Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 31 - CHAPTER 30

Chapter 31 - CHAPTER 30

AMIRA'S POV

*Gaaasp* huminga ako ng malalim nang iahon ako ni ate zaira sa malaking balde na puno ng tubig. Nandito kami sa labas ng bahay at d-dito niya ako nilulunod!!

"A-a-ate" tawag ko habang nakahawak sa gilid para pigilan siya.

*SPLASH!*

"HMMM!!" kinapa ko ang mga kamay sa gilid dahil hindi na ako makahinga! This is torture!!

*Gaaaasp*

"Z stop"

"Isa ka pa L! I told you to watch her!!! WATCH HER!!! Pero magkasama pa kayong lumabas!!"

*splash*

"Hmmm!!"

*gasp* inangat ni ate ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Humagulhol lang ako dahil hindi ko na talaga siya kaya.

"Sabi kong hindi ka lalabas diba?? Kung hindi ako tinawagan ng mga kaibigan ko doon. Hindi ko malalaman!!" nanggigigil na sabi niya. Umiiyak lang akong tumango at nilunod na naman.

*splash*

"Sumugod ka pa kay ace!! Nakakahiya ka! And do you think he likes you?!! Stupid! Hindi marunong magisip!! Hinalikan mo pa si L sa harap ng maraming tao! Malandi ka!"

*gaaasp* inangat niya ulit ang mukha ko kaya pilit akong yumuko. I-I don't know what to do.

"Z she just confronted him for fooling her around"

"Nagkakaintindihan na tayo dito iba???!"

*splash*

"Ahh!" nabitawan ako ni ate kaya umahon ako habang hinahabol ang hininga.

"Miss amira! Miss amira!" napatingin ako kay nanay na lumapit.

"Yaya what are you doing here?! Umalis kayo!" sigaw ni ate pero hindi siya pinakinggan ni nanay. Lumapit na din ang ibang yaya ko at tinulungan akong makatayo.

"Miss kung ayaw niyo pong ibalita namin to sa papá niyo bigyan niyo po kami ng daan" sabi ni nanay.

"Are you threatening me?!"

"Sa totoo nga tinawagan ko na si papá, humanda ka zai" napatingin din ako kay kuya na kakababa lang sa kotse.

"Kuya??!!!" mabilis na pinatabi ni mr.linc si ate kaya inalalayan na ako ni nanay na pumasok ng bahay.

"Ihanda niyo ang kwarto niya!"

"Oo nay--"

"NOOOO!! She can't go there!!" singit ni ate at sinabayan kami sa paglalakad. Aaakyat na sana kami nang humarang siya sa itaas.

"Zaira stop it! Gusto mo bang mamatay si amira?!! Umalis ka!!" sigaw ni kuya at pilit na hinihila si ate. Tinulak niya ako sa balikat dahilan para mapaatras kami nina nanay.

"Kuya bagay lang yan sa kanya!" napatingin lang ako kay mr.linc na may binulong kay nanay. Maya maya pa ay naglakad na kami pababa ng basement.

"Ebeth! Kunin mo yung gamot niya sa itaas!"

"Opo" pumasok kami sa kwarto ni mr.linc tsaka pinaupo agad ako ni nanay sa higaan.

"Zaira!! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip sayo! Ano bang nangyari sayo at si amir ang pinagdidiskitahan mo?!!!"

"Gusto ko lang turuan ng leksyon yan!!!"

"Zaira hindi mo ba nakukuha bakit ginagawa ni papá to?!!! Pointless ang pagkamatay ni mamá!"

"Pointless??? Mas maging pointless kapag magtagal yan dito!! Wala namang nagawa yan sa pamilyang 'to kaya bakit pa kayo nagtitiis?!!!"

"Zaira! Ano ba!!"

"Bakit siya g-ganyan?" umiiyak lang ako habang yung iba pinatuyo na ang katawan ko. Hinawakan ako ni nanay sa magkabilang kamay at pilit na pinapaharap sa kanya.

"Alam ko din naman sumisipsip ka lang dyan sa stupid na yan para mapasayo ang mana!!"

"Tapos sa akin mo ipapasa yan?!! Binigay ko na nga yung akin dahil alam ko mas kailangan ni amir yun hindi katulad luho ang sinusunod!!"

"Anak isara mo yung pinto!" utos ni nanay kay mr.linc at ginawa naman agad. Pinapaharap ulit ako ni nanay sa kanya. Lahat siguro ng nainum ko kanina sa mga mata ko lumabas "Anak~ huminahon ka na"

"Nay ito na po" dumating na sina yaya kaya agad na kinuha ni nanay ang injection at tinurok sa akin.

"Is she sick?" takang tanong ni mr.linc.

"Mahina ang katawan ni miss amira kuya kaya hindi talaga pwedeng mabigay ng todo todo, madali siyang magkasakit" sagot ng yaya ko. Tumingin lang ako kay nanay na pilit akong pinapahinahon.

"Miss amira~ kakailanganin mo to para hindi ka lagnatin" sabi ni nanay. Tumango lang ako habang nakatingin doon. Tapos na si nanay kaya dinikit niya ang palad sa may dibdib ko at diniin doon.

"Nay~"

"Huminga ka ng malalim. Tigilan mo na yang pamumutla mo. Tinatakot mo kami anak" tumango ulit habang paulit ulit niya akong pinapahinga ng malalim "Anong makakapagpahinahon sayo anak?"

