My No Girlfriend Since Birth Boss [Bakit Kaya?] - Book 01

🇵🇭5UNOU5MYW5
  • 15
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 39k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 01

«»«»«»«»«»«»

"Eli! Eli! Nasaan ka na?"

"Nandito ako Monica!"

"Saan?"

"Dito. Halika lumapit ka rito."

Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa puwesto kung saan may nauulinigan akong pamilyar na boses. Sa tuwing naririnig ko ang tinig na iyon, gumagaan ang pakiramdam ko. Nasanay rin ako na palagi kong naririnig ang mahinahon niyang boses, kaya nga lang...

«»«»«»«»«»

"Monica, Hoy!"

"Hah! Hah? Ba--bakit po Mama?" Sagot ko sa babaeng nakaupo sa kabilang dako ng lamesa kaya naman magkaharapan kami habang nag-uusap. Mataman nakatitig sa akin si Mama habang nakakunot ang noo niya at tila nagtataka siya sa ikinikilos ko. Hindi ko kaagad kasi namalayan ang presensiya ni Mama sapagkat malalim ang iniisip ko. May naalala kasi akong isang importanteng pangyayari mula sa nakaraan ko.

"Ayos ka lang ba anak? Kanina pa kita hindi makausap ng matino ah. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" Magkakasunod na tanong ni Mama sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Habang ginagawa niya ang pagsasalita kasabay din noon ang pagmumustra niya sa akin para iabot ang isang pinggan na may nakalagay na ilan piraso ng piniritong itlog.

"O--okay lang po ako Mama. Medyo late lang din po akong nakatulog kagabi sapagkat may mga tinapos pa po akong sagutan na resume. Ipapasa ko po kasi ang mga iyon sa kumpanyang nais kong aplayan. Nais ko na po kasing magtrabaho," pagpapaliwanag na tugon ko kay Mama.

Ang totoo nanaginip din ako. Sapat naman sa tingin ko ang naging tulog ko kagabi dahil maaga akong nahiga sa kama ko pero naalimpungatan na lang ako nang dahil sa isang panaginip. Halos magmamadaling-araw na iyon at nang dahil sa panaginip na iyon, hindi ko na naituloy ang pagtulog ko.

"Ganoon ba anak. Kailan ka ba magpapasa at saan? Anong trabaho rin ba ang aaplayan mo?" muling pagtatanong sa akin ni Mama.

"Ngayon araw din po Mama. Bale Personal Assistant po sa isang napakalaki at kilalang kumpanya rito sa Makati ako mag-aaplay. Alam ninyo po iyong kumpanyang Feliza Joshefa Ayala Jewelry Line Corporation?" masiglang sagot ko kay Mama.

"Oo naman anak! Kilalang-kilala ang kumpanyang iyon sapagkat sila iyon nagmamay-ari ng ilan branches ng Jewelry Shops dito sa Makati at sa ibang bahagi ng Maynila. Kahit sa ibang bansa ay may malalaking branches din sila ng Land of Precious Stones Jewely Shops. May iba pang mga negosyo silang pagmamay-ari bukod sa mga Jewelry Shops kagaya nga ng Hotel de Amor, Don Pepito Food Jungle Restaurant at Bambina Fashions."

"Ang alam ko ay Share Holders lang sila sa negosyong kainan at iyon hotel. Iyon Bambina Fashions naman ay halos nag-uumpisa pa lang ito pero nakikilala na rin pati sa ibang bansa. Pero ang pinakanegosyo talaga nila ay iyon Jewelry Line na nakapangalan sa namayapang asawa ni Don Pepito Ayala." May kahabaan pagsasaad ni Mama habang mataman nakikinig ako sa kanya. Namangha ako sa mga sinasabi ni Mama kaya hindi ko namalayan na bahagyang nakanganga na pala ang bibig ko. Kung hindi pa isinubo ni Mama sa bibig ko ang kapirasong hiwa ng hotdog ay hindi ko maiisara ang akin bibig.

"O Anak, Bakit parang gulat na gulat ka? Mayroon bang mali sa mga sinabi ko?" usisa ni Mama sa akin.

