IT'S been two weeks since Georgina's breakdown. We never talked about what happened at the bar, Chelsea and I were just waiting for George to open up. Ayaw namin na pilitin dahil baka mas lalo lang siya mahirapan. We're making her busy with anything. Sinasamahan sa kung saan, nag overnight pa kaming tatlo sa bahay ni Chelsea para maging occupied ang utak niya for a while.
I never thought that this course would be so tiring. Ang daming readings and recit sa majors at papers to submit naman sa iilang minors. Kaya heto ako ngayon sa study table, nagsusulat sa post-it paper saka dinidikit sa palibot ng iMac na kaharap ko.
I'm writing my schedules this week sa neon pink na papel. Neon yellow sa mga requirements na kailangan ipasa, from urgent to least. Neon green naman for my work, "I need to visit my derma and have a shoot there."
I messaged Dra. Ruiz to schedule my appointment. Sinabi ko din na magsho-shoot kami for the promotion which she agreed agad. After finalizing my schedules for the whole week ay nagsimula na akong mag-aral dahil may recitation kami sa History at quiz naman Finance.
Nagising ako sa mahinang pitik sa noo, palakas lang ng palakas ang puwersa kaya napadilat ako only to find out it was my brother. Masungit kong tinignan si Shaun bago nagligpit ng gamit, nasa gilid siya ng study table ko, binabasa ang mga post-it sa computer. "What? May sasabihin ka?" mataray na sambit saka tumayo at pumuntang banyo para maghilamos.
"I need help, Ate," he said habang nakaabang sa pinto ng CR. Nagpunas ako ng mukha at saka lumabas, "Tulong saan ba 'yan at napalapit ka?"
Shaun and Shino never asked me for help, well, unless kung kailangan nila ng extra money. But this thing, Shaun is so serious. I can see on his face that he's contemplating. I loosened up a bit and that made him relaxed. What a cutie!
"Tell Ate na. Where is Shino ba?" pinipilit kong wag mainis dahil sa kabagalan niya. "He's actually at kitchen, and the reason why I asked for your help is," napakamot siya sa batok bago pinagpatuloy ang sasabihin, "I think we broke Mama's oven."
"What the freak?" Patakbo akong bumaba ng hagdan para makarating ng kusina, "What did you guys do?" I asked Shino.
Nagulat siya sa presensya ko kaya napabitaw siya sa hawak na tray, good thing at walang laman na kung ano. "Actually, Ate.." nagsalita si Shino na minamasahe ang tungki ng ilong. "We're trying to bake some cookies, but the oven won't cook the cookie dough," pagpapatuloy niya, natakot sa tingin ko.
Saka ko lang natignan ang buong itsura ng kusina namin ngayon, halos pumuti na ang counter dahil sa harina at nagkalat ang iba't ibang baking tools sa hugasan. Ang gulo! "Naka-plug in ba?" pagtatanong ko.
"Yes," agad na sagot ng dalawa. "Did you turn it on ba? Naka-set ba sa temperature at time?" Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa. Nagsalita si Shaun, "Nio-on pa pala yan?" bara bara niyang tinuro ang oven.
"What do you think? My god, the two of you are way more stupid than me when it comes to kichen, huh?" Lumapit na lang ako sa counter para kunin ang cookie dough na nakalagay sa tray. Tinignan ko ang phone ni Shino na nakabukas, binasa ang procedure ng paggawa ng cookies bago ni-set ang timer at temperature at saka inilagay sa loob ang tray.
Nilingon ko ang dalawa, pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib at nagtaray, "Linisin niyo na ang kusina, ginising ako para lang mag-on ng oven. Ayoko may makitang harina ha!"
I took some photos of them cleaning then I posted it in my instagram story.
Tumatawa kong nilisan ang kusina saka nagpunta sa sala para manood. Binuksan ko ang TV at nagpunta sa Netflix, pinindot ko naman ang Shyne M. sa screen. I randomly clicked on some movie.
The movie, well more on like a documentary was only 30 minutes long. It tackles how life works inside the operating rooms, emergency rooms and delivery rooms in a hospital. Well, it didn't fit my taste pero it is very informative for some na into medical care.
I was scanning again for a movie to watch nang maamoy ko na ang cookies ng kambal. Bumalik ko ng kusina para makita at matikman ang gawa nila. I was about to get one piece when Shaun and Shino shoo-ed my hand, "Bawal!" gigil nilang sabi.
"Luh, hihingi lang ako. Titikman ko lang, oh. Isa lang naman, oh!" sambit ko nang nakaturo sa cookies nila. "Ang dadamot, ah!" ang dami kong sinabi na mga pangyayare tulad ng pag-bigay kong pera sa kanila, ipagdrive sila, sagutan mga assignment nila, tulungan sa paggawa ng projects nila. Pangpa-guilty lang ba.
