Wexford Greige's POV
Habang hinihintay ko sila Harold na nagyaya sa aking uminom, hindi ko mawala sa isip ko imahe ni Thena naglalakad palayo sa restaurant na kinainan namin kanina. May part sa puso ko na gusto ko siyang lapitan, yakapin at halikan pero may pumipigil sa akin na hindi ko gawin iyon. Hanggang ngayon kasi nasasaktan pa rin ako at hindi mawala-wala sa isip ko ang magagandang alaala namin ni Thena na naghihila naman sa akin na kausapin ko siya at suyuin ulit.
Nabalik na lang ako sa ulirat nang tawagin na ako ng pinsan kong si Harold.
Pupunta kami ng club at iinom na rin tutal Sabado bukas walang pasok kaya tanghali na ako gumising kaya ok lang magpatanghali ng gising. Saka para na rin makalimot sa problema kahit ngayong gabi lang.
Madali lang kami nakarating sa lugar na sinasabi ni Harold
. Maganda ang place at talagang mga social na mayayaman ang umiinom dito.
Nag-order na rin kami ng wine at agad kong nilantakan iyon.
"Easy lang bro baka malasing ka niyan at mahirapan kaming ihatid ka sa bahay."
Paalala ni Harold sa akin bagkos hindi ko siya pinakinggan at tinuloy ko lang pag-inom nito.
Nagsmirk lang ako sa kanya bilang sagot.
"Nandito tayo bro hindi para magpakalasing, narito tayo para magrelax kahit sandali sa trabaho." paliwanag niya pero hindi ko na pinansin pa at hinayaan ko lang siya.
"Ok lang bro huwag kang mag-alala kaya ko naman eh." very confident na sabi ko sa kanya.
Hindi na rin ito sumagot at hinayaan ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bigla akong nagising mula sa aking dalawang oras na pagkakatulog kaya agad muna akong bumangon at lumabas ng kwarto upang pumunta ng kusina at kumuha ng tubig. Pagkatapoa bumalik ulit ako at napansin ko ang cellphone na nasa ibabaw ng unan.
Binuksan ko ito at sinubukang tawagin si Greige. Nagring ang phone nito at sumagot.
Pero naging iba timpla ng mood ko nang babae mismo ang nakasagot.
"Hello..." hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin at binaba ko na agad ito.
Nainis akong nilayo ang cellphone sa akin at tinalukbong ng unan ang sarili ko sa aking natuklasan.
Ang lakas ng loob makapagsabi sa akin na may iba akong lalaki pero siya ANO??? Sino sa amin ngayon ang manloloko? Di ba siya?!
Peste yan!!!
PAGSAPIT NG UMAGA, nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko kaya wala na akong ginawa kundi bumangon. Nag-unat-unat ako ng mga braso at binti saka na lumabas ng kwarto.
Pagkatapos ko kumain ng agahan, napag-isipan kung puntahan ang kwarto ni Thena kahit sandali at pagkatapos maglalakad ako sa palibot nitong hacienda.
Oo may hacienda kami isang napakalaking lupain ito na binubuo ng 20 000 hectares. May mga iba't ibang klaseng pananim kami rito mayroong palay, mais at iba pang crops, kahit iba't ibang klaseng prutas at gulay sagana rin kami at may isang palaisdaan. Kaya maraming tauhan at mga trabahador sina Mom and Dad dito.
Kasalukuyan na akong naglilibot sa paligid nang makita ko Tiyo Santiago ang pinagkakatiwalaan ng aking mga magulang at siya sa namumuno sa lahat ng mga trabahador nandito kasama ang kanyang asawa.
"Hello po Ma'am???..." nalilitong saad nito. Magkamukha kasi kami ni Athena kaya nalilito siya kung sino si Thena at si Thaea.
"Thaea po." napatango naman siya bilang sagot.
"Kung ganoon si Thena yung nakaratay roon sa mansion?"
Tumango rin ako bilang sagot.
"Nakakamiss dito, namiss ko yung paligid na puno ng mga puno at halaman na makikita ko puro berde at lalanghap nang simoy ng hangin."
Wika ko kaya napangiti siya.
"Tagal niyo na po kasi hindi nakakapunta dito."
"Busy rin po kasi." mabilis kong sabi sa kanya.