"Ahh, wala naman po Mama." Sagot ko sa Mama ko habang ngumunguya.

"At opo nagugulat po ako dahil mas marami pa ang alam ninyo kaysa sa nalalaman ko." Muling sagot ko kay Mama habang bahagyang nakangisi at napapakamot sa ulo ko.

"Kasi naman anak, simula nang break-up ninyo ng nobyo mo este nang ex mong si James, nagkulong ka na sa kuwarto mo."

"Wala ka nang naging balita sa mga nangyayari sa paligid mo."

"Hindi ka man lang lumalabas para mamasyal, makipagkaibigan o makipag-date man lang sa mga ka-edad mo."

"Hanggang ngayon ba, siya pa rin ang nandiyan sa puso mo?" Seryosong tanong sa akin ni Mama habang mataman nakatitig sa mga mata ko. Iniiwasan ko naman na maluha dahil kahit paano may katotohanan ang sinabi ni Mama.

Si Mama naman kasi. Wala naman koneksiyon kay James kung bakit wala akong gaanong alam sa kumpanyang aaplayan ko.

Okay, fine, aaminin ko na nga! Akala ko kasi si James na iyong Prinsepeng hinihintay ko. Mababaw o childish man pakinggan pero naniwala ako sa Fairytale happy ending at forever. Pero sa kasamaan palad iniwan niya ako nang hindi man lang sinasabi ang totoong dahilan nang pag-alis niya sa buhay ko.

Noon madalas ko siyang makita at makasalubong pero sa tuwing tatangkain kong lumapit sa kanya para magtanong kung ano ang naging problema at bakit ayaw na niya akong makasama. Iniiwasan niya ako at ipinaparamdam niya sa akin na para bang hindi ako dumating o naging bahagi nang kanyang buhay. Hanggang sa dumating sa desisyon na pakawalan ko na siya at hayaan na lang siya na gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.

Masakit sa part ko sapagkat high school pa lang kami ay naging magkasintahan na kami. Oo bata pa lang kami noon pero may disiplina naman o kontrol kami sa sarili at hindi namin ginagawa ang mga bagay na hindi pa dapat gawin lalo na at wala pa kami sa tamang edad noon. Pero akala ko pagkatapos namin maka-graduate sa College, sabay at magkasama pa rin namin tutuparin ang amin mga pangarap na binuo. Kaya lang nagising na lang ako isang araw at nalaman na ayaw na niya akong makasama o maging parte ng hinaharap niya.

Naramdaman ko na lamang na may yumapos sa akin mula sa likuran ko. Naramdaman ko rin na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha sa akin pisngi.

Dalawang beses na pala. Dalawang beses na akong iniwan ng mga taong pinahalagaan at minahal ko.

"Shhh, tahan na anak. Sorry, alam kong masakit pa rin para sa iyo ang nangyaring paghihiwalay ninyo. Pero kailangan mong kayanin ang mamuhay nang hindi na siya kasama. Anak, marami ka pa naman makikilalang mas higit sa kanya."

"Tama na iyan. Hindi ba may pupuntahan ka pa ngayon? Kumain ka nang marami para may energy ka kapag nagpunta sa kumpanyang aaplayan mo." Pag-aalo ni Mama sa akin habang hinahaplos niya ang mahaba kong buhok.

"Opo Mama! Thank you and I love you Mama!" Tugon ko kay Mama sabay ngiti sa kanya. Pinahid ko rin ang mga luha sa akin pisngi.

"O siya kain na. Marami kang pagpipilian. May ham and bacon. Itlog and hotdog. May sinangag din o kaya ay sinaing na kanin diyan. Kain na para makapaghanda ka na." Pagmumustra ni Mama habang binabanggit isa-isa ang mga pagkain na pang-almusal.

«»«»«»«»«»

"Good luck Anak! Kaya mo iyan! Smile lang hah." Saad ni Mama habang nakangiti ito kaya napangiti na rin ako kahit nakakaramdam na ako ng kaba. Parang may naghahabulan mga daga sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Ito ang unang pagkakataon kong mag-apply sa isang kumpanya. Bakit ganoon ang nangyari?

