"MY skin feels so light after the treatment, ang plump and super bouncy. Napansin ko rin na nag-lighten up ang face ko after the treatment," magiliw kong tugon sa harap ng camera. "Thank you for today Doctora, kaya suki na suki ako sa clinic mo, e!" marami pa akong sinabi tungkol sa balat ko at papuri sa clinic.
"And ang gaan ng kamay nung assistant mo kanina, Doc. Kaya nakatulog ako dahil nakaka-relax sa pakiramdam ang ginawa niya kanina. I wanted to meet him, nandito pa ba siya?" pinabaling baling ko ang tingin, nagbabakasakali.
"Unfortunately, nauna nang umalis yun kanina dahil may class pa raw siya ngayon. Napilit ko lang 'yon kasi day-off ang permanent assistant ko ngayong araw," agad niyang sinagot ang tanong ko. "Don't worry, you'll meet him, soon." Kinindatan niya pa ako bago hinarap ang tingin sa camera.
Pinagpatuloy ko pa pag-babasa ng iilang linya na binigay sa'kin para sa appointment schedules, phone number, e-mail address at location ng clinic tila ine-endorse sa madla. Natapos na ang shoot at pagkuha ng video kaya paunti-unti nang ni-wrap up ng team ang mga camera.
Inalok pa muna ako ni Doktora na mag-tsaa muna sa isang coffee shop na malapit sa clinic niya. Sumama naman ako at sinabihan si Yna na magtext sa akin mamaya kung tapos nang mailigpit ang mga gamit sa clinic.
We were sitting outside the coffee shop, tahimik namin pinagmamasdan ang lugar. Wala pang mga tao ngayon na gumagala sa mall, may iilan man pero papasok sa kanilang mga trabaho. I shifted my gazed to my tea at hinipan, "Galing sa parents ko, doc."
I handed out the invitation card at pinatong sa mesa, "Last week pa sa akin yan pinapabigay sa'yo ni Dad but ngayon lang ako nagkaroon ng free time, open it," nanlaki ang kaniyang matang kinuha ang card sa table at binuksan 'yon. "Oh, founding anniversary ng The Martin's, I bet formal 'to," natatawa akong tumango sa kaniya dahil halata ang excitement sa mukha ni doc.
"Yes, doc. You better have your own gown ready," sagot ko at sumimsim sa mainit na tsaa. "Sabi pa ni Papa na para sa family n'yo ang invitation, you can also bring your boyfriend," pabiro ko pang sambit. "Hay nako kang bata ka. Wala nga akong boyfriend, at kung meron man ay, sige, sa'yo ko unang sasabihin. Hahaha."
We stayed for almost 20 minutes bago ako naka-kuha ng mensahe galing kay Yna na ready to go na ang team. Inubos na lang namin ang iniinom bago bumalik ng clinic. Nagkaroon pa kami ng picture taking bago tuluyang naka-biyahe.
"Sayang lang talaga baby girl," hinahampas pa ako ni Yna sa loob ng sasakyan. Pinaguusapan kasi nila yung assistant ni doctora kanina, na kesyo gwapo at matangkad daw. "I swear to God Shyne. Napaka adonis niya. Muntik ko na nga siyang hubaran sa isipan ko kanina kung hindi ko lang kailangan tanong-tanungin si doc."
Hindi mawawala talaga sa mga kaibigan ko ang uhaw sa lalaki. Yung akala mo ngayon lang nakakita ng tao na may batuta. Nakakarindi na rin minsan, lalo na kapag hindi mo natunghayan.
Nanatili akong tahimik sa biyahe at patuloy pa rin ang pagbubunga ni Yna, "Mag-book ako ng sariling appointment kay doc, gusto ko rin maexperience 'yun!"
"Hahaha, hala sige at mag-book ka na, para manahimik na yang puso mo. Jusko, isusumbong talaga kita kay doc at kay Mama 'yang mga pinagsasa-sabi mo ngayon," natatawa kong sambit. Hindi siya natakot, mas gusto pa ngang gawin ko 'yon. Nakakaloka.
Nagka-kantahan ang lahat habang nasa biyahe, na-traffic pa kami kaya dinaan na lang sa pagkanta ang inip.
11 AM. Nakarating na kami sa gate ng bahay at agad naman binuksan ni Kuya Bada ang gate para makapasok ang van. "By the way, maghanap kayo ng ball gowns and tux para sa founding anniversary ng company. Hindi pupuwede na wala kayo next month!" I instruct them bago makababa ng sasakyan. "I will also tell Mama to help you find clothes for the event. Bye, team! Thank you for today, ingat sa biyahe!" I waved them goodbye before I shut the car door. Hinintay ko pang makaalis sila bago tumuloy sa bahay.
