Chereads / Unanticipated Love / Chapter 13 - Chapter 12: Lover's Quarrel Part 1

Chapter 13 - Chapter 12: Lover's Quarrel Part 1

Pinapasok ko si Yaya sa loob ng aking kwarto tila may sasabihin siya sa akin.

"May gusto sana akong sabihin sayo iha." malumanay na saad nito sa akin at agad ko siyang pinaupo sa silya sa tabi ng study table ko.

"Ano po yun Yaya?" umupo na rin ako pagkatapos.

"Alam kong nagkaroon na naman kayo ng pagtatalo ni Sir Greige kanina kahit di mo sabihin, alam ko siya ang dahilan ng pag-iyak mo kanina." unang paglalahad ni Yaya Helena at hinayaan ko lang siya makapagsalita tutal speechless pa rin ako sa mga nangyari tanging kay Zen ko lang naikukwento ang nangyari.

"Hindi na bago sa akin iyon. Kahit sila pa talaga ng kakambal mo parati rin iyon umiiyak at madalas nasa kwarto hindi nakakausap ng mga ilang araw at hinahayaan lang namin siya ng mga magulang mo." sabi pa niya kaya mas naging interesado pa akong makinig kay Yaya at pinili ko lang munang manahimik.

"Pero sa sitwasyon mo ngayon hindi ko pwede sabihin sa parents mo ang tunay na pinagdadaanan mo, pati yung co-maids dito sa mansion at syempre doon sa talkative mong secretary na isa sa nakasaksi sayo. Dahil baka mas lalo lang lumala ang lahat kaya dinahilan ko na lang sa kanila na masama ang pakiramdam mo." dagdag pa niya kaya nagpasalamat agad ako kay Yaya sa ginawa niya.

Siya kasi nakakaunawa ng lahat at simula pagkabata siya na tumayo pangalawang magulang ko, karamay at napagsasabihan ko ng problema at sama ng loob.

"Ewan ko ba doon sa kapatid mo kung bakit hindi pa niya gawing hiwalayan ang lalaki na iyon."

Kaya biglang pumasok sa isip ko yung dahilan ng pagkakaaksidente ni Thena. Ito na siguro ang time para malaman ko ang totoo.

"Yaya." sabi ko saka ako napalunok ng laway bago ituloy ang sasabihin.

"Gusto ko po sana malaman kung bakit naaksidente si Thena?"

Nag-aalinlangan siyang sabihin pero nakiusap ako sa kanya na sabihin na ang katotohanan dahil may karapatan akong malaman dahil kapatid ko si Athena.

"Yun nga iha sa madalas na hindi nila pagkakasundo bilang magkasintahan. Parating sumasama ang loob ng kakambal mo kay Sir Greige, kaya noong nangyaring aksidente maaaring may bagay silang hindi nagkaintindihan kaya lumabas ng bahay ang kapatid mo at nagmaneho ng may sama ng loob at nagtankang magsuicide sa nangyari."

Nagulantang na lamang ako sa aking narinig. Nagtankang magsuicide ang kapatid ko? Dahil sa misinderstanding nila ni Greige? Napakababaw naman kung ganoon ang rason niya o baka may iba pang dahilan?

Maaaring hindi na alam ni Yaya ang possible cause sa nangyari dahil hindi nag-oopen si Thena ng kanyang problema at sinasarili lang niya iyon madalas kahit ng mga bata pa kami. Kahit sa akin hindi siya nagsishare ng problema at ng nararamdaman.

Marami pa talaga akong hindi alam tungkol kay Greige tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Maaaring nagkamali ako sa pagkakikilanlan sa kanya.

Pero parang may parte sa puso ko na magtiwala pa ako sa kanya at misunderstanding lang lahat ng mga nangyayari at overthinking lang ako masyado sa natuklasan kong pangyayari.

Hindi pa rin ako maaaring padalus-padalos.

Ilang sandali nakarinig ako ng katok sa pintuan at agad ko naman iyon binuksan.

"Salamat Jelyka." tugon niya kay ate.

"Kumain ka na muna iha, alam kong hindi ka pa nangagabihan." sabay abot niya sa akin ng pagkain.

