Mag-isa akong nakaupo sa lobby, hinihintay makalabas ng faculty room si Georgina. Pupunta kami ng mall ngayon dahik may kailangan kaming bilhin para sa isang activity.
I was just scrolling through my private twitter account nang maka receive ng isang follower request.
I clicked the delete request button dahil hindi ko personally kilala ang may ari ng account. It also seems to be a new account kaya there is no reason for me to accept it unless he/she is someone I knew.
Nakalabas ng room si George kasama ang dalawa naming kaklase na siyang kagrupo niya sa report nila.
Nagpunta muna kami sa locker para kunin ang PE shirt and shorts namin upang ilagay sa bag. Naglakad na kami papuntang parking at sumakay sa sasakyan niya. Hindi makakasama ngayon si Chelsea dahil siya ay may klase pa hanggang 3 PM.
We're actually inside a gym store para bumili ng yoga mat. Requirement daw 'yun para sa klase namin, kung wala kang maipapakitang yoga mat ay absent ka.
Alas dose palang ng tanghali at may isang oras pa kami bago magsimula ang susunod na klase kaya kumain na lang muna kami ni George ng pizza. Iyon daw ay para kahit sunod sunod ang klase ay may laman ang tiyan namin. After eating ay bumalik na kami ng campus at nagtungo ng gym para sa PE class.
Hindi nga nagbibiro ang instructor dahil marked as absent ngayong araw ang mga walang yoga mats. Agad naagaw ang atensyon namin sa klase dahil sa ingay na gawa ng mga soccer varsity na bagong pasok dito sa gym. Natanaw ko si Jones doon at napagtantong kaya wala siya kanina sa klase dahil sa kasali siya sa School's varsity.
Kasama nito si Harris sa tabi at kasunod ang isang lalaki na madalas kong nakikita sa group of friends nila. Ngayon ko lang din na-realize na sila 'yun apat na lalaki noong orsem.
They are all wearing their uniforms, magkakaroon sila ng training for the upcoming Intercollegiate Game. Sooner or later magpapatawag na rin ng meeting ang cheerleader coach namin for the practice.
Itinutok ko na lang ang paningin sa instructor, sinenyas niya sa amin na ilatag ang yoga mat at maupo roon. Mas dumami ang laman ng gym compare kanina, umingay din dahil sa magkabilaang pag-pito ng mga coaches at malalakas na lapel ng mga instructors.
"Shyne, tayong dalawa ang mag-pair up next meeting para sa yog--" pinutol ko ang sinasabi niya at tinuro ang lalaking katabi ni Jones sa bleachers. "George, that's him!" pinagtatampal ko ang braso ng kaibigan.
Sinundan niya ang kamay kong nakaturo sa bleachers at napasinghap, "Bitch, ang lakas ng sex appeal niya. Maglalaway diyan si Chelsea, for sure! Angkinin mo na," hindi mapakaling sambit niya, muntik pa akong matumba dahil sa pagtutulak sa'kin.
"Shut it, freak! Uhaw na uhaw ka na Georgina!" hinula ko siya pabalik sa area namin para ligpitin ang yoga mats. "Ano, hindi mo hahabulin ang future mo? I mean, ang future nurse?" natatawa niyang sigaw niya dahil ang maingay pa rin dito sa gym.
Matalim ko siyang tinignan, "I don't have a plan. At isa pa, ayoko pa pumasok sa isang relationship. I don't wanna get heart broken." Tumayo na ako at nagmadaling pumasok ng locker para makapagpalit.
It's 4 PM and we're here at gym, magkakaroon daw kasi kaming mga cheerleader ng meeting.
Nandito na ang ibang seniors at hindi pa kami kumpletong mga baguhan sa team. May iilang seniors ang lumalapit sa amin para maka-close dahil ang mga nakikilala pa lang namin dito ay ang mga nasa committee noong audition kasama na si coach. Wala pa ang dalawa kong kaibigan dahil nagpasama si Chelsea sa isang boutique para kunin ang pinadala ni Tita Chin, her mom.
"Hello, freshie!" nakatayo sa harapan ko ang isang senior na kinakawayan ako. Abot tenga siyang nakangiti at inilahad ang kamay sa harap ko. "Hi po, I'm Le--," natigilan ako nang bigla niyang abutin ang aking kanang kamay, "I know you! Hahaha ano ka ba, you're known kaya hindi mo na kailangan magpakilala. By the way, Naomi, Ate Naomi."
Unexpected. Di ko naman alam na aabot sa kanila ang pangalan ko. And I'm not even famous, mas sikat pa nga ata si Chelsea, eh! She was talking to me about how she likes my videos, the way I look and Ate Naomi said that she was using the product that I endorsed. Tinawag na siya ng captain namin para ma-brief sa meeting ngayong hapon.
