Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 33 - CHAPTER 32

Chapter 33 - CHAPTER 32

AMIRA'S POV

Naglilibot lang ako ngayon sa bahay dahil hindi ko pa nakikita si mr.linc. Kainis saan na yun??

"Yaya nakita mo po si mr.linc?" napatigil siya sa paglalagay ng damit sa washing machine at humarap sa akin.

"Hindi miss amira, bakit?"

"Hindi ko pa po kasi nakikita" kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi at tumingin sa akin na parang may ginawa ako.

"Namiss niyo na po?"

"Huh?--parang ganun na nga wala kasi akong kasama buong umaga"

"Bakit po??" mas lalo pa akong nagtaka sa reaksyon niya kaya binalewala ko na lang yun.

"Sabihin niyo po yaya, ayoko pong matapos ang buong araw ko na hindi si mr.linc ang kasama, sunod nang sunod sa akin yung lima eh" tumingin ako sa mga minions na nasa loob ng storage room. Dyan ako dumaan papunta dito sa gilid ng bahay, nagbabakasakaling makita si mr.linc.

"Yii miss nakita ata ni ebeth yun. Nakausap niya kanina"

"Ahh sige po salamat" umalis na ako at bumalik sa loob ng bahay. Pupunta na sana ako sa may sala kung saan palaging nakatoka si yaya ebeth.

"Tita magingat po kayo sa byahe" napatingin ako sa may hagdan nang makita silang dala dala ang mga gamit nila. Napatingin sina tita sa akin kaya binigay muna nila ang mga gamit sa mga yaya nila at lumapit sa akin.

"Pagisipan mo yung sinabi namin" sabi nila at lumabas na ng bahay.

Pinuntahan ko na agad si ebeth at naiiling sa naisip. Yun ba yung offer nila na papuntahin ako sa workshops?  

"Yaya ebeth nasaan si mr.linc?"

"Nasa likod po ng bahay, bakit po? Gusto niyo tawagin ko?"

"Ay wag na po salamat" tumalikod na ako at patakbong pinuntahan ang likod. Tinignan ko pa ang mga minion na sinenyasan ko lang na huwag ng sumunod. Narinig naman ata nilang si mr.linc ang pupuntahan ko.

Napatingin ako sa pinto ng tree house na bukas kaya nakangiti kong inakyat ang hagdan.

"Mr.linc I've been searching for you the whole morning, where have you been?" napatigil ako nang makita siyang nakaupo habang nakatitig sa stuff toy na nasa harap niya. Lumapit pa ako at tinignan siyang mabuti.

"Boo!"

"Apple!" sinamaan niya ako ng tingin at humarap sa may bintana. Nagjapanese sit ako sa harap niya at tinignan siya na may halong malisya.

"Hmm who's apple again? Are you thinking about her for the whole morning while I am searching for you?" tumingin siya sa akin saglit at naiiling na lang habang humaharap sa kabilang direksyon. Does that mean-- "Hmmmm I'm getting jealous mr.linc, who is she?"

"Why are you jealous? You're turned off, right?" bumuntong hininga lang ako at lumipat ulit sa harap niya.

"Ano bang problema mo?" hinintay ko ang sagot niya habang nakatitig lang siya sa sahig. May plano ba siyang sabihin sa akin?

Sinundot ko ang pisngi niya kaya umiwas siya. MAY PROBLEMA NGA TALAGA!! Maulit nga! Sinundot ko din ang ilong niya at umiwas ulit!

"F-fermare(stop)"

"Ano nga kase??" nakatingin lang siya sa baba kaya tumitig ako sa kanya.

"My--my sister is pregnant"

"Oh? Ilang months na ba?"

"3 weeks"

*clapclapclap* ngumiti ako at pumalakpak pa, wooow blessings!

"CONGRATS mr.linc! Tito ka na! Yehey!" dahil dun ay tumingin siya ng masama kaya nagtaka ako. Sinandal pa niya ang mga braso sa tuhod.

"Congrats your face!"

"Why? Blessings yun sa mag-asawa kaya siguro ang saya saya ng kapatid mo at yung asawa niya!! Yeey!" hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inilapit pa sa kanya.

"She even didn't know who is the father! Tapos ang saya mo dyan!"

"What?! Ano bang nangyari? Paano?" umupo ako sa tabi niya habang tinitignan lang ako ng walang emosyon.

"Gusto mo sabihin ko sayo paano gumawa ng bata?--"

"Hindi! Ang ibig kong sabihin bakit hindi niya alam?! Grabe!! Spg ka masyado!!"

"Sa isang--clubhouse, hindi niya daw alam anong nangyari pagkatapos uminom" umiwas siya sa akin ng tingin.

"Naakoo tsk tsk tsk masama talaga yan oh edi anong ginawa mo?"

"Pinuntahan na siya ni mama tapos ko ng pagalitan"

"Anong balak niyo sa tatay nung bata? Sama naman~ walang umako?"

"Wala"

"Ininang mo ko ah!?"

"Yan pa talaga inisip mo? I am still thinking how to deal with that woman!"

"Sus" inakbayan ko siya. Bigla siyang tumalikod kaya nasa likod na niya ang bigat ko "Huwag ka ng magalit dun, kalma lang tayo, kalma~"

"She doesn't know what she's entering and that asshole, how can he just left my sister after what happened!?" tinignan ko siya habang nilalaro ang piercing sa tenga niya.

