Chapter 4 - Two | Club

FRIDAY na ngayon. Andito kami sa lobby, nakaupo kami sa mahabang couch nang biglang nag-aya mag punta ng club si Chelsea.

We agreed in a flash kasi next week is a real deal, baka hindi na rin kami maka night out kahit gustuhin namin dahil sa mga gawain. Napag-usapan na namin kung saan kami magkikita papunta sa club mamayang gabi.

I texted Kuya Bada to pick me up here sa school, kasi hindi daw kami kikitain ng professor namin sa History kaya uuwi na lang ako ng maaga.

"See you later, ingat," nasa parking kaming dalawa ni Georgina, Chelsea still have one class to attend. "Ikaw din, text me when you got home. Bye!" paalala ni George before driving away her Mercedes Benz.

I got home at 4 PM, Papa's not yet around kaya kay Mama na lang muna ako nagpaalam. She agreed naman pero kailangan ko pa rin daw ng confirmation from my father. Wala naman kaso sa parents ko kung magparty kami pero syempre I need to inform them tungkol sa mga pinupuntahan ko. Natulog muna ako at gumising ng 6 PM para maligo at kumain dinner.

Umakyat ako ng kwarto para makapili ng maisusuot. Nilabas ko ang fitted na black and white checkered crop top na labas ang pusod kapag sinuot at white skort na above the knee. Nagtagal pa ako sa paglagay ng eyeliner dahil gusto ko ma-achieve ang cat eye na eyeliner, nilabas ko naman ang paborito kong produkto ng Maybelline na long lasting matte lipstick na kulay maroon at nilagay ko 'yun sa labi.

Sinuot ko na ang damit na nilabas ko kanina. White high wedge sneakers na may silver highlights ang sapin ko sa paa na nabili ko sa Sketchers. As is lang ang buhok ko na kapantay ng balikat, pinaputulan ko 'to bago pa nagsimula ang klase. Marami nanghinayang sa healthy at mahaba kong buhok nang pinost ko ang bagong look sa Instagram.

Well, wala naman silang magagawa. Buhay ko naman 'to, nasa sakin parin ang huling desisyon.

Tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa bed side table, nagtext si Chelsea,

---

Chelsea

iMessage

Today 7:46 pm

Chelsea:

omw.

---

Binilisan ko ang kilos, nagpabango na lang ako at sinuot ang silver hook earrings. Nilagay ko ang lipstick, phone, wallet at car key sa palm size sling bag ko na may golden chain.

Pumanhik muna ako sa bedroom ng magulang ko para magpaalam na aalis na ako. Naabutan ko silang nanunuod ng movie. Sinuri pa muna ng tatay ko ang suot na damit at saka nag-salita, "Magpalit ka ng pantalon, bumalik ka rito after," diretso pa rin ang tingin sa TV.

I headed back to my room to change. Nagpalit ako ng black cargo pants na bumagay naman sa suot kong sneakers. Like what my father said, I went back to their room. They gave me few reminders, "Don't drink too much, also drive carefully," from Mama.

Sinundan naman iyon ni Papa, "Be responsible, Leandree. You may go now, but you need to be home before 1 AM," natawa na lang ako sa curfew niya.

"I get it. Goodnight, parents!" I gave them kisses before leaving.

Nagsend ako ng text message kay Chelsea at Georgina na papunta na ako sa McDo. Smooth lang ang naging biyahe ko kaya mabilis akong nakarating, i-pinark ko pang muna ang sasakyan bago nakapasok sa. Ilang minuto lang din ay dumating na rin si Georgina.

Nag-order kami burger and fries, kumain muna kami bago nagdrive papunta sa club gamit ang matte gray BMW ko. Hindi ko ni inabala si Kuya Bada sa pahinga niya ngayong gabi kaya ako ang nagdrive ng sasakyan.

Alas nuebe pa lamang pero marami ng lasing at napalabas ng club ng makarating kami. Umiiling na lang kaming pumasok sa mga nakita. Umakyat kami sa VIP Lounge at naghanap ng seat.

Si Georgina ang nag-order ng drinks at chips. Hinayaan na namin siya dahil alam niya na ang usual order naming tatlo. Mabilis lang nakabalik si Georgina sa table at nakasunod ang waiter dala ang inorder niyang inumin, halo halo, may light drinks at hard drinks. Gusto ata magpakalasing ng gaga. Isa isa na kaming kumuha ng maiinom, nagkuwentuhan muna kami bago naglibot sa VIP area at binabati ang mga kakilala namin.

"Shyne," may tumawag sa akin sa kabilang seat, si Doc Dorothy, ang derma ko. "Hello doktora! Haha, cheat day ko ngayon, sorry po!" I pleaded, baka pagalitan na naman niya ako, e.

