Chereads / Unanticipated Love / Chapter 10 - Chapter 9: Apology

Chapter 10 - Chapter 9: Apology

Pagkagising ko sa umaga bumungad kaagad sa akin ang text messages and missed calls mula kay Greige.

Binuksan ko yung last na text niya sa akin.

Mi cielo:

I am sorry of what I did yesterday. Can we talk? Pag-usapan natin ito mamayang lunchtime saka dalhan mo ako ng paborito kong ulam.

Napangiti naman ako nang mabasa ko ang message niya sa akin pero hindi pa rin mawala yung sakit na naidulot niya sa akin kahapon. Kaya sineen ko lang text niya at tumayo na rin upang makapaghanda nanaman sa trabaho.

Pagsapit ng 11AM pumunta muna ako sa kusina at hinanda na ang mga pagkain na dadalhin ko.

"Nagkasagutan ba kayo ni Greige kahapon?" tanong sa akin ni Yaya Helena na kasalukuyang tumutulong sa akin sa pag-asikaso ng pagkain.

"Badtrip lang po siya siguro kahapon kaya pati ako napagbuntongan."

"Pero hindi pa rin tama iyong ginawa niya sayo Thaea. Kahit nandoon pa rin ang respeto lalo pa may kasama kayong ibang tao. Huwag mo siyang hahayaan na ganunin ka katulad ng ginawa niya sa kakambal mo". napatigil ako sa aking ginawa nang marinig ko iyon.

"Ano po ginawa niya kay Thena?" medyo napalakas ang boses ko dahil sa hindi ko matanggap sa aking narinig.

Oo marami kaming hindi na napapagkasunduan ni kambal pero mahal ko pa rin siya at di ko siya hahayaan na lang masaktan ng ibang tao.

"Madalas sila noon magkasagutan dito ni Thena at ni Sir Greige at walang araw na hindi sila nag-aaway kaya naaawa naman ang parents mo noon sa kakambal mo. Si Greige kasi halos wala ng oras sa kanyang girlfriend sa sobrang busy sa trabaho at ito namang si Thena panay ang maktol at pinagsasalitaan ng hindi maganda ang boyfriend niya kaya ayun hindi nakapagtimpi si Greige sinigawan niya ang kapatid mo."

Pero hindi pa rin niya dapat ginawa yun.

"Kahit ganoon ang kakambal mo, sobrang mahal pa rin siya ni Greige kaya kahit papaano pinagpapasensyahan niya pa rin ang kapatid mo. Ganoon rin si Thena kaso possessive sa boyfriend niya kaya kung anong bagay hindi nasunod mabilis magtampo at kung ano-ano na lang ginagawa sa sarili niya."

So marami nga akong namiss na pangyayari dito sa bahay. Siguro kong nakilala na ako ni Greige nang mas maaga eh wala ako ngayon sa posisyon ko para magpanggap.

"Sige po alis na muna ako Yaya Helena." paalam ko sa kanya.

"Mag-iingat ka anak at ayaw ko nang may mangyari pa sayo." nag-alalang saad niya sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkarating ko sa opisina niya agad naman ako kumatok at agad niya ako pinapasok.

"Heto na pala yung pananghalian mo."bungad ko sa kanya.

"Hindi ka kakain kasama ako?" tugon naman niya.

Kailangan ko munang magmatigas ngayon dahil hindi pa rin sapat sa akin ang sorry niya kanina.

"Sa bahay na lang ako kakain kasama ni Tery."

Aakmang aalis na ako nang hawakan niya bigla ang braso ko.

"Huwag kang umalis. Mag-uusap pa tayo remember?"

Oo naalala ko naman iyon kaso masakit pa rin ang ginawa niya pagtaboy sa akin.

"I am sorry mi cielo. Patawad kong naging badtrip ako kahapon at ikaw yung napagbuntongan ko so please don't leave me."

Kita ko sa mata niya ang pagsusumamo at sincerity. Hindi ko alam bakit sa tuwing napapatitig ako sa mga mata niya bigla na lang bumibilis ang heartbeat ko at nanlalambot ako na parang gusto kong sumabay sa agos niya.