"Iiwanan na muna kita rito para makakain ka nang maayos." sabi nya bago naglakad palabas ng aking kwarto kasama ni ate Yvonne.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wexford Greige's POV

Nakakarating ko lang ng bahay galing trabaho kaya pagpasok ko pa lang ng mansion dumiretso agad ako sa kwarto para makapagpahinga. Sobrang dami kong ginawa ngayon at kahit saglit nakalimutan ko man lang ang tungkol sa amin ni Athena.

Tama na siguro ito nag-iiwasan muna kami at walang komunikasyon sa isa't isa. Tutal ito naman siguro ang gusto niya di ba? Sa tingin ko kasi parang napipilitan na lang siya sa akin, napipilitan lang din siya sa relasyon namin dahil sa agreement ng kumpanya namin sa kumpanya nila, napipilitan lang siya kasi naaawa siya sa akin pero ang totoo may iba na siyang gusto? Mahal na ata eh?!

Noon pa lang simula ng pagbalik ko dito mula America at muli naming pagkikita iba yung mga tingin niya sa akin. Mga tinging walang interest at kasabikang makita ako, mga tinging hindi ko sa kanya nakikita noong bago pa ako pumunta ng ibang bansa para sa isang business trip na kahit madalas kami magtalo naroon pa rin ang pagmamahal niya sa para sa akin.

Kahit noong pagdidate namin napansin  ko rin iyong panlalamig niya the way she talks to me, the way to interact sobrang iba sa dati eh. Kahit sa paghalik, iniiwasan niya na parang diring diri siya sa akin na parang may dala akong virus o anumang sakit na nakakahawa.

Hinayaan ko lang siya at sinubukang intindihin pero wala talagang nangyari ganoon pa rin siya. Oo napakawalang kwenta kong boyfriend, pabaya, bitter, moody, alam ko naman iyon sa sarili ko pero hindi iyon ang dahilan para gawin niya sa akin ito. Kahit ganoon ako, mahal ko pa rin siya at mas lalo ko pang minahal nang may nakikita naman ako pagbabago na mas matured na siya mag-isip, pero yung paraan ng pakikipag-usap niya sa akin iba-ibang sa nakaraan na hindi ko na makita.

Napipilitan lang niya akong pakisamahan dahil kailangan.

"Sir Greige pinatatawag raw po kayo ni Ma'am." sabi ni Glenda na isa sa mga maids namin.

"Pakihatiran na lang niyo po ako ng pagkain dito tinatamad akong bumaba." mabilis kong sagot kay ate at tumango na lang ito bago umalis.

Habang nag-iisip biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa table, pero binitawan ko siya agad nang si Athena ang tumatawag.

Ayaw ko muna siyang kausapin.

KINABUKASAN...

Maaga akong pumasok sa opisina at mamayang 10AM meron kaming meeting with the board of directors, stockholders and my parents. My father is the CEO of our company while my mother is the President. I am the vice president although marami pa ring resposibilities and obligations kaya ganoon na lang ako ka-busy.

Tumunog nanaman ulit ang cellphone ko at nakita kong si Athena ang tumatawag at inignore ko lang iyon.

"Hindi mo ba sasagutin bro?" si Harold na pinsang buo ko pa sa father side. He is the Marketing Manager at isa sa pinakavibes ko sa magpipinsan.

"Hindi na kailangan. Hayaan mo siya mapagod kakatawag."

"Bakit hindi mo siya bigyan ng chances bro? Baka may reasons siya kung bakit naging ganoon siya sayo?"

"Binigyan ko na siya ng pagkakataon, Harold pero wala naman siya ginawa at patuloy lang niya ako sinasaktan."

paliwanag ko sa kanya.

"Naiintindihan kita bro at susuportahan pa rin kita sa kung ano magiging desisyon mo." tinapik niya ako sa balikat bago bumalik sa opisina nito.

Bago sumapit ang alas-diyes agad na rin ako pumunta sa conference room at hinintay ang mga kasama sa meeting.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at wala na akong nakitang text or calls mula kay Athena.

Hanggang sa dumating na ang mga board pati na rin sila Mama at Papa.

