Chereads / Unanticipated Love / Chapter 15 - Chapter 14: Hurt

Chapter 15 - Chapter 14: Hurt

Patuloy lang ako sa paglalakad at may naririnig akong sari-saring tsismis mula sa mga kababaihan.

"Nakakakilig naman sila noh? Halatang bagay-bagay sila sa isa't isa." puna nitong babaeng nasa pinakamalapit na kinaroroonan ko.

"Oo nga ang ganda nung babae at ang gwapo naman nung guy tapos ang ganda pa ng boses nila pareho." sabi naman ng kasama ng unang babaeng nagsalita. Malamang magkaibigan ang dalawang ito.

Naestatwa ako nang makita ko sa Athena at ang lalaking kasama niya kanina na masayang tumugtog ng isang kanta.

Buwan by Juan Karlos Labajo

Ako'y sa'yo, ikaw ay akin

Ganda mo sa paningin

Ako ngayo'y nag-iisa

Sana ay tabihan na

Halatang para kay Athena yung inaawit niya kaya hindi ko na maiwasan mapakuyom ng kamay. Parang tinutusok ang puso ka ng isang matulis na bagay na nakikita ko sila sa ganoong eksena.

Napatingin naman ako kay Athena at nakangiti pa ito na mas lalo kong naramdaman ang sakit.

Sa ilalim ng puting ilaw

Sa dilaw na buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

Sa dilaw na buwan

Ayokong mabuhay nang malungkot

Ikaw ang nagpapasaya

At makakasama hanggang sa pagtanda Halina tayo'y humiga

Nakita kong may pagtingin din ang lalaki sa kanya, kung paano siya tumitig at ngumiti ito.

Gustong gusto ko ng sugurin ang lalaki at pagsusuntukin pero iniisip ko pa rin ang reputasyon ko kung sakaling gawin ko iyon.

Marami-raming taong nanonood sa kanila at kumukuha ng litrato at videos sa kanilang cellphone at cameras.

Kung nasa private lang sana kami, hindi ako magdadalawang isip na sugurin sila at i-distract ang ginagawa nila.

Sa ilalim ng puting ilaw

Sa dilaw na buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

Sa dilaw na buwan

Pinagmasdan ko ulit si Athena, hindi nga talaga niya ako napapansin kahit ang lapit ng kinatatayuan ko.

Ganoon na ba talaga? Ganoon na ba kadali kalimutan ang lahat sa atin mi cielo? Wala na ba akong puwang sa puso mo. Tinititigan ko lang siya hanggang sa di ko na kaya ang nararamdaman ko kaya tumalikod na lang ako sa kanila at nagmadaling naglakad palayo sa kinaroroonan nila kasabay ng pagpahid ng luha sa aking mga mata.

Sobra talaga akong nasaktan. Parang ang sama kong tao na para gantihan naman niya ako ng ganito.

Pumasok na ako sa kotse at doon ko lahat binuhos ang aking nararamdaman.

Pinaghampas-hampas ko ang manibela at napasabunot sa aking buhok.

Grabe na ang frustrations nararamdaman ko. Gusto ko nang makalimot? Oo gusto ko ng makamove-on mula sa kanya.

Susuko ka na agad  Greige? Paano kung mahal ka pa rin niya? Bibitawan mo na agad siya?

Tugon ng aking isip kaya napakalma ako ng kaunti at napapikit na lang at pinaandar na ang sasakyan upang lisanin na ang lugar na iyon.

Althaea Cassidy's POV

Napansin ko ang pag-alis ni Greige. Hindi ko namalayan nanonood pa siya sa amin. May kaunting pagkainis ako naramdaman sa loob-looban ko.

Nasaktan ko na siya. Ang sama ko!!! Dapat hindi ko ito hinayaan.....