Natawa siya sa sinabi ko saka kami nagbeso. "Ano ka ba, it's all good basta drink moderately. You're still looking good, ha," sinusundot ang nakalabas kong tiyan dahil sa suot na top. "Dahil din naman 'to sa pag-alaga mo sa balat ko, ah. Hahaha, what brings you here doc? A date perhaps?" pangusisa kong tanong.

"I wish!" she rolled her eyes, hinawakan niya ako sa braso at bumulong, "I'm with my cousins, come, you wanna meet 'em? They are all single," malokong tingin ang ibinigay sa akin si doktora.

Nakangiti akong umiling sa kaniya, "Too early for that! Maybe later? Hahaha See you!" kindatan ko pa siya bago umalis.

Naharang pa ako ng ilang kakilala at pinashot ng alak ng alak sa table. Nakabalik ako sa pwesto, nadatnan kong may nakaupo na dalawang lalaki, for sure bitbit 'to ni Chelsea. Naririnig ko ang malanding tawa ng kaibigan ko, binato ko naman siya ng nuts na kinakain kaya pinansin niya na 'ko.

"Bakit girl?" she said after glancing. "Do you know Doctor Ruiz, right? My derma?" I looked at her na busy sa pakikipag-harutan, "Kasama niya raw mga pinsan niya," she raised her eyebrows, now she seems interested. I continued, "She also said that single daw ang mga pinsan niyang lalaki."

Tumayo naman siya agad at ininom ng isang lagukan ang baso ng Jack Daniel's. "I'll take care of it for you, hihi," humahagikhik siyang umalis ng couch. Naiwan dito ang dalawang lalaki, hindi ko sila pinansin at kumuha ng panibagong alak, this is my third bottle now. I changed my drink from San Mig to a glass of whiskey. No signs of Georgina.

One shot.

Kailangan ko lang ng pangpalakas ng loob dahil pupunta ako sa dance floor. Hila hila ang sarili pababa at nakipag-batian sa mga kakilala, dumaan muna ako sa island bar para humingi ng maiinom bago sumayaw.

"One tom collins please," ni-request kay Kuya Jef, yung bartender. Naupo na ako at hinihintay ang inumin.

Nang mailapag ng bartender ang alak ko ay may nagabot ng card galing sa likod ko, "The usual, bro. Also, sagot ko na ang drink niya," sabay niyang tinuro ang iniinom ko. The bartender got taken aback for a second, thinking.

Napaismid na lang akong iniinom ang cocktail.

I suddenly want to go back home. This is what I hate when clubbing eh. Yung mga lalaki na babayaraan ang alak mo, nagpapabibo. This guy in front of me obviously thinks that way, too. He looks kinda expensive. Sadly, he's pretty dumb waiting and while staring at me. As if!

Nakakalahati ko na ang inumin ng magsalita si Kuya Jef, "Sir, what's your usual order? Hindi ka po regular dito." I knew it. Natawa ako. Inubos ko ang natitirang alak sa baso bago naglabas ng pera, dinoble ko, "My usual drink, Kuya Jef. Bigay mo na lang sa kaniya." Binalingan ko ng tingin ang lalaki, he's embarrassed. Naglakad ako palapit, hinawakan ko ang baba niya bago siya binulungan, "Enjoy my drink," natatawang sabi ko at saka lumayo roon.

Naglakad na ako patungo sa gitna ng dance floor. Wala pa man limang minuto ay may lumapit na sa akin. "Hey, Brendon," pagpapakilala niya, liar. Kilala ko 'to, Jackson ang tunay na pangalan nito. I grabbed his collar that made him leaned down, "I'm Lean." Pinatulan ko pa rin, I need to have fun.

Magkaharap kaming nagsasayaw, ang kamay niya ay nasa bewang ko habang nakataas naman ang akin. Yumuyuko siya para magkarinigan kaming dalawa, " You know what, para kang Pacific Ocean." I stared at him, waiting for him to continue his pick-up line. "You're deep, nakaka-lunod ang kagandahan mo."

Oh my goodness. He's spitting lame jokes and corny pick up lines. Chelsea already warned me about him dahil sa mga pick up line niya. Everything's cool kaso wala talaga siyang sense of humor.

Turn off.

Humiwalay ako sa kaniya at nagpaalam na pupunta sa toilet pero ang totoo ay bumalik na talaga ako sa VIP area.

I can't stand to hear more corny lines from him.