Pagkatapos ng usapin bumalik na rin ako sa bahay at dumiretso na lang sa kwarto. Nagpaalam na rin ako sa bahay na balak ko pang magtagal rito at magbakasyon kahit sa maikling panahon. Marami akong bagay napagkaabalahan na kung saan malayo sa problema sa bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi ko namalayan lumipas na pala ang ilang araw dahil sa sobrang abala ko sa pag-aasikaso sa bukirin. Pero tuwing gabi hinihintay ko pa rin ang text ni Greige sa akin pero wala akong natatanggap.
IISA LANG ANG IBIG SABIHIN, WALA NA SIYA PAKIALAM SA AKIN.
Natiis na talaga niya na hindi ako nakakausap kahit through cellphone lang.
Matapang!!! Tzk....
Pinandigan niya talaga ang mga sinabi niya na masakit pa rin sa damdamin. Mahal ko na nga siya pero hindi ibig sabihin maghahabol ako sa kanya?
No way!!!
Sapat na ang dalawang beses para maghabol sa kanya at di na mauulit pa iyon dahil hindi ko ibababa ang self-esteem ko para lang sa kanya.
Hindi ako si Thena kaya hindi ko gagawin iyon. Bahala siya sa buhay niya, kung gusto niya pa babalik siya. Tutal hindi alam ng magulang ko at parents niya tungkol sa amin.
Nandyan si Zen para tulungan ako kahit nasa malayo siya. Mahal ko pa naman siya kaso mas mahal ko na si Greige pero hindi ibig sabihin hindi nababago pa ang nararamdaman ko kay Kolokoy. Tzk.
Nakarating na rin ako sa bahay namin kaya sinalubong ako ng mga maids at ni Yaya Helena saka ako tumungo ulit sa kwarto upang magpahinga saglit.
Pupunta pa kasi ako mall mamaya may mga bibilhin akong mga gamit. Natulog ako ng ilang minuto pagkatapos naligo at nagbihis.
Nasa mall na ako at naglalakad nang may bigla nagtakip ng aking mga mata. Sa pagkakaalam ko lalaki ito kaya pilit ko agad inaalis ang kamay niya sa mata ko nang magsalita ito.
"Hi wifey."
Kilala ko ang boses na yun at tanging siya lang tumatawag sa akin ng ganoon.
Zen??? Ikaw ba yan?
Hanggang sa humarap siya sa akin ng nakangiti kaya agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
Tapos pinalo ko siya sa balikat.
Eh kasi walang pasabi na pupunta siya ng Bicol. Alam namang nagpapanggap ako, anong sasabihin ng iba sa akin? Isa akong dakilang two-timer?
"Ano ginagawa mo rito?" bungad kong tanong sa kanya nang may panenermon.
"Siyempre para makita ka. I missed you much wifey." sabay pisil ng magkaliwang pisngi ko.
Ito yung namiss ko eh yung pagiging sweet niya at medyo may pagkamakulit. Kaya napa-pout na lang ako bilang tugon sa inasal niya.
"Ang cute mo pa talaga." puna niya pa.
Kaya napag-isipan muna naming maglakad hanggang sa maalala ko yung mga bibilhin ko kaya naisama ko tuloy siya roon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wexford Greige's POV
Kasalukuyang naglalakad rin ako sa mall nang makita ko si Athena na may kasamang ibang lalaki kaya bigla akong napakunot at nainis sa nakikita ko.
Hindi pa kami break. Cool off lang kami pero talagang pinatunayan niya sa akin na mayroon na siyang iba.
Ang sweet nila eh at nakangiti pa itong si Thena na hindi ko nakikita sa kanya simula nitong pagbalik ko galing U.S...
Kaya agad akong lumapit sa kanilang dalawa na parehong ikinagulat nila.
"Greige?" gulat na gulat na reaksyon ni Thena pagkakita sa akin at napailing naman ang lalaki.
"Siya na ba? Ang ipinagpalit mo sa akin?" naiinis na saad ko kaya naagaw na namin ang atensyon ng ibang mga tao.
Speechless lang siya at hindi nakasagot. Subalit ang lalaking kasama niya ang tumugon.
"Anong sinasabi mo bro? Magkaibigan lang kami ni....Thena." nakangising saad nito na parang iniisip pa ako.
"Anong problema mo Greige? Di ba iniwan mo ko? Ano pa kung magalit kang magkasama kami?"
Pati siya nagawa na pa niya akong inisin puwes.