Kapag nakikita ko siya ganitong kaseryoso parang mas gusto ko siya yakapin at hawakan ang kamay niya.

Kapag siya ngumingiti parang nakukuryente ang buong parte ng katawan ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tumititig ulit siya sa aking mata na ikinaestatwa ko.

"Huwag kang umalis mi cielo at hayaan mong makapag-usap tayo nang maayos."

Pagkatapos bigla niya ako niyakap nang napakahigpit at tumugon din ako sa yakap niya.

"I hurt you I am sorry. I promise that I'll never do this again. I am promise na mas magiging sweet ako sayo." sabi niya habang nanatili pa rin kami nakayakap sa isa't isa.

"Ok na Greige. Kumain na muna tayo at nagugutom na rin ako." sabi ko sa kanya habang nakakaramdam na ako ng kirot sa aking tiyan kaya mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap at tinulungan akong ayusin ang mga pagkain at alisin ang kaunting kalat sa table niya.

Wala umimik sa aming pareho habang kumakain. Tuloy lang ako sa pagkuha ng ulam at kanin samantalang siya naman ay patuloy na nilalasap ang pagkain.

Lumipas ng mga ilang oras, nauna siyang natapos kumain at mga ilang sandali naubos ko na rin ang pagkain sa plato.

Aakmang liligpitin ko na ang pinagkainan namin, pinigilan niya ako upang siya na mismo magpresinta magligpit nito at ipinaupo niya lang ako kaya hinayaan ko na lang siya.

Pinanood ko na lang siya habang ginagawa niya iyon at habang tumatagal na nagiging slowmo lahat sa na nakatitig ako sa kanya pero bigla na lang ako naalarma sa sarili ko at napailing ako sa paligid kunwari na hindi ko siya tinititigan at kung ano pa masabi niya sa akin.

"Sarap ng mga pagkain ahhh. Ikaw ba ang nagluto?" tanong naman niya sa aiin pagkatapos ligpitin ang mga kalat at tumabi naman siya sa inuupuan ko na parang naiilang na ako sa ganoon.

I don't know kung bakit? Dati rati kasi hindi naman at comfortable akong kausap siya.

"Hindi eh. Alam mo naman busy ako kaya di ko magagawa na maipagluto kita." nakangusong sabi ko sa kanya.

"Kailan naman kaya mangyayari yung ikaw magluluto para sa akin. Gusto ko kasi ikaw ang magluto ng pagkain ko dahil mas masarap siya." sabi niya habang nakakatitig sa kawalan at biglang napatitig siya akin na napansin ko naman sa peripheral vision ko.

Pinigilan ko tumingin dahil baka anumang oras hindi na ako makaiwas ng tingin rin sa kanya. Hindi ko kaya.

"Kapag hindi busy?"

"Oh nga pala mukhang ok na tayo at siguro naman natanggap ko muna ang sorry ko?" pag-iiba na niya ng usapan.

Tanggap ko naman na dahil sa ginawa niyang pagcomfort sa akin. Pero gusto ko muna siya inisin at gusto ko subukan kung talagang unti-unti na siyang nagbabago.

"Actually hindi pa." napatitig ako sa kanya at napansin ko ang biglang pagbago ng expression niya.

Hehehehe.

"Bakit? Hindi pa ba sapat yung ginawa ko?"

Napatango lang ako bilang sagot.

"Kung ganoon ano gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako? Hindi na ako mapakali kung aalis ka ng opisina na hindi tayo ok at galit ka pa rin sa akin."

Umepek nga yung plano ko hehe. Napakaseryoso nga niya pero may kasamang sincerity hindi tulad noon.

Kunwari nag-iisip ako pero wala naman na talaga siya dapat gawin dahil "HIS APOLOGY IS ALREADY ACCEPTED".

"Ano?" medyo may kalakasan niyang boses at mas lalo sumeryoso ang awra niya pero may pagsusumamo at pagmamakaawang ekspresyon kaya napangiti ako ng kaunti.

