Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 35 - CHAPTER 34

Chapter 35 - CHAPTER 34

LINC'S POV

Sinandal ko ang dalawang kamay sa pader at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan.

Nakuha ko na. Nakuha ko na ang gusto ko sa simula pa lang. Napatingin ako sa drawer kung saan nakalagay ang mga papeles na noon ko pa nakuha. Siya na mismo tumulong sa akin para kunin lahat. Hindi ko alam ganoon niya ako kadaling pagkatiwalaan. Dapat ba akong pagkatiwalaan?

*criiing* nilakasan ko pa ang shower at hindi pinansin ang tumatawag. Alam kong si jayson yan kaya hindi ko na sasagutin. Iniiba ko ang ringtone ng number nila. Nalalaman ko agad kung sino ang tumatawag para hindi ko na masagot sa kanila.

"I'm here to work" sabi ko sa sarili at ginulo ang buhok dahil sa inis. Forget her linc!! Your job isn't done yet!!--but why I am still here? Why I am currently thinking about her who still didn't show up since last night? W-where is she?

Kagabi ko pa siya hinahanap! Pinuntahan ko ang lugar ng ace na yan pero hindi ko siya nakita. I even asked Cj. She's really nowhere to found! She's confusing me to death!

"Yes L you're here to work" napatingin ako sa mga paang nasa likod ko nang magsalita si Z.

Umayos ako ng tayo at lumapit pa ng konti sa pader para makalayo sa kanya. Hindi na ako nakagalaw at naikuyom na lang ang kamao nang maramdaman ang kamay niyang naglalakbay sa likod ko.

ZAIRA'S POV

Ngumiti ako dahil hindi siya umangal. Lumapit pa ako at nilipat sa harap niya ang mga kamay ko.

"Hmm L? What are you thinking? I'm still in my undies and bra L" nakakaakit na sabi ko.

Hindi siya nagsalita kaya humarap ako sa kanya. Napakagat ako sa labi habang dahan dahan kong binaba ang kamay sa harap niya.

"Remove it. Hmmm I am waiting for this vacant time L"

"Z, I'm tired" nagulat ako nang tabigin niya ang kamay ko at mabilis na naglakad palabas.

"L?!" hindi ako makapaniwalang tinanggihan niya ako! Sumunod ako sa kanya na kasalukuyan ng nagsusuot ng damit "What's your problem?!!"

"Problem? I don't have any problem. Ikaw, baka may problema ka" walang ganang sabi niya at sinuot na ang tshirt.

"Bakit hindi mo ako tinitignan?!" hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako sa kanya at niyakap.

"Binabasa mo ako Z. Stop!" inalis niya ang kamay ko tsaka nagpunta sa higaan para isuot ang sapatos niya. Lumapit ako at pumaibabaw kaya napahiga siya.

"You want to play L?" mabilis ko siyang hinalikan pero tinulak niya lang ako sa gilid kaya ako na ang napahiga. Ngumiti ako nang tumayo siya sa harap ko "Remove it now~"

"I'm not in a mood Z" tatalikod na sana siya kaya mabilis ko siyang niyakap. Dahan dahan akong lumuhod para magpantay kami.

"I'll bring back your mood" nakatitig lang siya sa akin kaya napangiti ulit ako.

*beep* pinaharap ko agad siya dahil lumingon pa sa may pinto.

"Kotse lang yu--Ahh!" tinulak niya ako at mabilis na naglakad palabas ng kwarto "Arrgh L!! WHO IS SHE?!! SINO YANG NASA ISIP MO?!!"

ETHAN'S POV

Inalalayan ko si papá na bumaba ng kotse dahil hindi pa siya gaanong malakas.

"Papá, hinay hinay lang po, hindi po tatakbo ang bahay" natawa siya ng konti. At least I tried to make him smile. For sure amir will just worry and overthink. 

"You can't blame me son, I miss our princess" ngumiti lang ako. Nakapasok na kami sa loob at nakita agad si linc na naglalakad papunta sa direksyon namin kaya pinaalalayan ko muna sa mga katulong si papá.

"Linc where's amir?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin. Tumitingin pa siya sa likod namin.

"Hindi niyo kasama?" kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Hindi--namin kasama? Sa pagkakaalam ko hindi niya alam kung saang hospital kami kaya malabong tumakas siya" napatingin ako kay zaira na naglalakad papunta sa amin.

"P-papá? Nakauwi ka na!"

"Where's princess?" tanong ni papá. Nakacross arm kong tinitignan si zaira habang hinahalikan si papá sa pisngi. Bakit parang nagulat siya??

