Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 30 - CHAPTER 29

Chapter 30 - CHAPTER 29

LINC'S POV

"Linc! Bibilangin na lang namin ang araw mo dyan!"

"Jayson how can I do my job well if you keep on pressuring me!!" nilagay ko muna ang cellphone at pumunta sa cabinet.

"Tapusin mo na ngayon! Tapusin mo na!!"

"I'll do it next day jay" sabi ko habang nagpapalit ng damit.

"Ngayon na linc! Huwag mo ng palusutin to!! Ayusin mo lang ang pagkakagawa at kami na bahala sa susunod! Handa na kaming lahat at ikaw nal ang ang hinihintay! Are you doing 'sideline'?!!" napatiim bagang ako at tumingin sa kamao kong may hawak ng maliit na kutsilyo.

"I'll do it" pinatay ko na ang tawag at dumiretso sa cr para maligo. Kailangan ko ng pampagising dahil mababaliw na ako.

AMIRA'S POV

Hating gabi na pero nagsusuklay pa rin ako sa buhok. Ang hirap talaga kapag may insomnia. Yung gusto mo na matulog pero hindi mo magawa!!! Inayos ko muna ang damit ko at tumayo na tsaka naglakad palabas ng kwarto.

"What are you planning next?" kumunot ang noo ko nang may marinig na boses sa opisina ni papá. Lumapit ako doon at napatingin sa pinto dahil bukas ng kaunti. Katabi lang ito ng kwarto ko kaya maririnig ko pa din ang boses nila dahil sobrang tahimik ng paligid.

"Isusunod ko yang special na yan" dinikit ko pa ng tenga ko at sinigurado ang narinig. K-kung hindi ako nagkakamali sina tita at a-ate zai.

"Sigurado ka ba dyan? Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?"

"HAHAHA you must be kidding me!"

"Paano na si attorney?"

"Ano pang paguusapan natin? Patay na siya diba? Alam ko namang kukuha pa yan si papá"

*gasp* mabilis kong tinakpan ang bibig ko tsaka tahimik na tinungo ang kwarto ni mr.linc. Umupo ako sa tapat ng pinto at niyakap ang mga tuhod ko. W-wala akong kakampi sa bahay na to. Masama sila!!

"Ahh!" napahiga ako sa sahig nang bumukas ang pinto. Sinamaan ko ng tingin si mr.linc.

"What are you doing miss amira?" takang tanong niya. Yumuko siya at tinignan pa ako ng mabuti sa mukha "What happened?"

"Hindi ako makatulog~"

"But why are you crying?"

"Kase gusto ko na matulog!" umayos ako ng upo para ipagpag ang damit ko.

"And you're here to bother me?"

"You know what? Just come with me" tumayo ako at hinila siya papunta sa hallway na bihira lang nilang pinupuntahan. Walang ibang pinto dito kundi altar lang sa dulo nito.

Nauna na ako kay mr.linc at huminto sa tapat ng altar tsaka nagdasal. I-I know ate zaira is good, I can see it to her eyes. That's not true right??? Please help me, help my family. Papá, si nath, si tita, si kuya at si ate, they are the only family I have.

Yumuko na ako at pumikit pa habang magkadikit ang mga palad ko. Naramdaman ko naman ang palad ni mr.linc sa balikat kaya tinapik ko lang yun.

"Please hear my prayer" humarap ako kay mr.linc na nakahawak pa rin sa balikat ko habang nakayuko.

"What?" tanong niya at umiwas sa akin. Umayos siya ng tayo na parang nagulat at nilagay sa likod ang kanang kamay niya. Natawa ako ng konti, nakakatakot ba ako o ano?

"Starting tonight, let's do this as our night schedule hehehe. Are you done praying?" hindi siya sumagot kaya hinila ko na siya ulit. I guess he prayed HAHAHAHA maybe he wanted my luck that's why he held me "Good dahil inaantok na ako! Sa kwarto mo ako matutulog! Sa higaan ako sa couch ka hahaha"

***

"What mr.linc?" tanong ko nang pumasok ulit siya. Pangalawang beses na niyang naglalabas masok dito sa kwarto niya. Naghintay kami ng tamang pagkakataon para hindi kami mahuli.

"Wait, I'll just escort her outside. Pumunta ka na agad sa likod at susunod ako dun" tumango lang ako at tinignan siyang kinuha ang susi ng kotse tsaka lumabas.

"Yes!" ang saya ko! Pumayag sa wakas si mr.linc na lalabas kami.

Tumayo ako at masayang tinungo ang tree house kung saan ang meeting place namin ni mr.linc. Yes! Yes! Mabuti pala tinanong ko siya ulit!!! Wala yung iba ngayon dahil may susunduin daw sila kaya pumayag na si mr.linc na tatakas kami.

"Hurry up miss amira" nakita ko na si mr.linc na naglalakad papunta sa direksyon ko kaya nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Siya naghanda nito para daw hindi ako mahuli. Napilitan nga akong magpabantay sa mga minion kanina.

