Chereads / Unanticipated Love / Chapter 12 - Chapter 11: Arguments

Chapter 12 - Chapter 11: Arguments

May narinig ako kumatok sa pintuan agad naman itong nagsalita at hinayaan ko lang buksan niya ito.

"Ma'am Thaea ready na po ang dinner niyo." sabi ng isa sa katiwala naming si Daisy pagkabukas ng pintuan.

"Sige na po ako ate Dai." nakangiti kong sabi sa kanya.

Pagkarating ko sa dinning area, naabutan ko ng kumakain na rin sina Mom and Dad.

"Oh my dear! Akala ko hindi ka na makakababa sa kwarto dahil ang tagal mong lumabas simula nang sabihan ka ni Daisy." sabi ni Mom habang nakafocus sa paghihiwa ng pork sa plato niya.

"Kamusta na pala kayo ni Greige? May napapansin ba siyang kakaiba sayo?" my dad asked which made me stunned.

"Ok naman po at wala naman po siya napapansin. Everything will be ok Dad." I looked straight to my father's eyes so that he can't see me lied.

Sa totoo lang may napapansin sa akin si Greige na hindi usually ginagawa ng kakambal ko pero nilalagyan ko siya ng pangtapal para di obvious na hindi ako si Thena at nagpapanggap lang bilang siya.

Kasi ang hirap pigilan at iwasan ang mga bagay na kinasanayan ko at mga bagay na iyon naman talaga ang personalidad ko na kahit anong tago lalabas na lalabas pa rin.

"That's good my precious daughter. Nagagawa mo ng maayos ang trabaho pero mas maganda pa rin na bantayan mo pa rin ang kilos niya baka alam mo na?" nakangiwi sabay kibit-balikat na paalala ni Dad sa akin.

I nodded as my response.

"Bukas nga pala pupunta kami ni hon sa kapatid mo para malaman na namin ang kondisyon niya." saad ni Mom na pilit na maging ok ang expression ng mukha niya kahit hindi.

Sana makapunta ulit ako roon dahil gusto ko rin malaman ang condition ni Thena. Kung malapit na ba siya magising at nang makabalik na ako sa dating buhay na walang sekreto at pagpapanggap na nangyayari. Sobrang napapagod na rin kasi sa mga pinagagawa ko at hindi ko alam kung magiging successful.

Pagkakain nila agad naman silang nagpaalam sa akin at iniwan na ako na hindi pa tapos kumain.

Ganyan ang parents ko pagdating sa akin o sadyang ganito talaga kapag mayaman? Kulang sa atensyon ang binibigay ng mga magulang sa kanilang anak?

Maya-maya natapos ko na rin ang pagkain at mabilis na bumalik sa kwarto. Nagsipilyo at naghilamos pagkatapos napag-isipang i-turn on ang maliit na cassette na nakalapag sa isang table na malapit sa bintana.

Sakto pagbukas nito nang tumambad sa akin yung song pinagtugtog ni Greige kanina sa office.

The smile on your face

Let's me know that you need me

There's a truth in your eyes saying

You'll never leave me

The touch of your hand says

You'll catch me wherever I fall

You say it best

When you say nothing at all

Naalala ko nga yung moment namin kanina.

Teka bakit parang biglang lumakas ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera ako.

Napapikit na lang ako at napahilamos sa mukha dahil sa mga sinasabi isip ko hanggang sa umulit yung chorus.

Ugh..Self!!!!

Sabay hampas ng unan sa ulo ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkagising ko pa lang agad na ako bumangon sa kwarto at inuunat-unat katawan saka pumanhik sa banyo para maligo.

Sumunod, kumain na rin ako ng almusal at nagsipilyo at nagsimulang nagbihis ng simpleng outfit na kahit papaano mukhang presentable pa rin sa pagdating ni Terylene.

"Good morning Ma'am Thena." masayang bati niya sa akin

"Good morning din." I replied her back.

"Mukhang napakaganda ng araw mo ngayon ahhh." komento niya sa akin habang tinititigan ako.

"Bloomy." mahina subalit may kasabay na pagngisi sa mga labi.

"Magtrabaho na tayo. Dami pa naman natin gagawin ngayon." I diverted the topic but she ignored it that made me breath heavily.

"Nagkausap ulit kami ng boyfriend ko."

"Si Greige ba?"

Alam ko iyan ang isasagot niya.

"Nope. My real boyfriend." diretsahang sagot ko na sa kanya.

Napa-oh siya bilang reaksyon sa sinabi kong iyon.

"Talaga? Hindi ko pa nakikita yang boyfriend mo ah. Kapag may time ipakilala mo naman sa akin." she requested.

"Sure kapag hindi siya busy." tugon ko sa kanya saka itinuloy na ang nakatambak na gagawin sa table.