Hindi pa man ako tapos sa pagsasalaysay ng mga bagay na naitulong ko ay inilahad na nila ang tray ng cookies sa harap ko, "Lima lang kunin mo, ang daming sinasabi kasi," labag man sa loob ay binigyan parin nila ako. "Yey, thanks!" kumuha ako ng plato para doon ilagay ang limang cookies ko at saka naupo. "Para saan nga pala 'to?" Curious ako kanina pa dahil hindi naman talaga nangingialam ang dalawang 'to sa kusina.
"Naka confine kasi si Kiko sa hospital, he asked to bring him cookies when we visit," si Shino ang sumagot dahil nilalagay ni Shaun sa isang jar ang mga cookies. Iniisip ko kung sino si Kiko habang ngumunguya ng isang cookie, "Ah, yung kapatid nung mataray na anak ng business partner ni Papa?" na agad din sinagot ng pagtango. "What happened to him?" pang-uusisa ko.
Isinara na ni Shaun ang jar bago sumagot, "Bobo lang talaga ang isang 'yon. Bukas kami pupunta don, ihatid mo naman kami ate."
"It's Monday tomorrow, diba? Don't you have classes ba?" dumukot akong muli ng isang cookie. "Nah. Foundation week ng Estrello High bukas, isang linggo kaming walang pasok," tugon ulit ni Shaun habang inilayo na ang cookies sa akin.
"Okay, then. 9 AM ang pasok ko bukas, gumising kayo ng maaga kung sasabay kayo," tumayo na ako para hugasan ang plato na ginamit. "Sa Wednesday pa uwi nila Papa, mag-order na lang ako ng dinner natin mamaya, anong gusto niyo?" kinuha ko ang phone at nagtipa sa screen, pinakita ko naman sa dalawa ang pagpipilian nila.
Inagaw nila ang phone sa kamay ko at sila ang nagscroll, "Mag japanese food tayo," dali daling pinindot ng dalawa ang icon at pumili ng pagkain nila bago ibinalik sa akin ang phone.
Pinili ko ang ramen at nagdagdag na rin ako ng egg roll at dumplings, nag-order din ako ng milktea sa isang store na ineendorse ko para sa aming tatlo. Umakyat na ako sa kwarto matapos maorder ang lahat, naiwan si Shino sa baba para mag-Netflix, kasabay ko naman umakyat si Shaun na maglalaro sa computer niya. Aaralin ko pa ang susunod na topic sa Finance dahil for sure after ng quiz ay mag bagong lesson na ang professor namin.
Maghapon lang akong nasa kwarto at nag-aaral. From time to time ay nagrereply ako sa mga chat ni Chelsea at Georgina patungkol sa bagong chismis na ibinalita ni Chelsea. Nag-break na raw kasi ang Jadine, ang dami niyang tea na hindi pa sigurado pero kinuwento niya pa rin. Frustrated ang gaga.
Bumababa pa rin ako upang kumuha ng tubig. Tinapos ko na ang pag-aral pati sa ibang subject ay nagbasa rin ako kahit papaano. Alas sais na ng gabi nang makababa ako ng sala, hinihintay dumating ang inorder na pagkain. Nauna nang maideliver ang milktea kaninang alas kwatro dahil natatakam ako, kinuhanan ko pa ng pictures ang drinks bago inilagay sa ref. Pinost ko sa IG para mag-promote.
Napag desisyunan kong manood na lang habang hinihintay dumating ang orders. Pasado alas otso nai-deliver ang pagkain namin na siyang pinakuha ko sa dalawa sa labas since ako naman ang nag-bayad.
I was never fond of the kitchen, I'm not acquainted with its tools and mostly sa pagluto. Tinuruan ako one time ni Mama pero I ended up cutting my nails and I also got burnt dahil sa mainit na kaldero. Kaya ayon, dumating na ang college na wala akong alam na lutuin except sa pagluto ng kanin sa rice cooker.
After namin kumain ay itinapon ko na ang mga kinainan namin, I'm glad kasi naubos ng dalawa ang inorder nilang medium rice bowl ng chicken katsudon at beef bowl. Naiwan ang limang pirasong dumpling at dalawang buong egg roll dahil kakainin daw nila iyon mamaya habang naglalaro sila. Nilinis ko ang hapag at hinayaan na lang sa mesa ang mga tirang pagkain at saka tinakpan iyon.
Nag-skin care na lang din ako pagka-akyat ng kwarto at agad din naman akong nakatulog.
Maaga akong nagising kinabukasan at agad gumayak para umalis. Nang makababa ako ng hagdan ay nakita kong naka-ayos na rin ang dalawa kong kapatid. Kumuha na lang ako ng dalawang toasted bread at hawak hawak sa kaliwang kamay ang iced coffee na gawa ni Shino, car keys naman na nakasabit sa daliri.
