AMIRA'S POV
"Mr.linc that one" sabi ko habang nakaturo sa bunga ng mangga. Nandito na naman kami sa tree house dahil dumating na si tita.
"Catch" sinalo ko agad ang manggang tinapon niya at nilagay sa gilid tsaka tumingala na naman sa kanya.
Naisipan ko kasing padalhan ng mangga yung kapatid niya dahil ganito din si tita noon noong nagbubuntis kay nathalie.
"Mr.linc do you think these are enough?" tumigil na siya at tumingin sa akin. Nasigawan daw niya ng todo yung kapatid niya kaya pinilit ko siya na dalhan ng ganito. Hindi man pinlano blessing pa rin ang baby.
"I don't think so" napatingin ako sa apat na manggang nakuha niya.
"Hmm tama na to, your sister will like it sigurado yan! Hurry up!!"
"Tss" dahan dahan kasi siyang bumaba sa sanga ng puno kaya napapangisi ako sa tuwa.
"Yiiiii I'm so excit----"
*crack* nanlaki ang mga mata kong tumingin kay mr.linc matapos mabali ang sangang inapakan niya. Nahulog!! Nahulog siya!! Nahulog siya sa harap ko kaya pareho kaming napahiga!!
"Aghhhh!!" sumigaw ulit ako habang nakapikit. N-nahulog SA AAKIIINN!!--oa lang ba? Oa ba??!!! Hindi ehhhh!!!!
Tumahimik na ang paligid kaya unti unti akong nagmulat at saktong mga mata ni mr.linc ang nakita ko.
"M-m-mr.linc?" napalunok ako dahil nakatitig lang siya sa akin. Bumaba ang tingin niya kaya napalunok ulit ako!--unti unti siyang pumikit at parang napadaing sa sakit.
"Natamaan!" bulong niya. Napapikit at napatakip din ako sa mukha habang nagiinit ang mga pisngi ko. N-natamaan!? Natamaan ko! BASTA NATAMAAN KO!! SA TUHOD PAAA!!!!!!
Nagulat na naman ako nang bumagsak ang katawan niya sa akin habang napapadaing pa rin. Y-yung a-ano ko!!! Ahhhhhhhhhhhhh!!!
Nakahiga siya sa may dibdib habang nakahawak sa bewang ko!!! Napapikit ulit ako at tumingala sa langit dahil nasa hita ko ang ano niya!! Masakit dibbaaaa??? Umalis ka na dyan!!!
Naririnig ko lang siyang napapa-hiss kaya kinagat ko ang labi dahil naiihi na naiiyak na ako!!
*criiing* umangat siya ng konti at sinagot ang tawag. Napalunok lang akong tinignan siya habang naeestatwa pa rin!
"M-m-m-m-mov" -- di ko masabi!!!
"Where?--Bakit ngayon niyo lang sinabi?--Oh sige ma pupunta na ako" binaba na niya ang tawag kaya nagkatinginan kami. Lumunok na naman ako dahil parang narealize na niya position namin "S-scusami!"
"Ahem" tumikhim lang ako nang makatayo na siya. N-nalunok ko ata lalamunan ko!!! Mabilis niyang kinuha ang paper bag ng mangga at naglakad na paalis.
***
Naglalakad na ako pabalik ng bahay dahil pinasadya ko talagang malayo muna kay mr.linc. I can't get over! That's-that's-that's too h--ahhh kinikilig na nahihiya ako pero parang mas kinikilig talaga ako!! Nakakahiya pa rin!!
Umiling na lang ako at dumaan na sa likod ng kusina para hindi nila ako mapansin l-lalo na s-siyaa--ay wala nga pala siya ngayon. So kung wala siya tapos si tita nandito? Nakakatakot tuloy!!!
*blag* natigil ako sa paglalakad nang hindi ko sinasadyang mabangga ang minions.
"Miss amira we are looking for you" nagtaka ako nang hinawakan nila ang magkabilang braso ko at hinila paakyat ng bahay.
"Kuya sandali!!" natatakot na sabi ko. Pilit akong kumakawala sa kanila pero sobrang higpit ng hawak nila "Sandali sabe eh! Ayokong umakyat pleeeeease~!"
Naka-akyat na kami sa itaas kaya medyo naiyak na ako dahil sa takot. Pwede namang hindi ako g-ginaganito diba?! Naririnig ko kasi sa loob ng tenga ko ang nakakatakot na tugtog habang papalapit kami sa kwarto!!
"PAPÁÁÁ!!"