Hinila ko siya papalayo sa lalaki na iyo ngunit malakas niyang iwinaksi ang kamay ko sa braso niya.
"Tama na Greige. Hayaan mo muna ako gaya ng ginawa ko sayo." biglang naging iba ang itsura niya na kaninang nakangiti na ngayon para walang emosyon akong nakikita sa kanya.
"Tutal ito naman ang gusto mo di ba? Lumayo at iwasan ka kahit napaka-unreasonable niyon sa akin at hindi ko alam kung bakit?" sabi niya na nanatili pa rin sa ganoong awra niya na hindi ko pa nakikita sa kanya.
"Kaya ako na mismo ang lalayo para sa kagustuhan mo kaya please itigil mo na." saka siya naglakad papalayo sa akin at lumapit sa lalaking kasama niya habang ako ay nanatiling naestatwa sa posisyon ko.
Pumunta ako sa bahay nila Harold para yayain siyang uminom ulit at nagulat siya hindi ko inaasahang pagparito ko at may mga dalang alak.
Gusto ko magpakalasing. Gusto ko makalimot. Syete!!!
Ang sakit lang kasi na binalewala niya ako at sumama siya sa lalaking iyon.
"Dami naman ata eto bro? Di ba masama masyado uminom ng marami?"
"Gusto ko lang magpakalunod sa alak, gusto lang mailabas lahat itong nararamdaman ko at makalimot." naluluhang saad ko.
"Problema niyo nanaman ba yan ni Thena? Kung ganoon hindi alak ang sulosyon diyan bro."
Hindi ko na siya pinakinggan at diretsong inayos ang mga biniling alak.
"Ito ang solusyon para makalimot na ako sa kanya kasi nasasaktan na ako eh."
"Di ba ikaw yung nagtaboy sa kanya? Eh natural nasaktan din yung tao eh." paliwanag niya at hinayaan ko lang siya magsalita habang nilalagok ko ang alak.
"Nasaktan siya Greige sa ginawa mo kahit sinong babaeng gawan mo ng ganoon na walang kadahilanan, masasaktan."
"Niloko niya ako bro kaya nagawa ko iyon sa kanya." sabi ko saka ko ulit sinimsim ang natirang alak na nasa baso ko.
"Paano? May pweba ka ba? Masama ang magbintang bro lalo na kung wala kang ebidensya na nagpapatunay na niloko ka niya? Tama na ang pagiging masyadong overthinking walang maitutulong 'yan sayo."
"Oo pero nakita ko siyang may kasamang lalaki at ang sweet pa nila sa isa't isa eh."
"Oh tapos ganoon na? Hindi mo muna inalam kung ano? Baka magkaibigan lang sila? Ang labo mo bro?!" naiinis na niyang saad sa akin.
"Nag-assume ka kasi agad at hinusgahan mo na yung tao. Mabuti pa itulog mo na lang iyan at magpahinga. Lasing ka na". sabi niya saka niligpit ang mga alak na binili ko.
"Hindi mo pa kasi nararanasan ang magmahal kaya nasasabi mo 'yan." kaya napaharap ito sa akin buhat sa pagliligpit ng mga bote ng alak.
"Nagpapayo lang ako nang maayos sayo bro kaya kumalma ka lang ok? Di pa end of the world". saka niya nilagay ang mga alak na pinamili ko sa iisang lalagyan.
Pagkatapos umupo ito sa may di kalayuan sa inuupuan ko.
"Lasing ka na talaga Greige. Hindi tama itong ginagawa mong pag-inom, hindi nakakatulong sa problema niyo ni Thena. Bakit hindi kayo mag-usap na kayong dalawang lang? Baka sakaling maunawaan niyo ang bawat isa?" pagpapacomfront niya sa akin kay Thena pero sa isip ko...
Paano kung ayaw na niya? Paano kapag nagkita na kami? Tapusin na ang sa amin?
Oo iniiwasan ko siya ngunit hindi ibig sabihin hindi ko na siya mahal at hinahayaan ko na siya mapunta sa iba?
NO!!!
Gusto ko lang naman ng space para makapag-isip siya at ganoon rin ako. Dahil hindi ko lang kasi kinaya na binabelewala niya na ako na parang wala lang ako sa kanya.