Nagpalit muna ako ng damit at nagpahing saglit bago napag-desisyunan na mag-work out. By the second week of September kasi ay magsisimula na ang practice ng squad. And preparation na rin para sa gown na susuotin ko sa foundation event ng company.
Pumasok ako sa gym dito sa bahay, kinuha ko pa muna ang weighing scale at measuring tape.
Dalawang kilo ang idinagdag ko ngayong buwan na last month ay nasa 39 kg. Kinuha ko naman ang measuring tape at inikot iyon sa bewang, balakang, binti at sa braso.
Binuksan ko ang speaker at pinatugtog ang playlist ni keshi sa spotify. Tinungo ko ang treadmill, mahigit 30 minutes ang tinagal ko sa warm up. At sunod sunod naman ang heavy exercises na ginawa ko after ng treadmill.
Nag-set ako ng alarm bago simulan ang heavy work out. Baka masobrahan na naman ako sa oras at sumakit ang mga kasu-kasuan ko.
Hinayaan ko lang ang pagtulo ng pawis ko sa katawan at pinagpatuloy ang ginagawang exercise.
Nang mag-alarm ay tinigil ko na ang heavy work out para mag cool down ng ilang minuto. Pinatay ko na ang speaker, ilaw at fan saka lumabas ng gym at nagtungo sa kusina para maghanda ng pagkain ko. Isa isa kong nilabas ang salad dressing sa ref at kumuha na rin ako ng lettuce, kamatis, pipino at mansanan.
Hinugasan ko ang mga ito sa sink bago bumalik sa countertop at naglabas ng kutsilyo at isang chopping board. Hiniwa ko ang pipino at mansanas ng medium cube cut at slice naman sa kamatis. Nagpitas ako ng ilang dahon ng lettuce at saka nilagay sa isang salad bowl. Hinalo ko naman ang mga ito kasama ang salad dressing at pinirisan ko ng lemon.
Nilapag ko sa coffee table ng sala ang bowl at isang basong tubig bago lumapit sa TV upang i-plug in iyon.
Pinagpatuloy ko ang panonood ng Money Heist habang kumakain. Minsan pa akong nabilaukan sa isang scene dahil sa tindi ng twist.
Naubos ko ang salad at agad iyong hinugasan kasabay ang baso na ginamit ko.
Mamayang 5 PM pa naman lalapag ang eroplano na sinasakyan nila kaya may oras pa ako upang magpahinga.
I was about to lay down the couch when my phone started ringing. It was my mother, "Hello, Ma? Nasa airport na ba kayo? Akala ko mamaya pa?" I asked.
Naririnig ko ang announcement sa loob ng airport. Tumikhim si Mama bago nagsalita, "Love, we'll be staying here tonight sa airport ng Singapore, delayed kasi ng limang oras ang flight pabalik jan sa Pinas."
"Ohh, okay Ma. I'll sleep na lang po. And also, your sons are not around, baka hanapin mo," I rolled my eyes at dumapa sa couch.
Mahina siyang natawa sa sinabi ko kaya napatanong ang tatay ko sa kaniya kung, "Why are you laughing hun?" Hindi siya sinagot ni Mama at patuloy akong kinausap.
"They told me that already yesterday. Have your 'me' time today, love." She said, convincing me to be productive.
I shook my head, as if nakikita ng nanay ko, "Nag-exercise at lumabas na rin ako kanina, Ma. Inaantok na nga ako, e. Sige na, alam ko naman may babe time kayo ni Papa," tukso ko pa bago nagpaalam.
Natulog na lang ako after ng usapan namin ni Mama sa sala at nagising ng 5 PM para magsaing.
Alas otso na nakauwi ang dalawa kong kapatid at sabay sabay silang naghapunan ni Kuya Bada. Ulam nila ang tirang pagkain na niluto kagabi ni Ate Velma. Ni-microwave ko 'yon bago inihain sa hapag.
Kinabukasan ay nagsuot ako ng pencil cut skirt, white loose blouse at black heels. Kailangan naka-business attire daw every Thursday, ngayon week lang nagsimula ang first years sa business course.
Isang clean ponytail ang ginawa ko sa buhok at nagsuot ng necklace na may intials ng pangalan ko.
Dumaan ako ng kitchen para kunin ang tumbler and went straight to open the front door. Muntik ko pang mabitawan ang bag ng laptop na hawak dahil sa gulat. Naunahan kasi akong mabuksan ang pinto ni Mama.
"Goodmorning, love! Out for school ka na? Seven pa lang ng umaga ahh," napaatras ako dahil sa pagpasok nila ni Papa. Nang mahimasmasan ay lumapit ako para mahalikan sila sa pisngi.
"Uhuh. Ang unpredictable ng time ko ngayon kasi ang daming changes sa schedule ng klase," I handed out a piece of paper, "May pupuntahan kaming plantation next week, and I need your signatures over here," I said while pointing the bottom part of the page.
