9 years ago...
NAGISING ako sa isang marahan na pag-tapik sa binti, "Wake up, sleepy head," nakangiting bungad ni Mama pagdilat ko ng mata.
"Good morning, ma," kinukusot ang kanang mata akong yumakap at humalik sa pisngi ng nanay ko. "Good morning, maligo ka na at nakahanda na ang pagkain sa baba."
Bumangon na ako sa kama nang makalabas si Mama sa aking kwarto. Agad naman akong nagtungo sa banyo upang maligo at mag-ayos ng sarili. Matapos kong maligo ay nag-suot ako ng oversized white t-shirt na tucked in sa denim pants ko. Nilagay ko sa left wrist ang silver charm bracelet na regalo ni Papa.
Tinignan ko muna ang sarili sa full length mirror katabi ng pinto sa CR, "I think I'm good to go." Matapos kong kumuha ng ilang litrato ay lumabas na ako ng silid bitbit ang puti na backpack at cellphone.
"Good morning, Pa," lumapit ako kay Papa para humalik sa pisngi bago naupo sa sariling silya para kumain ng agahan.
"Where are your brothers, Andree? Male-late na ang mga 'yon sa school, akyatin mo nga muna," utos ni Papa na agad ko rin sinunod.
Nasa harap na ako ng pinto at handa na sanang kumatok ng biglaang nagbukas ang pinto, "Hoy, male-late na kayo! Inay, tuli na't lahat lahat mabagal pa rin magsikilos," pagtalak ko sa dalawa.
Nasa hagdan na kami nang magsalita si Shaun, "Ikaw nga nasa college na pero hindi marunong magluto." na agad naman sumangayon si Shino. Babatukan ko na sana ang dalawa kong kapatid nang sabay itong tumakbo pababa ng hagdan at lumapit sa aming magulang upang humalik.
Bumiyahe na kami kaagad after ng breakfast, 7:45 ang time ng dalawa at 7:20 na ngayon. Si Papa ang naghatid sa amin at nasa kasagsagan kami ng traffic ngayon. Mabuti na lang pala at 9:30 ang morning schedule ko, kung hindi ay bad shot ako sa unang araw ng klase.
Hindi tumagal ang traffic kaya naman nakausad na ang mga sasakyan. Unang madadaanan ang Estrello Academe kung saan ako nag-aaral. Quarter to eight na kami nakarating sa Estrello, humalik na muna ako kay Papa at kinawayan ang dalawa sa likod bago ako bumaba ng sasakyan.
Binaba ni Papa ang bintana ng sasakyan, "Text ka na lang kay Kuya Bada mamaya kapag out mo na. Hindi ko kayo masusundo kasi may meeting sa company. Goodluck sa first day, anak!" Kumaway pa akong ulit sa kanila bago pumasok sa gate ng school.
Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng kape at saka dumiretso sa auditorium dahil may orsem ang freshmen. Malaki ang audi, malamig at mabango sa loob. Sinuyod ko ang loob ng silid, hinahanap ang dalawang kaibigan. "Shyne, here!" narinig ko ang matinis na boses ni Chelsea, nakatayo siyang kinakaway ang dalawang kamay kaya nakita ko naman siya agad.
Nakalapit ako sa puwesto nila at umupo sa reserved seat para sa akin, nagbeso muna sa akin si Che bago may binulong, "Girl, may mga pogi sa likod, mukhang mga varsity."
Kinurot ko ang tagiliran niya, "Nagpapaka-pokpok ka na naman, ikalma mo nga 'yang sarili mo, umagang umaga Chelsea!" natatawa ko siyang pinagsabihan at saka binalingan ng tingin si Georgina na tahimik sa tabi.
"Oy, George," hindi ako pinapansin. "May airpods sa tenga 'yan. Ayaw marinig ang boses ko kaya nagsoundtrip na lang," nagtataray na singhal ni Che na tinawanan ko na lang.
Marahan kong kinaway ang kanang kamay sa harap ni George. Nakita kong kumunot ang noo niya, "Si Shyne na lang ang kulitin mo Chelsea, malapit na 'yon." Malakas ang boses niya, mas malakas kay Che. Nakita kong nagtinginan ang ibang estudyante dahil sa lakas ng pagkakabigkas ni George.
