo ako sa kalaban niya at nakita ko siya na parang may hinahanap at nang mapunta sa kanya ang tingin niya ay mabilis siyang nag iwas. Nakatayo siya sa harapan at may mga papel na inaayos.

Maya maya pa ay nagsimula na ang labanan. Tahimik lang kameng mga audience na nakikinig. May nag hysterical pa.

Tapos nagmamakaawa pa yung babaeng makukulong doon sa pamilya nung lalake. Basta ang alam ko naipanalo niya ang kaso.

Nakasakay na kame sa kotse nya at hindi ko alam kung saan kame pupunta

"Wow atty. Ang galing mo pala. Apir tayo" hindi niya ako pinansin at sa daan lang ang tingin niya

Namangha ako sa kanya kanina ang galing niya magsalita at naipanalo niya ang kaso. Naka relax lang siya at mukha siyang confidence na mananalo siya.

Hay, sabihin ko na lang mga pinupuntahan namin dahil wala naman akong kausap.

Next destination namin ay isang malaking building at pumasok kame doon.

"Good afternoon Atty." Hindi niya pinansin si ate girl

"Okay lang yan ate ako din di pinapansin" sabi ko.

"Good morning Ma'am" she smiled at me

"Uy teka" mabilis akong tumakbo dahil nakasakay na siya sa Elevator akma na ngang magsasara.

Pumasok kame sa isang office at ang laki

,"Wow na wow"

Atty. Kienzo Vladimir

Sa kanya pala ito.

- - - -

Lumabas ako ng office niya dahil hindi niya rin naman ako kinakausap.

Naglibot ako sa buong building at napansin ko na andaming Atty dito at puro may mga kausap na clients.

Sino kayang may ari ng company nito. Kinuha na niya na lahat yata yung mga magagaling na Atty.

Umupo ako sa isang table at nagtingin sa paligid. Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad.

Bahala na. Hahanapin naman na siguro ako nun.

"Good afternoon Ma'am. I'm sorry I'm late. I had emergency" nakipag kamayan siya sa akin kaya tinaggap ko iyon.

"Good afternoon din po hehe"

"Take a sit Ma'am" umupo naman ako. Sabi niya eh

"By the way you are ?"

"Princess Claire Zhuan"

"I'm Atty. Glavienca Rodriquez. So what is your concern?"

Huh?

Ano bang concern ko? Wala naman ah. Maliban na lang dun sa chinese na panget pero sabi naman ni Atty. Siya ng bahala doon. Nag isip ako ng iba

"Ganito po kasi iyon Atty. Hindi po ako kinakausap ng asawa ko." He listen well

"What about your husband?"

"Ewan ko sa kanya. Atty. Kausap ako ng kausap sa kanya tapos wala man akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Hindi naman po siya pipi, nagsasalita naman po siya pero bakit hindi niya po ako kinakausap?"

"Uhu, so you want to file a case to your husband because he's not talking to you?" Paninigurado niya

"Hindi po Atty." Mukha naman siyang naguluhan sa sinabi ko

"Then what is your concern Ma'am?"

"Yun na nga po Atty. Hindi niya po ako kinakausap"

"Ma'm I'm consulting a case, not a love life problem" he chuckled.

Nagliwanag naman ang mukha ko makita ko siyang dumaan dito

"Wait lang po Atty."

Hinabol ko siya at tinawag

"Atty. Teka lang"

"Hi?" He smiled at me at para naman akong matutunaw sa ngiti niya.

"How's your case Atty. Vladimir?" Napatingin naman ako sa taong nagsalita at si Atty. Rodriquez nga. Lumapit siya sa'min.

"Magkakilala kayo?" I interrupted

"Yes" they both answered in chorus.

"How about you two?" Turo niya sa amin.

"He's my husband!" Proud na sabi ko.

Parehas naman silang naschoked sa sinabi ko.

"So siya ang sinasabi mo na asawa mo na hindi ka kinakausap?" He laughed.

"Oo" I answered. Napakunot naman ng noo si Atty. Vladimir na parang di alam ang sinasabi ko

"Wow. You're married Man. You didn't invited me huh",

"Wait. What consult? Me? I'm not talking to her?"

He laughed again. "Yes Atty. Vladimir. She's my client at sinasabi nya sa'ken na hindi mo raw siya kinakausap"

Bigla na lang nag ring ang phone niya at sinagot naman niya ito.

Umalis siya sandali at bumalik nang tapos na siyang makipag-usap.

"I'm sorry, so you're not my client? My client is here"

Umiling naman ako

"Nakiupo lang po ako kanina hehe"

"O I see. I need to go. My real client is here"

"Hey. Miss" hinapit niya ako sa bewang kaya napahawak naman ako sa dibdib niya. Parang nag iba ang amoy niya

"So you're my wife?" Amazed na tanong niya

"Oo noh! Kakasal lang naten kahapon." He smirked

"So, if we're married where is your ring?" Nang uusisang tanong niya.

"Sabi mo bibilhan mo ako"

"Oh, I see. Did you know that I can sue you for telling every one that you are my wife?" Binigyan niya ako ng matamis na ngiti

"Mukha ba akong nagsisinguling?! May sira ka yata sa utak!" Tumawa naman siya ng malakas.

"Ok. Ok. I'm sorry. Let's go to my office" hinila niya ako sa kanyang office.

Teka bakit parang nag iba?

Atty. Kenzo Vladimir

Things had happened so fast. Nagkwentuhan kame at binigyan niya ako ng alak. Sabi niya mag hohoneymoon daw kame. Medyo nanibago ako sa kanya dahil ang daldal niya at panay pa ang tawa niya. Kahit na nagtataka ako sa kinikilos niya hinid ko na lang pinansin iyon..