"Tapos na kaya wala ka ng magagawa, alangan namang ipaabort niyo yung bata!" niyakap ko siya sa leeg at tinignan din ang maliit na stuff toy na nilalaro niya. Hindi naman siya umaangal kaya napapangiti ako.

BEA'S POV

FLASHBACK

"Wooo gooo guyss!" sigaw ng mga 'bagong' kaibigan ko.

Matapos naming iwan sina kuya at bestfriend kanina sa mall gusto ko maiyak! Nagtatampo pa ako sa kanya tapos si kuya pa ang sama ng tingin sa akin!

"Bea uminom ka!!"

"A-ah h-hehe s-sige" nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko pa ba o hindi na pero siya na mismo ang nagpahawak sa akin ng baso kaya napilitan akong inumin.

"Aaahk!!" ang pait!

"HAHAHA sabi ko sa inyo go na go tong bago natin!!" tahimik lang ako dito sa gilid habang tinitignan silang nagsasaya. Bakit nga ba nandito ako sa clubhouse??? Hindi naman namin ugaling pumupunta ni bestfriend dito---- t-teka! Nandito ako para kalimutan siya erase!! erase!!

"Oh bea isa pa!!"

"S-sige"

End of flashback

Umiiyak lang ako habang pinapagalitan ni mama.

"Simula nung dumating yang kuya mo dito nagpapariwara ka na!! Ano?! inisip mo ba na may pera na tayo dahil sa trabaho niya??!"

"Ma~ hindi po~"

"Mas pabor pa ako kay miss amira na maging kaibigan mo kesa sa mga nakasama lang sayo!!!"

"Maa sorry na, h-hindi ko po alam"

"Ito na yun eh! Yung masamang kutob ko sa mga galaw mo nitong mga nakaraan!! Ano?!! Ano ng balak mo?! Sa bata?! At sa ama niyan?!" napayuko ako dahil hindi ko din alam anong gagawin ko.

"T-tulong maaa~" pumikit ako nang maalala ko si kuya.

Flashback

"Ay demonyo!!" nagulat ako nang pagkabukas ko ng pinto ay galit na mukha ni kuya ang bumungad sa akin.

"I'M IN HELL RIGHT NOW beatrice" madiing sabi niya.

"K-kuya? Bakit ka nandito?" tanong ko. Nandito ako sa hospital at kakapacheck up ko lang kay doc. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin ng diretso.

"What are you doing here?"

"N-n-n-nagpapacheck up lang! M-may ubo ako kuya" hindi siya gumalaw kaya nagsimula na akong kabahan!! Please wag naman niya sana--

"Really?? In ob-gyn?" unti unting sumama ang tingin niya sa akin at pwersahan akong hinila sa braso.

"K-kuya sorry" nagsimula na akong umiyak nang makapunta kami sa itim na kotse.

"Kailan pa?!"

"Kuya s-sa clubhouse nung nagkita tayo sa mall!! Kuyaaa!! H-hindi ko alam anong nangyari!!--ahh!" nagulat ako nang itapon niya ang baso sa kalsada.

"HINDI ALAM? Kaya pala palaging namomroblema sayo si mama!! Magtino ka naman!!"

"K-kuya wala talaga ako sa sarili nun!! Sorry~"

"Sorry?!! Paano mo maipapalabas ang batang yan ng sorry??!! Sa pagkakalam ko hindi ka pa kasal!!"

"K-kaya nga kuya~"

"Meron ka bang konting naaalala tungkol sa mga nakasama mo nun?!!!"

"Wala kuya eh~" napahilamos siya sa mukha niya at sumandal na lang sa kotse habang humihinga ng malalim.

"Hindi na sana kita pinalayo kay miss amira" mahinang sabi niya kaya lumapit ako.

"Anong sabi mo kuya?? Pinalayo mo ako??"

"Tapos na din! Hintayin mong puntahan ka ni mama sa bahay! Hahanapin ko ang tatay ng batang yan!" papasok na sana siya sa kotse nang pigilan ko siya.

"KUYAAA~" hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya. Hindi pala lumayo si bestfriend sa akiiin!!

"Mas komplikado ngayon ang sitwasyon sa bahay nila beatrice! Lumayo ka na lang!!"

"Kuyaaa~" umiling ako habang nagmamakaawang tumingin.

"Huwag kang magpapakita ulit kay z dahil pinapahanap ka niya sa akin!!" umayos ako ng tayo dahil mukhang alam ko na. Pagkatapos niya akong sugurin noong nakaraan? "Maghintay ka kung kailan kita papayagan!!"

End of flashbacl

"Anong sabi ng kuya mo?"

"H-hahanapin daw po niya ang ama ng bata ma" napamewang na si mama kaya tinakpan ko ang mukha ko.

"Dinagdagan mo ang problema ng kuya mo! Alam mo namang mas kailangan ni miss amira ang kuya mo ngayon!" napatingin ako kay mama sa sinabi niya.

"Bakit po? May problema ba si amira ma?" tumabi siya sa akin at hinagod ang likod ko.

"Tsk mas komplikado ang lagay ng kaibigan mo sa bahay kaya lumayo ka na lang muna. Tama din ang kuya mo. Sinabi niya sa akin" pareho sila ng sinabi ni kuya.

"Ma"

"Sa susunod anak magingat ka huwag mo munang bigyan ng ibang gagawin ang kuya mo, kawawa kapag maiwan magisa si miss amira sa bahay"

"O-opo ma" napatigil ako nang sumakit ang tiyan ko.

"M-maaa!! Aahhh!!"

"Anak?!!!"