Lumipas na mga oras napatingin naman ako sa wall clock ng mini office at napansin kong 11AM na pala kaya agad akong tumayo sa inuupuan ko.

"Huwag mo sabihing.....???" hindi ko na siya pinatuloy ng kanyang sasabihin dahil alam ko na iyon.

"Ikaw na muna bahala dito." sabi ko na lang bago lumabas at tumungo sa kusina.

Wala si Yaya Helena ngayon at nakaleave ito upang makasama muna anh kanyang pamilya kaya ako na lang mag-isang nag-ayos at naghanda ng mga gamit at pagkain.

Lumipas ang 15 minutes, nagmadali na akong lumabas ng bahay at agad pumasok ng kotse.

Pagpasok ko ng opisina tumungo ako sa  babae na receptionist bago pumasok. Mga ilang sandali nakarating na ako sa office ng Greige at kumatok.

Tumambad sa akin ang secretary niyang babae nang bumukas ito. Ngumiti ito sa akin bago lisanin ang office ni Greige.

"Hi." bungad ko sa kanya.

Wala akong narinig na sagot mula rito na nanatili pa rin siyang nakatalikod.

"Nagdala ako ng paborito mong ulam tinolang manok saka dessert na rin." pagkapasok ko.

"Sa labas na lang ako kakain."

Parang may anong tumusok sa akin nang marinig ko sa kanya ulit ang ganoong tinig.

"Bakit pa?"

"Umalis ka na. Nag-aksaya ka lang ng oras pumunta pa rito." kasabay ng pagharap niya sa akin.

"Greige." pabulong kong sambit sa pangalan niya.

"May problema ba?...Tayo????" medyo nanginginig kong pahayag at tinititigan siya.

Napakacold ng expression niya ngayon at hindi ko alam kung bakit.

She chuckled sarcastically, "Hindi mo alam?"

"Ano ba kasi yun?"

Pilit kong pinipigilan ang tumulo sa mga mata ko at pinatatag ang loob.

"Hindi ko alam kung bakit parati mo na lang binabelewala? Parating hindi ka nagreresponse sa mga tawag at text ko sayo." hinawagawayway nito ang cellphone at pinakita sa akin ang call history at text messages.

Kaya kinuha ko rin ang akin sa bag at tinignan iyon. Nagulat ako sa mga unread messages ko sa kanya at mga missed calls sa call history.

"Hindi naman sa ganoon". sinusubukan kong magpaliwanag pero agad siyang sumasabat.

"Mahal mo ba talaga ako Thena? Kasi sa una noong pagbalik ko dito galing America, ang cold ng treatment mo sa akin na hindi ko malaman ang dahilan at yung pagtataray mo at pag-iiwas mo sa akin??? Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ka bigla."

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ilang beses mo na rin iniignore yung mga texts at tawag ko sayo kaya noong nakaraang araw sumama ang loob ko sayo pero pinatawad kita. Yung kagabi na hindi mo naman pagresponse doon na ako natauhan. Sa palagay ko napipilitan ka na lang na makasama ako kahit...."

Napahilamos siya sa kanyang mukha bago ituloy ang kanyang sasabihin.

"Kahit....."

"Kahit......"

"Kahit may...."

"Kahit may mahal ka ng iba....."

Pagkatapos niya sabihin iyon, napayuko ako dahil hindi ko kayang humarap sa kanya. Totoo naman ang sinasabi niyang mayroon nga akong iba. Iyon na nga ang BOYFRIEND KO NA INIWAN KO PARA MAGPANGGAP!!!!

Pero hindi ko pwedeng aminin pa sa kanya ngayon dahil hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya.

"Ngayon sabihin mo sa akin."

Muli akong napaharap sa kanya.

"Na may mahal ka na ng iba."

Napailing na lang ako at di ko magawang makatingin sa kanya ng diretso.

"Tumingin ka sa akin Thena."

Nakikiusap na tinig niya.

"Meron na nga bang iba?"

Inulit niyang tanong.

"Sabihin mo sa akin ang totoo kung mayroon na bang nagmamay-ari ng puso mo?!"

Mas nilakasan niya pa ang mga binitawang salita kaya mas nangiginig na ako sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

Humugot ako ng malalim at napapikit saka ulit humarap sa kanya.

"Wala akong IBA"

Diniin ko sa kanya ang huling salita para makumbinse ko siyang wala talaga. Wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo at mas lalong magkakagulo. Lalo pang hindi pa gaano nakakabangon ang kumpanya namin.

Sarkastikong ngiti ang iginawad niya sa akin kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay ngunit marahas niya akong binitawan.

"Mi cielo."

Samibit ko sa endearment namin baja sakaling lumambot siya.

"Umalis ka na. Iuwi mo na lang yan tutal sa labas naman na ako kakain."