"Nay baka po yung anak niyo"

"Anak tawagan mo si bea!" mabilis na sabi ni nanay. Tumingin ako kay mr.linc at umiling lang.

"A-ayos n-na po a-ako nay" ilang segundo pa ay bumukas ulit ang pinto.

"Thanks for assisting her. Amir just stay here huwag kang lumabas hanggat hindi natatauhan yang ate mo"

"Opo k-kuya" umalis na siya at naiwan na naman kami dito. Humarap ulit si nanay sa akin. Kalmado lang siya kaya gumagaan ang loob ko.

"May nagawa ka ba sa ate mo?" hinawakan niya saglit ang pisngi ko pagkatapos kong tumango.

"L-lumabas po ako"

"Diba? Pinagbabawal sayo na lumabas ng bahay? Huwag kang magalala hintayin mo ang papá mo na makauwi tiyak pwede ka ng tumakas ng hindi napapagalitan"

"Haha" natawa ako ng konti kaya parang nakahinga ng maluwag si nanay.

"Rule no.4? Bawal lumabas si amira ng bahay"

"Opo opo, memorize ko na po ang rule no.1-5 na para sa akin lang!" natatawang sabi ko.

***

Nag-inat ako dahil sa sarap ng tulog. Wala akong napanaginipan na iba kaya nagtuloy. Dahil na rin siguro sa sleeping pills na pinainum ni nanay.

"You're awake?"

"Yes mr.linc" humarap ako sa kanya. Nilagay niya ang mug ng kape sa mesa at paharap na umupo sa silya "Nasaan sila?"

"You have visitors out there"

"Sino?"

"I thinks it's your relatives" mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Seryoso ka mr.linc??" tinignan niya lang ako ng diretso kaya nilahad ko ang kamay para sumama sa akin "Let's check it out"

"Kamag-anak mo nga~" inabot niya ang kamay ko kaya hinila ko agad siya palabas.

"Hahaha I can't wait to see kuya ale" nasa sala pa lang kami ay hinawakan na ako ni mr.linc sa bewang at pwersahang hinarap sa kanya.

"Alam mo mas maganda magpahinga ka na lang doon" sabi niya pero hinila ko lang ulit siya at pumasok na sa dining area.

"Oooh~ the unique one is here" umupo ako sa pinakadulo kung saan supposed to be si kuya ethan. Kapatid sila ni papá. 2 babae at 2 lalake habang yung tatlong tita ko na kapatid ng totoong nanay ko, si tita anabelle, aleana, at tita veronica.

"Good morning po" tumahimik sila kaya kumuha na ako ng makakain. Lumapit naman sina yaya para lagyan ako ng juice.

"Stop" napatingin kami kay tita aleana na pinakamatanda sa kanila.

"P-po?"

"Can you just go away? Shoo shoo" pagtataboy niya kina yaya. Tumango na lang ako sa kanila. 

Habang tahimik kaming kumakain ay napatingin ako kay ate zai na tahimik lang at tinuon ang atensyon sa pagkain. Kakagaling niya lang ng iyak.

"What did you do?" napatingin kaming lahat kay tito alfunso sa tanong niya. Tumingin siya sa akin saglit. Ako ata yung tinutukoy niya.

"W-wala po" nagulat naman ako nang may humampas sa mesa.

*blag*

"You are a disgrace, a smith without an achievement?!! That's ridiculous! Look at your siblings!! Try to follow their path!!" galit na sigaw ni tita anabelle. Yumuko ako at kumain lang.

"What's happening to this family? This is a disgrace!" sabi din ni tita aleana.

"Look what we have done amira, SMITHs are now overlapping everyone's standard" napatingin ako kay tito alfunso.

"Well thanks to kuya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi din kami maiinvolve sa business na to" sabi din ni tita milbeth.

"Ang mga anak namin malayong malayo sa standards mo. I wonder paano ka pinalaki ni kuya ale? Zaira and ethan are doing better but you?!!" napalunok ako sa sinabi ni tita flora.

"We heard that kuya ale will pass his treasure to you?"

"He will give it me soon tita veronica" singit ni ate.

"Quiet kid we are not talking to you" dinaanan ko ulit ng tingin si ate na nakayuko lang.

"So tell me"

"Po?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni tito jun. Hindi na ako nakakasubo dahil sa kaba.

"When will you going to rule your business?"

"I-I don't have plans po"

*blag* nagulat ulit ako nang hampasin na naman ni tita anabelle ang mesa.

"Hanggang kailan ka walang plano? Malapit ng lumampas sa listahan ng mayayaman ang papá mo at wala ka pa ring plano?!"

"I-I think ate and kuya can d-do that, not me"

*blag* napasinghap na si tita kaya yumuko pa ako.

"Ha! I can't believe to that kid!"

"You know ate, she had mental problems!" natatawang sabi ni tita aleana.

"Hahahaha" tumawa yung iba. Hiyang hiya na talaga ako sa sarili ko.

"Oooh~ I see, you're still in medications?" walang tigil ang tawanan nila kaya bumuntong hininga na lang ako.

"You know" singit ni tita veronica "She can still change her fate"

"You're right, let's talk and wait for kuya, we will offer you something"

"After that you'll attend workshops" dugtong pa ni tita veronica. Patago akong napakamot sa batok. Wala talaga akong plano~

"Tita ako na lang po"

"No siya ang tagapagmana kaya siya ang priority namin---oh my god! Nagaalala ako sa pangalan na inaalagaan natin!"