"Amira! Huminahon ka!" sigaw ni tita sa akin habang nakaupo sa sofa ng office niya. Huminto kami sa harap pero hindi pa rin ako binibitawan ng mga minions. Daig pa niya ang takot ko sa mga multo!
"T-tita I-I'm just roaming around. I didn't tend to stay outside for too long tita~" pilit ko pa ring hinihila ang braso ko dahil mas hinihigpitan nila yun.
"Where are her four maids?" tanong ni tita. Napatingin ako sa pinto nang umingay na naman doon.
"B-bakit pooo??"
"May nagawa po ba kaming mali?"
"B-binabantayan naman po namin si miss amira"
"Ang sakit na poo!"
"TAHIMIK!" nagulat kami nang sumigaw si tita kaya wala ng nagbalak sa amin na magsalita pa. Napalunok ako nang ngumisi siya sa akin "Inutos to ng ate mo kaya magpapakabait kayo"
"M-madam" tumingin si tita sa mga yaya ko.
"We don't want other witnesses here so better go with her" inilabas na nila kami pagkatapos sumenyas ni tita at tinungo agad ang garahe.
"W-where's mr.linc?!! MR.LINC!!! HEEEEELLLPP!!" sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa maipasok nila ako sa kotse. Sina yaya sigaw din ng sigaw. They are just like me. Takot.
"TULONG!!"
"HEEEELP!!! PLEASE SOMEBODY HELP!!!"
*blagblag* hindi ko mabuksan ang pinto kaya hinampas ko na lang ang bintana.
"Saan niyo ako dadalhin?!!" napatingin ako kina yaya na dinala sa kabilang van.
"Miss amira!! Miss amira!!"
"Tuloong!" napatigil ako nang sumakit ang dibdib ko. Kumiga ako dito sa upuan at tahimik na umiiyak. Calm down amira~ Calm down~
***
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang mapatingin ako sa labas ng bintana, saan na kami???!!
"Where the hell am I?!!" galit na tanong ko sa kanila na nasa harap. Hindi nila ako pinansin kaya pumagitna ako sa kanila at mabilis na hinawakan ang manibela.
*prrrrrt*
*peeeeeeeep*
"Aahhhhhh!!!" malakas akong tinulak pabalik nung isa. Kumunot ang noo ko nang makita ang itsura nila sa salamin, hindi sila ang minions ko.
"Kayo yung sa opisina ni papá" s-sila yung nakita ko na lumabas ng opisina ni papá!! K-kaya pala hindi ko na sila nakita ulit pagkatapos!!! "MGA MASAMANG TAO KAYO!!!"
"Tumahimik ka!" sigaw nung nasa passenger's seat.
"AHH!! Kanino kayo nagtatrabaho?!! Si tita ba?!"
"Kay miss zaira! Tumahimik ka na!" may tinapong bag sa akin kaya pinulupot ko na lang ang katawan ko at umiyak ulit. A-ate?? Bakit?
***
Nagising ako nang maramdamanan kong huminto na ang van na sinasakyan ko. Bumukas ang pinto kaya hinila na nila ako palabas. May nagiisang abandonadong bahay sa tapat namin.
"W-w-what are you planning with us??! Nasaan tayo???!" takot na tanong ko. Madilim na kaya hindi ako tiyak kung saan kami ngayon.
"Kuyyyaaa!!" sinunod na nila sina yaya. I feel so sorry for them! This is because of me!!!
"Dyan na kayo" tinulak nila kami papasok kaya mabilis na tumayo sina yaya papunta sa pinto para pigilan pero agad nilang naisara yun.
*hik* lumapit sila sa akin at tinignan ang buong katawan ko.
"Miss amira are you okay?" pilit akong tumango at yumakap na lang sa kanila dahil sa takot.
"P-pasensya na kayo"
"Wala yun miss amira, ano pong nararamdaman niyo??" tanong ni yaya mildred.
"A-akala ko a-aatakehin na ako kanina yaya" mahinang sabi ko. Niyakap din nila ako pabalik.
Umiyak lang ako hanggang sa marinig na namin ang pag-andar ng sasakyan sa labas. Napaayos ako ng upo nang hawakan ni yaya ebeth ang bandang puso ko.
"Miss amira, masakit pa ba?" umiling ako kaya huminga sila ng malalim.
"Jusko po sana hindi ka aatakehin sa puso miss amira" mahinang sabi ni yaya mildred na nakasandal na sa pinto. I-I w-won't.