Hindi na binasa ni Papa ang nakasulat at basta na lamang ito pinirmahan, hindi katulad ni Mama na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa letter.
"Out of town activity? Sa La Union? For 3 days?" tanong ni Mama na parang hindi naintindihan ang binasa. "Yes po. I'll leave the permit with you, kunin ko na lang mamaya pag-uwi. Baka matraffic ako sa main road, eh. Bye, Parents! I'm gonna be late, love yah!" hinalikan ko sila at tinakbo ang garahe.
Nasa kasagsagan na ako ng kalsada nang makarecieve ng text message. I can't check it because I'm driving right now. My tum's rumbling so loud already because I haven't eaten my breakfast so napagdesisyunan kong dumaan ng drive thru.
Actually, 10 AM ang klase ko ngayon. May presentation kasi ako ngayon sa Business Law with Georgina and ang sabi niya ay siya na ang mag-aayos ng powerpoint. Nailagay ko na ang mga idi-discuss sa klase kaya ang gagawin niya na lang ay lagyan ng designs. Halos lahat ng subtopics ay naaral ko na rin kaya wala na akong po-problemahin. Ang bruha ang nagsabi na by 8 AM daw ay magkita kami sa library, that's why.
I ordered two egg sandwich and coffee. Nasa ikatlo akong queue nang maisipan na tignan ang message kanina.
From Georgina at sa President ng klase. I opened George's message first, nagreply na rin ako.
---
Georgina
iMessage
Today 7:14 am
Georgina:
lib na me. where r u?
Me:
fast food lang. wait up girl
---
And then kay Mr. President.
---
Bloc Pres
iMessage
Today 7:08 am
Bloc Pres:
Martin, what time ka pupunta ng campus? Mrs. Finance's asking for you to come to her office. She needs to discuss something daw with you. Message me kapag nabasa mo na'to. I'll inform Mrs.
Me:
i'm actually on my way to school. pakisabi naman na 8 AM pa ako makakarating ng campus. thanks!
---
Nakuha na ng nasa harap kong Montero ang order niya, it's my turn now.
"Here's your order, Ma'am! Two egg sandwich and one coffee," inabot ko ang paper bag at inilagay 'yon sa shotgun seat. I was rummaging through my bag to find my wallet, nasa kailaliman kasi, iaabot ko na ang card ko ng nagbigay siya ng isa pang paper bag sa'kin.
"Add ko raw po, paid na rin po ito," kinikilig si Ate Girl! Lutang man ay kinuha ko pa rin 'yon at binigay ang card para bayaran ang inorder ko talaga. Binalik niya ang card sa akin ng nakangiti, sinabihan pa ako na mag-ingat.
Nang makalabas ng drive thru ay itinabi ko ang sasakyan para tignan ang laman ng binigay sa'kin. Isa iyong happy meal na may spaghetti, mango pie, french fries, mushroom salad, and pineapple juice. I happily opened the Trolls keychains, standee, and small plushie.
"That person maybe knows that I love Trolls," ibinalik ko sa paper bag ang mga pagkain at inayos naman sa rearview mirror ang keychain. I started the car engine and drove away.
Malayo pa ako sa Estrello nang may makitang isang pamilyar na Chevrolet na naka-park sa tabi ng kalsada at nilapitan 'yun. "Sa future ko ang sasakyan na 'to, ah!" and I was right. Bumaba siya ng sasakyan niya bitbit ang backpack at isang paper bag.
Bumusina ako ng makalapit sa kinaroroonan niya, lumingon naman siya sa sasakyan ko, nagtataka. Binaba ko ang salamin para makita niya ako, "Need a ride, future?" he stared at me for a minute, napangiti naman ako at dinugtungan ang sinabi, "future nurse?"
After correcting my statement ay binalik niya ang tingin sa akin, "Can you.. uhm wait for a second?" he said while he scratch his nape. "Of course," I let him scrabble on his phone.
I saw him texting and later on ay may tumawag sa kaniya, "Pick up my car... I'm right in front of the dental near the mart," sinilip niya pa akong madali at umayos ng tindig. "Estre main rode, kuya," he looked pissed already while explaining everything through the phone. "Ask Mom for the spare key of my Chevro, she has it. Text me later kapag nakuha mo na ang sasakyan ko. Yes, thank you." He sighed deeply at saka dinungaw niyang muli ang bintana at tinignan ako, "Are you still offering me your ride?"
Nanlaki ang mga mata ko, pinipigilan ko ang mapangiti sa tanong niya, tila iba ang pumasok sa isipan. Napaka-mahalay na ng utak ko, kasalan 'to ng dalawa kong kaibigan.
"Yes, pasok ka."