Natatawa namin tinanggal ni Chelsea ang airpods niya at sabay namin binatukan si Georgina. "Gaga ka, ako ang ipapain mo sa bunganga ng babaeng 'yan?" tugon ko matapos mahimasmasan sa pagtawa.
"Anong masama sa bunganga ko, ha?" handa na akong sabunutan ni Chelsea kaya naupo na lang ako at tumahimik.
"Ilang cosmetic products din ang nag-email sa 'kin dahil sa labi ko. Pero sorry sila, para sa product niyo lang Shyne ang pouty lips at magandang mukha ko," nagyayabang niyang tugon.
Umiling iling si Georgina sa mga pinag-sasasabi ni Che. "Ang ganda ganda kaya ng bunganga ko, diba Georgina?" Sinilip muna siya ni George, tumango at sumagot, "Sobrang ingay nga lang."
Natawa kami sa itsura ni Chelsea dahil halatang pikon na siya. Ang lakas mangtrip pero mabilis din maasar ang babaeng 'to. May nakitawa sa likuran namin, mas malakas pa kesa sa'min.
"May nakakatawa ba?" nagtataray niyang ibinaling ang tingin sa isa sa mga lalaki.
"Nothing, miss," tumatawa na sagot sa kaniya ng isa.
Hindi benta kay Chelsea ang sinagot ng lalaki, "Pwede bang tumahimik ka, di ka kasali at 'wag mo nga akong pilosopohin, you said, 'nothing,' pero tumatawa ka. Are you crazy?" maarte pa rin niyang tugon.
"Oh, fierce. Exactly my type, bro." narinig ko ang matunog na pag-ngisi nung lalaki nang sinabi iyon sa kaibigan niya. Mas lalong nainis si Chelsea dahil don, pero sigurado ako ay maghi-histerikal 'yun mamaya, pogi e. "Chill, miss. I didn't mean to offend you, I actually like you," smooth talker, unfortunately, pokpok nga ang kaibigan ko pero badshot siya kanina.
Chelsea look pissed. "Fuckboy," bulong niya pa bago naupo ng tuwid.
"Che, come on. Stop na, magsisimula na ang orientation," pagpigil ko sa kaibigan ko. Hinawakan naman na siya ni Georgina at binigyan ng tubig para kumalma ng kaunti.
Lumingon ako, nagulat na mayroong apat na lalaki, hindi makilala kung sino ang nakausap ni Chelsea. I cleared my throat, "Uhm, hello? I'll apologize in behalf of my friend's attitude earlier. Sorry po talaga, I hope we'll get along in the future," ngumiti sa kanila bago bumalik sa maayos na pagkaka-upo.
Nagsimula na ang orientation at tumagal 'yon ng mahigit isang oras, may 20 minutes pa kami ni George bago magsimula ang unang klase. Hospitality Management ang course ni Che since may hotels sila dito sa Philippines at nagsisimula na rin ang Daddy niya na magtayo ng hotel around Asia.
Business Management naman sa amin ni Georgina dahil both of our parents are company owner.
"Message us later, Che. We gotta go, bye," nagbeso muna kami bago dumiretso sa building ng business courses. Good thing blocking system, magkaklase kami ni Georgina kasi sabay kami nag-enroll nung May.
Nag-apply kaming tatlo sa cheerdance squad last month and fortunately nakapasok naman kami. Labing-lima kaming bagong members ang kinuha nila, palit sa mga 4th year na nag-graduate.
Mabilis kaming nakarating ni George sa unang klase, kakaunti pa lang kami sa room. Kilala kami ng iba sa kanila dahil na rin siguro sa nakikita nila kami sa parties na related sa business. Meron din naman akong namumukhaan pero hindi ko halos maalala ang mga pangalan nila. Kadalasan kasi kapag may mga gatherings ang socialite personalities ay kami-kami lang din nina Chelsea at Georgina ang magkakasama.
May sampung minuto pa naman bago magsimula ang unang klase kaya naisipan kong lumabas. "George, labas lang ako. Hindi ako makalma dito sa upuan ko, I need to breathe. Do you want to come outside?" pakikiusap ko kay Georgina na tinanggihan niya rin naman agad. Iidlip daw muna siya habang wala pa ang lecturer.