"JOKE." malakas na sabi ko sa kanya kasabay ng may PEACE SIGN sa dalawa kong daliri.

"Ugh Thena. Pinagtitripan mo ba ako?"

Ahahahahaha.

Isang halakhak ang naging sagot ko sa kanya.

"Hindi magandang biro yan Athena."

Ito naman hindi mabiro hayz.

"Peace na po. Masyado ka namang pikon eh." sabi ko na lang sa kanya.

"Gusto mo halikan na lang kita? Para patas tayo?" agad akong nagulat sa sinabi niya kaya mas lalo kong nilayo ang sarili sa kanya kasabay ng paghawak ko sa aking pisngi.

"Tatawa ka pa? Iyon lang pala magpapatigil sayo eh?" sabay smirk sa akin kaya medyo kumalma na ako pagkatapos.

Akala ko kasi hahalikan nanaman niya ako. Grabe nakasecond base na kaya siya sa akin.

"Ok na po mananahimik na." sabay ng pinagcross ko ang magkabilang daliri ng aking kamay.

"Saka aalis na ako malamang hinihintay na ako niyon ni Tery". pagdi-divert ko na lang ng usapan.

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa aking braso at napaupo ulit.

"Dito ka muna. Huwag ka na muna umalis, nagmo-moment pa tayo eh." maktol niya kaya napalabi naman ako bilang reaksyon.

"Alam mo Thena mas gusto kong ganito tayo at hindi nag-aaway at nagbabangayan sa isa't isa dahil sa pagiging demanding at selosang girlfriend."

Dahil sa sinabi niyang iyon bigla akong napatitig sa kanya.

Ganoon naman ang kakambal kong iyon eh. Kahit sa amin nagdedemand iyon ang gusto siya parati nasusunod na hindi naman pwede.

Nauunawaan ko naman ito si Greige kahit papaano at ngayon alam ko na kung bakit kahit mahal nila ang isa't isa ay hindi naging healthy ang kanilang relationships.

Napaka-immature kasi ng kakambal kong iyon sa totoo lang kaya kahit ako di na rin nakatagal sa kanya pero mahal ko pa naman siya at hindi mawawala yun kaso napapagod na rin ako kakaintindi sa kanya.

"Pero natutuwa ako at unti-unti akong nabubuhayan dahil nagbabago ka na at hindi na ikaw yung dating babae nakilala ko at nakasama ko na napakaselfish at immature." seryosong napatitig siya sa akin at lumapit upang hawakan ang kamay ko.

Kaya mas lumakas ang tibok ng puso dahil sa ganitong sitwasyon na para kasing kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

"Kaya pinipilit ko rin ang sarili na magbago para sayo para maging ok tayo at maging masaya tulad nito." dagdag pa niya habang nanatiling nakatitig pa rin siya sa akin na hindi kumukurap ang mga mata.

Tinititigan ko rin siyang mabuti dahil nilalabanan ko pa rin ang pagkailang ko sa kanya.

"Hindi mo naman dapat pilitin ang sarili mo mi cielo nagkukusa lang 'yan."

"Pero gusto ko para maging maayos tayo dahil nakakasawa na parati na lang tayo nagtatalo sa mga bagay-bagay ba hindi naman dapat." pahayag niya hanggang sa nilalapit na niya mukha sa akin habang ako nanaman naestatwa sa posisyon ko at mas lumalakas pa ang tibok ng puso ko na parang may hinahabol.

Napapikit na lang ako dahil kailangan kong sumabay sa agos kundi masasayang lang ang lahat ng mga nagawa ko kung mabibisto ako ng ganito kaaga lalo pa hindi pa nagiging stable ang kalagayan ni Thena mula sa comatose.

Ngunit walang dumamping labi sa labi ko kaya napamulat ako at napitlag naman ako sa nakakatunaw na titig ni Greige na hindi kumukurap na mga mata at nanatiling nakatingin sa aking mga mata kaya mas bumilis at lumakas ang heartbeat ko sa ganoong sistema namin kaya umiwas na ako ng tingin at inayos ang pagkakaupo at lumayo ng kaunti sa kanya.