Hindi ko rin inaasahan ang pagdalo ng mga parents ni Athena na siyang ikinagulat ko. Nakalimutan ko na isa pa pala sila sa partnership ng kumpanya.

Ugh. Greige! Anong nangyayari sayo?

Natapos ang meeting ng 11:30am kaya agad na ring nagsialisan ang mga umatend at nagpaiwan muna ako saglit at tinext sina Harold na makikisabay na lang ako sa kanila sa paglunch.

Trenta minutos pa hihintayin ko bago sumapit ang alas-dose kaya napagdesisyon kong bumalik na lang sa office at doon na lang sila hintayin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Althaea Cassidy's POV

Kasalukuyang nasa office na ako nila Greige. Hindi na rin ako lumapit sa receptionist at diretso na lang tahakin ang opisina niya.

Gusto ko kasi siyang makausap at linawin ang lahat. Ayaw kong maging ganito kami hindi ko matiis.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang may biglang nagsalita na isa empleyado nila.

"Hi Ma'am." nakangiting bati nito sa akin at ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Wala po si Sir Greige sa office niya." pagkasabi niya pa lang niya niyon agad ko siyang tinanong.

"Kasama po niya yung admin yung ibang admin staff naglunch." kusa na akong umalis at hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya.

Tumungo na lang ako sa elevator na bagsak ang balikat.

Hindi na ako lumingon pa sa mga taong narito sa office diretso lang akong lumabas.

Naglalakad ako patungong parking lot nang makita ko si Greige na may kangitang ibang babae. Kaya parang may tumusok sa puso ko nang matulis na bagay pagkakita ko ng ganoong eksena. Yung ngiti niyang sa akin ipinupukaw, yung atensyon niyang sa akin binibigay ngayon wala na.

Nag-slowmo lahat sa akin hanggang sa tumulo ang luha ko sa aking mata at naglakad palayo sa lugar na iyon at nagmadaling sumakay ng kotse.

Pinabilis ko ang takbo nito at pumunta sa isang lugar na wala gaanong tao. Gusto ko kasi lahat ilabas at ibuhos dito yung mga nararamdaman ko.

Bakit na ako nagkakaganito? Bakit ako naghahabol sa lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba? Bakit ba ako masyadong nagpapaapekto sa kanya? Bakit ko ba siya iniisip?

Hindi naman ako ganito dati eh? Hindi na ako si Althaea na matapang na babae. Hindi na ako yung nagpapatalo kapag inaapi at sinasaktan.

Eh di kaya?

Eh di kaya....

Eh di kaya!!!

Eh di kaya...........

Mahal ko na SIYA?

Pero hindi pwede ito?

Impossible!!!!

Dahil si Zen ang mahal ko. Ang boyfriend kong walang ginawa kundi mahalin ako!!!!

Hindi ako pwede magmahal ng isang tulad ni Greige.

Dahil may nagmamay-ari na ng puso niya kundi ng kakambal ko.

Mahal niya rin ang kakambal kong iyon kaya impossible.

Iiwasan ko na lang siya simula ngayon. Kakalimutan ko na lang siya alang-alang sa kapatid ko at sa boyfriend ko. Ayaw ko silang masaktan na pareho.

Sumakay agad ako ng kotse at tinahak ko agad ang daan patungo sa lugar ng pinagtataguan ng kakambal ko while she is under coma. Gusto ko siya makausap ngayon. Gusto ko humingi ng sorry. Hindi ko naman sinasadya na mahulog ako sa lalaking 'yon.

Malayu-malayo ang lugar na iyon kaya mahigit trenta-minutos ang biyahe mula rito patungo roon. Malayo kasi iyon sa siyudad.

Lumipas ng ilang minuto nakarating na ako sa lugar na kung saan naka-confine si Thena.

Binati ako ng mga guards doon bago ako pinapasok sa isang katamtaman na laki ng bahay.

Pagpasok ko binati rin ako ng caretaker na si Aling Zabelle at ng dalawa pang maids na nasa 40's na ang edad ng mga ito.

"Hi Ma'am Althaea". masayang bati nila sa akin.

"Matagal-tagal na po kayo hindi nakakadalaw dito kaya namiss ka namin." sabay turo nito sa dalawang kasamahang maids.