Sobrang uncomfortable sa loob ng room, nakatingin halos lahat ang mga kaklase ko sa amin dalawa. Titingin, magbubulungan, sisilip ulit. Their looks are so judgemental. Nakakainis.
I took my chance to seat on the bench right in front of the room since wala naman nakaupo, nilabasa ko ang phone ko at binuksan ang Instagram app na naka-install. I scrolled a bit bago ko naalala na nag-picture pala ako sa kwarto. Nilagyan ko lang ng dusty grain filter para bumagay sa feed ko.
Ni-enhance ko pa ng kaunti bago bumalik sa application para i-post.
makapag-post.
Wala pa man sampung minuto ay marami na ang nakakita nito at nag-like. Hindi rin pinalagpas ng dalawa kong kapatid ang pang-aasar sa akin,
[ @shaunmartin ate ate ate ate ate ate taba mo ate ate ate...
- @_shyne.ing why are u on ig? isusumbong kita kay papa.
- @martin.shino why are u on ig? isusumbong kita kay papa. ]
"Lakas talaga mang-badtrip ng mga kapatid ko, dumayo pa ng Instagram," inis kong binalik sa wall at nagtingin tingin ng ig posts ng mga artista.
diamond.ruiz, elford, and 498 others started following you. 0s
diamond.ruiz, georgeous_faye and justchelsea liked your post. 10s
diamond liked your post. 13s
diamond liked your post. 15s
diamond liked your post. 17s
diamond liked your post. 19s
diamond liked your post. 22s
diamond liked your post. 25s
diamond liked your post. 30s
diamond liked your post. 32s
diamond liked your post. 34s
diamond liked your post. 35s
"May nag-flood na naman," I was about to click the screen to check out the account pero hindi natuloy dahil nagchat na sa'kin si George na andun na raw ang prof kaya agad naman akong tumayo at mabilis na nilakad ang room na nasa harap lang naman ng shade na inupuan ko.
I went inside then sat beside Georgina who's now looking fresh than earlier, siniko ko naman siya at tinanong, "Did you sleep late last night?"
"Yes, Dale was so persistent yesterday to have a video call with me kaya pinagbigyan ko na. Ayun, inabot ng 2 am, I guess? 'Di ko na talaga namalayan, nagising na lang akong katabi ang macbook," she explained.
Tumango naman ako at umaktong nagulat. Marupok si Georgina when it comes to her Dale. Long distance relationship ang meron sila and I'm actually amazed by them. Siguro kung ako nasa lagay niya, nagbreak na kami ng boyfriend ko.
"Well, I'm not surprised anymore George. Hahaha! You really are the definition of marupok," hinampas niya ako sa braso, nasa katinuan na nga siya. Nananakit na e.
Nagsasalita sa harapan ang professor namin sa Finance nang may pumasok sa front door, which is para lang sa mga lecturer. Napatigil sa pagsalita ang professor namin at maingat na binaba ang salamin niya, "I'm hoping that throughout your stay here in Estrello Academe, all of you will be able to acquire the core values." Well she's look intensely at that guy who just came.
He has that ruggedly handsome face, hair's in a messy man bun and still looking so neat in his buttoned down navy blue polo. Moreno, I can tell his eyes were in color hazel brown. Exactly the kind of man that I like, "Is he real?" lutang na tanong ko kay Georgina. "Yes, he is kaya magtino ka na, mukha kang tanga jan na nakatulala sa kaniya," tumatawa siya at mahinang sinampal ang pisngi ko.
Most of the professors were only giving us the subject outline, wala pang proper lecture, for, I think, the whole week? Favorable naman para sa akin dahil maghahanap pa ako ng clubs and organizations.
Si Georgina ay mayroon ng nasalihan which is a political org, she said nag-apply siyang representative for the first years. And that's left me and Chelsea who are club-less.
The next day was super tiring kasi may two subjects kami from 8 am to 1 pm then two hours vacant with one subject only which is our major, Entrepreneurship, from 3 to 6 pm. I almost didn't want to attend the class kasi ang sabi ko ay magbibigay lang ng course outline like what the other professors did. Luckily, napilit ako ni Georgina. First meeting kasi ay nagturo na siya kaagad. Ibang usapan talaga kapag major subject, so scary!