"Papá n-nasa likod po ng bahay" tumingin ako kay linc.

"Even her man didn't know where she is right now" nagkatinginan silang dalawa kaya nahuli ko na agad si zaira.

"I--actually don't know" sabi ni linc kaya napansin ko ang pagkagulat ni zaira.

"Where's princess?? You're getting me nervous!" medyo tumaas na ang boses ni papá kaya humarap ako sa kanya at inalalayan siyang umakyat.

"Papá magpahinga na muna kayo. Ako po ang bahala kay amir" nakita ko si mom na pababa ng hagdan. Hinayaan ko siya na magalalay kay papá sa itaas.

"Find her son! Find her!"

"Shh alejandro huminahon ka lang"

"How??? I want to see my princess!! The heck!!" nagkatinginan kami saglit ni mom tsaka tumingin din siya kay zaira. 

"Let's go" hinayaan ko muna silang makalayo bago hinarap si zaira at mahigpit siyang hinawakan sa braso. Pinalampas ko siya nung nakaraan tapos ngayon?!!

"Zaira NASAAN SI AMIR?"

"I-I don't know kuya!!" hinigpitan ko pa ang paghawak kaya nakaagaw yun ng atensyon sa ibang katulong.

"Z where is she?" tanong din ni linc. Pilit ko siyang iniharap sa akin dahil tumatalikod siya. What's happening to this woman!!?

"Kuya masakit talaga!"

"I don't care about your arm! My concern here is amir! Nasaan siya?!!"

"Hindi ko nga alam!!!"

"Sabihin mo na zaira hanggat hindi ka pa napagdududahan ni papá!!"

"Hindi ko ng--"

*criing* napatingin ako sa bulsa niya nang may tumunog doon. Mabilis kong kinuha ang phone at walang pagdadalawang isip na sinagot yun.

"K-kuya!"

"Maam nakabalik na po kami. Pasensya na po at ngayon lang namin kayo nakontak. Nasa batangas na po siya kasama yung mga yaya niya" unti unti akong napatingin kay zaira sa narinig ko.

*blag* tinapon ko sa sahig ang cellphone niya kaya nagulat siya.

"Bakit nasa batangas si amir?!" hininaan ko ng konti ang boses dahil baka marinig ni papá ang batangas. Ang layo nun dito! Napatingin ako kina yaya tawy na napapasign of the cross dahil sa sinabi ko.

"Jusko si amir!"

*gaasp*

"Kawawa si miss!"

"Kapag may mangyaring masama kay amir pagsisihan mo to zai"

"Kuyaaa~" umiyak na siya kaya hinawakan ko siya sa baba para tumingin sa akin. She's going in a wrong path.

"Sunduin mo siya kung ayaw mong malaman ni papá to" marahas ko siyang binitawan at naglakad na paakyat ng bahay "Linc come with me"

Dumiretso lang ako sa kwarto at paikot ikot lang dito dahil hindi ako mapakali kay amir. Hindi naman sana yung nasa isip ko!!

"I need to talk to you" bungad ko nang makarating na din siya.

"Is it about amir? I will bring her back"

"I told you to watch her. Why did you let her men took her away?" nakatayo lang siya kaya humarap ako sa kanya.

"I had an emergency call, I'm sorry. I will bring her back" lumapit ako para hawakan siya sa balikat.

"Please help my sister--she's sick and her condition isn't for playing" pagmamakaawa ko. This isn't time for chilling. 

"S-sick?" tumalikod ako at nilagyan ng alak ang baso. 

Hindi ko na alam anong gagawin kay zaira! Nung una akala ko simpleng galit lang meron siya dahil nakikita ko namang may malasakit din siya ng konting kay amir. But doing this to her?! Hindi malabong aatakehin yun dahil sa takot! Kaya nga hindi na ako umangal ng higpitan nila ang security para sa kanya.

"Bakit?! Anong sakit niya?!"

"May sakit siya sa puso kaya kung pwede iuwi mo siya ng maayos dito linc. If we lose amir, we will lose my father too. He can't bear to lose another one of our love" ilang minuto kaming natahimik kaya uminom muna ako.

"She didn't told me. She didn't tricked me" humarap ulit ako sa kanya.

"Nagkakaintindihan tayo diba?"

"Maaasahan mo ko ethan" lumabas na siya ng kwarto kaya napatingin ako sa family picture namin. Wala na si mamá pero kompleto kaming apat dito. Mom, I'll give justice for sacrificing your life. I love my sisters they are the replica of you--the two of them.