Naka-alis lang kami nang dumating si Kuya Bada kasama ang asawa nito na para maiwan sa bahay.
Nasa main road na kami nang buksan ni Shino ang Bluetooth ng sasakyan para mag-connect. Agad naman itong nagpindot ng kung ano sa phone niya, tila naghahanap ng magandang kanta. "Kilala mo ang TWICE, ate?" tanong ni Shaun at agad hinarap ang phone screen sa akin.
Kunot noo akong umiling na siyang agad na pag-buntong hininga ng dalawa, "Why? Hahahaha, disappointed kayo sa sagot ko, huh?" natatawa kong tugon.
"Look for them ate. They are so.. maganda!" ewan lang ah pero ang exaggerated ng dalawa ngayon. Fanboys!
Tinanguan ko na lang ang dalawa at nag focus sa pag-drive. Ilang liko pa ang ginawa ko bago namin narating ang hospital. Ibinaba ko na lang ang dalawa sa front gate at hindi na sumama pa, baka mastuck ako sa traffic mamaya kung magtatagal pa ako dito.
Inabutan ako ng traffic sa kalsada sa tapat na ng Estrello. Kung sumama pa ako doon ay siguradong 15 to 30 minutes akong masstuck sa traffic. Nakapasok na ako ng parking at naghanap ng puwesto, naka-ilang ikot ako nang nakakita ngunit may isang Chevrolet din na kaharap ko ngayon, mukhang naghahanap din ng parking space.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan patungo sa space na nakita ko at ganon din ang ginawa nung driver ng sasakyan. Swerte ko lang dahil ako ang naunang nakapasok sa parking space, agad naman akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang gamit sa backseat.
Nakita kong bumaba ang driver ng chevrolet na inirapan agad ako. Ang gwapong nilalang tapos tinarayan ako. Napasinghap na lang ako habang pinagmamasdan ang likuran niyang malapad dahil nasa harapan ko na siya ngayon nakapila sa entrance.
Puting-puti ang damit niya. Walang uniform ang Estrello Academe at dalawa lang ang course na mayroong uniform dito. Nursing at Medicine.
Nag-tap na siya ng kaniyang ID at lumabas sa screen ang identification niya, "First year, D. Ruiz, nursing," mahinang binubulong sa sarili, nais ko pa nga sanang makita ang schedule niya kaso agad din bumalik sa default ang screen.
Inis kong pinatong ang ID sa screen at saka pumasok ng school. Balak ko pa sanang sundan si Kyah Nursing kaso may quiz pa ako sa major kaya isasantabi ko na lang muna ang landi ngayong araw.
Naglakad na ako patungo sa departmental building. Pero sa tingin ko ay Diyos na mismo ang gumagawa ng paraan para sa #HarotLife ko.
"Hello, girl? Andiyan na ba ang prof? Oh, really..." kunwaring sambit ko habang hawak ang cellphone sa tenga, malakas ang boses. "I'm on my way there pero nakaharang kasi ang future boyfriend ko eh," nilingon ko pa si Kyah at lalong nilakasan ang boses, yung maririnig niyang talaga. "You look so handsome in white," pakanta kong tugon, pinalitan ang lyrics at binilisan ang paghakbang para makaabot sa kaniya.
Nakita niya ako sa tabi niya, mabilis na sinuri ang itsura ko. Mabuti na lang pala at nag-dress ako ngayon, diretso date na rin kami mamaya.
"Are you done scanning my look? Pasado ba para sa date natin?" pabiro kong tanong sa kaniya. Naasar naman siya sa ginawa ko, mas lalong binilisan ang paglalakad, sinasabayan ko pa rin.
Tumigil siya sa paglalakad at poker face akong hinarap, "Are you following me?"
"'Di ba ang sabi follow your dreams, that's what I'm doing right now," I calmly said.
"Oh really," tinaasan niya na naman ako ng kilay, napaka-taray naman ng future ko.
Agad kong pinag-krus ang kamay sa dibdib at nginuso ang building ng Business Management. Nilagpasan ko siya ng ilang hakbang bago nilingon, "Bye, my future! Oops, I mean, nurse," makulit ko siyang nginitian at kinawayan saka pumasok ng building.
Nakarating ako sa room namin na sobrang tahimik, limang minuto na lang pala. Presko akong naupo sa tabi ni Georgina na siyang ikinabigla niya kaya nahampas ako ng notebook na hawak hawak niya. Nagre-review pala siya. Nag-peace sign na lang ako at nilabas na rin ang notebook para mag-skim na lang ng notes dahil nakapag-review naman ako ng maayos kahapon.