"Busy po kasi eh pero nandito na ako." saka nakipaggrouphug ako sa kanila para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Kamusta na po si Athena Aling Zabelle?" tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang kwarto ng aking kapatid.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita, "Ganoon pa rin ang lagay niya Ma'am Thaea kaya pagdating ng mga magulang mo dito nakaraan labis na labis ang dalamhati nararamdaman nila."kwento niya sa  na napapaiyak na rin sa kalagayan ng kakambal ko.

"Ganoon po ba?" Pero ihihiling ko na sana gumising na siya."

"Iwan ko muna po kayo rito, Ma'am. May gagawin lang muna ako sa ibaba."

Tumango ako bilang sagot.

Hinawakan ko ang malambot niyang kamay at kinausap.

"I am sorry Athena. I am very sorry sa ginawa ko. Hindi ko sinasadya na mahulog ang loob ko sa kanya." lumabas na nanaman ulit ang mga luha ko.

"Hindi ko sinasadya, patawad. Sana maunawaan mo ako. Sana magasing ka na habang may pagkakataon pang magbago ang lahat at makabalik na ako sa dati kong buhay, makabalik na ako sa boyfriend at makasama ko na ang mga kaibigan ko." naluluhang sambit ko pagkatapos binitawan ko na ang kamay niya at lumabas ng kuwarto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tumawag na rin ako sa bahay na hindi muna makakauwi at sumabay na rin akong kumain ng panggabihan kasama sina Aling Zabelle at ibang kasamahan ko dito sa bahay pagkatapos dumiretso agad ako sa pansamantalang silid na matutulugan ko.

Naghilamos muna at nagsipilyo ako saka humiga ng kama at sinimula ko ulit mag-isip nang may kumatok sa pinto kaya agad ko na itong pinapasok.

"Heto po tsaa inumin niyo po muna pamparelax dahil alam kong masyado po kayong napagod sa trabaho." inabot sa akin ni Aling Zabelle ang isang maliit na tsaa at ininom ko agad iyon.

"Salamat po."

"Walang anuman iha. Kung gusto mo pang magtagal pa rito, tatawagin ko ang iyong ama para ipagbigay-alam na magtatagal ka ng ilang araw dito kasama kami at saka makasama mo yung kakambal at magising siya nang hindi natin maasahan."

"Ok lang po Aling Zabelle hindi naman na ako magtatagal dito. Gusto ko lang kasi makita ang kapatid ko kahit sa maikling panahon lang." pagtanggi ko sa mungkahi niya manatili pa ako rito ng ilang araw.

Sapat na sa akin na ngayong gabi na dito ako makatulog at sapat nang nakausap ko na ulit si Thena kahit sa ganoong kalagayan niya atleast nasabi ko na ang dapat kong sabihin.

"Sige iha kung iyan ang desisyon mo hindi naman kita mapipilit."

"Pupunta naman po ako ulit dito eh kaso medyo matatagalan bago ulit masundan. Napakarami ko na pa kasing ginagawa yung mga trabahong iniwan sa akin ni Thena." saka ulit ako sinimsim ang tsaa.

"Ganoon ba? Pero natuwa pa rin ako naisipan mo ng pumunta at dalawin ang kakambal mo. Nalulungkot na kasi kami rito kapag nakikita namin nahihirapan ang kakambal mo nakaratay sa kama na parang isang lantay gulay at may nakakabit na dextrose na nagbibigay sa kanya ng buhay."

Bakas kay Aling Zabelle ang lungkot at pag-alala sa kakambal ko. Napamahal na kasi siya sa amin simula pagkabata pa lang. Kapag nagagawi kami sa lugar na ito, siya ang nagsisilbing tagapag-alaga namin dito bukod kay Yaya Zabelle. Nakakatuwang pagmasdan ang alaala noong childhood pa kami.

"Oh nga pala iha anong oras na. Matulog ka na para makabawi ka naman ng tulog mo". paalala nito sa akin pagkatitig sa orasan na nakasabit sa dingding.

"Sige po." saka siya lumabas ng kwarto at sinara ang pinto.

Sinubukan kong ipinikit ang aking mata upang makatulog na.

Mga ilang sandali hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.