FINALLY! The long awaited rest day has come to me!
Pauwi na ako galing sa trabaho bilang sekretarya sa isang kumpanya dito sa Estrello. Dalawang araw din akong hindi nakauwi dahil sa sobrang daming kailangang gawin at tapusin para sa opening ng hotel ng kumpaniya.
Nakarating na ako sa floor ng condo unit namin ni Diamond. Nakakapagtaka lang dahil naiwang nakabukas ang pinto noon subalit patay ang lahat ng ilaw.
Imposible naman pasukin kami ng magnanakaw dito dahil sa sobrang dami ng security ng condominium building nito.
"Hey babe, open up your eyes," nakarinig ako ng isang halinghing sa loob ng nag-iisang kwarto dito sa unit, ang kwarto namin ng aking fiancé na si Diamond.
Sa kaba ng nararamdaman ko ay maingat akong naglakad patungo doon. Nahulog ang handbag na puno ng mga papeles mula sa aking kaliwang kamay dahil sa nakita.
Hubo't hubad na babaeng nakaupo at nakailalim sa kaniya ang lalaking mahal ko. Ang lalaking pinili ko kapalit sa pamilya ko. Ang lalaking akala ko ay hindi ako sasaktan. Ang lalaking akala ko ay handa akong ipaglaban sa pamilyang aking iniwan.
Mainit ang mga mata kong tinalikuran ang live show na nagaganap sa loob ng kwarto. Nakakuyom ang mga kamay kong tinungo ang pinto palabas ng unit at marahas itong sinara.
Mabilis ang paglakad na ginawa upang marating ang akala mong sobrang layong elevator na sa katunayan ay ilang dipa lang naman mula sa unit na pinanggalingan ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod kaya mas nilakihan ko ang aking mga hakbang.
"Fuck!" malutong na mura ni Diamond na sa tingin ko ay lumabas ng kwarto para sundan ako. "Love, let me explain!"
Fuck you and your explanation.
Sa mga oras na 'to ay hindi ko na alam kung anong gagawin.
Nilabas ko ang telepono, "I'll take over the company, Pa." tugon ko bago pumasok sa kakabukas pa lamang na pinto ng elevator at ilang ulit na diniinan ang button na para bang magsasara agad 'yon.
Nasilayan ko ang nagmamakaawa niyang mga mata sa maliit na siwang at doon ko na hindi napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumakas sa aking mga mata.
Nakababa na ako sa ground floor at inalis ang engagement ring sa kamay, "Kuya, pakibigay na lang kay Diamond." Taas noo kong ani sa receptionist at binigay ang singsing na sumisimbolo ng pagmamahalan namin.
I went outside then suddenly, as if the God were playing tricks on us in his hands, the rain began to pour as well as my tears.