Actually matagal na akong naka-graduate sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Dapat matagal na akong nagtatrabaho pero dahil nga sa nangyari sa pagitan namin ni James kaya nawalan ako ng gana sa buhay. Alam kong isang malaking katangahan iyon naging asal ko. Pero ngayon pinapangako ko sa sarili ko na babawi ako. Babangon ako mula sa akin pagkakadapa. Ano ngayon kung wala na siya? Hindi na ako dapat manghinayang sapagkat hindi naman ako ang mawawalan, Siya!

Kaya ko ito! Fight lang!

«»«»«»«»«»

Woah! Ganito pala ang pakiramdam kapag matagal nang hindi nakakalabas sa lungga. Nakakalula.

Nasa Makati ako ngayon. Sa Makati Central Business District kung saan isa ang kumpanyang aaplayan ko ay nakapuwesto ang building. Alam ko naman na sa bawat araw na dumadaan ay napakaraming tao sa lugar na ito ngunit dahil matagal din akong namalagi sa loob ng amin bahay kung kaya't nakakaramdam ako ng pagkailang. Parang sa pakiramdam ko ay isa akong Alien mula sa ibang Planeta. Nangangapa at pinakikiramdaman ang buong paligid.

Ano ba Monica? Iyan ka na naman. Kaya mo iyan! Kailangan mo nang pagbabago at itong araw na ito ang pagsisimula.

"Pigilan ninyo ang lalaking iyan. Magnanakaw siya!"

"Tumabi ka riyan!"

Nakarinig ako ng singhal pero bago ko pa matingnan o malaman kung sino ang suminghal ay naramdaman ko na lamang na tila may malakas na puwersa ang tumama sa likuran ko dahilan upang mawalan ako ng panimbang at mapasubsob sa lupa.

"A--aray!"

"Naku po iyon babae, sumubsob sa lupa! Tulungan ninyo siya!" Mga salitang naririnig ko. Sinasambit ito ng mga taong nasa paligid ko.

May naramdaman din akong hapdi mula sa akin mukha kaya naman napahawak ako sa may bandang pisngi at nakita ko sa akin mga daliri ang tila bahid ng dugo. Naramdaman ko rin ang bahagyang pamamanhid ng mga braso ko at sa tingin ko ay dahil iyon sa pagkakakaskas nang mga braso ko sa lupa. Bukod sa namamanhid ang mga ito ay nagkaroon din ito ng gasgas na mayroon bahid ng dugo.

"A-ano bang nangyari? Ang--ang sakit ng mga braso ko. Pati ang pisngi ko ang hapdi. Ano ba iyon bumangga sa akin?" Saad ko pero halos pabulong lang ito.

"Hey, Miss! Ayos ka lang ba?" Baritonong boses ang akin narinig. Nawala ang atensiyon ko sa mga sugat kong natamo sapagkat napalingon ako sa kinaroroonan nang boses na iyon. Bahagyang nakatingala ang ulo ko habang nakatanaw sa isang bulto ng katawan na nakatindig sa harapan ko.

Nakasuot ito ng tila isang business suit. Nais ko sanang tingnan kung sino ang nasa harapan ko ngayon subalit bigla akong nakaramdam ng hilo. Bukod doon nasisilaw din ako sa liwanag ng araw na tumatama sa puwesto kung saan siya nakatindig.

"Miss, mukhang hindi ka okay. Dadalhin na kita sa hospital." Muli kong narinig ang boses niya. Tututol na sana ako kaya lang naramdaman ko na lang na tila kinarga niya ako mala-bridal style kaya hindi ko na nagawang tumanggi pa at hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.

"Ang bango mo. Parang pamilyar sa akin ang amoy mo. Para kang si---" mahinang usal ko. Gusto ko talagang tingnan kung sino ang taong kumarga sa akin ngunit hindi ko na kinaya ang nararamdaman pagkahilo. Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid ko.