Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 32 - CHAPTER 31

Chapter 32 - CHAPTER 31

AMIRA'S POV

"Hija get that" sabi ni tita kaya kinuha ko ang paper bag. Sinama ako nina tita dito sa mall habang si ate kina tito sa kompanya kasama si mr.linc. Ang hiraaaap kaya samahan sina tita!!!

"Tita can I go to the restroom?"

"No" bagsak balikat na lang akong sumunod sa kanila dahil naiihi na ako. 

Apat na yaya ang kasama namin ngayon pero lahat kami pati ako puno ang mga kamay. Balak ba nilang bilhin ang mall?

Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa babaeng nasa pastry shop. B-bea? Magisa lang siyang kumakain. Anong ginagawa niya dito ng magisa?? Tinitigan ko pa siya ng mabuti at p-parang umiiyak siya? Bakit?

"Hija!" nakalayo na sina tita kaya gusto ko mang lapitan siya ay hindi ko magawa at sumunod na lang kina tita. Why is she crying? Naiiyak tuloy ako. Nagsstress eating pa siya!

"Kunin mo yan!" nagulat ako nang malakas na dinikit ni tita ang box ng perfume sa balikat ko kaya napadaing na ako ng konti.

"Op----"

*blag* nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa saleslady na nabangga si tita veronica.

"Ang mamahaling damit ko!!" nilapitan ko yung saleslady at tinulungang makatayo.

"Ma'am sorry po" tinulak siya ni tita aleana kaya natumba na naman.

"Kung hindi mo kayang bayaran huwag ka ng magsalita! Hampaslupa!" napaatras ako ng kaunti nang sampalin siya ni tita anabelle, kawawa siya!

"Belle calm down" sabi ni tita flora. Lumapit yung mga bodyguards sa babae at pilit siyang pinapalayo.

"Ialis niyo yan sa paningin namin!!" sigaw ni tita aleana.

Unti unti akong umatras at tumakbo palabas ng mall. Bakit sila ganun?? Ang sama nila, bakit minamaliit nila ang ibang tao???

Nakarating na ako sa likod ng mall kaya umupo ako sa bench at tumingala. Mommy ganyan ka ba katulad nila??? Mga kapatid mo sila diba?? Bakit ang sama ng ugali nila? Pati si ate zaira? Mommy kung sana kilala ko lang po kayo hindi ako magtatanong ng ganito, mommy ang sakit po na ganito ang pamilya natin.

"Hija bakit ka umiiyak?" napatingin ako sa lalakeng pulubi na umupo sa tabi ko. Pinunasan ko ang mukha ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Hindi po tito"

"Tito? Haha hindi ako mayaman tignan hija" natatawang sabi niya.

"Hindi naman po payamanan ang pagtawag ng tito" tinapik niya ang balikat ko.

"Broken hearted ka ba hija?" umiling ako kaya tinulak niya ng konti ang braso ko "Sus nagmamaangan ka pa"

"H-hindi naman po talaga"

"Mga kabataang katulad ng edad mo ganyan talaga ang problema haay" umiling iling si tito. Sumama lang ang mukha ko, hindi naman talaga~ "Alam mo nung medyo bata pa ako, may lovelife din ako eh"

"P-po?" pinahid ko ang sipon ko at takang tumingin sa kanya. Hindi nga ako broken hearteeeed. Sina tita iniiyakan ko eeh.

"Hindi man kami nagkatuluyan sa huli pero nanatili pa rin ako sa tabi niya" makisabay na nga lang ako, ayokong basagin ang trip ni titoT_T

"T-tapos po?*sip*"

"Ayun nagkaroon kami ng sarili naming pamilya, natuto akong mahalin ang pinakasalan ko ngayon nagkaanak din kami hanggang sa nalayo ako sa kanila"

"Anong pong nangyari?"

"Umalis ako dahil hindi ko alam kung anong problema sa akin, hindi ko maintindihan ang sarili ko"

"Bakit naman po?"

"Hay naku! Ang gusto ko iparating dito hija hanggat bata ka pa alamin mo anong nararamdaman mo kung iniwan ka niya tanggapin mo nalang" tinulak niya ulit ako kaya mangiyak ngiyak akong tumingin kay tito.

"Hindi nga po talaga ako broken hearted noong nakaraang araw pa po--"

"Oh edi pareho lang din yun"

"Hindi nga po, nakamove na po ako agad eh kaya hindi na ako broken hearted" tumayo siya kaya nagtaka ako "Saan po kayo tito?"

"Hay batang to! Aalis na nga ako hindi ka naman pala broken hearted, hahanap lang ako ng plastic sa paligid" sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad palayo. Sinabi ng hindi ako broken hearted, ito talaga si tito hahaha. Tumayo na ako at bumalik sa loob----hindi nga pala ako nagpaalam!! Nilibot ko ang mall at hinanap sila. U-umuwi na ba???? uuwi na ba ako?

"Where have you been?!" gulat akong napalingon sa likod nang marinig ang boses ni tita veronica.

"T-tita I-I'm sorry" yun nalang ang nasabi ko habang hinihila niya ako sa kung saan.

"Sakto magpapasalon kami kaya ikaw ang uunahin namin!" tinulak niya ako papasok kaya nayuyuko akong tumingin sa mga tao.

"Ayusan niyo yan!!" utos ni tita anabelle kaya dinala na ako ng isang empleyado paupo.