I was so dead when I got home, bumagsak agad ako sa kama at mabilis na naka-tulog.
Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok sa pintuan, "Ate Shyne, gising na, eight o clock na!" Mabilis kong tinungo ang pinto para pagbuksan si Shino, "Alas otso na?!" pasigaw kong tanong sa kapatid.
"You looked awful, ate. You haven't changed your clothes and your breath stinks," maarteng tinakpan ni Shino ang ilong niya gamit ang sariling palad, "oh and by the way, it's still Tuesday, hehe," at tumakbo siyang umalis sa harap ko, and I'm still not digesting everything he said.
Nagmadali naman akong pumasok ng banyo para maligo ng mabilis, I can't afford to enter the class late. Sa sobrang pagmamadali ko ay ginawa ko nang sabon ang shampoo, wala pa man five minutes ay tapos na 'kong maligo.
Lumabas na ako ng CR para magpalit ng damit, unconsciously kong tinignan ang bintana, wondering bakit madilim sa labas.
Hinanap ko ang phone sa loob ng bag at nakitang 8:20 pa lang ng gabi, ngayon lang nagsink in sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Shino. Kumuha na ako ng pajamas bago lumabas ng kwarto, saktong paglabas ko ay tumatawang naka-abang sa pinto ang dalawa. Tag-isa ko silang binatukan, nagulat dahil wala silang malay sa presensya ko na nasa likuran lang nila.
We had dinner with Mama, Papa's not around dahil may business trip sa New York. He's closing a deal with the great Glossier. Supposedly, si Mama ang dapat na pupunta sa main headquarter ng Glossier company but nagsuggest ng panibagong offers ang Glossier kaya si Papa ang pumunta. Kapag na-close ni Papa ang deal niya sa New York ay 'yun na ang magiging biggest break ng company namin na siyang pinaghirapang tinayo ni Papa.
Walang wala ang pamilya nina Papa dati unlike on Mama's side na may mahigit pitong real estate sa iba't ibang parte ng Pilipinas at dalawa naman sa Manhattan at Paris. Since dalawa lang na magkapatid si Mama at Tita An ay sa kanila naiwan ang mga ari-arian nila Lolodad at Mommyla. Kahit na may iilang kumpanya nang hawak si Mama ay hindi pa rin tumigil si Papa na ipakita na kaya niyang buhayin ang magiging pamilya niya kasama si Mama. Later on ay napatunayan din naman ni Papa sa mga magulang ni Mama na karapatdapat siya para sa anak nila. Sa lahat ng love story na nabasa ko, paborito ko talaga ang kuwento nilang dalawa.
Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin dahil nagtatalo si Shaun at Shino kung sino ang dapat na maghugas sa kanilang dalawa. Nilinis ko na rin ang kusina after that ay sumalampak ako sa single couch ng sala para samahan manuod si Mama ng Money Heist. Naunahan niya pa ako when in fact I was the one who suggested that series. I decided to go back to my room kasi ayokong maspoil sa mga susunod na episode so I kissed Mama on her cheek and bid her goodnight.
Right after doing my night skin care routine ay nagsend ako ng video clips sa isa sa mga close kong video editor ng company para sa isang product review na pinadala sa akin ng Nature's Essencial which are skin products.
Nakatulog naman ako kaagad after makipagpalitan ng mensahe sa editor namin.
Kinabukasan.
Nakatambay kami ngayong tatlo dito sa area ng school na may tatlong modern hut na na dalawang palapag. Ang sabi ng senior namin sa business management ay mga engineering at architecture students ang nagpropose nito.
At ginawa raw talaga itong modern huts para sa mga estudyante na walang mapuntahan kapag vacant time. Mayroon din iilan na food stalls around the area, meron din book shelves, bean bag chairs at small tables para sa mga maglalaro ng board games and most importantly, maraming cubicle for students who wanted to sleep.
Not all the time ay puwedeng makapasok dahil may ID scanner sa entrance ng bawat huts, makakapasok ka lang sa loob kung vacant mo talaga ang registered sa ID mo.
I took some shots outside and inside the hut to put it in my instagram story.