Minutes later, dumating na si Che at George na may dalang coffee para sa akin. Pampalubag loob dahil natagalan sila.
Tinawag na kaming lahat para magtipon-tipon sa isang side ng bleachers dahil magsisimula na raw ang meeting. We obeyed what the captain said. Nag-head count muna kami at kulang pa raw ng dalawa, 2nd year at freshman daw. So we waited for five minutes bago nagbukas ang pinto ng gym.
There were five guys and a girl who's cheerfully laughing along with the guys. Ilang beses ko ba makikita sa araw na 'to si Jones at yung Nursing? I'm disturbed knowing that they're friends. Naiwan sa ibabang bleachers si Jones, yung Nursing at dalawa pang lalake at naglalakad naman paakyat ngayon yung babae na Nursing din, based on her clothes at yung lalake na may pilyong ngiti.
The meeting started immediately. Unang meeting namin ito as a team dahil last week ay hiwalay kaming ni-orient ng seniors; girls and boys. Kaya naman nagkaroon pa kami ng maikling introduction ng isa't isa bago ang proper meeting.
As expected, we were talking about the Intercollegiate Game na gaganapin next month. May two months kami para mai-practice ang routine. Pinanood sa amin ang mga dating routine ng team at lahat kami ay na-amazed sa ganda noon. Napakalinis at napakagandang panoorin dahil halos lahat ay sabay-sabay ang galaw.
Natapos ang meeting nang ma-finalize ang start ng practice at nag-bigayan ng phone numbers para sa mabilis maipakalat na informations.
"Chelsea, see you on Saturday!" pilyong ngiti ni Elliot bago bumaba ng bleachers at sumama sa grupo nina Jones. Agad namin tinignan ni Georgina ang kaibigan dahil sa narinig, "What was that?" mapanuksong tanong namin. "Well, he asked if it's okay for me to go clubbing on Saturday and I said yes," malandi niya kaming kinindatan.
"Work your ass freak. Magsaya ka na habang wala pang practice," natatawa kong sambit habang inaayos ang gamit. "Of course! We need to have fun, kaya isasama ko kayong dalawa. Bawal ang tumanggi dahil kasama kayo sa pinadalhan ng damit ni Mommy," tatanggi pa lang ako pero hindi ko na ma-gawa dahil sa huling sinabi niya.
No choice kung hindi sumama sa gala.
Maaga akong gumising ngayon dahil may appointment akong naka-schedule by 9 AM sa derma. Maaga rin akong nakatulog kagabi kaya hindi ako nahirapan sa pagbangon ngayong araw.
Mamayang hapon din ang uwi nila Mama at Papa, siguradong may dala 'yong kung anong pasalubong. Cancel ang schedule ko mamayang hapon sa isang subject dahil may seminar ang professor namin. Kaya rin nag-volunteer akong magsundo kina Mama at Papa mamaya sa Airport and of course, para mabilis akong payagan na lumabas ng Saturday night.
Bumaba ako sa kitchen para gumawa ng cereal at pumunta ng bakuran upang doon mag-almusal. Tahimik ang bahay dahil tulog pa ang dalawang lalaki.
Hinugasan ko ang pinagkainan bago nagtungo sa ng kwarto para maligo.
Nagsuot lang ako ng casual black shirt at ruffle waist shorts na white. Isang flat sandals naman ang pinares ko.
I didn't put any make up on dahil tatanggalin lang naman 'yon mamaya sa clinic. I just curled my lashes and I wear our new shade of water gel tint na terracotta ang kulay.
Nagtext ang Team na papunta na sila rito sa bahay para sunduin ako kaya minadali kong ni-blower ang buhok. Kinuha ko naman na ang rattan sling bag para lagyan ng wallet, car keys at gel tint.
Naabutan kong nagkakape sa sala si Shaun habang nanonood ng TV. Nagpaalam na ako sa kapatid na aalis na nang makarinig ng busina galing sa labas ng bahay.
Pagka labas ko ng gate ay nakaabang na ang van ng team. "Babygirl, long time no see! Masyado ka ng busy sa iyong college life, ha!" Pabirong bungad sa akin ni Yna, ang head ng team namin.
"Ang kunat pala kasi ng college, hindi ako na-briefing," pabiro ko ring sagot sa kaniya bago niyakap.
Maiksing batian pa ang nangyare sa loob ng van habang nasa biyahe kami. Patuloy ang pakiki-kumustahan dahil ang tagal kong hindi nakabisita sa kumpanya. Lagi lang akong nagse-send ng video, pero ngayong araw ay may may mga kasama na ako para magshoot.