***

*hik* umiiyak lang ako dito sa likod ng kotse habang bumabyahe kami pauwi sa bahay. Nasa kabilang kotse sina tita kaya nakakaiyak ako ng maayos dito.

"Miss amira tumahan na po kayo" sabi ni manong driver. Napatingin ako sa salamin at mas lalo lang naiyak nang makita ang itsura ko.

Tinakpan ko ang bibig at napahawak sa buhok kong pinaboycut nina tita. Medyo mataas pa naman pero bakiiit???

"Alas 10 na po ng gabi sige po kayo baka manuno kayo niyan"

"Kuyaaa bakit ganito??? Boycut to ehhh"

"Maganda pa naman po kayo tignan miss amira huwag po kayong magalala"

"Don't fool me po" narinig kong tumawa ng mahina si yaya na nasa passenger's seat kaya tumigil ako sa paghikbi.

"Ikaw pa rin po ang magandang dilag na inaalagaan namin miss amira" nakarating na kami sa bahay kaya pinauna ko muna sina tita na makapasok tsaka lumabas na sa kotse.

"Miss amira may nagpapabigay" napatingin ako kay yaya na parang kinikilig na inaabot sa akin ang pulang rosas.

"Kanino galing?" baka kay dunkan na naman eeeh. Nagkibit balikat lang siya kaya tinanggap ko na lang yun at inamoy muna.

"Miss amira, ano pong nangyari sa buhok ninyo?" napatigil ako at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ni mr.linc. Ano kaya magiging reaction niya?!!! Pinaalala pa ni yaya eh!!

Pagkabukas ng pinto nakita ko siyang natutulog na. Nilagay ko muna sa tabi ang rose at maingat na humiga sa tabi niya tsaka niyakap ng mahigpit habang tahimik na umiiyak. They are so mean~

Gumalaw siya kaya pumikit ako at hindi inalis ang pagkakayakap sa kanya. Ginalaw niya ang kamay at saktong sa buhok ko yun tumigil. Umiyak pa ako lalo nang pakiramdaman talaga ang buhok ko!!

"W-who a-are you?" tanong niya habang pilit akong inilalayo. Sumiksik pa ako sa balikat niya kaya pilit niyang inaalis ang mga kamay ko na nakayakap "Who the hell are you?! Get off!"

*toktok* may kumatok kaya natataranta niyang inaalis ang mga braso ko. Kumapit pa ako ng mabuti dahil muntikan pa akong mahulog. 

"S-sino yan?! Wag ka muna pumasok!" tanong niya habang tinatapik ang braso ko. NOOO!!~ Why is he so nervous or whaaaat????

"Kuya" sumilip si yaya ebeth kaya napabitaw sa akin si mr.linc at bumagsak ulit ng higa tsaka huminga ng malalim.

"Bakit?" mahinahong tanong ni mr.linc at hindi na gumalaw.

"Miss amira, kailangan daw po kayo mamaya kaya huwag daw po muna kayo matutulog" tumango lang ako kahit nakalabas na siya. 

Tumahimik na kami ng ilang minuto. Sinandal ko ang magkabilang siko ko at tumingin sa kanya.

"Hindi mo na ako nakikilala mr.linc aah!!" sinubsob ko ang mukha sa unan at umiyak ulit. 

Gumalaw siya kaya lumingon ako sa kabilang direksyon para hindi niya makita ang PANGET NG MUKHA KO!! Bakiiit boycut?!!! Ayos lang naman kung hanggang leeg!!

"What happened to your hair?" tumingin ako saglit sa kanya tsaka mabilis na hinampas sa balikat at dumapa ulit.

"Nagtanong ka pa!!"

"Did--they do this to you?"

"Hmm" tumango lang ako. Hinawakan niya ulit ang buhok ko at parang sinuklyan pa.

"Why are they doing these to you?" rinig kong bulong niya. Sinabit ko na lang ang kamay ko sa gilid ng higaan. DEPRESSION.

"Matulog ka na nga lang dyan!" naramdaman ko na namang gumalaw siya.

"Paano ako matutulog kung hinihigaan mo ang kumot ko?" tumingin ako ng masama sa kanya.

"Hindi mo ko raramayan???!"

"Bakit naman? Sabi mo matulog na ako"

"Kainis ka mr.linc!" tumayo ako at pumunta sa salamin.

"Hindi naman mabiro!"

"Huwag na! Tatawagin pa nila ako! Hindi ako matutulog ngayon! Hindi din naman ako makatulog sa kakaisip nitong buhok ko!" tumayo siya kaya sinundan ko lang siya ng tingin.

"Alam mo anong mas maganda?" lumapit na siya sa akin habang may dalang gunting. Humarap ako sa kanya kaya inayos niya agad ang buhok ko sa may noo.

"Maganda??? Maganda ba ako kapag lagyan mo ng baaangs??!" naiiyak na tanong ko. Tumahan na ako mr.linc eehh mas maayos pala talaga kapag si bea karamay kooo!! 

Hindi niya ako pinansin at ginupitan lang ng kaunti. Inayos na niya ulit ang buhok ko at nangingiting tinignan ang naging resulta sa ginawa niya!!!

"Pinangit mo pa lalo mr.linc!!" hindi ako tumingin sa salamin dahil alam ko na resulta. ANG PANGET!!!

"Ang ganda kaya"

"Maganda? So maganda ako nito???" kumunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin at bumalik sa pagkakahiga. Napatingin pa siya sa rose na nasa drawer.

"Tinutulungan lang kita"