"Good morning baby!"bati sakin ng lalaking bigla nalang sumulpot sa gilid ko.
What the hell?! Is he trying to give me a heart attack?!
"Baby mong mukha mo!"singhal ko. He frowned and pouts his lips. Never in my life did I found him cute looking like that. Instead, I found it pretty annoying. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagdidikit ng talisman sa pader at pinto ng kwarto ko.
"Ano ang mga 'yan, baby?"malambing niyang tanong.
I didn't bother answering his questions and just continue on what I was doing. But suddenly, I felt the chills on the back of my spine and felt the cold hands wrapping around my waist. May naramdaman din akong ulo na sumandal sa balikat ko. My heart started beating fast and I felt my hands getting cold.
"Baby pansinin mo naman ako oh."
Naistatwa ako sa ginawa niya, hindi ko alam kung sisikuhin ko ang sikmura niya o ano. Pero nawala sa isipan ko iyon nang maramdaman ko ang kamay niya na lumakbay mula sa bewang patungo sa dibdib ko. Sa inis ay hinarap ko siya, kinuha ko ang maliit na botilya sa bulsa ng jogging pants ko at pinakita sa kaniyang mukha ang holy water.
"Gusto mo bang malunod sa bathtub puno nito?"
Lumayo siya ng kaunti at tinaas ang mga kamay niya bilang pagsuko. "Woah. Baby, easy with that water. Masakit 'yan."
"Call me 'baby' again at ibubuhos ko 'to sa pagmumukha mo!" Akmang bubuksan ko ang cap ng bote. "Okay, okay. Yeesh. Nilalambing lang kita kasi ang aga aga ang init na ng ulo mo," naiinis niyang wika. Aba! At siya pa 'tong naiinis. Ako dapat 'yon! Baka nakalimutan niyang nakipagsiksikan lang siya sa pamamahay ko!
"Sinong hindi iinit ang ulo sa 'yo ha?! Sinong gaga ang gustong makatabi ka sa kama ha!?"
Nakakainis siya! Tinabihan ba naman niya ako sa pagtulog at talagang niyakap pa ako. Pakiramdam ko tuloy kagabi na kinulong ako sa refrigerator sa sobrang lamig. Halos magka hypothermia na ako sa ginawa niya. Anong akala niya sakin? Na isa ako sa mga babaeng gugustuhin na yakapin ng isang lalaki. Hindi lang ordinaryong lalaki, isang multong lalaki! Yes, you heard me right. Isang multo ang yumakap sakin! Isang MANYAKIS na multo!
Why did I even let him stay here? Sana pinabayaan ko na lang siya mabulok—ayy matagal nang nabulok ang katawan niya sa sementeryo. Sana pinabayaan ko nalang siya sa daan or I should have thrown him in the flaming pits of hell when I still had the chance!
"Ikaw,"natatawang wika niya.
That's it!
Binuksan ko ang cap ng holy water at binuhos iyon sa kanya. Pero ang bwiset na manyakis na multo ay nakaiwas at naglaho ng parang bula. I scanned the living room and he reappeared just above the TV. His head was slightly smoking.
Para sa mga multo na gaya niya, masakit ang holy water. For them its like burning their skin with acidic chemicals. Ngunit hindi ito gaya ng holy water na ginagamit sa mga simbahan, iba ang mga kemikal o tubig na ginamit para rito. The only similarity is they have the same name.
Hinihimas niya ang bahagi ng kanyang ulo na umuusok. "Ow! My baby is so feisty and sadistic but don't worry I like girls with that attitude. They are so cute to tease and play. That's why when I first lay my eyes on you I like you already. I like you Emersyn." Natigilan ako sa sinabi niya at nakipagtitigan kami. Ilang segundo ang tinagal no'n bago ako nakabawi sa pagkatulala at hinagis ang bote sa kanya.
"Pervert!"
"Yikes!"
He instantly disappeared and that gave me the divertion to go inside my room. Sa buong kwarto ko ay punong puno ng nakadikit na mga talisman sa pader, bintana, pinto at pati ang aking kisame. What the hell?! Bakit ako natulala kanina? Like hello, earth to Emersyn! Isa kang ghost hunter for Pete sake! Ikaw ang lumalaban at pumupuksa ng mga multo. At eto ka ngayon, natulala lang ng sinabihan nang 'I like you'. Pinukpok ko ang ulo ko sa pinto. Umayos ka nga Emery!
"Emery?! Baby?! Ouch!"rinig ko mula sa kabilang banda ng pinto ang boses niya. Nagsitayuan ang balhibo ko sa likod nang tawagin niya ang pangalan ko. Iniwaksi ko ang pakiramdam na iyon. Emersy umayos ka! "Aray! Baby, why can't I get through your room?"
He can't come in my room because of the talismans I sticked on my walls. The talisman I used gives me a protective barrier from all types of ghost especially perverted ghosts like him. Nagbibigay ng electric shock ang talisman na gaya sa mga tazer o stun guns kaya kahit anong pilit nilang pumasok ay masasaktan lang sila.
"Buti nga sayo! You perverted ghost! Simula ngayon ay hindi ka na makapasok sa kwarto ko!"sigaw ko sa kanya. Lumunok ako. Geez. Mag ilang araw na akong sumisigaw pagkausap ko ang multong 'to. Sumasakit na ang lalamunan ko.
"It's okay, baby. Pwede naman akong dumaan rito sa banyo—Aray!" Dahil alam ko na manyak itong kasama ko sa bahay ay minabuti ko narin lagyan ng talismans ang banyo ko. I don't want that scene to happen ever again. Like EVER.
"Nice try, dimwit."
"Baby let me in! Papasukin mo ako! Tangalin mo 'tong nakadikit na ewan sa mga pader mo! Gusto kitang makita maligo ulit!"
"NEVER! MANIGAS KA D'YAN! MANYAKIS!"
Buti lang talaga at soundproof ang condo ko dahil kung may makarinig man sa mga kapitbahay ko baka isipin pa nilang maingay at baliw ako.
And this is just another day to start with a freeloading perverted ghost living in my house.