Sabi niya with a cold expression na mas malala pa sa naecounter ko sa kanya na mga lumipas na araw ar buwan.

"Pero Greige....."

Nagmamaakawang saad ko sa kaniya ngunit tuluyan niya akong iniwan mag-isa sa office at doon ko nailabas ang mga luha ko na kanina ko pa gusto ilabas.

Niligpit ko na lang ulit ang mga pagkain at lumabas na lang ng kanyang opisina.

Napansin ako ng ibang employees roon ang itsura ko at hindi ko sila pinansin at diretso lang ako tumungo sa elevator hanggang sa makalabas at makapasok sa kotse.

Ewan ko ba kung bakit masyado akong naapektuhan sa nangyari sa amin ni Greige ngayon. Bakit parang nasasaktan ako kapag ginagawa niya sa akin ito?

Pinahid ko na lang muna ang mga luha saka ko pinaandar ang sasakyan pabalik ng bahay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nadatnan ako nina Yaya Helena at ng ibang maids na ganito ang itsura ko kaya sobra silang nacucurious sa nangyayari pero hindi ko pa kayang sabihin ngayon sa kanila.

"Pakikuha na lang po yung pagkain sa kotse ko." saka ako dumiretso ng mini office.

"Malamang nag-away nanaman sila ni Sir Greige." dinig kong sabi ng isa sa mga maids pero hindi ko na lang pinansin yun at tinahak na lang patungo sa maliit naming opisina.

"Ohhh Mam Thaea...este Thena?" nagulat rin si Tery pagkakita sa akin.

"Ano po nangyari sa inyo?" sunod na tanong niya.

"Teka uminom muna kayo ng tubig heto." sabay abot niya sa akin ng one glass of water at agad kong inubos iyon.

Tumayo na agad sa kinauupuan ko at nagpasalamat ako sa kanya.

"Ikaw na muna bahala rito. Gusto ko magpahinga saglit." sabi ko sa kanya at hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya.

Alam kong tatanungin lang niya ako nangyari. Kaso hindi ko pa kayang ikuwento sa kanya ang lahat ng naganap sa amin ni Greige. Hanggang dito lang muna siguro.

Nagpalit na ako ng pambahay at humiga sa kama pagkatapos ipinikit ko ulit ang mga mata hanggang sa nakatulog ako.

Aking pagkagising nakita ko na lang na nakalapag ang USB sa table at may kasamang pagkain ang nakalatag rito.

No choice kundi kinain ko iyon dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko dahil pala ako kumakain buhat sa nangyari.

Napag-isipan kong kunin ang cellphone ko at biglang may nagpop-up na message. Galing kay Zen.

Zen: Hi wifey❤

Napangiti naman ako sa message niya kaya agad ko namang nireplyan iyon.

Me: Hello hubby...

Mga ilang segundo biglang tumawag si Zen at balak makipag-videochat sa akin. Hindi ko alam kung papaano akong haharap sa kanya na ganito at mas lalo siyang mag-alala at hindi mapalagay kapag nakita niya ako.

Sasagutin ko ba o hindi?

Huminga ako nang malalim bago ko sinagot.

Bigla naging iba itsura niya pagkakita sa akin dahil napansin niyang mudto ang mga mata ko.

"Anong nangyari sayo Thaea? Mukhang galing ka sa pag-iyak?." sunud-sunod at labis na pag-alalang tanong niya.

Kaya ayaw ko sana siyang sagutin eh kasi makikita niya akong ganito eh.

"Sino may gawa sayo niyan? Sabihin mo Thaea!" nagagalaiting pahayag niya pagkatapos.

Mas sumeryoso ang awra niya ngayon at hindi ito maipinta sa sobrang inis nararamdaman niya.

"Nagtalo kami ni Greige." sinabi ko pa rin sa kanya ang totoo.

"Akala niya kasi niloloko ko siya dahil hindi ako sumasagot sa mga texts niya. That time naman kasi ikaw yung kausap ko at di ko masabi sa kanya ang totoo. Alam mo naman na...."

"Wala naman siya puweba na niloloko mo siya di ba? Bakit nag-jump into conclusion siya agad? Na hindi niya muna inaalam ang totoo? Immature." sobrang inis na saad niya kaya napatingin ako.

"Parang hindi siya professional sa inakto niya sayo."

Halatang sobrang naapektuhan rin si Zen sa sitwasyon ko ngayon.

Mga ilang sandali biglang may kumatok sa pintuan at si Yaya Helena pala dahil kilala ko na ang boses ng mga maids dito kaya kilala ko kung sino ang tumatawag sa akin.

Nagpaalam ako saglit kay Zen saka ko pansamantala sinara ang cellphone at pinapasok si Yaya.