Sa aking pag-iisip, hindi ko napansing tapos na palang kumanta si Zen. Tinatawag na niya pala ang pangalan ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagpalakpakan ang mga tao kaya medyo nawala ang kaunting tensyon nararamdaman ko.

Huminga ako nang malalim saka sinimulan kumanta.

Idi-dedicate ko sa kanya ang kantang ito kahit wala na siya. Akmang akma ang message ng kanta na ito kay Greige.

Bumuntong-hininga ako ulit at sinimulang kantahin ang.....

Kahit Ayaw Mo Na by This Band

Kahit ikaw ay magalit

Sa 'yo lang lalapit, sa 'yo lang aawit Kahit na ikaw ay nagbago na

Iibigin pa rin kita, kahit ayaw mo na Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo

Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito

Sana nga panaginip lang lahat ng nangyari. Sana pagkagising ko maayos kami ni Greige. Nag-aasaran paminsan-minsan at lambing din. Nagkuwentuhan???

Oh, bakit ba kailangan pang umalis? Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis

Tayo'y mag-usap, teka lang,

ika'y huminto

Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to

Oo nga bakit ka umalis at hindi mo ako pinagpaliwanag at unawain? Bakit hindi mo ako pinakinggan? Kung ginawa mo sana ok tayo ngayon. Hindi tayo hahantong sa ganitong magsasakitan tayo.

Daling sabihin na ayaw mo na

Pero pinag-isipan mo ba?

Lapit nang lapit, ako'y lalapit

Layo nang layo, ba't ka lumalayo?

Labo nang labo, ika'y malabo

Malabo, tayo'y malabo

Mahal na kasi kita Greige  kahit bawal, kahit malabo tayo, kahit nasasaktan na ako? Mahal pa rin kita? Hinayaan ko lang maramdaman ito sayo ngayon dahil sa pagdating ng panahon, magkakalayo-layo na nga talaga tayo. Babalik ka na sa tunay na Athena. Babalik ka na sa tunay mong girlfriend. Babalik na rin ako kay Zen na kahit mas mahal kita kesa sa kanya.

Bumalik at muli ka ring aalis

Tatakbo ka nang mabilis, yayakapin nang mahigpit

Ang hirap 'pag 'di mo alam ang 'yong pupuntahan

Kung ako ba ay pagbibigyan o nalilito lang kung saan?

Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo

Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito

Di ko nga talaga alam kung mapupunta itong lahat ng ginawa ko at di ko alam kung saan na mapupunta ang pagmamahal ko sayo pagkatapos ng aktingan na ito.

Sana mapagbigyan pa natin ang isa't isa at manumbalik pa ulit tayo sa dati na masaya na magkasama.

Inulit ko ang chorus at dinama ko nang husto ang kanta kaya nagpalakpakan ulit ang mga tao kaya pilit naman akong napangiti sa kanila.

Pagkatapos ng kantahan hinatid na rin ako ni Zen pauwi ng bahay at nadatnan ko rin sina Mom and Dad sa salas nagkakalikot ng kanilang cellphone.

I cleared my throat before I speak.

"Mom? Dad?." nilapitan ko sila at napatigil naman ako ng sinimangutan ako ni Mom.

Tinignan ko sila nang may pagtataka. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tingin sa akin ng nanay ko.

May kinalikot si Papa sa cellphone at may pinalikita siya sa akin.

"Sino ba yang lalaking kasama mo Thaea?." bungad na tanong ni Dad.

"Siya ba yung boyfriend mo?".

Tumango ako saka nagsalita.

"Siya si Zen boyfriend ko sa Manila."

"Ano nanaman ba pumasok sa isip mo Thaea at ginawa mo ito hah?" nagagalaiting sigaw ni Mom sa akin.

"Sa tingin mo kapag nakita ito ng mga magulang ni Greige, anong sasabihin nila?" panenermon na niya sa akin.

"MALANDI itong anak namin?" diniin pa talaga ni Mom ang salitang "malandi" kaya unti-unti nanamang bumuhos ang luha ko.