Maingay sa taas, nagkakaroon ng palaro. Umakyat akong nahihilo pero sa nakikita ko ay bigla akong nabuhayan ulit. Nakahiga si Chelsea ngayon sa isang table, may asin sa tiyan paakyat sa leeg, kagat kagat niya naman sa labi ang isang lime. Tinignan ko kung sino ang iinom, tangina, may limang naka-pila!

"Leandree Shyne! Where have you been ba?" sigaw ni Georgina nang makita ako, I saw her taking a video clip nang makalapit ako sa kaniya. "I danced!" sigaw kong pabalik dahil mas lalong umingay ang paligid. nag-OK sign na lang siya after knowing my whereabouts.

The crowds cheered louder, nilabas ko ang na rin ang phone ko para kuhanan ng litrato ang kaganapan ngayon at saka pinost sa ig story ko. Close friends only.

Malapit na mag-alas dose ng gabi at wala pa rin nag-aayang umuwi. Narito kaming tatlo sa couch, yung dalawa nagiinom parin. Ako ang magddrive sa aming tatlo kaya tinigil ko na paginom ng alak kaya pumapapak na lang ako ng nuts na naka serves sa table namin ngayon.

May lumapit na waiter sa table at nagbaba ng isang large plate ng pagkain; fries, mojos, nuts, nachos at tatlong bottled mineralwater. I asked kung kanino galing ang order baka kasi wrong table pero ang sabi ay dito raw talaga sa table namin ang order.

"Dale cheated," biglaang bunyag ni Georgina. Nagkatitigan pa muna kami ni Chelsea bago tinuon ang atensyon sa kabigan. Che and I didn't talk, hinayaan namin magkwento si Georgina. "And he got the girl pregnant," lumakas lang lalo ang pag-iyak niya.

"I trusted him, hundred percent! I didn't give him any benefit of doubt because I was so sure of him. To us. Tapos siya pala ang magloloko. Tangina, binuntis pa!" Halos gusto kong lumipad papuntang Florida para saktan si Dale dahil sa ginawa niya.

Wala kaming ibang magawa ni Che ngayon kung hindi aluhin at samahan siya. She's suffering, I can hear her heart breaking.

Pinakalma muna namin si George bago lumabas ng bar. Nagpatulong kami sa isang kakilala na maibuhat si Georgina papuntang parking. Inayos namin ang puwesto ng pagkakahiga niya sa loob ng kotse. Naupo naman na kami ni Chelsea sa harap at saka nilingon ang kaibigan na mahimbing na natutulog sa back seat.

Awang awa kami ni Che sa kaibigan namin. Tinawagan ni Chelsea si Joey, kuya ni George para kunin siya sa sasakyan. Nilinisan at pinalitan muna namin siya ng damit bago umalis. I dropped Chelsea in front of her house, we talked for a minute before separating. Nasasaktan din kami para sa kaibigan namin.

10 minutes before the clock strikes at one when I got back home. Naabutan ko si Papa nakaupo sa single couch niya, his throne, dito sa bahay. Malungkot akong ngumiti sa kaniya at yumakap. "I'm ten minutes early, Pa," sabi ko after our hug. "Yes, is everything okay?" He asked.

Tumango ako bago nagsalita, "I have a question, Pa." He stared at me, "Okay, go on."

I sighed heavily before talking, "How can other people cheat on someone who loves them truly?"

He got taken aback with my answer, nirelax niya muna ang mukha before answering me, thinking what to say, "Maraming pwedeng isagot sa tanong mo, Leandree."

Umupo ako sa sofa na katapat niya. "Mahirap mabigyan ng tamang kasagutan ang isang sitwasyon na kailanman ay hindi mo pa naranasan, pero susubukan ko," naupo siya ng tuwid at ibinaba ang reading glass. "Maaaring nagloko sila dahil hindi nila sapat ba maramdaman na mahal sila ng tao."

"But they lasted for years, posible ba na tumagal ang tao sa isang relasyon na walang nagmamahal?" I asked.

"Well then, maybe there was. Pero we're not sure if that's really love at all." he paused for a while, "but ito lang masasabi ko anak, through thick and thin, dapat nakakapit lang sa relationship, because love is enduring."

"Pag pumasok sa isang commitment kailangan handa rin na masaktan, it's not all about the kilig anymore. If that person really want to save their relationship, then they should've endure it more. At kung napapagod man, pag-usapan. Hindi kailanman naging rason ang pagkukulang ng isang tao para lokohin ito."

We went upstairs after we talk. Nagbabad pa muna ako sa bath tub ng ilang minuto para mahimasmasan.

Nagmessage na lang ako kay Chelsea na nakauwi na ako. I didn't wait for her reply dahil alam ko naman na nagpapahinga na 'yon kaya natulog na lang din ako.