"Ang cute ng reaksyon mo ngayon kaya mas lalo ako nasasabik halikan ka pero hindi ito ang tamang lugar para gawin yun." sa sinabi niyang iyon mas lalo akong kinilabutan.

"Masyadong unprofessional kung dito ko gagawin dapat sa isang lugar na perfect para sa ating dalawa." dinig kong sabi niya dahil iniiwasan kong tumitig sa kanya at anumang oras pwede na akong maging yelo dito sa kinauupuan ko.

"Anong pinagsss---asssa-bi mo diiii---yan miii cielo? Baaaa-liw ka na!" nauutal-utal na sambit ko.

Hayz bakit ba kasi ako nabubulol? Ano na ba nangyayari sa akin? Dati naman hindi ako ganito kapag kaharap at kausap siya at mas naiinis pa nga ako. Eh di kaya???

No. Erase, erase, erase.

Tapos tinawanan lang niya ako dahil sa pananalita ko ngayon.

"Why are you stuttering mi cielo?" habang binabasa niya ang nasa isip ko.

Napailing-iling lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Dati hindi ka naman ganyan sa akin kapag naglalambing ako ngayon para kang bata na hindi mapakali o yung batang nakita lang yung crush niya?" humalakhak pa ito ng kalakas-lakas kaya nainis na ako sa kanya.

At sa tingin ko gumaganti lang ito sa akin sa ginawa ko kanina.

I gave him a silly smile with rolling eyes kaya napahinto siya sa pagtawa.

"I am just kidding mi cielo. Hindi ko akalain na mas pikon ka pa pala sa akin pero ang lakas mong mang-asar." sabi niya na nagpipigil pa rin sa pagtawa.

Grabe nang-aasar na ba ako ng dating na yun, tzk.

Tumingin na ako sa orasan ko at nakita kong malapit ng sumapit ang ala-una kaya tumayo na rin ako sa pagkakaupo kaya nawala ang nakakalokong reaksyon niya.

"Aalis ka na?"

"What do you think.?" tinignan ko siya ng seryosong expression.

"Oh ok I am sorry if I offend you mi cielo." saka niya kinuha ang kamay ko at hinawakan ito.

"Ok lang Greige pero kailangan ko na rin bumalik sa house dahil marami pa akong tatapusin." paliwanag ko sa kanya.

"Saka ikaw may mga gagawin ka rin di ba?" I added then I went to the table to keep the things I have brought earlier.

"Yeah mi cielo pero parang mas gusto kung kasama rin kita." saad niya hanggang sa nilapitan niya ako ulit at hinalikan sa noo at napapikit pa rin ako sa ginawa niyang yun.

"Pero Greige mas kailangan mong tapusin ang mga ginagawa mo ngayon."

Pagkatapos nag-paalam na kami sa isa't isa hanggang sa nakalabas na ako ng opisina niya.

"Alam niyo guys hindi na gaano nagsusungit si Sir Greige at lagi na siya nakangiti ngayon kaysa dati na paratimg seryoso at kung leon kung magali." dinig kong kwento ng mga employees habang dumaraan ako sa puwesto nila.

"Oo nga eh ang laki ng pinagbago niya." dagdag pa ng isang guy na office clerk na mas bata sa akin ng isang taon.

"Sana nga maging ganyan na lang siya at di na bumalik yung dating siya." sagot naman nung unang nagsalita na babae.

"Kaso bossy pa rin siya tulad ng dati. Masyadong authoritative kung makapag-utos sa atin" dugtong pa nung guy nagsalita rin kanina.

"Ok na yun atleast hindi na siya tulad ng isang leon o tigre kapag nakikita at nakakausap natin." sabi pa nung

Sumakay naman ako ng elevator at nagmadaling pumasok sa kotse at pinaandar ito.

Nang sa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho nang bigla tumunog ang cellphone ko kaya itinabi ko muna ang sasakyan saka sinagot ang tawag.