Pilit siyang pinipigilan ni Papa pero ayaw magpaawat.

"Honey."

"Tama naman di ba? May boyfriend na siya tapos may kasamang ibang lalaki?" dagdag pa ang hinaing ni Mom kaya napapikit na lang ako sa aking mata.

"Ano sa tingin mo sasabihin nila ahhh Thaea? Hindi ka ba nag-iisip?" sa halip na pakinggan ko pa ang masasalitang sasabihin tumakbo na ako palayo sa kanila ang nagmadaling pumasok sa kwarto at dumapa sa kama at doon ko lahat binuhos ang mga nararamdaman ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lumipas ang tatlong oras, napansin kong gabi na rin kaya hindi maiwasan kumalam na ang sikmura ko.

Maya-maya pa'y kumatok at pinapasok ko agad ito.

"Heto na po dinner niyo Mam Thaea pinahatid po sa akin ni Yaya Helena." sabi niya kaya pilit akong ngumiti dahil natouch ako sa sinabi niya na si Yaya ang nagpahatid ng pagkain ko.

Natutuwa na rin ako dahil doon. Napakabait talaga ni Yaya at di niya talaga ako matitiis. Kaya napamahal talaga siya sa akin kesa sa tunay kong mga magulang walang ginawa ipagkumpara ako sa kakambal ko at pagsalitaan ako ng hindi magaganda.

Nagpasalamat agad ako saka ito umalis na ng kwarto. Nilantakan ko kaagad ang pagkain na pinadala ni Yaya at pagkatapos dinala ko na ito ng kusina at hinugasan.

Pagbalik ko ng kwarto naghilamos at nagsipilyo muna ako saka tinignan ang cellphone ni Thena kung may text o tawag man lang pero wala.

Wala na nga talaga. Pinanindigan na nga talaga mga sinabi niya.

Sinilip ko rin ang cellphone ko mula sa lalagyan nito at bumungad sa akin ang mga texts ni bes at ni Zen.

Nagreply muna ako kay Gin dahil namissed ko na ang babaeng yun dahil bihira na lang din kami mag-usap through skype o kahit text o tawag, napakarami raw kasing pinapagawa sa kanya si Sir Gerald.

Pagkatapos ko nang itext ang bestfriend ko, binasa ko naman ang text ni Zen.

Bukas ng 9AM magkita tayo sa bus terminal.

From: Zen

Teka uuwi na siya? Ang bilis naman. Hindi pa nga kami gaano nakakapamasyal dito eh.

Nireplyan ko ang text niya.

Me: Bakit? Babalik ka na ng Manila?

(Mabilis siyang nagreply)

Zen: Yup. May pinagagawa sa akin si Sir kaya napadpad ako dito.

Me: Ah ok...

Zen: Tulog ka na. Kita na lang tayo bukas. GOODNIGHT WIFEY❤

Pagkatapos nireply ko rin siya ng "goodnight with sweet dreams" saka nahiga ulit sa kama.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Before 9AM pinuntahan ko na ang lugar na sinabi ni Zen at nakita ko rin siyang naglalakad palapit sa akin at niyakap naman ako nang mahigpit.

Kung siya na lang ulit minahal ko at hindi ko binaling ang atensyon kay Greige, mahal ko pa sana ang lalaking ito. Walang ginawa kundi mahalin ako at alagaan. Di ko alam bakit naman kasi ako nahulog kay Kolokoy eh nandiyan naman si Zen na understanding at supportive na boyfriend kahit may pagkaclingy minsan at makulit.

"Aalis ka na ba hubby?" sabi ko pagkatapos namin bitawan ang isa't isa at umupo sa bandang kanto.

"Hindi pa naman, mamayang 10AM pa ang biyahe ko." agad niyang sagot at napatitig sa akin.

"Bakit ang aga mo naman umalis? Hindi man lang tayo nakagala dito?" sambit ko naman sabay pout na ikinangiti naman niya.