We never expected na aabot ng 50 items ang quiz ng professor tapos wala kaming idea kung ilan ang scores namin dahil siya raw ang mag-check ng mga 'yon. At kagaya ng inaasahan, panibagong lesson na ang ni-tackle sa amin ngayong araw pakatapos ng quiz.
Sabay sabay kami kumakain ng lunch sa cafeteria dahil wala daw pumasok na prof sa subject nila Chelsea ngayon. Nag-kuwento si Che sa nangyare sa kaniya noong sabado na seryoso namin pinakinggan ni George. At dahil puro kagagahan ang lumalabas sa bibig ng kaibigan ay pinagsasampal namin ang braso niya habang siya naman ay panay ang pagtawa.
Nag-chismisan lang kami, kinuwento ko rin ang encounter ko sa future ko na siyang nilang pinagtuonan ng pansin.
"Oo, gwapo nga 'yon kanina pero kay Jones parin ako talaga!" maagap kong tugon dahil totoo naman. Nagustuhan ko lang namin kasi yung Nursing dahil ang linis niyang tignan sa uniform niya pero Jones pa rin ako.
He's smart. Quick to think when it comes to situational recitations. He is kinda rough outside dahil sa look niya pero when he's with his friends, ang saya niya at very approachable lang lagi.
I sometimes caught him staring at me in class tapos magbubulungan sila ng kaibigan niyang si Harris na kaklase namin.
Natapos ang kalse ngayong araw at tatlong beses ko siyang nahuling tumingin sa akin dahil napapasulyap din ako minsan sa gawi nila. I'm not expecting anything from him, like, to flirt with me kasi nababalitaan ko na mga babae mismo ang lumalapit sa kaniya.
Ngayon nga na mag-iisang buwan pa lang ang klase ay halos nakakatatlong palit na siya ng babae at ayaw ko mapasama sa listahan ng mga babae niya kaya. Happy crush lang ba, wala naman akong plano na mag-boyfriend ngayon.
Nakarecieve ako ng message galing sa kapatid at magpapasundo na raw sila. Agad naman akong nagpaalam kay Georgina na nakaharap sa kaniyang laptop at tinatapos ang report niya para bukas.
Lumabas na ako ng campus at dumiretso ng parking, I stay seated inside the car for five minutes to cool down before driving off dahil ang init ng nilakad ko.
Mabilis akong nakarating ng hospital at nagtext sa dalawa na nasa parking lot ako. Nireply lang nila ang room number kung nasaan sila ngayon.
I was left with no choice kaya pumasok na lang ako ng hospital at dumiretso sa elevator ng hospital.
Lumapit pa ako sa front desk ng floor para itanong kung saang parte ang kwarto at agad din naman sa akin itinuro ng nurse.
Kumatok ako at bumungad sa harap ko Si Mrs. Cheng, pinapasok naman ako agad at nakitang naglalaro ng mobile games ang tatlo. Binalik ko ang tingin kay Mrs. Cheng at nagbeso rito.
I stay seated beside her, she casually asked questions about me and my college degree. I didn't hesitate to answer her kasi her family's been with our company so I think it's fine to tell her some stuff.
We gradually shifted from my college to business and work then to her sons. She's kinda talking about her first and second son, as if nirereto sa akin.
Pinilit ko na ang dalawa na umalis at nagpaalam kay Mrs. Cheng and Kiko who's laying on a hospital bed while munching cookies. Binibiro pa ng dalawa si Kiko dahil crush daw ako nito.
Pagkauwi namin ay agad akong nagshoot ng promotional video para sa isang brand na partner ng company namin. I'm still in the middle of my shoot nang may kumatok ng pinto at niluwa nito si Ate Velma, "Nakapagluto na ako ng dinner niyo, Leandree. Sabay sabay na tayong kumain bago kami maka-uwu ng Kuya Bada ninyo," mahinang sambit nito.
"Okay po, Ate. I'll finish my shoot po then susunod po ako. Isang item na lang ito," agad kong sagot sa kaniya. "O sige, bilisan mo lang ah at baka lumamig na ang pagkain. Tatawagin ko na rin ang mga kapatid mo," huling sinabi ni Ate Velma bago sinara ang pinto ng silid.
Katulad ng sinabi ko ay tinapos ko ang natitirang product at saka bumaba upang kumain. Inihatid ko sila sa labas ng gate para magpaalam at magpasalamat sa araw na ito.
Naabutan ko ang dalawa na siyang nagliligpit at naglilinis ng kusina, "Kami na bahala dito ate, tapusin mo na ginagawa mo," na talagang ikinatuwa ng sistema ko.
Sinend ko na ang mga videos at nag-post ng ilang litrato sa mismong Instagram ko na may promotional ads. Agad din naman itong nakakuha ng maraming views, likes at comments; sinasabi na maganda raw ang effect at result sa skin ng product.
Nakatulugan ko na ang pagrereply sa mga taong nagco-comment sa post ko.