"Saan tayo?" tanong ko nang makababa kami. Hindi pa namin nadaanan ni bea to dito noon dahil usually dumadaan kami sa may bintana ng kwarto ko. Minsan hindi ako nakakahanap ng hagdan kaya sa bubong ng bintana ako dumadaan.

"Dito" hinila na niya ako kaya abot tenga na ang ngiti ko.

***

Tinungo agad namin ang bear house na sinabi ni dunkan. I know their place. Ako pa na palagi naming iniistalk ni bea si ace plus sikat pa siya kaya alam ng lahat ang tambayan niya. Nagtaxi lang kami ni mr.linc. Agad kaming nakarating ng walang problema.

"I'm sorry ma'am but this is only for VIPs, do you have any ticket to present?" nagtaka ako sa sinabi ng nagbabantay. Tumingin ako kay mr.linc na nagkibit balikat lang.

"W-what ticket?"

"Ito po" may nilabas siyang kulay violet na papel kaya nanlumo ako dahil wala akong ganyan.

"Can I buy that ticket?" umiling siya. Tinuro ko ang sarili at pilit na ngumiti "Pero girlfriend ako ni ace, kilala mo siya diba? I am a SMITH"

"Ahhh" nanlaki ang mga mata niya dahil nakilala na niya ata ang surname ko.

"I'm sorry, kapatid po ba kayo ni miss zaira?" tumango ako kaya binigyan nila kami ng daan.

Pumasok na agad kami habang nakahawak pa ako kay mr.linc. Madaming tao kaya baka magkahiwalay pa kami, mahirap na.

"Ace where are you?" mahinang tanong ko habang nakikipag-siksikan sa mga taong nagsasaya.

Tumigil na ako nang makita si ace na nakaupo habang nakaharap sa babaeng halos isang dangkal na lang magdidikit na sila. Tinignan ko lang siya kung paano niya tignan yung babae. Ganun yun, ganun niya ako tinignan nung dinner!! H-how could he!!

Dahan dahang lumalapit ang mukha niya doon sa babae habang lumilipat din ang tingin sa direksyon ko at parang nagulat pa. Lumapit na ako sa kanya.

"Now tell me ace!" halos pasigaw na sabi ko dahil sobrang lakas ng tugtog. Umiwas siya kaya tumingin ako sa babaeng kasama niya. Iba na naman?? "Do you think I can't do that?!!"

"A-amira?" humarap ako kay mr.linc at hinalikan siya. Nagtitigan muna kami hanggang sa unti unti siyang pumikit at sinimulan ng igalaw ang mga labi.

Napalunok ako dahil bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan pa ako sa batok. W-wrong move ata ako. Hinawakan ako ni ace sa kamay kaya pinatigil ko si mr.linc at humarap sa kanya.

"Now e-explain ace"

"I just obey what they told me amira. I'm sorry please let's remain our friendship. Amira I didn't mean to give you false hope" napasinghap ako at tumingin sa ibang direksyon dahil hindi ko inasahan ang sagot niya "It's just the h-heritage they told me"

"Dunkan was right" hinila ko na si mr.linc paalis. There's no point on going in here.

"Amira! I'm sorry!" hindi ko na siya pinansin at binilisan pa ang paglakad. Tinignan ko pa saglit si mr.linc na tahimik lang habang nakatingin din sa akin.

Nakalayo na kami doon sa bear house kaya tumigil na ako at humarap na sa kanya.

"You know what mr.linc? I can move on, right? Marami pa dyan!" pilit akong ngumiti sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin at hinimas ang batok niya na parang nahihiya-- "Mr.linc huwag mo sanang mamisinterpret yun! I'm sorry ayaw ko lang magmukhang inosente sa harap niya"

"I-it's okay" hinawakan ko na siya sa kamay at naglakad ulit. Madami pa naman dyan. M-madami pa! First time kong mabroken hearted!!!

***

"HAHAHHAAAHAHA" tumatawa lang kaming dalawa ni mr.linc habang kumakain ng ice cream. Nagkabrain freeze kasi ako kaya tinawanan niya ako edi tumawa na rin ako.

"Mr.linc which flavor do you like the most?" tanong ko habang nakatingin sa apat na lalagyan ng ice cream.

Dumiretso na muna kami dito sa mall at kumain sa 'all in all ice cream shop' para naman makapagpalamig ng UTAK AT PUSO!

"Do you think?" tanong niya tsaka sumubo ng isang spoon ng apple flavored ice cream niya.

"Oooh" ngumiti ako nang sumubo na naman siya. Kinagat niya pa ang labi at nangingiting tinuon ang atensyon sa pagkain.

Napalunok ako. Ang bilis ko naman makamove on. Pwede ba yun?? Feeling ko tuloy ayaw ko na magmove on kay aaaceee~ Ano ba tong nasa harap ko????!!

"Ah?" nagulat ako dahil sinundot niya ang ilong ko habang tumatawa. Pinunasan ko agad ang ice cream na pinahid niya at sinamaan siya ng tingin.

"You need to go home immediately" nagulat ako nang may humawak ng mahigpit sa braso ko at pwersahan akong hinila. M-minions.

Nagkatinginan pa kami saglit ni mr.linc pero wala na ding nagawa pa