"Kung ako sana masusunod eh magtatagal talaga ako dito." sabi niya pa saka tumititig siya sa mga mata ko na tila binabasa niya ang nasa isip ko.

"Sayang naman. Balak ko sanang i-tour kita dito kaso aalis ka na pala." napayuko naman ako pagkatapos.

Sa totoo lang nalulungkot na ako na babalik na siya agad ng Manila. Wala na akong karamay lalo na may pinagdadaanan pa ako. Kapag kasi siya kasama ako nagiging ok naman ang lahat.

"Kung gusto mo, sumama kana lang sa akin papuntang Manila?" napalingon naman ako sa sinabi niya.

Kung maaari lang sana takasan kaso hindi pwede eh. Mas lalong magkakagulo lang.

"Kailangan ako ng mga magulang ko Zen." sabi ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Pero napapansin ko na nahihirapan ka na eh. Tignan mo ang payat mo na at dami mo ng wrinkles sa mukha." sabay tinawanan ako niya na ikinasimangot ko.

"Grabe ka naman hubby. Panget ko na pala huh?" nakangusong saad ko.

"Biro lang wifey." sabay pisil sa ilong ko kayang napadaing ako sa sakit at tinapik ko naman siya sa balikat kaya umiiwas siya.

Nagbiruan pa kami ni Zen ng mga natitirang oras hanggang sa sumapit na ang alas-diyes ng umaga.

Tumayo na rin kami ng makita nanamin ang papalapit na bus na sasakyan niya pabalik ng Manila.

Tinulungan ko siya bitbitin ang gamit niya at hindi niya ako pinayagan pero nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa.

"Hindi mo naman kasi kailangan buhatin ito Althaea kaya ko naman eh." pagmamaktol niya pa na ikinangisi ko na lang.

"Atleast hindi ka nahirapan bitbitin di ba?" pahabol ko pa.

Bago siya pumasok ng bus, ginawaran niya ako ng halik sa noo at ngumiti at nagtitigan kami sa isa't isa hanggang sa nagpaalam na kaming dalawa.

Pinagmasdan ko lang ang bus na sinasakyan niya na mabilis ding napuno kaya madali rin siyang nakaalis.

Bagsak ang balikat ko nang paalis na ako ng terminal at bumalik na rin sa bahay.

Sa aking paglalakad pabalik ng kotse, may biglang nagsalita sa likod ko na isang pamilyar na boses.

Greige?

Laking gulat ko na lang nang makita siya.

"Kayo na ba nung lalaki na yun?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip tinanong ko siya kung bakit siya narito.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko sayo Athena?" seryosong awra na iginawad niya sa akin katulad noong nasa office siya.

"Hindi." diretsahan kong sagot.

Hindi ko talaga pwede sabihin ang totoo.

"Talaga?" hindi nakakapaniwalang saad niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Pero ang sweet niyo eh parang tayo lang dati?" na may bitterness niyang pahayag kaya napalapit ako sa kanya ngunit umatras siya.

"Greige let me explain." sabay napapikit ako ng mga mata.

"You don't need to explain, Athena. I saw everything between two of you." sabi niya nang may cold expression na kanina ay seryoso.

"Misunderstanding lang nakikita mo Greige."  pagdidepensa ko.

Napa-smirk na lang siya sa aking sinabi saka naglakad patungo sa sasakyan niya kaya hinabol ko siya.

Pinaghahampas ko ang bintana ng salamin ng kotse upang pilitin siyang kausapin ako pero hindi niya ako pinansin at mabilis na pinatakbo ang kotse palayo sa kinaroroonan ko.

Muli nanaman ako napaluha at napahikbi sa nangyari kaya nagmadali akong pumasok sa kotse upang walang makakita sa akin.

Mga ilang sandali pinaandar ko na ito at napagdesisyong bumalik na ng mansion.