Damn I love her more na kahit ganito siya ka-cold. I am damn crazy now because of her. Hindi pa ganito ang nararamdaman sa kanya noon pero ngayon parang patay na patay na ako sa kanya. Dahil sa nagpadala ako ng aking nararamdaman nasaktan ko siya.
Pinahid ko ang luha na nasa gilid ng aking mga mata at maninindigan ako ulit. Kakausapin ko siya.
Sasabihin kong mahal na mahal na mahal ko pa rin siya at mas lalo pang tumitindi ang nararamdaman ko na hindi ko alam kung kailan nag-umpisa at bakit naging ganito.
I have just felt melting when I see her smiling at me. I am feeling more guilty when I hurt her like this. I am damn crazy when I did not touch her and talk to her.
Na hindi ko pa talaga nararamdaman noon na mas napagtuunan ko ang mga iba pang bagay kaysa sa kanya . Hindi ko ako nababaliw ng ganito kapag nasasaktan ko na usually I did it before but I am not very care that much to her like this happened.
Napapakit at nababasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko sa kanya.
Ilang minuto bumuntong-hininga ako at inayos ang sarili.
"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Harold sa akin.
"Oo muna ako sa bahay. I want to fix myself and meet her." habang inaayos ang butones ng polo ko.
"No. Lasing ka pa bro baka mapano ka pa sa daan. Bakit hindi ka na lang muna manatili dito sa condo and take asleep para mawala yang pagiging tipsy mo." pagpipigil niya sa akin kaya napahinto naman ako sa ginagawa ko.
Umupo ulit ako sa sofa.
"Sige bro doon muna ako sa kwarto kay may aayusin lang. Huwag kang aalis." paalala niya sa akin at mabilis naman ako umuo sa kanya.
Humiga na lang muna ako at pinikit ko muna aking mga mata hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako pagsapit ng alas-kuwatro at napansin kong apat na oras rin ako matulog.
Bumangon na rin ako at pumanhik sa maliit na dining area ng ni Harold at nakita ko rin siyang kumakain ng merienda.
Nagtimpla na rin ako ng kape dumukot ng isang tinapay na bagong init pa lang mula sa oven toaster.
"Ok ka na bro?" agad niyang tanong pagkahigop ko ng kape.
"Medyo masakit pa ang ulo." sabi ko na lang sa kanya at may inabot siyang gamot.
"Inumin mo iyan pagkatapos mo kumain ng merienda."
Nagpasalamat ako pagkatapos kunin ang gamot.
"Kailan mo siya balak kausapin?" tanong naman niya.
Natutuwa ako na may ganito akong pinsan na tulad niya na pwede kong lapitan sa oras ng problema.
Simula pagkabata kami na talaga ang magkasundo kumpara sa ibang mga pinsan ko. Siya madalas kasama at kalaro ko sa school noong elementary at highschool pa lang kami. At nagkahiwalay during college dahil magkaiba kami ng tinahak na kurso hehe kaya magkaiba rin kami ng school na pinasukan.
Noong college days minsan na lang kami nagkikita dahil sa maraming obligasyon hanggang sa makagraduate.
Laking tuwa ko naman nagkatagpo ulit kami sa kumpanya hindi ko akalain na doon din pala siya nagtatrabaho.
"Tonight?" hindi ko siguradong sagot at napailing lang rin ako.
Di ko kasi alam kung ano mangyayari pagkatapos. Magkakaayos pa kaya kami? O tuluyan na kaming mawawasak?
Ayaw ko at hindi ako papayag na hahantong kami sa ganoon. Ipaglalaban ko pa rin siya hangga't maaga pa dahil kung magtatagal pa ito baka maagawan na ako ng lalaking iyon.
Napag-isipan ko na ring umuwi kaya nagpaalam na ako kay Harold at tumango lang siya.
Habang nagmamaneho ako, kailangan ko pala bumili ng mga medicine kits sa bahay kaya agad naman akong tumigil sa isang lugar na may mga nakaparking rin sasakyan at tinahak ang drugstore.
Ilang minutong lumipas, lumabas na rin ako na dala-dala ang mga binili ko.
Sa aking paglalalakad napukaw ng atensyon ko ang nagkukumpulan na mga tao roon at hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko namalayan tinulak na ako ng aking paa at binti para pumaroon. Nakakunot akong naglalakad patungo sa nagkukumpulang tao hanggang sa may narinig ko ang isang familiar na boses.