Matagal na namin kilala si Yna at ang team niya. Una niyang alaga si Mama noon at nang lumaki ako ay siya na ngayon ang humahawak sa akin kapag may mga events at shoots.
Mahigit 40 minutes ang itinagal namin sa kalsada dahil sa traffic. Sa wakas, narating rin namin ang Avenue Mall kung saan located ang Clinic ni Dra. Ruiz.
Binati kami ng receptionist sa clinic at tinuro ang couch sa lobby para maupo dahil tatawagin niya muna si doctora sa loob ng office.
Maaliwalas ang clinic, malamig din sa loob dahil fully air-conditioned ang lugar. May isang chandelier kang makikita sa lobby pa lamang, mayroon ding kid's station para sa mga parents na may kasamang bata.
Very accommodating at ang light ng aura ng place. Nagsimula nang kumuha ng ilang insert shots ang team sa loob at labas ng clinic.
Ilang minuto pa ay bumalik na yung babae sa post niya at sinabi na kasunod na raw nito si doktora na tila may kausap pa, "Why do I need to assist you? For your information, I have my class after an hour at kapag hindi pa dumating ang assistant mo that time ay lalayasan talaga kita," narinig namin ng team ang sinabi nung lalaki.
"Will you shut it, Dyamante? Last week pa ako nagsabi na hihiramin kita ngayong araw and you said yes. And don't you dare scare me with your words dahil isusumbong kita kay Daddy," boses naman ngayon ni doktora ang narinig namin. "Dumiretso ka na sa loob at ayusin ang mga gagamitin ko. Bilis!"
Natahimik ang kausap ni doktora at narinig ko ang matunog na pagtapak ng heels sa sahig patungo dito sa kinaroroonan namin ngayon na kasunod ng isang mabibigat na hakbang palayo sa amin.
Dumaan pa muna sa reception si doktora bago lumapit sa amin. Dinala niya kami ni Yna sa loob ng office niya para pagusapan ang treatment ko ngayong araw. Yung iba naman ay nagset-up na ng cameras sa room ng pag-gagawan ko ng treatment.
Inexplain niya sa amin ang treatment at ang procedure dito para pagpasok namin sa kabilang room ay ginagawa niya na lang iyon sa mukha ko.
After explaining ay lumabas na ako ng office niya at pumuntang CR to pee and to wear the robe at isang turban para hindi maging sagabal ang buhok ko mamaya.
Dumiretso na ako sa loob ng room at nanatiling nakaupo sa bed, actually waiting for Dra. Ruiz. Naglaro pa kami ni Yna ng dalawang round ng UNO game sa phone bago pumasok si doktora.
Nakasunod sa kaniya ang isang nurse na bitbit ang mga cream, ointment at materials para sa treatment. Sinenyasan niya na akong mahiga sa bed at pinasuot ang isang salamin.
We were about to start the treatment ng biglang pinatawag ni doktora ang temporary assistant niya sa nurse. "Miss Reah, paki-tawag nga si Diamond. Pakisabi na kung hindi niya ako susundin ay maaari na siyang mamuhay mag-isa."
She told me not to worry about her assistant for today and asked if I am the one who'll be asking her throughout the treatment later.
I shook my head, "Si Yna po ang magtatanong, Doctora." Ni-double check niya ang mga apparatus at machines bago nagbukas ang pinto at gumawa ng matunog na hakbang ang assistant niya, mukhang nagdadabog pa rin.
Narinig ko pa ang impit na sigaw ni Yna, marahil ay dahil sa pumasok ng pinto. Pogi siguro. Hindi ko masyadong nakita ang nangyayare dahil nakasuot ako ng salamin at may ilaw na nakatutok sa mukha ko.
"Stand beside her," nakikita ko pang tinuro ni doktora ang gilid ko gamit ang kamay niya. "Iaabot mo sa akin ang kailangan kong cream or gamit," mataray ang boses na gamit niya sa kausap.
"Hey, Shyne. I'll start the treatment na," pagpaalam ni Dra na agad kong sinenyasan ng 'OK' sign gamit ang kamay ko.
Sobrang nakaka relax ang paghawak at pagmasahe sa mukha ko. I can tell na hindi kamay ni doc ang nasa balat ko ngayon dahil malalaki ang mga daliri nito. Naririnig ko pa ang pagsasalita ni doktora, ineexplain sa harap ng camera ang procedure na ginagawa sa mukha ko.
Wala pa mang sampung minuto na paghihimas ng mukha ko ay nakatulog agad ako.
Malapit na ako sa malalim na pagkakatulog nang may narinig akong boses ng lalaki na nagsalita. Hindi ko na rin naman naintindihan ang sinabi nito dahil nakatulog na akong tuluyan.